Nakaupo si Madeline sa loob ng kotse ni Ryan. Habang nakatingin sa palasingsingan niyang walang laman, naalala niya ang paghihiwalay at pagbabalikan nila ni Jeremy nutong nagdaang mga taon. Bigla siyang naguluhan. Sa mga taong ito, talaga bang minahal siya ni Jeremy? Siguradong oo. Ito ang dahilan kung bakit nagawa nitong protektahan siya anuman ang kapalit noon. Ito ang dahilan kung bakit tuwing niyayakap siya nito dati kapag matutulog, magpapakita ito ng isang ngiti na dalisay at parang bata. 'Pero Jeremy, saan ba tayo nagkamali at naging ganito ang kinalabasan sa pagitan natin…' Tahimik na sumakit ang puso niya. Iniabot ni Ryan bigla ang kamay nito at marahang hinawakan ang kamay niya. Hindi ito nagsalita at tinignan lang nang malambing si Madeline. "Gusto kong gawing simple ang kasal. Ano sa tingin mo?" Tinanong nang marahan ni Ryan ang opinyon ni Madeline. Ang mga Jones ay isang kilalang pamilya sa Glendale. Ngayong ikakasal na si Ryan, malamang na sisikat ang kasa
Kakapasok pa lang ni Madeline sa pintuan ng kwarto nang biglang namatay ang mga ilaw sa loob. Sa isang sandali, nakaramdam siya ng isang itim na anino na dumaan sa kanyang mga mata, pero sandali lamang ito. Kaagad na kumilos si Madeline at kaagad na binuksan ang ilaw. Pero pagkatapos bumukas ng mga ikaw ay walang tao sa loob ng kwarto––tanging isang nakabukas lang na wedding photo album ang nasa kama. Pumasok si Madeline at bahagyang naamoy ang isang mahina at malamig na bango. Kaagad siyang may naintindihan. Nang makita niya ang kanyang sarili na malungkot na nakangiti sa wedding photo at ang malamig at walang sigla na mukha ng lalaki, marahan niyang dinampot ang wedding photo album bago ito mapuwersang pinunit sa dalawa. Nakita ni Jeremy ang eksenang ito mula sa likod ng kurtina ng balkonahe. Para bang tinataga ng isang matalim na kutsilyo ang kanyang puso. Pinanood niya si Madeline na nilapag ang jewelry box na kanyang marahang hawak bago siya umalis nang hindi man lang
"Jeremy, anong tinitignan mo? Kulay green na ang ilaw," paalala ni Lana. Nang titignan pa lang niya ang direksyon na tinitignan ni Jeremy ay umandar na ang kotse. Kumuha ng tisyu si Jeremy para punasan ang dugo sa gilid ng kanyang bibig. Hindi napansin ni Lana na umuubo ng dugo si Jeremy, nakapangalumbaba lang siya habang tinitignan si Jeremy na nagmamaneho nang may nabibighaning mukha. "Jeremy, napakakisig mo talaga. Dati marami akong mga lalaki na sinamahan, pero kakaiba ka. Gustong-gusto ko talaga na makasama ka habangbuhay." Nilingon ni Jeremy pagilid si Lana. "Ganoon mo ba talaga ako kagusto?" "Syempre." Puno ng pagkahumaling ang mga mata ni Lana at mukha siyang kampante. "Unti-unti mo kong mamahalin at makakalimutan mo ang Eveline na yun dahil naniniwala ako na ang pag-ibig ay tumatagal." Makahulugang ngumiti si Jeremy. "Naniniwala rin ako." Kuntento si Lana sa kanyang sagot, pero tinignan niya pa rin ang direksyon na tinititigan ni Jeremy kanina. ...Nang sinusu
Splash, splash! Nagpupumiglas si Lilian sa tubig. Samantala, nakatayo si Lana sa tabi ng pool at natutuwa sa nakikita niya. Pinanood niya si Lilian na unti-unting huminto sa kanyang pagkilos at dahan-dahang lumubog sa ilalim ng pool. Pagkatapos ay nanigarilyo si Lana, ang kanyang mga mata ay mas lalong naging baliw at nakuntento. "Eveline, mukhang malapit ko nang makita kung anong itsura mo kapag nagdurusa ka sa sakit."Ngumiti si Lana sabay tumalikod at lumabas. Balak niyang iligpit ang bangkay ni Lilian pagbalik niya. Nakarinig ng mga kakaibang tunog si Fabian na lumabas ng bahay para sagutin ang kanyang phone. Naglakad siya papunta sa pool kung saan nanggagaling ang tunog. Noong una, akala niya ay isa itong ibon na pumapagaspas sa swimming pool, pero nang tinitigan niya itong maigi, nalaman niya na isa pala itong bata! Hindi niya alam kung bakit may bata sa tubig. Nagmadali siya at tumalon sa tubig nang walang pag-aalinlangan. Nang makita niya na ang batang babae ay s
Makatwirang sumagot si Fabian. "Nakababata ko tong kapatid. Sino ang hindi naligo kasama ng kuya nila noong mga bata sila? Anong masama sa pagtingin?! At saka, pinapalitan ko lang ng damit si Lily. Hindi yon bastos kagaya ng iniisip ninyo!" Nagtakip ng bibig si Earl at Red at tumawa nang marinig iyon. Sa loob ng kwarto, seryoso si Fabian sa pagpapalit ng damit ni Lily. Sinabihan pa niya sina Earl at Red ba pumunta kaagad sa mall para bumili ng mga damit habang marahan niyang pinapatuyo ang buhok ni Lily at pinunasan ang kanyang mukha. Nang makita niyang unti-unting bumabalik ang kulay sa mukha ng bata ay dahan-dahang lumitaw ang isang ngiti sa mukha ni Fabian. "Kapag nandito ako, tiyak na magiging ayos lang si Lilian. Nangako siya pero kakaiba kung paano napunta si Lily sa pool sa kanilang bahay. Kahit na wala siyang talino para sa negosyo hindi gaya ni Yorick, hindi rin siya tanga. Kaagad niyang naisip si Lana at nagpasyang pagpaliwanagin si Lana pagkatapos magising ni L
Nandidiring tinignan ni Jeremy ang likod ni Lana at naiinis na bumaba ng kotse para sundan siya. "Ang sweet naman!" May pangungutya ang tono ni Lana kina Madeline at Ryan. Bumitaw si Madeline sa yakap ni Ryan. Nang tumingin siya kay Lana, nakita niya rin si Jeremy na nakasunod kay Lana. Ang kanyang mga luhaang mata ay naging matalim at mayroong malamig na kinang sa mga ito. Ngunit hindi na gustong magsayang ni Madeline ng oras. Lumingon siya kay Ryan at nagsabing, "Rye, pumunta tayo sa police station." "Sige." Tumango si Ryan at humakbang para hawakan ang kamay ni Madeline. Sandaling napahinto si Madeline nang maramdaman niya ang mainit na palad ni Ryan pero hindi siya bumitaw. Kahit na madilim na ang gabi ay nakita pa rin niya ang mga luha sa mata ni Madeline. 'Umiyak siya. 'Bakit siya umiyak?' Maingat niyang inisip. Nang makita niyang ihahatid na ni Ryan si Madeline paalis, binuksan ni zherrny ang kanyang bibig at nagpanggap na nang-iinis, "Mr. Jones, hindi ba
Inapakan ni Lana ang preno nang marinig niya ito. Tinignan niya ang gwapo at malamig na lalaki nang may pananabik at antisipasyon. "Jeremy, totoo ba ang sinabi mo?" "Sa tingin mo ba peke to? Kahit na sa kung paano kita tratuhin, hindi mo pa rin nararamdaman?" Simpleng tanong ni Jeremy. Nag-isip sandali si Lana at wala na siyang pagdududa. "Kung ganon, Jeremy, kahit na may mangyari sa anak ninyo ni Madeline, wala ka nang pakialam?" Tahimik na tinago ni Jeremy ang lungkot sa kanyang mga mata. "Sinabi ko na sa'yo, ikaw lang ang mahalaga sa'kin ngayon." "Kung ganon, magaling." Ngumiti si Lana sabay nagsabing, "Hindi inaasahang nakasalubong ng kasamahan ko ang anak na babae ni Eveline at nairita siya sa bata kaya pinatahimik niya siya." Biglang sumara ang mga kamay ni Jeremy, pinipigilan niya ang kanyang mga emosyon. "Anong ibig sabihin mo sa 'pinatahimik'?" "Nagkusa siya na lunurin ang bata." Itinikom ni Jeremy ang kanyang mga kamao nang marinig niya ito. Nasisiraan na siya
Tatapusin na sana ni Jeremy si Lana nang marinig niya si Felipe na galit na nagmumura. Maganda ang timpla ni Lana pero pinagalitan siya kaagad ni Fabian sa sandaling makapasok siya ng bagay. Nanigas ang kanyang ekspresyon. Bubuksan na sana niya ang kanyang bibig para sumagot nang makita niya si Fabian na karga ang ligtas na si Lilian sa kanyang mga braso.Nakita rin ni Jeremy si Lilian. Ang kanyang sugatang puso na nagkabutas-butas na ay kaagad na naghilom. ‘Lillian.'Ang munti kong prinsesa. 'Ayos ka lang pala. Buti naman! 'Natatakot si Daddy na baka may nangyaring masama sa'yo. Kapag nasaktan ka, talagang masisira ba kami ng nanay mo.' Tahimik na nasa isip ni Jeremy, pagkatapos ay narinig niya si Fabian na pagalitan muli si Lana. "May inutusan ka para kidnapin si Lilian, tama? Binato mo sa pool ang bata nang walang pakialam kung mamatay ba siya o mabubuhay. Tao ka pa ba?" "Fabian Johnson! Manahimik ka!" Sobrang nagalit si Lana. "Kailan ko kinidnap ang batang to? Wag k