Napalunok si Jeremy. Nang isuko niya si Madeline, pinilit niyang tumalikod. Pinalipas niya ang araw nang kasama ang mga bata. 'Kuya' pa rin ang tawag sa kanya ni Lillian, pero sapat na ito para sa kanya. Dumilim ang langit at bumalik si Madeline. Inilapag ni Jeremy ang bagong pirmang divorce paper sa harap niya at nakaramdam ng pagkahilo. Nang isipin na ito ang mabagal na gumaganang lason na sinasabi ni Lana, pinigilan niya ang kanyang sarili at ibinigay ito kay Madeline nang may mahinhin at maliit na ngiti. "Ayaw ko nang magdusa ka pa, Linnie," Marahan niyang sinabi, "Sa mga pinagdaanan ko, naunawaan ko na ang tunay na pagmamahal ay hindi pagmamay-ari. Basta't masaya ka, masaya na rin ako. Sapat na ito para sa akin." Nang marinig ang kanyang anak, nag-aalalang nagtanong si Karen, "Anong sinasabi mo Jeremy? Talaga bang hihiwalayan mo na si Eveline?" Nagtanong siya pero di sumagot si Jeremy. Tapos tumayo si Karen sa tabi ni Madeline. "Ang daming masasamang bagay ang na
"Adam?" Sinundan ni Jeremy ang anino at nakumpirmang si Adam nga ito. Ganoon pa rin ang istura ni Adam tulad ng dati, mukha pa ring maginoo na nakasalamin. Pero ang ganitong mukhang mabait na lalaki ay nag-eksperimento din sa buhay ng isang tao. Paano niya magagawang patawarin si Adam sa ginawa nito kay Madeline? Naniwala siya kay Adam, iniisip na talagang tinutulungan niya ito pero isa lang pala itong ekspermento para sa kanya. Hindi pa rin alam ni Madeline kung bakit ayaw nitong inumin niya ang gamot na bigay ni Adam sa kanya. Bumalik si Adam sa kanyang opisina para kunin ang kayang research. Pero hindi niya inakalang lilitaw si Jeremy sa harap ng pinto sa sandaling umupo siya sa kanyang opisina. Nagkaroon ng pagkataranta sa mga mata ni Adam, pero kaagad siyang kumalma. "Jeremy Whitman? Anong maitutuling ko?" Pagkandado ng pinto ng opisino ni Adam sa likod niya, lumapit si Jeremy kay Adam nang may mapagmataas na titig. "Wala ka man lang basic medical ethics, kay
Bilang isang mad scientist, walang nagbibigay ng saya kay Adam bukod sa makuha ang resulta na gusto niya. Pero ang tanging lugar na nakakapagbigay sa kanya ng suporta na kailangan niya ay ang Stygian Johnson Gang. Si Adam mismo ay walang kakayahan, yaman, o kapangyarihan. Hindi tuluyang pinaniwalaan ni Jeremy ang sinasabi ni Adam, kaya kinuha niya ang kanyang report at umalis para kumonsulta sa isang kilala niyang professor at nakatanggap ng parehong sagot. Sinabi sa kanya ng professor ang tungkol sa pagbabago sa dugo ni Jeremy at pinayuhan siya na sumailalim sa full-body check-up para mahanap ang sanhi nito. Ngunit dahil alam niya ang dahilan, alam din ni Jeremy na halos imposible ang magamot ito. Nang isipin ang dalawang pagpipilian na ibinigay sa kanya ni Adam, nakapagpasya na si Jeremy. Pwede niyang tugisin si Adam at patayin ito, pero pinigilan siya ng natatarantang salita ni Madeline. "Jeremy, pakiusap! Bumalik ka sa akin, di mo na kailangang gumawa ng isa pang pagk
Nagtatakang nagtanong si Madeline, at nakakita lang ng isang mapait na ngiti sa maamong mukha nito. "Alam mo ba kung paano ako naging isang amateur artist?" Tanong ni Ryan. Umiling si Madeline at ngumiti. "Sabihin mo." Lumingon si Ryan kay Madeline. "Ikaw ang dahilan bakit ganito ako ngayon." "Ako?" Nagtaka si Madeline nang simulang sabihin sa kanya ni Ryan ang nangyari noon. Noon, kakatapos pa lang ni Madeline ng high school. Iyon ang bakasyon bago magsimula ang university. Nakahanap si Madeline ng isang part-time job sa isang dessert shop, at nang lumabas siya isang araw, nakita niya ang isang art stall sa tabi ng kalsada. Sa sandaling iyon, hindi pa nagsisimula si Madeline sa kanyang pagdidisenyo ng alahas, pero ang sining ay isang bagay na pumukaw sa kanyang interes. Paglapit niya, naging interesado siya sa mga obra dito. Dahil dito, kumuha siya ng isa at tinignan ito. Sa sandaling iyon, isang lalaki ang lumapit at kalmadong nagtanong, "Gusto mo ba ito?" Nagulat
Isang buwan na ang nakalipas at di alam ni Madeline kung nasaan si Jeremy. Narinig niya mula kay Fabian na pinagalitan ni Yorick si Lana at nakabalik na ito sa F Country. Kahit na ganon, paanong magtatapos sa pagsasaway ang mga ginawa ni Lana? Hindi makakalimutan ni Madeline ang masaklap na katapusan ng magulang niya. Habang pinapalipas ni Lana ang buong buwan sa F Country kasama ang kanyang mga 'matalik na kaibigan', minsan tinatanong siya ng mga ito tungkol sa babaeng pangalan ay Eveline Montgomery na niluhuran niya at hiningian ng tawad. Tuwing mababanggit ang pangalan ni Eveline, mahihiya si Lana sa sarili niya. Wala pang naglakas-loob na pagtawanan siya mula noong ipinanganak siya, pero ngayon siya na ang katatawanan ng lahat! Ayaw nang manatili ni Lana sa F Country. Kahit saan siya magpunta, parang alam ng lahat ng nasa paligid niya kung paano siya lumuhod sa harapan ni Eveline para humingi ng tawad. Habang lalong iniisip ni Lana ito, lalo siyang nagagalit. Nang hindi
Akala ni Lana nagkamali siya ng dinig, pero malinaw niyang nakita nang bumukas ang manipis na labi ni Jeremy para magsalita. "Sigarilyo." Sigarilyo. Lumapit ito para manghingi ng sigarilyo sa kanya. Kumislap ang mga mata ni Lana, ang pagkataranta sa loob nito ay naglalaho sa sandaling ito. Tumawa siya sa loob niya. Maging ang pinakadeterminadong lalaki ay di kakayanin ang pagdurusa ng lasong unti-unting pinapatay ito mula sa loob. Lumapit sa kanya si Lana nang nakangiti sa kanyang medyo manipis na mukha. "Pwede kong ibigay sa'yo ang sigarilyo kung gusto mo Jeremy, pero dapat maging akin ka." Binigay ni Lana ang kailangan nang titigan niya si Jeremy nang may pagnanasa sa kanyang mga mata. Tinitigan ni Jeremy ang mapagbalak na ngiti at sumagot, "Sige." Nagalak si Lana, nakatitig sa kanya gamit ng lasing nitong mata nang hinaan nito ang boses nito. "Kung ganon, patunayan mo kaya ang determinasyon mo? Medyo natakot ano sa'yo mula noong araw na trinato mo ako nang ganoon dah
Hindi naintindihan ni Madeline pero kaagad na natuklasan ang balitang pumasok si Jeremy sa isang hotel kasama ang isang babaeng maikli ang buhok sa gitna ng gabi bago umalis nang magkahiwalay. Isang buwan na mula noong huling makatanggap ng balita si Madeline mula kay Jeremy. Hindi niya inakalang matatanggap niya ito sa ganitong paraan. Maaaring di ito makilala ng iba, pero alam ni Madeline na si Lana ito sa isang tingin lang. Naramdaman ni Madeline na nagdilim ang paningin niya saglit, pero kaagad siyang nahimasmasan nang tawagin ni Ava ang pangalan niya mula sa kabilang linya. "Nababaliw na ba si Jeremy, Maddie? Bakit siya sasama kay Lana?" Naawa si Ava kay Madeline. Hinawakan ni Madeline ang cellphone at pinilit ang kanyang sarili na kumalma. "Nag-divorce na kami Ava. Kahit kanino niya pa gustuhing sumama wala na akong kinalaman doon." Walang bahalang ibinaba ni Madeline ang linya sa kabila ng panginginig ng kanyang puso. 'Bakit Jeremy? Nababaliw ka na ba talaga?' Ha
Niluwagan ni Madeline ang pagkakatikom ng kanyang kamay at walang bahalang hinugasan ang kanyang kamay. Pero lumapit si Lana sa kanya para inisin siya. "Talagang kaakit-akit si Jeremy. Hindi pa ako naging ganito kasaya. Ngayon nauunawaan ko na kung bakit gumamit ka ng napakababang paraan para mapakasalan ka niya. "Pero hindi tayo pareho Eveline. Wala akong ginawa kahit ano. Sa halip si Jeremy mismo ang lumapit sa akin." Habang natutuwa sa kanyang sarili, pinag-igihan pa ni Lana ang pang-iinis niya nang makita niyang di kumikibo si Madeline. "Tingin mo ba nagbibiro ako Madeline? Pwede mong tignan kung gusto mo. May marka pa rin si Jeremy na kinagat ko sa balikat niya kagabi! Haha… ugh?" Tumawa si Lana, hindi inaasahang hahawakan ni Madeline ang leeg niya nang mukhang dominante. "Mayroong hangganan ang pasensya ko Lana Johnson. Para sa mga anak ko, siguro kaya ko pang manatiling matino, pero walang hangganan sa mga bagay na kaya kong gawin sa'yo kapag tuluyan mo akong ginalit.