Share

Kabanata 1044

Inapakan ni Lana ang preno nang marinig niya ito. Tinignan niya ang gwapo at malamig na lalaki nang may pananabik at antisipasyon. "Jeremy, totoo ba ang sinabi mo?"

"Sa tingin mo ba peke to? Kahit na sa kung paano kita tratuhin, hindi mo pa rin nararamdaman?" Simpleng tanong ni Jeremy.

Nag-isip sandali si Lana at wala na siyang pagdududa.

"Kung ganon, Jeremy, kahit na may mangyari sa anak ninyo ni Madeline, wala ka nang pakialam?"

Tahimik na tinago ni Jeremy ang lungkot sa kanyang mga mata. "Sinabi ko na sa'yo, ikaw lang ang mahalaga sa'kin ngayon."

"Kung ganon, magaling." Ngumiti si Lana sabay nagsabing, "Hindi inaasahang nakasalubong ng kasamahan ko ang anak na babae ni Eveline at nairita siya sa bata kaya pinatahimik niya siya."

Biglang sumara ang mga kamay ni Jeremy, pinipigilan niya ang kanyang mga emosyon. "Anong ibig sabihin mo sa 'pinatahimik'?"

"Nagkusa siya na lunurin ang bata."

Itinikom ni Jeremy ang kanyang mga kamao nang marinig niya ito. Nasisiraan na siya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status