Nang maramdaman ang mga nagdududang titig ng mga nasa paligid niya na dumadapo sa kanya, alam ni Lana na hindi siya pwedeng tumakbo. Sa halip, nagpanggap siya na walang alam. "Di man kita kilala, miss. Pakiusap wag mo akong pagbintangan sa bagay na di ko ginawa!" "Anong sinasabi mong di mo ako kilala? Ikaw ang naghintay sa labas ng opisina ko noong nakaraang Biyernes at tinawag ako! Ikaw ang nagsabi sa akin na magtulungan tayo!" Bintang ni Eve habang lalong naiinis. "Ginagamit mo lang ako para itumba si Eveline Montgomery diba? Paano mo nagagawang maging ganito kasama?" Nang marinig ito, bumulong si Madeline sa kanyang sekretarya na si Coco na nakatayo sa tabi niya. Tumango si Coco at kaagad na naglakad palayo. Itinaas ni Madeline ang tingin niya kay Lana ngunit sa halip ay dumapo ang tingin niya kay Jeremy na nakatayo sa likod ng babae. Nagkatitigan sila at walang bahalang inilayo ni Madeline ang tingin niya. Tuluyan nang nawala ang pagiging kalmado ni Lana nang titigan
Kalmadong tumingin sa kanya si Jeremy. "Wala kang dapat katakutan kung inosente ka." "Syempre inosente ako!" Sigaw ni Lana tapos tinitigan niya nang masama si Eve. Basta lang siyang umirap nang isang pares ng posas ang inilagay sa kanyang braso. Natulala siya. "Bakit niyo ako inaaresto mga officer? Sinabi ko na sa inyo ang lahat ng nalalaman ko. Bakit niyo pa rin ako inaaresto?" "Sino palang aarestuhin nila? Ako?" Ngumiti si Madeline at sumagot. "Sinasabi mo na inosente ka Eve at ginamit ka lang. Pero di sana mangyayari ito kung di mo binabalak na gawan ako ng masama noong umpisa pa lang." "..." Habang tulala, tinitigan ni Eve ang kalmadong mukha ni Madeline. Di lang pakiramdam niya isa siyang tanga dahil nagpagamit siya, tuluyan rin siyang natalo kay Madeline. Ngayong nailayo na si Lana at Eve, nagdabog si Naomi sa galit. Nanood siya habang namumula ang mata sa inggit nang depensahan ni Ryan si Madeline. Lahat ng nagsalita nang masama at nagduda kay Madeline ay lumap
Huminto ang paglalakad ni Jeremy at di siya makahakbang. Pinanood niyang ngitian ni Madeline si Ryan, habang ang labi niya. Hinihiling niya na ang ngiting ito ay para sa kanya. Ngunit alam ni Jeremy na di na siya karapat-dapat sa ngiting ito. Nang hawakan ang kamay ni Madeline, lumingon si Madeline at huminto siya sa tabi ni Jeremy at magbungguan sila ng balikat. "Bakit ka pa nandito? Pyansahan mo na ang girlfriend mo sa police station. Nang may boyfriend na kasinghusay mo, makakalabas din siya kaagad." Alam ni Jeremy na hinahamak siya ni Madeline. Habang nakangiti nang walang bahala, tinignan niya ang matikas at malayong mata ni Madeline. "Salamat sa paalala Ms. Montgomery. Susunduin ko na pala pauwi ang girlfriend ko." Sunduin pauwi. Pauwi. Hinawakan ni Madeline nang kamay ni Ryan nang umihip ang lamig sa butas ng kanyang puso. Habang di pinapansin si Jeremy, lumingon siya para ngitian si Ryan. "Alam mo Rye, ang dating kasal ko ay isang malaking palpak. Sa totoo l
'Bakit ko kailangang umabot sa pampang? 'Di mo ito kasalanan Linnie. Di ako nararapat sa'yo noong simula pa lang. 'Sana di mo na ako maisip, ang lalaking pinaiyak ka nang maraming beses.' Sinigurado ni Jeremy na di niya papyansahan si Lana. Sa halip, sinigurado niya na nanatili muna siya ng 48 na oras sa ilalim ng kustodiya ng pulis bago niya ito pyansahan. Pagbalik ni Lana sa villa, sinimulan niyang pagsalitaan nang masama si Madeline. "Talagang may tinatagong alas ang dati mong asawa Jeremy." Nanghamak siya at sinabi, "Di ba siya natatakot na baka patayin ko siya isang araw?" Nagsalubong ang kilay ni Jeremy nang nagkaroon ng isang bagyo ng yelo sa kanyang mga mata. "Hiwalay na kami ni Eveline. Bakit ba pinapahirapan mo pa ang sarili mo para lang guluhin siya?" Nagngitngitan ang ngipin ni Lana nang nanlulumo nang lumapit siya kay Jeremy nang may pagdududa. "Mahal mo pa si Eveline ano Jeremy?" "Inaying ko siya noon oo. Kahit anong mangyari isa siyang magandang babae." W
"Eveline!" Huli na si Ryan para pigilan ito at kaagad na tumawag ng can mula sa tabi ng kalsada, gustong habulin ang kotse. Kaagad niyang tinawagan ang numero ni Madeline, ngunit sa sandaling kumonekta ito, naputol ito. Habang nag-aalala sa baka kung anong magawa ng mga tao sa loob ng kotse, di nagdalawang-isip si Ryan na tumawag pabalik sa tumawag sa kanya kanina lang. "I-deploy niyo kaagad ang Team A. Mag-online kayo at sundan niyo ang sasakyan ko. Siguraduhin niyong wala sa panganib ang mga tao sa loob ng kotse!" Natanggap ng nasa kabilang linya ang utos ni Ryan at kaagad na sumunod. Kasalukuyan sa loob ng kotse ni Ryan. Isang makintab na patalim ang nakatutok sa leeg ni Madeline, at sa harap niya, nakita niya si Naomi na nakahawak sa manibela gamit ng isang kamay at gumegewang nang natataranta. Naiilang niyang minaneho ang kotse at dumaan sa ilang red light. Kakatapos lang ni Madeline sa nangyari sa charity nigjt nitong nakaraang dalawang araw at nakahanap lang ng o
Nang marinig ito ni Naomi, malinaw na nairita siya. "Imposible nang magsama tayo diba? Gusto mong makasama si Eveline diba? Sige, mamamatay ako kasama niya!" Tila ba parang sinapian ng demonyo si Naomi. Hinawakan niya ang patalim at sasaksakin na si Madeline sa puso. Nang iiwas na si Madeline, bigla niyang nakita si Ryan na may binunot sa kanyang damit at inilabas ang isang revolver mula sa likod niya. Itinutok niya ito sa patalim ni Naomi at nagpaputok. Asintadong tumama ang bala sa hawakan ng patalim. Kaagad na napabitaw ng pagtama si Naomi mula sa sakit, at ang patalim ay nahulog sa sahig. Habang nagugulat pa si Madeline sa ginawa ni Ryan, nakalapit na sa kanya si Ryan, naglabas ng isang panyo, at idinampi ito sa kanyang dumudugong leeg. "Ayos ka lang ba Eveline?" Nang makitang sobrang nag-aalals si Ryan kay Madeline, dinampot ni Naomi ang patalim at gustong saktan ulit si Madeline. Ang nakataas na kamay ni Naomi ay biglang kumaskas sa mainit na bala. Napasigaw siya sa
Narinig ni Madeline ang iyak ng anak niya at nagmadaling lumabas nang nakapaa. Dalian niyang dinampot ang bata para patahanin ito at inabot ang bote. Ngunit nang mahawakan niya ito, pakiramdam niya na kakagamit lang ng bote at medyo mas kaunti na ang laman ng bote. Tinignan niya ang bata na umiiyak pa rin nang nagtataka. Imposible na makuha nito ang bote at uminom nang mag-isa. Naisip niya na baka si Karen ang dumating kaya di na ito masyadong inisip ni Madeline. Matapos patulugin ang bata, pinatuyo niya ang kanyang buhok at humiga sa kama. Pagod na pagod siya habang nakabukas ang lampara, pero matagal siyang di nakatulog. Binuksan ni Madeline ang aparador sa tabi ng kama at kinuha ang dalawang wedding ring maging ang kabibe at bookmark. Matapos tumingin nang maigi saglit, inilagay niya ang mga ito sa isang jewelry box at itinabi ito sa ilalim ng aparador. Nang tignan ang kabilang dulo ng kama, itinaas niya ang kanyang kamay at marahang hinaplos ang unan. "Bakit lagin
"Gusto mo akong samahan?" Nagulat si Lana. "Talaga?" Tumango si Jeremy. "Kasintahan mo na ako ngayon. Diba dapat lang na samahan kita para asikasuhin ang mga bagay-bagay?" Nang marinig ito, lalong lumaki ang ngiti ni Lana. "Okay, pwede kang sumama sa akin." Ang tagpuan nila ay isang five-star restaurant, at si Jeremy ay naglalakad sa tabi ni Lana nang pumasok sila sa isang pribadong kwarto. Ang taong ito ay isang ginoo na hindi mukhang isang taong madadawit sa ilegal na transaksyon, ngunit nakakaloko ang itsura. Walang bahalang nakinig si Jeremy na para bang isa lang siyang palamuti na sumasama kay Lana. Di nagtagal bago mapag-usapan ito nang maayos. Pag-alis niya, nang-asar pa ang lalaki at sinabi, "Ms. Johnson, di na rin masama ang boyfriend mo. Mukhang lalaki nang lalaki ang negosyo ng Stygian Johnson Gang." Mayabang na naglabas ng sigarilyo si Lana. "Syempre. Ibibigay ko ang bahagi ng negosyo sa boyfriend ko pagkatapos nito at makikiusap ako kay Mr. Xavier na bantayan