"Di mo na ano kailangang pasalamatan. Ikinalulugod ko na maging isang taong gusto mong asahan." Naalala niya ang gabi sa titig nito, maamo at malalim. "Gusto ko ako ang unang taong maiisip mo kapag nasa panganib ka at kailangan mo ng tulong." "..." Hindi alam ni Madeline kung paano sasagot, pero tapat ang mga mata nito. Malinaw na ang damdamin nito para sa kanya ay di na basta 'pagkagusto' sa kanya. Kahir na ganoon, tingin pa rin ni Madeline na di nararapat sa kanya si Ryan. May tatlo siyang anak, ikinasal nang dalawang beses, at nag-divorce nang dalawang beses.Nang para bang nararamdaman ang pagkailang na nararamdaman ni Madeline, ngumiti si Ryan at iniba ang usapan. "Kumain tayo ng hapunan. Nag-book na ako ng lugar." Tumango si Madeline habang pinapasalamatan si Ryan sa loob niya sa pagbabago ng usapan. Sa kabilang banda, ibinato ni Lana ang kanyang cellphone kasama ng bagong larawang nakuha niya kay Naomi. Isang larawan ni Ryan na hawak ang isang natatakot na M
Habang nakatitig sa nakaunat na kamay ni Ryan, di mapigilang maisip ni Madeline si Jeremy. Ano bang kailangan niya para tuluyang maalis ang lalaking ito sa kanyang isipan at buhay? Dapat bang makaranas siya ng bagong damdamin? "Hindi ganoon kadali ang buhay Eveline. Bigyan mo ang sarili mo ng pagkakataong magsimula muli, at bigyan mo rin ng pagkakataon ang mga taong may pakialam sa'yo." Inabot ni Ryan si Madeline. Ngunit bago pa niya mahawakan ito, isang mapanghamak na boses ang narinig sa ere. "Tsk. Napakaraming mga bisita ang naghihintay sa'yo sa labas, Ms. Montgomery at may oras ka pa na magsayang ng oras para makipaglandian sa lalaking ito dito? Alam ko dapat na ang charity ay laging ginagawa para lang sa imahe." Tumingin sa taas si Ryan at Madeline at nakita si Lana na palapit sa kanila suot ang isang nakakaakit na evening gown. Nakatayo sa tabi niya ay si Jeremy Whitman. Hindi pa ulit nakikita ni Madeline ang lalaki matapos niyang hiwalayan si Jeremy sa dagat ng
Nanatiling kalmado si Madeline. May nangyari siguro sa kalagitnaan nito. Wag kang mataranta. Titignan ko." Sumunod si Ryan. "Sasama ako sa'yo Eveline." "Sige." Tumalikod si Madeline. Kaunting hakbang pa lang ang nagagawa niya nang natatarantang sumugod si Eve mula sa jewelry department nang nakasigaw. "Ms. Mongtomery! May nangyaring masama!" Nahuhulaan ni Madeline na ang tinutukoy ni Eve ay ang pondo, pero sa sigaw ni Eve, lumingon ang lahat ng nasa banquet hall para tignan ito."Anong nangyari?" Nagtatakang tanong ng isa. Pagagaanin na ni Madeline ang loob ng mga panauhin nang natatarantang sumagot si Eve, "May nangnakaw mula sa charity funds Ms. Montgomery. 30 milyong dolyar ang naglaho nang parang bula." "Ano? May nangnakaw mula sa charity funds?" "Paano nangyari ito?" "Kailangan nating malaman kung sinong gumawa nito. Paanong may taong ganito kawalang puso para mangnakaw ng pondo para sa charity?" Nagulat at nagalit ang mga panauhin. Kababalik lang ni Jeremy at
Tumingin kay Madeline ang lahat ng nasa banquet hall. Dumaan sa kanya ang mga mapaghinalang titig. "Siya ang nagnakaw ng pera?" "Kaya pala pinigilan siya ng trabahador niya na tumawag ng pulis. Magkakasabwat silang lahat dito." "Di ko masasabing nagulat ako pero di ko inasahan ito sa anak ni Mr. Montgomery, sa dami ng tao. Nakakahiya. Paano sila matatahimik ni Mrs. Montgomery nito?" Nang marinig ang ganitong mapanghamak na komento, naramdaman ni Madeline na umaangat ang galit sa loob niya. Pero pinilit niya ang kanyang sarili na kumalma. Pero di niya matiis ang marinig ang mga taong dinadamay ang pangalan ni Sean at Eloise. "Wala lang sa akin ang 30 milyon. Sabihin niyo sa akin kung bakit ko ibubuwis ang pangalan ko sa ganito kaliit na halaga?" Nagtanong pabalik si Madeline, lumingon sa taong nakaatas dito. "Walang nangyari sa personal account ko kaya imposibleng mai-transfer ang 30 million mula sa account ng kompanya." "Itatanggi mo pa ba ito Ms. Montgomery?" Sininghal
"Inagaw mo ang fiancé ko, p*kpok ka!" Siniraan ni Naomi si Madeline gamit ng malalaswang salita. Malinaw sa mga mata niya ang galit niya kay Madeline. Sumimangot si Ryan at hinila si Madeline sa likuran niya. "Walang may kasalanan kung bakit tayo naghiwalay Naomi Lionel! Ikaw ang nagpakita kung gaano kasamang babae ka. Ayaw kong sumama sa taong tulad mo, lalo na ang ikasal sa'yo." Nagpatuloy si Naomi nang may galit sa kanyang mata nang dumapo ang tingin niya sa kamay ni Madeline na hawak ni Ryan at kung paano siya pinagtatanggol nito. "Anong problema sa isang babaeng tulad ko? Paano ako naging mas malala sa p*kpok na ito? Kaka-divorce lang niya at girlfriend mo na siya ngayon? Ibig-sabihin lang niyan na magkasama na kayo bago pa siya ma-divorce! "Hmph! Umaasta siya na parang matikas at mabait na babae pero ang totoo, siya ang uri na mangnanakaw mula sa charity fund! Eveline Montgomery, isa ka lang pekeng p*ta!" Si Ryan na bihira magalit at nanggigigil na ngayon. Ngunit pi
Nagbago ang mukha ni Lana at nabahala ang puso niya. Di maaari. Maayos ang plano niya, gumamit pa siya ng pera para suhulan si Eve. Paano siya nagkamali? Inakala ni Lana na nagpapanggap lang si Madeline. Hindi niya mapigilan na gatungan ang apoy. "Inamin na ito ng kasabwat mo, Eveline. Alam ni Madeline na si Lana ang nasa likod ng buong palabas na ito. Pero siya si Eveline Montgomery, di si Madeline Crawford. Imposibleng basta lang niya papatawarin ang isang tao at kakalimutan kapag may nagbabalak na pagmukhain siyang masama. "Tama ka, walang patutunguhan kung makikipagtalo. Kaya ako tatawag ng pulis." Inilabas ni Madeline ang kanyang cellphone at gumawa ng report sa harap ng lahat. Habang nakaupo pa rin sa sahig, tumingin kay Lana si Eve bago ito kaagad na bumangon para magpatuloy sa pag-arte. "Di ka pwedeng tumawag ng pulis, paano mo ako nagagawang i-set-up Eveline? Ikaw ang nagsabi na ligtas ako kahit malaman nila. Paano mo nagagawang一" Sa halip na magalit, ngumiti
Nagsimula siyang laitin ng madla at sinabi, "Gaano ka kasama para nakawin ang charity funds? Kailangan niyang magdusa ng ilang taon sa kulungan para dito!" Ilang taon? Sa kulungan? Bumilis ang tibok ni Eve sa mga salitang ito at di siya makapaniwalang nagtanong kay Madeline nang dumaan ito, "Inamin mo ba Eveline Montgomery?" Huminto si Madeline para umiling nang walang magawa kay Eve. "Nahuli mo na ako diba? Ano pa bang maitanggi ko?" "..." Nabigla si Eve sa pagtanggap ni Madeline. Habang nakatitig sa naguguluhang mukha ni Eve, nagpatuloy si Madeline, "Pero sinabi ng pulis na di sila nakahanap ng ebidensya na ako ang nag-utos sa'yo, kaya maaaring di ako mapatawan sa huli. Makakalabas ako sa loob ng ilang araw, pero di ko alam sa'yo…" Sinadyang huminto ni Madeline nang titigan niya ang natatarantang mukha ni Eve. "Nakakita ng camera footage ang pulis ng pag-transfer mo ng pondo, kaya malamang mapapatawan ka. Ang transfer ay medyo malaki kaya kahit paano aabutin ka ng isang
Nang maramdaman ang mga nagdududang titig ng mga nasa paligid niya na dumadapo sa kanya, alam ni Lana na hindi siya pwedeng tumakbo. Sa halip, nagpanggap siya na walang alam. "Di man kita kilala, miss. Pakiusap wag mo akong pagbintangan sa bagay na di ko ginawa!" "Anong sinasabi mong di mo ako kilala? Ikaw ang naghintay sa labas ng opisina ko noong nakaraang Biyernes at tinawag ako! Ikaw ang nagsabi sa akin na magtulungan tayo!" Bintang ni Eve habang lalong naiinis. "Ginagamit mo lang ako para itumba si Eveline Montgomery diba? Paano mo nagagawang maging ganito kasama?" Nang marinig ito, bumulong si Madeline sa kanyang sekretarya na si Coco na nakatayo sa tabi niya. Tumango si Coco at kaagad na naglakad palayo. Itinaas ni Madeline ang tingin niya kay Lana ngunit sa halip ay dumapo ang tingin niya kay Jeremy na nakatayo sa likod ng babae. Nagkatitigan sila at walang bahalang inilayo ni Madeline ang tingin niya. Tuluyan nang nawala ang pagiging kalmado ni Lana nang titigan