Nandidiring tinignan ni Jeremy ang likod ni Lana at naiinis na bumaba ng kotse para sundan siya. "Ang sweet naman!" May pangungutya ang tono ni Lana kina Madeline at Ryan. Bumitaw si Madeline sa yakap ni Ryan. Nang tumingin siya kay Lana, nakita niya rin si Jeremy na nakasunod kay Lana. Ang kanyang mga luhaang mata ay naging matalim at mayroong malamig na kinang sa mga ito. Ngunit hindi na gustong magsayang ni Madeline ng oras. Lumingon siya kay Ryan at nagsabing, "Rye, pumunta tayo sa police station." "Sige." Tumango si Ryan at humakbang para hawakan ang kamay ni Madeline. Sandaling napahinto si Madeline nang maramdaman niya ang mainit na palad ni Ryan pero hindi siya bumitaw. Kahit na madilim na ang gabi ay nakita pa rin niya ang mga luha sa mata ni Madeline. 'Umiyak siya. 'Bakit siya umiyak?' Maingat niyang inisip. Nang makita niyang ihahatid na ni Ryan si Madeline paalis, binuksan ni zherrny ang kanyang bibig at nagpanggap na nang-iinis, "Mr. Jones, hindi ba
Inapakan ni Lana ang preno nang marinig niya ito. Tinignan niya ang gwapo at malamig na lalaki nang may pananabik at antisipasyon. "Jeremy, totoo ba ang sinabi mo?" "Sa tingin mo ba peke to? Kahit na sa kung paano kita tratuhin, hindi mo pa rin nararamdaman?" Simpleng tanong ni Jeremy. Nag-isip sandali si Lana at wala na siyang pagdududa. "Kung ganon, Jeremy, kahit na may mangyari sa anak ninyo ni Madeline, wala ka nang pakialam?" Tahimik na tinago ni Jeremy ang lungkot sa kanyang mga mata. "Sinabi ko na sa'yo, ikaw lang ang mahalaga sa'kin ngayon." "Kung ganon, magaling." Ngumiti si Lana sabay nagsabing, "Hindi inaasahang nakasalubong ng kasamahan ko ang anak na babae ni Eveline at nairita siya sa bata kaya pinatahimik niya siya." Biglang sumara ang mga kamay ni Jeremy, pinipigilan niya ang kanyang mga emosyon. "Anong ibig sabihin mo sa 'pinatahimik'?" "Nagkusa siya na lunurin ang bata." Itinikom ni Jeremy ang kanyang mga kamao nang marinig niya ito. Nasisiraan na siya
Tatapusin na sana ni Jeremy si Lana nang marinig niya si Felipe na galit na nagmumura. Maganda ang timpla ni Lana pero pinagalitan siya kaagad ni Fabian sa sandaling makapasok siya ng bagay. Nanigas ang kanyang ekspresyon. Bubuksan na sana niya ang kanyang bibig para sumagot nang makita niya si Fabian na karga ang ligtas na si Lilian sa kanyang mga braso.Nakita rin ni Jeremy si Lilian. Ang kanyang sugatang puso na nagkabutas-butas na ay kaagad na naghilom. ‘Lillian.'Ang munti kong prinsesa. 'Ayos ka lang pala. Buti naman! 'Natatakot si Daddy na baka may nangyaring masama sa'yo. Kapag nasaktan ka, talagang masisira ba kami ng nanay mo.' Tahimik na nasa isip ni Jeremy, pagkatapos ay narinig niya si Fabian na pagalitan muli si Lana. "May inutusan ka para kidnapin si Lilian, tama? Binato mo sa pool ang bata nang walang pakialam kung mamatay ba siya o mabubuhay. Tao ka pa ba?" "Fabian Johnson! Manahimik ka!" Sobrang nagalit si Lana. "Kailan ko kinidnap ang batang to? Wag k
"Lana, wala akong kapatid na kagaya mo!" Kinarga ni Fabian si Lilian, tumalikod, at naglakad papunta sa garahe. Si Lilian na nasa kanyang mga braso ay nanatiling nakatining kay Jeremy na hindi siya pinapansin. Kumurap ang kanyang mga bilugan at inosenteng mata pero unti-unti itong nagdilim at pumikit. Tinignan ni Jeremy si Lilian na dinadala palayo mula sa gilid ng kanyang paningin. Sigurado siya na hindi sasaktan ni Fabian si Lilian. Bumulong siya ng libo-libong paghingi ng tawad sa loob niya pero hindi niya mapawala ang sakit sa kanyang puso. Siya ang nag-iisa nilang prinsesa ni Madeline pero hindi man lang niya matulungan ang kanyang pinakamamahal na munting prinsesa nang matumba siya sa harapan niya. Anong klaseng ama siya? Kababalik pa lang ni Madeline at Ryan sa Whitman Manor mula sa istasyon ng pulis. Nag-aalala pa rin sila tungkol sa kinaroroonan ni Lilian nang makita nila ang isang sports car na nakaparada sa may pintuan. Tinitigan niya ito at nakita niya si
Naalala ni Madeline ang sigarilyong kinuha niya mula sa kahon ni Jeremy noon. Kinuha niya ang sigarilyo upang alamin ang mga nilalaman nito. Subalit, sunod-sunod ang mga pangyayari kasunod nito. Namatay ang mga magulang niya, at si Jeremy ang naging dahilan ng pagkamatay nila. Napuno siya ng poot at paghihinagpis, at tuluyan niyang nakalimutan ang tungkol sa sigarilyo. Pagkaalis nila Fabian at Ryan, bumalik sa kwarto si Madeline upang bantayan si Lillian. Noong maisip niya ang tungkol sa kagustuhan ni Lillian na kargahin siya ni Jeremy pagkatapos niyang madapa ngunit hindi man lang siya pinansin ni Jeremy, malamang ay nalungkot ng husto ang bata. Kahit masyado pang bata si Lillian at hindi pa niya masabi ng maayos ang mga saloobin niya, mararamdaman pa rin niya na ayaw sa kanya ni Jeremy. Lalong naghinala si Madeline. 'Paano naging ganun kasama ang isang tao? Nasa sigarilyo siguro ang sagot.' Buong gabing sinamahan ni Madeline si Lillian at hindi niya namalayan na nakatul
Naglakad si Madeline palapit kay Jeremy. Tanging na kay Jeremy lang ang atensyon niya. Hindi alam ni Jeremy kung bakit siya pinuntahan ni Madeline, ngunit masaya siyang makita si Madeline.Yung nga lang, noong oras na makalapit si Madeline kay Jeremy, tinaas niya ang kanyang kamay at sinampal niya ng malakas si Jeremy. Nagulat si Jeremy. Nagulat ang lahat sa nangyari. Natahimik silang lahat at walang kahit na anong tunog ang maririnig sa buong conference room. Nang makita niya ang nangyari, natulala rin si Ken sa loob ng ilang sandali. Pagkatapos, agad niyang pinakiusapan ang lahat na lumabas ng conference room bago siya sumunod sa kanila. Sinara niya ang pinto paglabas niya. Sa isang iglap, tanging si Madeline at Jeremy lang ang naiwan sa conference room. Hinawakan ni Jeremy ang kanyang pisngi. Pagkatapos ay tumayo siya at tumingin sa galit na galit na Madeline. Matalim din ang tingin sa kanya ni Madeline. "Ms. Montgomery, sinabi ko na sayo noon na ayaw na kitang makita
Bw*sit! Kaagad na nagalit si Lana nang dahil sa pagkapahiya. Bigla niyang tinaas ang kanyang ulo, pero sa sandaling ginawa niya iyon ay sinampal siya nang malakas ni Madeline. "Argh!"Sumigaw na naman sa sakit si Lana, pagkatapos ay hinawakan muli nang mahigpit ni Madeline ang kanyang batok. Hindi siya makagalaw at hindi rin siya makatayo. "Anong ginagawa ninyong lahat, ba't nakatayo lang kayo diyan?! Ilayo ninyo ang babaeng to sa'kin!" Inutusan ni Lana ang mga bodyguard pero hindi siya binigyan nang pagkakataon ni Fabian. "Walang pwedeng gumalaw sa kanya!" Kaagad na huminto ang mga bodyguard na lalapit kay Madeline at nairita si Lana. "Naging tanga ka ba, Fabian?! Kapatid mo ko. Bakit ang babaeng to ang tinutulungan mo?!" "Sinabi ko na noon, wala akong kapatid na kagaya mo." "Ikaw…" "At saka, isa tong away sa pagitan ninyong dalawa. Bakit kami makikisaki sa bagay na to?" Umiling si Fabian at simpleng naglakad papunta sa tabi ni Lana. "Ms. Lana Johnson, hindi ba pa
Nalaglag si Lana sa swimming pool at gumawa ito ng maraming alon. Alam niya kung paano lumangoy, pero dahil matagal siyang nilublob ni Madeline sa pool kanina, aksidente siya nakainom nang maraming tubig. Napagod rin siya sa pagpupumiglas niya. Kaunti na lang ang lakas niya para lumangoy. Habang sinusubukan niyang makaalis sa pool, bayolente siyang hinila ni Madeline sa kanyang kwelyo. Bago makahinga si Lana ay napigilan na naman ang kanyang paghinga. Binuksan niya ang kanyang mga mata na nalagyan ng tubig at nakita niya ang malamig na ilaw mula sa mga mata ni Madeline. "Makinig ka, Lana, kung hindi ka mapaparusahan ng batas, ako na mismo ang magpaparusa sa'yo! Sa tingin mo ba talaga wala kang aalalahanin dahil sinusuportahan ka ng Stygian Johnson Gang? Sasabihin ko sa'yo ngayon. Basta't buhay ako, gagawin ko ang lahat para makulong ka! Maliban na lang kung mauuna mo akong patayin!" Pagkatapos tapusin ni Madeline ang kanyang mga salita, tinulak niya muli si Lana sa swimming