Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 1001 - Kabanata 1010

2479 Kabanata

Kabanata 1001

Tiningnan ni Lana ang taong nasasalamin sa likuran niya at nagulat siya.Dahan-dahan niyang ibinaling ang kanyang ulo, at agad niyang nakita ang gwapo ngunit nakakakilabot na mukha ni Jeremy.Nakatayo ang lalaki habang nakatalikod siya sa liwanag. Bumigat ng husto ang pakiramdam nila nang makita nila ang lalaki, para may malaking tipak ng yelo sa kanilang mga balikat. Sa sandaling ito, nagmumula sa kanya ang isang nakakatakot na aura.Nakaramdam ng kaba at takot si Lana, ngunit huminahon siya agad at nanatili siyang mapagmataas. “Jeremy, kinidnap mo ako? Pakawalan mo ako ngayon na!"Napakayabang pa rin ng tono niya. Siyempre, alam niyang hindi na niya kayang lokohin si Jeremy dahil naaalala na niya ang lahat.Tumingin si Lana kay Jeremy at inangat niya ang kanyang ulo hanggang sa makakaya niya."Jeremy, napakatalino mong tao, hindi mo ba alam kung sino ang mas bagay sayo? Hindi bagay si Eveline para sayo. Kapag sumama ka sakin at pumayag kang maging boyfriend ko, ipaparanas ko sa
Magbasa pa

Kabanata 1002

Iyon ang mga sigarilyong hinihithit niya at ito rin ang ibinigay niya kay Jeremy noon. Subalit, may ibang nakahalo sa mga sigarilyong binigay niya kay Jeremy.Noong biglang sinampal ni Jeremy ang kahon ng sigarilyo sa mukha niya, alam na ni Lana kung anong nangyayari."Anong nilagay mo sa mga sigarilyo na 'to?" Malamig na tanong ni Jeremy.Hindi naglakas-loob na sumagot si Lana. Nagpanggap lamang siya na naubo siya sa pagkagulat.Walang balak si Jeremy na mag-aksaya ng oras sa kanya, kaya naglakad siya papunta sa isang gilid.Nang makita ito ni Lana, tinaas niya ang kanyang paa upang sipain si Naomi na nagtutulug-tulugan."Tayo! Kalagan mo ako!" Ang pabulong niyang inutos kay Naomi.Gayunpaman, nagpatuloy sa pagtutulug-tulugan si Naomi. Akala niya ay kay Lana lang maghihiganti si Jeremy. Sinundan lamang niya si Lana papasok ng sasakyan dahil sa sobrang kalasingan. Biktima siya dito."Naomi!" Sigaw ni Lana. Noong si sipain niya ulit si Naomi, naramdaman niya na may bumuhos na ma
Magbasa pa

Kabanata 1003

"Hindi!" Sa sobrang takot ni Lana ay nagsimula na siyang magbunganga. Sa mga sumunod na sandali, nakita niya na hinagis ni Jeremy ang posporo sa mga nakatambak na kahon sa gilid.Para bang binuhusan din ng gasolina ang mga kahon. Biglang lumaki at nagsimulang kumalat sa buong lugar ang maliit na apoy sa posporo.Subalit, bago pa man makalapit ang apoy sa kanila, nanigas na sa takot sila Lana at Naomi. Pinagpawisan sila ng malamig sa sobrang takot.Malamig na tumingin si Jeremy kay Lana. Sa sandaling ito, namuti ang mukha ni Lana sa sobrang takot."Lana, hindi kita hahayaang mamatay ng ganito kadali."Mas matindi ang apoy na naglalagablab sa likod ng matatalim na mata ni Jeremy."Ginamit mo ako para patayin ang mga in-law ko at dahil dun hindi ko na makakasama si Linnie. Kaya, gusto kong dahan-dahan kang maglakad patungo sa kamatayan mo habang takot na takot ka. Gusto kong maranasan mo kung ano ang pakiramdam ng mapagbintangan at pahirapan."“...”Pagkatapos niyang sabihin iyo
Magbasa pa

Kabanata 1004

Pagdating niya sa lokasyon bago pa dumating si Fabian at ang iba pa, pinagmasdan ni Madeline na lamunin ng apoy ang pabrika at naintindihan niya kung ano ang ibig sabihin ni Jeremy sa paghihiganti.Mabilis siyang tumakbo papunta sa mga bakal na pinto upang tingnan kung ano ang nangyayari sa loob. Pagpasok niya, sinalubong siya ni Jeremy na nakatayo sa harapan ng pabrika na para bang isang magandang estatwa, na nakapako sa kanyang kinatatayuan habang pinapanood ang apoy na lumalamon sa buong lugar.Naramdaman ni Madeline na lumubog ang kanyang puso.Agad siyang tumawag ng mga bumbero at tumakbo siya papunta sa harap ni Jeremy.Noon lamang napansin ni Jeremy na dumating si Madeline. Kumislap ang malungkot niyang mga mata."Anong ginagawa mo dito, Linnie? Bilis, umalis ka na.” Agad na hinila ni Jeremy si Madeline palayo, ayaw niyang mapaso si Madeline ng apoy.Hinawi ni Madeline ang kamay niya, napuno ng pag-aalala ang kanyang mga mata."Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Alam mo ba
Magbasa pa

Kabanata 1005

Noong makita niya na mamula sa kakaiyak ang mga mata ni Madeline, tuluyang nagkaroon ng emosyon ang mga mata ni Jeremy.Hindi niya kayang balewalain ang pakiusap ni Madeline, lalo na ang patuloy na suwayin ang mga kahilingan ni Madeline."Nasa ilalim ng pintuan," sa wakas ay sinabi ni Jeremy kung nasaan ang susi.Agad na sumigaw si Madeline kay Fabian, "Nasa ilalim ito ng pintuan!"Umupo si Fabian at kinapa-kapa niya ang ilalim ng pinto, nagulat siya nang makita niya ang susi.Pagbukas nila ng pinto, tumakbo sa papasok si Fabian at Yorick upang kunin sila Lana at Naomi na nawalan ng malay.Dahil parehong binuhusan ng gasolina sila Lana at Naomi, dumampi sa kanila ang apoy habang nila labas sila nila Yorick at Fabian.Buti na lang dumating agad ang mga bumbero at pinatay ang apoy.Dinala sa ospital sila Lana at Naomi kung saan idineklara na wala sa anumang panganib ang mga buhay nilang dalawa.Gayunpaman, ang mga dulo ng maikling buhok ni Lana ay nasunog at nasira. Nangamoy sun
Magbasa pa

Kabanata 1006

Napalunok si Jeremy. Nang isuko niya si Madeline, pinilit niyang tumalikod. Pinalipas niya ang araw nang kasama ang mga bata. 'Kuya' pa rin ang tawag sa kanya ni Lillian, pero sapat na ito para sa kanya. Dumilim ang langit at bumalik si Madeline. Inilapag ni Jeremy ang bagong pirmang divorce paper sa harap niya at nakaramdam ng pagkahilo. Nang isipin na ito ang mabagal na gumaganang lason na sinasabi ni Lana, pinigilan niya ang kanyang sarili at ibinigay ito kay Madeline nang may mahinhin at maliit na ngiti. "Ayaw ko nang magdusa ka pa, Linnie," Marahan niyang sinabi, "Sa mga pinagdaanan ko, naunawaan ko na ang tunay na pagmamahal ay hindi pagmamay-ari. Basta't masaya ka, masaya na rin ako. Sapat na ito para sa akin." Nang marinig ang kanyang anak, nag-aalalang nagtanong si Karen, "Anong sinasabi mo Jeremy? Talaga bang hihiwalayan mo na si Eveline?" Nagtanong siya pero di sumagot si Jeremy. Tapos tumayo si Karen sa tabi ni Madeline. "Ang daming masasamang bagay ang na
Magbasa pa

Kabanata 1007

"Adam?" Sinundan ni Jeremy ang anino at nakumpirmang si Adam nga ito. Ganoon pa rin ang istura ni Adam tulad ng dati, mukha pa ring maginoo na nakasalamin. Pero ang ganitong mukhang mabait na lalaki ay nag-eksperimento din sa buhay ng isang tao. Paano niya magagawang patawarin si Adam sa ginawa nito kay Madeline? Naniwala siya kay Adam, iniisip na talagang tinutulungan niya ito pero isa lang pala itong ekspermento para sa kanya. Hindi pa rin alam ni Madeline kung bakit ayaw nitong inumin niya ang gamot na bigay ni Adam sa kanya. Bumalik si Adam sa kanyang opisina para kunin ang kayang research. Pero hindi niya inakalang lilitaw si Jeremy sa harap ng pinto sa sandaling umupo siya sa kanyang opisina. Nagkaroon ng pagkataranta sa mga mata ni Adam, pero kaagad siyang kumalma. "Jeremy Whitman? Anong maitutuling ko?" Pagkandado ng pinto ng opisino ni Adam sa likod niya, lumapit si Jeremy kay Adam nang may mapagmataas na titig. "Wala ka man lang basic medical ethics, kay
Magbasa pa

Kabanata 1008

Bilang isang mad scientist, walang nagbibigay ng saya kay Adam bukod sa makuha ang resulta na gusto niya. Pero ang tanging lugar na nakakapagbigay sa kanya ng suporta na kailangan niya ay ang Stygian Johnson Gang. Si Adam mismo ay walang kakayahan, yaman, o kapangyarihan. Hindi tuluyang pinaniwalaan ni Jeremy ang sinasabi ni Adam, kaya kinuha niya ang kanyang report at umalis para kumonsulta sa isang kilala niyang professor at nakatanggap ng parehong sagot. Sinabi sa kanya ng professor ang tungkol sa pagbabago sa dugo ni Jeremy at pinayuhan siya na sumailalim sa full-body check-up para mahanap ang sanhi nito. Ngunit dahil alam niya ang dahilan, alam din ni Jeremy na halos imposible ang magamot ito. Nang isipin ang dalawang pagpipilian na ibinigay sa kanya ni Adam, nakapagpasya na si Jeremy. Pwede niyang tugisin si Adam at patayin ito, pero pinigilan siya ng natatarantang salita ni Madeline. "Jeremy, pakiusap! Bumalik ka sa akin, di mo na kailangang gumawa ng isa pang pagk
Magbasa pa

Kabanata 1009

Nagtatakang nagtanong si Madeline, at nakakita lang ng isang mapait na ngiti sa maamong mukha nito. "Alam mo ba kung paano ako naging isang amateur artist?" Tanong ni Ryan. Umiling si Madeline at ngumiti. "Sabihin mo." Lumingon si Ryan kay Madeline. "Ikaw ang dahilan bakit ganito ako ngayon." "Ako?" Nagtaka si Madeline nang simulang sabihin sa kanya ni Ryan ang nangyari noon. Noon, kakatapos pa lang ni Madeline ng high school. Iyon ang bakasyon bago magsimula ang university. Nakahanap si Madeline ng isang part-time job sa isang dessert shop, at nang lumabas siya isang araw, nakita niya ang isang art stall sa tabi ng kalsada. Sa sandaling iyon, hindi pa nagsisimula si Madeline sa kanyang pagdidisenyo ng alahas, pero ang sining ay isang bagay na pumukaw sa kanyang interes. Paglapit niya, naging interesado siya sa mga obra dito. Dahil dito, kumuha siya ng isa at tinignan ito. Sa sandaling iyon, isang lalaki ang lumapit at kalmadong nagtanong, "Gusto mo ba ito?" Nagulat
Magbasa pa

Kabanata 1010

Isang buwan na ang nakalipas at di alam ni Madeline kung nasaan si Jeremy. Narinig niya mula kay Fabian na pinagalitan ni Yorick si Lana at nakabalik na ito sa F Country. Kahit na ganon, paanong magtatapos sa pagsasaway ang mga ginawa ni Lana? Hindi makakalimutan ni Madeline ang masaklap na katapusan ng magulang niya. Habang pinapalipas ni Lana ang buong buwan sa F Country kasama ang kanyang mga 'matalik na kaibigan', minsan tinatanong siya ng mga ito tungkol sa babaeng pangalan ay Eveline Montgomery na niluhuran niya at hiningian ng tawad. Tuwing mababanggit ang pangalan ni Eveline, mahihiya si Lana sa sarili niya. Wala pang naglakas-loob na pagtawanan siya mula noong ipinanganak siya, pero ngayon siya na ang katatawanan ng lahat! Ayaw nang manatili ni Lana sa F Country. Kahit saan siya magpunta, parang alam ng lahat ng nasa paligid niya kung paano siya lumuhod sa harapan ni Eveline para humingi ng tawad. Habang lalong iniisip ni Lana ito, lalo siyang nagagalit. Nang hindi
Magbasa pa
PREV
1
...
99100101102103
...
248
DMCA.com Protection Status