Naalala ni Madeline ang sigarilyong kinuha niya mula sa kahon ni Jeremy noon. Kinuha niya ang sigarilyo upang alamin ang mga nilalaman nito. Subalit, sunod-sunod ang mga pangyayari kasunod nito. Namatay ang mga magulang niya, at si Jeremy ang naging dahilan ng pagkamatay nila. Napuno siya ng poot at paghihinagpis, at tuluyan niyang nakalimutan ang tungkol sa sigarilyo. Pagkaalis nila Fabian at Ryan, bumalik sa kwarto si Madeline upang bantayan si Lillian. Noong maisip niya ang tungkol sa kagustuhan ni Lillian na kargahin siya ni Jeremy pagkatapos niyang madapa ngunit hindi man lang siya pinansin ni Jeremy, malamang ay nalungkot ng husto ang bata. Kahit masyado pang bata si Lillian at hindi pa niya masabi ng maayos ang mga saloobin niya, mararamdaman pa rin niya na ayaw sa kanya ni Jeremy. Lalong naghinala si Madeline. 'Paano naging ganun kasama ang isang tao? Nasa sigarilyo siguro ang sagot.' Buong gabing sinamahan ni Madeline si Lillian at hindi niya namalayan na nakatul
Naglakad si Madeline palapit kay Jeremy. Tanging na kay Jeremy lang ang atensyon niya. Hindi alam ni Jeremy kung bakit siya pinuntahan ni Madeline, ngunit masaya siyang makita si Madeline.Yung nga lang, noong oras na makalapit si Madeline kay Jeremy, tinaas niya ang kanyang kamay at sinampal niya ng malakas si Jeremy. Nagulat si Jeremy. Nagulat ang lahat sa nangyari. Natahimik silang lahat at walang kahit na anong tunog ang maririnig sa buong conference room. Nang makita niya ang nangyari, natulala rin si Ken sa loob ng ilang sandali. Pagkatapos, agad niyang pinakiusapan ang lahat na lumabas ng conference room bago siya sumunod sa kanila. Sinara niya ang pinto paglabas niya. Sa isang iglap, tanging si Madeline at Jeremy lang ang naiwan sa conference room. Hinawakan ni Jeremy ang kanyang pisngi. Pagkatapos ay tumayo siya at tumingin sa galit na galit na Madeline. Matalim din ang tingin sa kanya ni Madeline. "Ms. Montgomery, sinabi ko na sayo noon na ayaw na kitang makita
Bw*sit! Kaagad na nagalit si Lana nang dahil sa pagkapahiya. Bigla niyang tinaas ang kanyang ulo, pero sa sandaling ginawa niya iyon ay sinampal siya nang malakas ni Madeline. "Argh!"Sumigaw na naman sa sakit si Lana, pagkatapos ay hinawakan muli nang mahigpit ni Madeline ang kanyang batok. Hindi siya makagalaw at hindi rin siya makatayo. "Anong ginagawa ninyong lahat, ba't nakatayo lang kayo diyan?! Ilayo ninyo ang babaeng to sa'kin!" Inutusan ni Lana ang mga bodyguard pero hindi siya binigyan nang pagkakataon ni Fabian. "Walang pwedeng gumalaw sa kanya!" Kaagad na huminto ang mga bodyguard na lalapit kay Madeline at nairita si Lana. "Naging tanga ka ba, Fabian?! Kapatid mo ko. Bakit ang babaeng to ang tinutulungan mo?!" "Sinabi ko na noon, wala akong kapatid na kagaya mo." "Ikaw…" "At saka, isa tong away sa pagitan ninyong dalawa. Bakit kami makikisaki sa bagay na to?" Umiling si Fabian at simpleng naglakad papunta sa tabi ni Lana. "Ms. Lana Johnson, hindi ba pa
Nalaglag si Lana sa swimming pool at gumawa ito ng maraming alon. Alam niya kung paano lumangoy, pero dahil matagal siyang nilublob ni Madeline sa pool kanina, aksidente siya nakainom nang maraming tubig. Napagod rin siya sa pagpupumiglas niya. Kaunti na lang ang lakas niya para lumangoy. Habang sinusubukan niyang makaalis sa pool, bayolente siyang hinila ni Madeline sa kanyang kwelyo. Bago makahinga si Lana ay napigilan na naman ang kanyang paghinga. Binuksan niya ang kanyang mga mata na nalagyan ng tubig at nakita niya ang malamig na ilaw mula sa mga mata ni Madeline. "Makinig ka, Lana, kung hindi ka mapaparusahan ng batas, ako na mismo ang magpaparusa sa'yo! Sa tingin mo ba talaga wala kang aalalahanin dahil sinusuportahan ka ng Stygian Johnson Gang? Sasabihin ko sa'yo ngayon. Basta't buhay ako, gagawin ko ang lahat para makulong ka! Maliban na lang kung mauuna mo akong patayin!" Pagkatapos tapusin ni Madeline ang kanyang mga salita, tinulak niya muli si Lana sa swimming
Interesado siyang tinignan ni Jeremy. "Ano yun?" Humakbang pagilid si Lana, nagsindi ng sigarilyo, at nagsimulang manigarilyo. Sandali siyang nag-isip bago biglang tinanong si Jeremy. "Jeremy, may kilala ka pa bang tao na may malaking impluwensya na palihim na prinoprotektahan si Eveline? Maliban sa mga magulang niya, syempre." Kaagad na nagbago ang mga mata ni Jeremy. "Bakit mo natanong?" "Kasi…" Binuga ni Lana ang sigarilyo at nagpatuloy, "Kasi mayroong misteryosong lalaki sa likod ng kuya ko. Mukhang medyo natatakot ang kuya ko sa taong iyon. Hindi niya ako pinapayagang kalabanin si Eveline dahil sinabi iyon ng lalaking iyon sa kanya. Kaya gusto kong malaman kung sino ba ang lalaking iyon." Nang malaman ni Jeremy ang sitwasyong ito ay sobra siyang nagulat. Kahit na sino pa ang misteryosong lalaking iyon, tinutulungan niya si Madeline. Mukhang isa tong magandang bagay. Pero, sino ang lalaking iyon na kayang paatrasin si Yorick? Habang pinag-iisipan ito ni Jeremy ay bi
Hindi niya lang talaga inaasahan na may nakapasok na sa Stygian Johnson Gang at kayang pasunurin si Yorick. Kahit na sa impluwensya ng taong iyon, hingi pa rin niya maungkat ang ugat ng Stygian Johnson Gang, at pinapakita nito kung gaano katibay ang pundasyon ng organisasyon iyon. Pagkatapos umalis ni Jeremy sa cafe, nagmaneho siya papunta sa gate ng kindergarten kung saan nag-aaral sina Jackson at Lilian. Naghintay siya hanggang sa matapos ang klase pero hindi pa rin niya nakita ang magkapatid na lumabas ng kindergarten. Nagtaka siya. Bumaba siya ng kotse at nagpunta roon para tanungin ang guro na may hawak sa kanila. Nakilala ng guro ang mukha ni Jeremy at nagsalita nang may kaunting kaba, "Pasensya na talaga, Mr. Whitman. Hindi ko nabantayan nang maayos si Lilian kaya natakot siya."Sabi ni Mrs. Whitman ay hindi makakapasok si Lilian sa ngayon. Nagbigay rin ng notice of absence si Jackson. Pagkatapos marinig ang kanyang sagot, biglang naging mabigat ang pakiramdam ni Je
Ang totoo, alam na ni Jeremy kung sino ang narito nang marinig niya ang pamilyar na mga yabag. Sa sandaling lumingon siya, si Madeline nga ang kanyang nakita. Ito ang babaeng hiniling niya na maihalo niya sa kanyang sariling dugo at buhay. Ngunit hindi man lang tinignan ni Madeline si Jeremy. Diretso siyang naglalakad papunta sa dalawang bata. Nang may malumanay at malambing na ngiti sa kanyang mukha, hinawakan niya ang dalawang kaaya-aya at mamula-mulang pisngi. "Jack, pumasok na kayo ng kapatid mo. Magluluto ng cake si Mommy para sa inyo mamaya." Masunuring tumango si Jackson. Hinawakan niya ang malambot na kamay ni Lilian gamit ng kanyang maliit na kamay at tinignan si Jeremy bago tumalikod. Pagkatapos niyang panoorin ang dalawang bata na pumasok sa bahay, unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni Madeline. "Ang lakas ng loob mong pumunta para makita si Lilian." Sarkastiko siyang kinutya ni Madeline. "Nakita mo na ba? Hindi na makapagsalita si Lilian. Kuntento ka na ba sa
Pagod siyang sumandal sa sandalan ng upuan habang nabasa ng luha ang gilid ng kanyang mga mata. 'Lilian, humihingi ng tawad ang Daddy mo. 'Sana bago ako mawala, maririnig ko pa rin ang matamis mong tawa at marinig kong masaya mo kong tawagin na 'Daddy'.' Hinawakan niya ang family portrait palihim niyang itinabi at hinayaang dumaloy ang kalungkutan sa kanyang katawan. Habang mas lumilinaw ang sakit, mas lalong lumalalim na maaalala niya na ang babaeng minamahal niya ay… Matagal na nanatiling nakatayo si Madeline sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya maintindihan ang kinikilos ni Jeremy. Umaasa pa rin siya na mayroon siyang sariling problema, pero napakawalang awa ng kanyang mga ginagawa––sobra sobra na hindi siya makahanap ng paliwanag para sa kanya. Sa susunod na tatlong araw ay ikakasal na siya kay Ryan. Binibilang rin ni Karen ang mga araw. Dalawang araw bago ang kasal, hinanap niya si Madeline habang sinasadyang dala-dala si Pudding sa kanyang mga braso. "Eveline, papak