Nagtatakang nagtanong si Madeline, at nakakita lang ng isang mapait na ngiti sa maamong mukha nito. "Alam mo ba kung paano ako naging isang amateur artist?" Tanong ni Ryan. Umiling si Madeline at ngumiti. "Sabihin mo." Lumingon si Ryan kay Madeline. "Ikaw ang dahilan bakit ganito ako ngayon." "Ako?" Nagtaka si Madeline nang simulang sabihin sa kanya ni Ryan ang nangyari noon. Noon, kakatapos pa lang ni Madeline ng high school. Iyon ang bakasyon bago magsimula ang university. Nakahanap si Madeline ng isang part-time job sa isang dessert shop, at nang lumabas siya isang araw, nakita niya ang isang art stall sa tabi ng kalsada. Sa sandaling iyon, hindi pa nagsisimula si Madeline sa kanyang pagdidisenyo ng alahas, pero ang sining ay isang bagay na pumukaw sa kanyang interes. Paglapit niya, naging interesado siya sa mga obra dito. Dahil dito, kumuha siya ng isa at tinignan ito. Sa sandaling iyon, isang lalaki ang lumapit at kalmadong nagtanong, "Gusto mo ba ito?" Nagulat
Isang buwan na ang nakalipas at di alam ni Madeline kung nasaan si Jeremy. Narinig niya mula kay Fabian na pinagalitan ni Yorick si Lana at nakabalik na ito sa F Country. Kahit na ganon, paanong magtatapos sa pagsasaway ang mga ginawa ni Lana? Hindi makakalimutan ni Madeline ang masaklap na katapusan ng magulang niya. Habang pinapalipas ni Lana ang buong buwan sa F Country kasama ang kanyang mga 'matalik na kaibigan', minsan tinatanong siya ng mga ito tungkol sa babaeng pangalan ay Eveline Montgomery na niluhuran niya at hiningian ng tawad. Tuwing mababanggit ang pangalan ni Eveline, mahihiya si Lana sa sarili niya. Wala pang naglakas-loob na pagtawanan siya mula noong ipinanganak siya, pero ngayon siya na ang katatawanan ng lahat! Ayaw nang manatili ni Lana sa F Country. Kahit saan siya magpunta, parang alam ng lahat ng nasa paligid niya kung paano siya lumuhod sa harapan ni Eveline para humingi ng tawad. Habang lalong iniisip ni Lana ito, lalo siyang nagagalit. Nang hindi
Akala ni Lana nagkamali siya ng dinig, pero malinaw niyang nakita nang bumukas ang manipis na labi ni Jeremy para magsalita. "Sigarilyo." Sigarilyo. Lumapit ito para manghingi ng sigarilyo sa kanya. Kumislap ang mga mata ni Lana, ang pagkataranta sa loob nito ay naglalaho sa sandaling ito. Tumawa siya sa loob niya. Maging ang pinakadeterminadong lalaki ay di kakayanin ang pagdurusa ng lasong unti-unting pinapatay ito mula sa loob. Lumapit sa kanya si Lana nang nakangiti sa kanyang medyo manipis na mukha. "Pwede kong ibigay sa'yo ang sigarilyo kung gusto mo Jeremy, pero dapat maging akin ka." Binigay ni Lana ang kailangan nang titigan niya si Jeremy nang may pagnanasa sa kanyang mga mata. Tinitigan ni Jeremy ang mapagbalak na ngiti at sumagot, "Sige." Nagalak si Lana, nakatitig sa kanya gamit ng lasing nitong mata nang hinaan nito ang boses nito. "Kung ganon, patunayan mo kaya ang determinasyon mo? Medyo natakot ano sa'yo mula noong araw na trinato mo ako nang ganoon dah
Hindi naintindihan ni Madeline pero kaagad na natuklasan ang balitang pumasok si Jeremy sa isang hotel kasama ang isang babaeng maikli ang buhok sa gitna ng gabi bago umalis nang magkahiwalay. Isang buwan na mula noong huling makatanggap ng balita si Madeline mula kay Jeremy. Hindi niya inakalang matatanggap niya ito sa ganitong paraan. Maaaring di ito makilala ng iba, pero alam ni Madeline na si Lana ito sa isang tingin lang. Naramdaman ni Madeline na nagdilim ang paningin niya saglit, pero kaagad siyang nahimasmasan nang tawagin ni Ava ang pangalan niya mula sa kabilang linya. "Nababaliw na ba si Jeremy, Maddie? Bakit siya sasama kay Lana?" Naawa si Ava kay Madeline. Hinawakan ni Madeline ang cellphone at pinilit ang kanyang sarili na kumalma. "Nag-divorce na kami Ava. Kahit kanino niya pa gustuhing sumama wala na akong kinalaman doon." Walang bahalang ibinaba ni Madeline ang linya sa kabila ng panginginig ng kanyang puso. 'Bakit Jeremy? Nababaliw ka na ba talaga?' Ha
Niluwagan ni Madeline ang pagkakatikom ng kanyang kamay at walang bahalang hinugasan ang kanyang kamay. Pero lumapit si Lana sa kanya para inisin siya. "Talagang kaakit-akit si Jeremy. Hindi pa ako naging ganito kasaya. Ngayon nauunawaan ko na kung bakit gumamit ka ng napakababang paraan para mapakasalan ka niya. "Pero hindi tayo pareho Eveline. Wala akong ginawa kahit ano. Sa halip si Jeremy mismo ang lumapit sa akin." Habang natutuwa sa kanyang sarili, pinag-igihan pa ni Lana ang pang-iinis niya nang makita niyang di kumikibo si Madeline. "Tingin mo ba nagbibiro ako Madeline? Pwede mong tignan kung gusto mo. May marka pa rin si Jeremy na kinagat ko sa balikat niya kagabi! Haha… ugh?" Tumawa si Lana, hindi inaasahang hahawakan ni Madeline ang leeg niya nang mukhang dominante. "Mayroong hangganan ang pasensya ko Lana Johnson. Para sa mga anak ko, siguro kaya ko pang manatiling matino, pero walang hangganan sa mga bagay na kaya kong gawin sa'yo kapag tuluyan mo akong ginalit.
Nag hulaan ang nangyari, kaagad niyang ibinaba ang menu at tumakbo papunta kay Madeline. Habang nakatayo sa isang sulok sa underground car park, nanginig si Madeline nang sumakit ang puso niya nang walang-humpay. Nang panoorin si Madeline na pigilan ang nararamdaman nito nang mag-isa sa isang sulok, kaagad na lumapit si Ryan. Nang makita ang lungkot niya, lumapit si Ryan sa kanya. "Kung sobra na ito, pwede kang sumandal sa balikat ko. Di man ako ang taong gusto mong asahan, pero tingin ko pwede akong maging panakip-butas." Unti-unting tumingin sa taas si Madeline sa maamong mukha sa harapan niya nag magsimulang tumulo ang kanyang luha. Lumapit si Ryan at iniunat ang kanyang braso para hilahin si Madeline sa kanyang dibdib. Pinanood ni Jeremy ang eksena mula sa malayo at naramdamang sumakit ang kanyang puso nang balutin ito ng sakit. Ngunit isa na namang nakakailang na pakiramdam sa kanyang katawan ang nagpaalala sa kanya na ang ipaubaya siya ang pinakamagandang magagawa n
Bumiyahe palayo si Madeline. Habang nakatayo sa iisang pwesto, naghintay si Jeremy hanggang sa di na nakikita si Madeline mula sa kanyang rear-view mirror bago niya bitawan ang kanyang pagpapanggap. Dinampot ng kanyang maninipis na daliri ang mga sigarilyo sa sahig. Ito ay mga custom-made na sigarilyo, isang replica ng binigay sa kanya ni Lana. Pero hindi ito galing sa kanya. May gumawa nito para sa kanya. Ito ay gawa sa sangkap na pipigil sa lason sa loob ng kanyang katawan. Pero nasasabi niyang hindi ito mabisa. Naisip niya ang sinabi ni Madeline. "Kahit mamatay ka pa di na ulit sasakit ang puso ko para sa'yo." Sumandal siya sa kotse nang walang gana, habang ang nakakaakit niyang mata ay nakatitig sa sahig. 'Baka mas maaga pang dumating ang araw na iyon, Linnie… 'Pero talagang umaasa ako na tuluyan mo na akong susukuan sa mga oras na iyon para kahit paano di ka na masasaktan dito.' Pag-alis niya sa April Hill, hindi alam ni Madeline kung anong iisipin niya nang bumiyahe
Sumikip ang dibdib ni Eve, pero siniguro niyang magmukhang nanghahamak. "Bakit naman ako matatakot sa kanya? Pwede niya akong sisantehin kung gusto niya, pero pwede ko pa rin siya sabihan na bayaram ako ng limang beses ng sahod ko!" Bumangon siya at umirap habang nakahalukipkip. "Atsaka ako ang representative ng department natin sa press tuwing gaganapin ang charity gala. Nakaatas sa akin ang isang importanteng bahagi. Ako lang din ang nakakagawa nito. Kaya hindi, tingin ko walang tapang si alam mo na para sisantehin ako." Ang 'alam mo na' ay malinaw na tumutukoy kay Madeline. Naging mayabang ang mukha ni Eve nang mabanggit ang charity gala. "Maging si Mrs. Montgomery ay di ako pinaalis noon, kaya sino si Eveline para gawin ito? Tingin ba talaga niya siya ang president dahil sa kanya ba ang kompanya? Di niyo siguro ito alam, pero dati siyang preso…" Bahagyang hininaan ni Eve ang boses niya nang manlaki ang mga mata ng mga babaeng katrabaho niya sa harap niya. Sa kalagitnaan ng