Nang marinig ito ni Naomi, malinaw na nairita siya. "Imposible nang magsama tayo diba? Gusto mong makasama si Eveline diba? Sige, mamamatay ako kasama niya!" Tila ba parang sinapian ng demonyo si Naomi. Hinawakan niya ang patalim at sasaksakin na si Madeline sa puso. Nang iiwas na si Madeline, bigla niyang nakita si Ryan na may binunot sa kanyang damit at inilabas ang isang revolver mula sa likod niya. Itinutok niya ito sa patalim ni Naomi at nagpaputok. Asintadong tumama ang bala sa hawakan ng patalim. Kaagad na napabitaw ng pagtama si Naomi mula sa sakit, at ang patalim ay nahulog sa sahig. Habang nagugulat pa si Madeline sa ginawa ni Ryan, nakalapit na sa kanya si Ryan, naglabas ng isang panyo, at idinampi ito sa kanyang dumudugong leeg. "Ayos ka lang ba Eveline?" Nang makitang sobrang nag-aalals si Ryan kay Madeline, dinampot ni Naomi ang patalim at gustong saktan ulit si Madeline. Ang nakataas na kamay ni Naomi ay biglang kumaskas sa mainit na bala. Napasigaw siya sa
Narinig ni Madeline ang iyak ng anak niya at nagmadaling lumabas nang nakapaa. Dalian niyang dinampot ang bata para patahanin ito at inabot ang bote. Ngunit nang mahawakan niya ito, pakiramdam niya na kakagamit lang ng bote at medyo mas kaunti na ang laman ng bote. Tinignan niya ang bata na umiiyak pa rin nang nagtataka. Imposible na makuha nito ang bote at uminom nang mag-isa. Naisip niya na baka si Karen ang dumating kaya di na ito masyadong inisip ni Madeline. Matapos patulugin ang bata, pinatuyo niya ang kanyang buhok at humiga sa kama. Pagod na pagod siya habang nakabukas ang lampara, pero matagal siyang di nakatulog. Binuksan ni Madeline ang aparador sa tabi ng kama at kinuha ang dalawang wedding ring maging ang kabibe at bookmark. Matapos tumingin nang maigi saglit, inilagay niya ang mga ito sa isang jewelry box at itinabi ito sa ilalim ng aparador. Nang tignan ang kabilang dulo ng kama, itinaas niya ang kanyang kamay at marahang hinaplos ang unan. "Bakit lagin
"Gusto mo akong samahan?" Nagulat si Lana. "Talaga?" Tumango si Jeremy. "Kasintahan mo na ako ngayon. Diba dapat lang na samahan kita para asikasuhin ang mga bagay-bagay?" Nang marinig ito, lalong lumaki ang ngiti ni Lana. "Okay, pwede kang sumama sa akin." Ang tagpuan nila ay isang five-star restaurant, at si Jeremy ay naglalakad sa tabi ni Lana nang pumasok sila sa isang pribadong kwarto. Ang taong ito ay isang ginoo na hindi mukhang isang taong madadawit sa ilegal na transaksyon, ngunit nakakaloko ang itsura. Walang bahalang nakinig si Jeremy na para bang isa lang siyang palamuti na sumasama kay Lana. Di nagtagal bago mapag-usapan ito nang maayos. Pag-alis niya, nang-asar pa ang lalaki at sinabi, "Ms. Johnson, di na rin masama ang boyfriend mo. Mukhang lalaki nang lalaki ang negosyo ng Stygian Johnson Gang." Mayabang na naglabas ng sigarilyo si Lana. "Syempre. Ibibigay ko ang bahagi ng negosyo sa boyfriend ko pagkatapos nito at makikiusap ako kay Mr. Xavier na bantayan
Hindi inasahan ni Jeremy na pakakasalan ni Madeline si Ryan. Akala niya nagsisinungaling sa kanya ngunit nang buksan niya ang invitation letter, talagang nakita niya ang pangalan nila. "Ikakasal ka na agad nang ikalawang beses?" Nakangiting tanong ni Jeremy. Tumingin sa kanya nang walang pakialam si Madeline. "Hindi, nagkakamali ka, ikatlo na ito." "..." "Nakipaghiwalay na ako at nakipagbalikan sa'yo nang maraming beses, pinapakasalan ka pa nang dalawang beses at hinihiwalayan ka nang dalawang beses. Noong gipit ako na makuha ang divorce certificate nang pangalawang beses, akala ko na ikaw ang susuporta sa akin buong buhay ko, pero pinatunayan ng katotohanan na di tayo pwedeng magsama." Tumingin si Madeline sa lalaki nang may ngiti sa kanyang labi, nakatingin dito nang walang bahala. "Pagod na talaga ako. Noong bata pa ako, umasa ako na mamahalin at aalagaan ako ng magulang ko. Makalipas ang halos 30 taon, nakuha ko na ito pero ngayon iniwan na nila ako habang buhay. Pagl
Hindi binigyan ni Jeremy ng pagkakataon si Karen na magtanong pa. Bumangon siya at umalis. Para di maistorbo si Madeline, di na ulit tinawag ni Karen si Jeremy. Nang makita si Jeremy na pumasok sa kwarto ni Jackson at Lilian, hindi na niya ito sinundan para di sila magulo. Niyakap ni Jeremy ang dalawang maliit na bata na natutulog. Nang tignan ang dalawang kalmadong mukha, napuno ng pagsisisi ang puso niya. Ibinaling niya ang tingin niya sa natutulog na si Lilian, habang ang malalim niyang mata ay mamasa-masa at maamo. "Lilian, di na ako magkakaroon ng pagkakataong marinig kang tawagin akong 'Daddy' pero ikaw lang ang nag-iisang prinsesa sa puso ko." Yumuko siya at gustong halikan ang pisngi nito, ngunit nang maisip niya ang dugong inubo niya, pakiramdam niya na di man lang siya karapat-dapat na hawakan ang bata. Malungkot na umalis si Jeremy habang tahimik na nakatingin sa pinto ni Madeline nang matagal bago siya maghandang umalis. Ngunit pagtalikod niya nakita niya si J
Nang marinig ang sinabi ng anak niya, parang may humihila sa kamalayan ni Madeline. Nahimasmasan siya at kumalma, tapos nagtanong nang nakangiti, "Jack, sinabi ba talaga niya yan sa'yo? Kailan niya ito sinabi sa'yo?" "Pumunta si Daddy para dalawin kami ni Lily kagabi, pero umalis din kaagad siya." Puno ng lungkot ang malalaking mata ni Jackson. Makikita dito na malalim ang nararamdaman nito para kay Jeremy. Lalong nagulo ang tibok ng puso ni Madeline matapos pakinggan ang sinasabi ng kanyang anak. Nang tila ba parang walang nangyari, hinalikan niya sa pisngi ang bata at pinagaan ang loob nito. "Jack, kumain ka muna ng almusal. Tignan mo oh, patapos nang kumain si Lily." Nang marinig ni Lilian na binanggit siya ni Madeline, itinaas niya ang kanyang masiglang tingin at ngumiti. Bahagyang naghilom ang sugatang puso ni Madeline sa maamong ngiti nito, ngunit nababahala pa rin siya sa sinabi ng anak niya kanina. Matapos ihatid ang dalawang bata sa eskwelahan, nag-alinlangan sag
Sinulyapan ni Madeline si Lana. "Ang sabi ko, may kailangan akong sabihin sa'yo." Isang maliit na ngiti ang lumitaw sa gwapong mukha ni Jeremy. "Walang mga tigalabas dito. Ang negosyo ko ay negosyo din ng girlfriend ko. Kung may sasabihin si Ms. Montgomery, sabihin mo lang." Namatay nang tuluyan ang puso ni Madeline sa masamang ugali ni Jeremy. Nang magsasalita na siya, lumapit si Lana at tumabo kay Jeremy. Malandi ang tono nito nang sinabi nito, "Jeremy, bilang girlfriend mo, di ko guguluhin ang usapan niyo ni Ms. Montgomery. Pupunta ako sa dessert shop sa baba para gumawa ng reservation. Hihintayin kitang bumaba at uminom ng tsaa mamaya kasama ko." Ngumiti nang marahan si Jeremy kay Lana. "Sige mauna ka na. Bababa ako para samahan ka mamaya." "Sige." Ngumiti si Lana at nilagpasan si Madeline nang nakangiti nang kampante. "Ms. Montgomery, balita ko ikakasal ka na kay Ryan Jones. Dahil nagawa mong makahanap ng lalaking magpapakasal sa'yo matapos mong ma-divorce, talagang di s
Ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig ay puno ng matinding inis. Ang malamig niyang mata ay may parehong mapagtaboy na pakiramdam tulad noon. Tinignan ni Madeline ang matigas at seryosong mukhang ito nang walang pag-aasam o liwanag sa kanyang mga mata. "Wag kang mag-alala, di na ako makikipagkita sa'yo. Di na ikaw ang taong mahal ko. Sa sandaling pinili mo si Lana, sinukuan na kita." "Mabuti kung ganyan," Ngumisi si Jeremy sa sulok ng kanyang nakakaakit na labi, "Ayaw ko nang isipin mo pa ako. Alam mo ba na nitong nakaraang mga taon, napagod ako sa pagkapit mo sa akin?" Napagod. Lumalabas na matagal na itong pagod sa pagmamahal at pag-aasam niya dito. Muling nanginig ang malamig na puso ni Madeline. Sa sandaling ito, tumunog ang cellphone niya. Tumatawag si Ryan. Sinagot ni Madeline ang tawag at narinig niya ang maamong boses ni Ryan. "Nasa ibaba ako ng Whitman Corporation. Matagal ka pa ba?" Inayos ni Madeline ang emosyon niya at sumagot, "Ryan, bababa din agad