Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 1011 - Kabanata 1020

2479 Kabanata

Kabanata 1011

Akala ni Lana nagkamali siya ng dinig, pero malinaw niyang nakita nang bumukas ang manipis na labi ni Jeremy para magsalita. "Sigarilyo." Sigarilyo. Lumapit ito para manghingi ng sigarilyo sa kanya. Kumislap ang mga mata ni Lana, ang pagkataranta sa loob nito ay naglalaho sa sandaling ito. Tumawa siya sa loob niya. Maging ang pinakadeterminadong lalaki ay di kakayanin ang pagdurusa ng lasong unti-unting pinapatay ito mula sa loob. Lumapit sa kanya si Lana nang nakangiti sa kanyang medyo manipis na mukha. "Pwede kong ibigay sa'yo ang sigarilyo kung gusto mo Jeremy, pero dapat maging akin ka." Binigay ni Lana ang kailangan nang titigan niya si Jeremy nang may pagnanasa sa kanyang mga mata. Tinitigan ni Jeremy ang mapagbalak na ngiti at sumagot, "Sige." Nagalak si Lana, nakatitig sa kanya gamit ng lasing nitong mata nang hinaan nito ang boses nito. "Kung ganon, patunayan mo kaya ang determinasyon mo? Medyo natakot ano sa'yo mula noong araw na trinato mo ako nang ganoon dah
Magbasa pa

Kabanata 1012

Hindi naintindihan ni Madeline pero kaagad na natuklasan ang balitang pumasok si Jeremy sa isang hotel kasama ang isang babaeng maikli ang buhok sa gitna ng gabi bago umalis nang magkahiwalay. Isang buwan na mula noong huling makatanggap ng balita si Madeline mula kay Jeremy. Hindi niya inakalang matatanggap niya ito sa ganitong paraan. Maaaring di ito makilala ng iba, pero alam ni Madeline na si Lana ito sa isang tingin lang. Naramdaman ni Madeline na nagdilim ang paningin niya saglit, pero kaagad siyang nahimasmasan nang tawagin ni Ava ang pangalan niya mula sa kabilang linya. "Nababaliw na ba si Jeremy, Maddie? Bakit siya sasama kay Lana?" Naawa si Ava kay Madeline. Hinawakan ni Madeline ang cellphone at pinilit ang kanyang sarili na kumalma. "Nag-divorce na kami Ava. Kahit kanino niya pa gustuhing sumama wala na akong kinalaman doon." Walang bahalang ibinaba ni Madeline ang linya sa kabila ng panginginig ng kanyang puso. 'Bakit Jeremy? Nababaliw ka na ba talaga?' Ha
Magbasa pa

Kabanata 1013

Niluwagan ni Madeline ang pagkakatikom ng kanyang kamay at walang bahalang hinugasan ang kanyang kamay. Pero lumapit si Lana sa kanya para inisin siya. "Talagang kaakit-akit si Jeremy. Hindi pa ako naging ganito kasaya. Ngayon nauunawaan ko na kung bakit gumamit ka ng napakababang paraan para mapakasalan ka niya. "Pero hindi tayo pareho Eveline. Wala akong ginawa kahit ano. Sa halip si Jeremy mismo ang lumapit sa akin." Habang natutuwa sa kanyang sarili, pinag-igihan pa ni Lana ang pang-iinis niya nang makita niyang di kumikibo si Madeline. "Tingin mo ba nagbibiro ako Madeline? Pwede mong tignan kung gusto mo. May marka pa rin si Jeremy na kinagat ko sa balikat niya kagabi! Haha… ugh?" Tumawa si Lana, hindi inaasahang hahawakan ni Madeline ang leeg niya nang mukhang dominante. "Mayroong hangganan ang pasensya ko Lana Johnson. Para sa mga anak ko, siguro kaya ko pang manatiling matino, pero walang hangganan sa mga bagay na kaya kong gawin sa'yo kapag tuluyan mo akong ginalit.
Magbasa pa

Kabanata 1014

Nag hulaan ang nangyari, kaagad niyang ibinaba ang menu at tumakbo papunta kay Madeline. Habang nakatayo sa isang sulok sa underground car park, nanginig si Madeline nang sumakit ang puso niya nang walang-humpay. Nang panoorin si Madeline na pigilan ang nararamdaman nito nang mag-isa sa isang sulok, kaagad na lumapit si Ryan. Nang makita ang lungkot niya, lumapit si Ryan sa kanya. "Kung sobra na ito, pwede kang sumandal sa balikat ko. Di man ako ang taong gusto mong asahan, pero tingin ko pwede akong maging panakip-butas." Unti-unting tumingin sa taas si Madeline sa maamong mukha sa harapan niya nag magsimulang tumulo ang kanyang luha. Lumapit si Ryan at iniunat ang kanyang braso para hilahin si Madeline sa kanyang dibdib. Pinanood ni Jeremy ang eksena mula sa malayo at naramdamang sumakit ang kanyang puso nang balutin ito ng sakit. Ngunit isa na namang nakakailang na pakiramdam sa kanyang katawan ang nagpaalala sa kanya na ang ipaubaya siya ang pinakamagandang magagawa n
Magbasa pa

Kabanata 1015

Bumiyahe palayo si Madeline. Habang nakatayo sa iisang pwesto, naghintay si Jeremy hanggang sa di na nakikita si Madeline mula sa kanyang rear-view mirror bago niya bitawan ang kanyang pagpapanggap. Dinampot ng kanyang maninipis na daliri ang mga sigarilyo sa sahig. Ito ay mga custom-made na sigarilyo, isang replica ng binigay sa kanya ni Lana. Pero hindi ito galing sa kanya. May gumawa nito para sa kanya. Ito ay gawa sa sangkap na pipigil sa lason sa loob ng kanyang katawan. Pero nasasabi niyang hindi ito mabisa. Naisip niya ang sinabi ni Madeline. "Kahit mamatay ka pa di na ulit sasakit ang puso ko para sa'yo." Sumandal siya sa kotse nang walang gana, habang ang nakakaakit niyang mata ay nakatitig sa sahig. 'Baka mas maaga pang dumating ang araw na iyon, Linnie… 'Pero talagang umaasa ako na tuluyan mo na akong susukuan sa mga oras na iyon para kahit paano di ka na masasaktan dito.' Pag-alis niya sa April Hill, hindi alam ni Madeline kung anong iisipin niya nang bumiyahe
Magbasa pa

Kabanata 1016

Sumikip ang dibdib ni Eve, pero siniguro niyang magmukhang nanghahamak. "Bakit naman ako matatakot sa kanya? Pwede niya akong sisantehin kung gusto niya, pero pwede ko pa rin siya sabihan na bayaram ako ng limang beses ng sahod ko!" Bumangon siya at umirap habang nakahalukipkip. "Atsaka ako ang representative ng department natin sa press tuwing gaganapin ang charity gala. Nakaatas sa akin ang isang importanteng bahagi. Ako lang din ang nakakagawa nito. Kaya hindi, tingin ko walang tapang si alam mo na para sisantehin ako." Ang 'alam mo na' ay malinaw na tumutukoy kay Madeline. Naging mayabang ang mukha ni Eve nang mabanggit ang charity gala. "Maging si Mrs. Montgomery ay di ako pinaalis noon, kaya sino si Eveline para gawin ito? Tingin ba talaga niya siya ang president dahil sa kanya ba ang kompanya? Di niyo siguro ito alam, pero dati siyang preso…" Bahagyang hininaan ni Eve ang boses niya nang manlaki ang mga mata ng mga babaeng katrabaho niya sa harap niya. Sa kalagitnaan ng
Magbasa pa

Kabanata 1017

Nang hindi alam kung sino ito, binuksan ni Madeline ang flashlight ng kanyang cellphone at itinutok ito sa direksyon ng hakbang. "Sino yan?" Nagtanong si Madeline, pero sumabog ang bintana sa likuran niya. Kumalat ang mga bubog sa paligid. Kusa siyang sumigaw at narinig ulit ang tunog ng sumasabog na salamin. "Mag-ingat ka!" Isang nag-aalalang boses ng lalaki ang narinig niya. Di nagkaroon ng pagkakataon si Madeline na tignan ang tao nang mapansin niyang hinihila siya sa isang malakas at mainit na yakap. Ang amoy ng ebont ay pumasok sa ilong niya. Kahit na hindi ito isang pamilyar na amoy, di nanibago dito si Madeline. Tumigil lang ang tunog ng pagsabog makalipas ang isang saglit. Ngunit nanatiling nakapatay ang ilaw ng gusali. "Ayos ka lang ba Eveline?" Doon lang napagtanto ni Eveline na si Ryan ito. Umiling siya at tinitigan ang basag na bintana. Nasa ika-28 na palapag sila, kaya ang mabasag ang bintana at malakas na umiihip ang hangin ay delikado. Bakit biglang
Magbasa pa

Kabanata 1018

"Di mo na ano kailangang pasalamatan. Ikinalulugod ko na maging isang taong gusto mong asahan." Naalala niya ang gabi sa titig nito, maamo at malalim. "Gusto ko ako ang unang taong maiisip mo kapag nasa panganib ka at kailangan mo ng tulong." "..." Hindi alam ni Madeline kung paano sasagot, pero tapat ang mga mata nito. Malinaw na ang damdamin nito para sa kanya ay di na basta 'pagkagusto' sa kanya. Kahir na ganoon, tingin pa rin ni Madeline na di nararapat sa kanya si Ryan. May tatlo siyang anak, ikinasal nang dalawang beses, at nag-divorce nang dalawang beses.Nang para bang nararamdaman ang pagkailang na nararamdaman ni Madeline, ngumiti si Ryan at iniba ang usapan. "Kumain tayo ng hapunan. Nag-book na ako ng lugar." Tumango si Madeline habang pinapasalamatan si Ryan sa loob niya sa pagbabago ng usapan. Sa kabilang banda, ibinato ni Lana ang kanyang cellphone kasama ng bagong larawang nakuha niya kay Naomi. Isang larawan ni Ryan na hawak ang isang natatakot na M
Magbasa pa

Kabanata 1019

Habang nakatitig sa nakaunat na kamay ni Ryan, di mapigilang maisip ni Madeline si Jeremy. Ano bang kailangan niya para tuluyang maalis ang lalaking ito sa kanyang isipan at buhay? Dapat bang makaranas siya ng bagong damdamin? "Hindi ganoon kadali ang buhay Eveline. Bigyan mo ang sarili mo ng pagkakataong magsimula muli, at bigyan mo rin ng pagkakataon ang mga taong may pakialam sa'yo." Inabot ni Ryan si Madeline. Ngunit bago pa niya mahawakan ito, isang mapanghamak na boses ang narinig sa ere. "Tsk. Napakaraming mga bisita ang naghihintay sa'yo sa labas, Ms. Montgomery at may oras ka pa na magsayang ng oras para makipaglandian sa lalaking ito dito? Alam ko dapat na ang charity ay laging ginagawa para lang sa imahe." Tumingin sa taas si Ryan at Madeline at nakita si Lana na palapit sa kanila suot ang isang nakakaakit na evening gown. Nakatayo sa tabi niya ay si Jeremy Whitman. Hindi pa ulit nakikita ni Madeline ang lalaki matapos niyang hiwalayan si Jeremy sa dagat ng
Magbasa pa

Kabanata 1020

Nanatiling kalmado si Madeline. May nangyari siguro sa kalagitnaan nito. Wag kang mataranta. Titignan ko." Sumunod si Ryan. "Sasama ako sa'yo Eveline." "Sige." Tumalikod si Madeline. Kaunting hakbang pa lang ang nagagawa niya nang natatarantang sumugod si Eve mula sa jewelry department nang nakasigaw. "Ms. Mongtomery! May nangyaring masama!" Nahuhulaan ni Madeline na ang tinutukoy ni Eve ay ang pondo, pero sa sigaw ni Eve, lumingon ang lahat ng nasa banquet hall para tignan ito."Anong nangyari?" Nagtatakang tanong ng isa. Pagagaanin na ni Madeline ang loob ng mga panauhin nang natatarantang sumagot si Eve, "May nangnakaw mula sa charity funds Ms. Montgomery. 30 milyong dolyar ang naglaho nang parang bula." "Ano? May nangnakaw mula sa charity funds?" "Paano nangyari ito?" "Kailangan nating malaman kung sinong gumawa nito. Paanong may taong ganito kawalang puso para mangnakaw ng pondo para sa charity?" Nagulat at nagalit ang mga panauhin. Kababalik lang ni Jeremy at
Magbasa pa
PREV
1
...
100101102103104
...
248
DMCA.com Protection Status