Share

Kabanata 1004

Author: Sixteenth Child
Pagdating niya sa lokasyon bago pa dumating si Fabian at ang iba pa, pinagmasdan ni Madeline na lamunin ng apoy ang pabrika at naintindihan niya kung ano ang ibig sabihin ni Jeremy sa paghihiganti.

Mabilis siyang tumakbo papunta sa mga bakal na pinto upang tingnan kung ano ang nangyayari sa loob. Pagpasok niya, sinalubong siya ni Jeremy na nakatayo sa harapan ng pabrika na para bang isang magandang estatwa, na nakapako sa kanyang kinatatayuan habang pinapanood ang apoy na lumalamon sa buong lugar.

Naramdaman ni Madeline na lumubog ang kanyang puso.

Agad siyang tumawag ng mga bumbero at tumakbo siya papunta sa harap ni Jeremy.

Noon lamang napansin ni Jeremy na dumating si Madeline. Kumislap ang malungkot niyang mga mata.

"Anong ginagawa mo dito, Linnie? Bilis, umalis ka na.” Agad na hinila ni Jeremy si Madeline palayo, ayaw niyang mapaso si Madeline ng apoy.

Hinawi ni Madeline ang kamay niya, napuno ng pag-aalala ang kanyang mga mata.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Alam mo ba
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 1005

    Noong makita niya na mamula sa kakaiyak ang mga mata ni Madeline, tuluyang nagkaroon ng emosyon ang mga mata ni Jeremy.Hindi niya kayang balewalain ang pakiusap ni Madeline, lalo na ang patuloy na suwayin ang mga kahilingan ni Madeline."Nasa ilalim ng pintuan," sa wakas ay sinabi ni Jeremy kung nasaan ang susi.Agad na sumigaw si Madeline kay Fabian, "Nasa ilalim ito ng pintuan!"Umupo si Fabian at kinapa-kapa niya ang ilalim ng pinto, nagulat siya nang makita niya ang susi.Pagbukas nila ng pinto, tumakbo sa papasok si Fabian at Yorick upang kunin sila Lana at Naomi na nawalan ng malay.Dahil parehong binuhusan ng gasolina sila Lana at Naomi, dumampi sa kanila ang apoy habang nila labas sila nila Yorick at Fabian.Buti na lang dumating agad ang mga bumbero at pinatay ang apoy.Dinala sa ospital sila Lana at Naomi kung saan idineklara na wala sa anumang panganib ang mga buhay nilang dalawa.Gayunpaman, ang mga dulo ng maikling buhok ni Lana ay nasunog at nasira. Nangamoy sun

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 1006

    Napalunok si Jeremy. Nang isuko niya si Madeline, pinilit niyang tumalikod. Pinalipas niya ang araw nang kasama ang mga bata. 'Kuya' pa rin ang tawag sa kanya ni Lillian, pero sapat na ito para sa kanya. Dumilim ang langit at bumalik si Madeline. Inilapag ni Jeremy ang bagong pirmang divorce paper sa harap niya at nakaramdam ng pagkahilo. Nang isipin na ito ang mabagal na gumaganang lason na sinasabi ni Lana, pinigilan niya ang kanyang sarili at ibinigay ito kay Madeline nang may mahinhin at maliit na ngiti. "Ayaw ko nang magdusa ka pa, Linnie," Marahan niyang sinabi, "Sa mga pinagdaanan ko, naunawaan ko na ang tunay na pagmamahal ay hindi pagmamay-ari. Basta't masaya ka, masaya na rin ako. Sapat na ito para sa akin." Nang marinig ang kanyang anak, nag-aalalang nagtanong si Karen, "Anong sinasabi mo Jeremy? Talaga bang hihiwalayan mo na si Eveline?" Nagtanong siya pero di sumagot si Jeremy. Tapos tumayo si Karen sa tabi ni Madeline. "Ang daming masasamang bagay ang na

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 1007

    "Adam?" Sinundan ni Jeremy ang anino at nakumpirmang si Adam nga ito. Ganoon pa rin ang istura ni Adam tulad ng dati, mukha pa ring maginoo na nakasalamin. Pero ang ganitong mukhang mabait na lalaki ay nag-eksperimento din sa buhay ng isang tao. Paano niya magagawang patawarin si Adam sa ginawa nito kay Madeline? Naniwala siya kay Adam, iniisip na talagang tinutulungan niya ito pero isa lang pala itong ekspermento para sa kanya. Hindi pa rin alam ni Madeline kung bakit ayaw nitong inumin niya ang gamot na bigay ni Adam sa kanya. Bumalik si Adam sa kanyang opisina para kunin ang kayang research. Pero hindi niya inakalang lilitaw si Jeremy sa harap ng pinto sa sandaling umupo siya sa kanyang opisina. Nagkaroon ng pagkataranta sa mga mata ni Adam, pero kaagad siyang kumalma. "Jeremy Whitman? Anong maitutuling ko?" Pagkandado ng pinto ng opisino ni Adam sa likod niya, lumapit si Jeremy kay Adam nang may mapagmataas na titig. "Wala ka man lang basic medical ethics, kay

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 1008

    Bilang isang mad scientist, walang nagbibigay ng saya kay Adam bukod sa makuha ang resulta na gusto niya. Pero ang tanging lugar na nakakapagbigay sa kanya ng suporta na kailangan niya ay ang Stygian Johnson Gang. Si Adam mismo ay walang kakayahan, yaman, o kapangyarihan. Hindi tuluyang pinaniwalaan ni Jeremy ang sinasabi ni Adam, kaya kinuha niya ang kanyang report at umalis para kumonsulta sa isang kilala niyang professor at nakatanggap ng parehong sagot. Sinabi sa kanya ng professor ang tungkol sa pagbabago sa dugo ni Jeremy at pinayuhan siya na sumailalim sa full-body check-up para mahanap ang sanhi nito. Ngunit dahil alam niya ang dahilan, alam din ni Jeremy na halos imposible ang magamot ito. Nang isipin ang dalawang pagpipilian na ibinigay sa kanya ni Adam, nakapagpasya na si Jeremy. Pwede niyang tugisin si Adam at patayin ito, pero pinigilan siya ng natatarantang salita ni Madeline. "Jeremy, pakiusap! Bumalik ka sa akin, di mo na kailangang gumawa ng isa pang pagk

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 1009

    Nagtatakang nagtanong si Madeline, at nakakita lang ng isang mapait na ngiti sa maamong mukha nito. "Alam mo ba kung paano ako naging isang amateur artist?" Tanong ni Ryan. Umiling si Madeline at ngumiti. "Sabihin mo." Lumingon si Ryan kay Madeline. "Ikaw ang dahilan bakit ganito ako ngayon." "Ako?" Nagtaka si Madeline nang simulang sabihin sa kanya ni Ryan ang nangyari noon. Noon, kakatapos pa lang ni Madeline ng high school. Iyon ang bakasyon bago magsimula ang university. Nakahanap si Madeline ng isang part-time job sa isang dessert shop, at nang lumabas siya isang araw, nakita niya ang isang art stall sa tabi ng kalsada. Sa sandaling iyon, hindi pa nagsisimula si Madeline sa kanyang pagdidisenyo ng alahas, pero ang sining ay isang bagay na pumukaw sa kanyang interes. Paglapit niya, naging interesado siya sa mga obra dito. Dahil dito, kumuha siya ng isa at tinignan ito. Sa sandaling iyon, isang lalaki ang lumapit at kalmadong nagtanong, "Gusto mo ba ito?" Nagulat

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 1010

    Isang buwan na ang nakalipas at di alam ni Madeline kung nasaan si Jeremy. Narinig niya mula kay Fabian na pinagalitan ni Yorick si Lana at nakabalik na ito sa F Country. Kahit na ganon, paanong magtatapos sa pagsasaway ang mga ginawa ni Lana? Hindi makakalimutan ni Madeline ang masaklap na katapusan ng magulang niya. Habang pinapalipas ni Lana ang buong buwan sa F Country kasama ang kanyang mga 'matalik na kaibigan', minsan tinatanong siya ng mga ito tungkol sa babaeng pangalan ay Eveline Montgomery na niluhuran niya at hiningian ng tawad. Tuwing mababanggit ang pangalan ni Eveline, mahihiya si Lana sa sarili niya. Wala pang naglakas-loob na pagtawanan siya mula noong ipinanganak siya, pero ngayon siya na ang katatawanan ng lahat! Ayaw nang manatili ni Lana sa F Country. Kahit saan siya magpunta, parang alam ng lahat ng nasa paligid niya kung paano siya lumuhod sa harapan ni Eveline para humingi ng tawad. Habang lalong iniisip ni Lana ito, lalo siyang nagagalit. Nang hindi

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 1011

    Akala ni Lana nagkamali siya ng dinig, pero malinaw niyang nakita nang bumukas ang manipis na labi ni Jeremy para magsalita. "Sigarilyo." Sigarilyo. Lumapit ito para manghingi ng sigarilyo sa kanya. Kumislap ang mga mata ni Lana, ang pagkataranta sa loob nito ay naglalaho sa sandaling ito. Tumawa siya sa loob niya. Maging ang pinakadeterminadong lalaki ay di kakayanin ang pagdurusa ng lasong unti-unting pinapatay ito mula sa loob. Lumapit sa kanya si Lana nang nakangiti sa kanyang medyo manipis na mukha. "Pwede kong ibigay sa'yo ang sigarilyo kung gusto mo Jeremy, pero dapat maging akin ka." Binigay ni Lana ang kailangan nang titigan niya si Jeremy nang may pagnanasa sa kanyang mga mata. Tinitigan ni Jeremy ang mapagbalak na ngiti at sumagot, "Sige." Nagalak si Lana, nakatitig sa kanya gamit ng lasing nitong mata nang hinaan nito ang boses nito. "Kung ganon, patunayan mo kaya ang determinasyon mo? Medyo natakot ano sa'yo mula noong araw na trinato mo ako nang ganoon dah

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 1012

    Hindi naintindihan ni Madeline pero kaagad na natuklasan ang balitang pumasok si Jeremy sa isang hotel kasama ang isang babaeng maikli ang buhok sa gitna ng gabi bago umalis nang magkahiwalay. Isang buwan na mula noong huling makatanggap ng balita si Madeline mula kay Jeremy. Hindi niya inakalang matatanggap niya ito sa ganitong paraan. Maaaring di ito makilala ng iba, pero alam ni Madeline na si Lana ito sa isang tingin lang. Naramdaman ni Madeline na nagdilim ang paningin niya saglit, pero kaagad siyang nahimasmasan nang tawagin ni Ava ang pangalan niya mula sa kabilang linya. "Nababaliw na ba si Jeremy, Maddie? Bakit siya sasama kay Lana?" Naawa si Ava kay Madeline. Hinawakan ni Madeline ang cellphone at pinilit ang kanyang sarili na kumalma. "Nag-divorce na kami Ava. Kahit kanino niya pa gustuhing sumama wala na akong kinalaman doon." Walang bahalang ibinaba ni Madeline ang linya sa kabila ng panginginig ng kanyang puso. 'Bakit Jeremy? Nababaliw ka na ba talaga?' Ha

Pinakabagong kabanata

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2479

    Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2478

    Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2477

    Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2476

    Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2475

    “Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2474

    Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2473

    Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2472

    "Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2471

    Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status