All Chapters of Into The Other Side: The Last Vessel: Chapter 31 - Chapter 40

70 Chapters

Kabanata 30

Yakap Kumunot ang noo ko dahil sa mga patak ng tubig sa aking mukha. Mas lalo pang nalukot ang mukha ko dahil hindi ako makagalaw at ang ingay ng paligid. "Faith! Please, huwag. Huwag naman ngayon. Please, bumalik ka." Minulat ko ang aking mga mata at napagtantong yakap-yakap ako ni Ree habang umiiyak. "A-anong nangyayari?" tanong ko sa paos na boses.Giniya ko ang aking paningin at gumulat sa akin ang mga nagkalat na papel sa silid. Maging ang cabinet na naroon ay natumba. Si Levi ay yakap din ang umiiyak at nanginginig na si Gabby. "Salamat sa Diyos, buhay ka!" ani Ree bago ako niyakap ulit. Hinayaan ko siya sa ganoong ayos habang pilit na inaalala ang mga nangyari. Galit ako. Galit na galit ako dahil sa nalaman ko pagkatapos ay tinatawag nila ako sa pangalang Tharia.Bahagya akong gumalaw dahilan upang il
last updateLast Updated : 2021-09-12
Read more

Kabanata 31

Kamukha "Explain what happened, Faith," utos ni Levi habang paroo't-parito sa aking harapan at hinihilot ang sintido. "H-hindi ko alam." Naramdaman ko ang marahang pag pisil ni Ree sa aking kamay kaya napatingin ako sa kanya. "Ayos lang kung hindi mo maalala, Faith. Maiintindihan namin, huwag lang iyong hindi mo alam kasi ayaw mong alamin dahil natatakot ka," paliwanag ni Ree. Oo nga pala't nangako ako sa kanyang iiwasan na ang pag gamit ng salitang “hindi ko alam.”Humugot ako ng malalim na hininga't pilit inalala ang nangyari. "Galit na galit ako," panimula ko ngunit nagsimula ring nag-unahan ang mga luha sa aking mata. Agad pinunasan iyon ni Ree gamit ang kanyang hinlalaki bago pa man mag-abot si Levi ng panyo. "Pagkatapos may narinig akong mga bulong, tinatawag akong si Tharia—" 
last updateLast Updated : 2021-09-12
Read more

Kabanata 32

Iisa Nagdaadalawang isip pa ako kung papasok ba ako sa kwarto ni Gabby o maiiwan nalang sa labas. Base sa naging sagutan namin kanina ay hindi niya gugustuhing makita pa ako. "Papasok ba tayo?" tanong ni Ree bago humikab, halatang pagod.Ilang ulit muna akong kumurap ngunit bago pa man ako nakasagot ay nakita na ako ni Tita Liz nang lumabas ang nurse mula sa silid ni Gabby. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago tuluyang pumasok. Umaasa nalang ako na sana ay tulog si Gabby para walang sigawang mangyayari. Hanggang ngayon ay nakokonsensya pa rin ako sa ginawa kong pag sampal sa kanya. Alam ko sa sarili kong pinaglalaruan lang kami ng mga masasamang elemento. Kung sana ay naging mas malakas lang ako at mas inintindi lang ang asal ni Gabby ay hindi sana aabot sa ganito. "How are you, Faith? Ilang araw na kitang hindi nakikita sa bahay." "A
last updateLast Updated : 2021-09-16
Read more

Kabanata 33

La Verde, 1431 "Tharia!" Nagitla ako dahil sa sigaw ni Ama. Nasa hapang kami ngayon at nag-aalmusal. Simula ng mawala ang kapatid kong si Jacob ay naging mainitin na ang ulo ni Ama. Hindi nga lang ako sigurado kung dahilan ba iyon ng pagkawala ng aking nakakatandang kapatid o dahil nawalan siya ng katuwang at tagapag-mana sa kanyang mga kalakal. Malaki ang inunlad ng aming kalakal simula ng si Jacob ang nagpatakbo niyon sa kabisera at mas lalo pa sanang uunlad kung natuloy ang pag-iisang dibdib nito sa anak ni Ginoong Delcan. "Walang katotohanan iyon, Ama," sabi ko pagkatapos ibaba ang kubyertos at nagpunas ng bibig. "Siguraduhin mo lang, Tharia! Isang malaking kahihiyan ang nakikipaghalubilo ka sa mga taga bundok," aniya pagkatapos ay nagpatuloy sa pagkain. "Maaari na ba akong umalis, Ama?" gusto ko sanang sabihin na nawalan na ako ng ganang kumain ngunit ayaw kong mas uminit pa ulo ng aking gobernador-heneral.
last updateLast Updated : 2021-09-16
Read more

Kabanata 34

Kakampi Ilang oras na kaming nasa biyahe patungong Luminos ngunit wala ni isang nagsalita. Si Ree ang nagmamaneho habang si Levi ay tahimik din sa aking tabi habang nasa daan ang buong atensyon. Sa kabila ng pagod ay hindi ko nagawang matulog sa byahe, ang isip ko’y nanatili sa tanong ni Ree kanina. Maging ako hindi ko halos maisip ang rason kung bakit ko hinalikan si Levi. Hinilot ko ang aking sentido, sobrang sakit na ng aking ulo at ang pananahimik ng dalawa kong kasama ay hindi nakakatulong. Magsasalita na sana ako ngunit na unahan ako ni Ree. “Nandito na tayo,” ani niya. Umirap ako, ni hindi niya man lang ako nagawang tingnan, mas lalo tuloy akong nairita. Kanina pa nakakunot ang noo ko habang naririnig ang bawat nguya niya ng baong biscuit na hindi niya man lang nagawang ialok sa amin. “Hindi ka ba baba riyan?” Pinagbuksan niya ako ng pinto. Humugot ako ng mamalim na hininga bago bumaba ng vintage car ni
last updateLast Updated : 2021-09-16
Read more

Kabanata 35

NasaanPagkatapos naming mag-almusal ay naka-idlip ako sa sala nila Aling Mumay. Nagising nalang ako nang maramdamang ay humihilot sa ulo ko.“I’m sorry,” bungad ni Ree nang dumilat ang mga mata ko.Bumangon sa pagkakahiga sa kandungan niya at kinusot ang mga mata. “Ha?”“Sorry, uminit ang ulo ko.”Tumango ako. May mga gusto pa akong sabihin pero huwag nalang. Ayaw ko muna siyang kausap. “Si Levi?” sabi ko nalang.Nalukot ang mukha ni Ree bago bumuntong hininga. “Nakatulog.”Tumango ulit ako bago inabot ang tubig na nasa maliit na lamesa.“Ako? Hindi mo tatanungin kung nakatulog ba ako?” masungit na sabi ni Ree. Halos bugahan ko tuloy siya ng tubig.“Nakatulog ka ba?”“Hindi,” mas lalo siyang nagsungit. Nireregla ba ito?Tumango ulit ako.“Sorry na nga kasi, Faith,&rdq
last updateLast Updated : 2021-10-21
Read more

Kabanata 36

Reincarnation“Bakit ngayon lang ninyo sinabi lahat ng ito?” Bahagyang tumaas ang boses ni Aling Mumay kaya napalunok ako.Hindi ko naman akalain na big deal pala iyon, basta’t ang alam lang namin ay walang nakakulong sa lamparang iyon.“H-hindi rin po namin alam, Aling Mumay… nawala sa isip ko…” hindi ko na kayang dugtungan. Wala rin naman akong maisip na matinong sagot.“Baka naroon sa mga gamit ni Lola Kristel, Faith?” ani Levi.“Wala naman akong nakitang lampara roon?” si Ree ang sumagot.“Saka nasa Nuevo Pacto na si Lola Kristel noon bago pa man nangyari iyong pagkulong kay Theodore sa lampara. Hindi rin sinabi ni Alisa sa kanyang talaarawan kung nasaan na ang lamparang iyon, Aling Mumay,” sabi ko.“Si Tharia ang ibig kung sabihin. Kailan pa siya nagpakita sa inyo?”Naitikom ko ang aking bibig. Lahat sila a
last updateLast Updated : 2021-10-25
Read more

Kabanata 37

Tulong Naalimpungatan ako dahil sa basang tuwalyang lumapat sa aking noo at bumungad sa akin ang nag aalalang mukha ni Ree kasama ang kapatid nito. "Anong nangyari?" tanong ko. "Inaapoy ka ng lagnat." Si Ree ang sumagot habang nagpupunas sa aking noo. "Bakit ganyan ang mukha mo?" "Umuungol ka kasi kanina tapos si Levi ang tinatawag mo," natatawang singit ni Margareth. Hindi ko alam kung dahil nilalagnat ako kaya uminit ang mukha ko o talagang lubusan na akong nilamon ng kahihiyan. "Kapag hindi ka talaga tumigil, Margareth, ibabato ko 'to sa'yo!" Kahit ang mukha ni Ree ay namumula, siguro'y dahil sa pagkapikon sa kapatid. Tumikhim ako at sinubukang bumangon ngunit pinigilan nila ako. "Don't worry, Faith, alam namin ni Aling Mumay na posibleng si Levi ang reincarnation ni Theodore at ikaw naman kay Tharia," natatawa pa ring ani niya ngunit nasa kapatid naman ang atensyon. Nabuhay
last updateLast Updated : 2021-11-05
Read more

Kabanata 38

Please, help me Buong mag hapon akong tinuruan ni Margareth tungkol sa witchcraft ngunit ni isa ay wala akong natutunang orasyon. Siguro marahil hindi pa nag si-sink in sa akin ang sinabi niyang may dugo akong mangkukulam. Hindi na basta haka-haka iyon, sapagkat siguradong- sigurado siyang mangkukulam talaga ako dahil sa hiwa na nasa kanang hintuturo ko. Maliit lamang iyon at hindi nga mahahalata ngunit nang may binanggit siyang latin na mga salita ay saglit itong lumiwanag at lumitaw sa aking ala-ala ang isang babaeng nakatalikod. Saglit lamang iyon, pakiramdam ko nga ay isang kurap lamang ngunit ramdam ko ang matinding koneksyon niya sa akin. Ang paliwanag ni Margareth ay maaaring may koneksyon ang babaeng iyon sa tunay kong pagkatao. Ngunit noong sinubukan namin ulit ay hindi na iyon gumana. Tumigil na rin si Margareth dahil dumugo na ang kanyang ilong. Ang sabi niya'y may hangganan ang kanyang kaalaman sa mahika lalo na't
last updateLast Updated : 2021-11-13
Read more

Kabanata 39

Her NecklaceTharia, La Verde, 1431 Mismong pagbaba pa lang namin sa karatela ay dinagsa kaagad kami ng mga taong gutom at mga may sakit. Noong una ay nag-aalangan pa ako kung tutulong ba ako dahil umaalingasaw ang amoy ng mga sugat nila sanhi ng lumaganap na epedemya sa lugar. Ngunit mas nanaig ang awa sa akin, lumapit ako sa batang halos nasa anim na taon lamang na nakasandal sa malaking bato malapit kung saan namin itinigil ang karatela. Namamalat na ang kanyang mga labi at halos mapuno na ng sugat ang mga katawan. Gustuhin man niyang magsalita ay hindi na niya magawa, siguro'y marahil sa mga kulay puting nasa kanyang bunganga.Inayos ko ang pagkakasandal niya sa batuhan bago maingat na pinainom ng tubig pagkatapos ay maharang nilinis ang kanyang katawan at nilagyan ng halamang gamot ang kanyang mga sugat. Nang matapos ang panggagamot ko sa kanya ay maingat din niyang hinaplos ang aking mukha.
last updateLast Updated : 2021-11-19
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status