All Chapters of Into The Other Side: The Last Vessel: Chapter 11 - Chapter 20

70 Chapters

Kabanata 10

Gabby knows   "Anong ibig mong sabihin?" Hindi ko alam kung panunumbat ba ang nakikita sa mga mata ni Levi ngayon, pero totoong nasasaktan ako sa ginagawa niya. Siya nalang kasi ang inaasahan kong masasandalan ko ngayon pero pakiramdam ko ay sinisisi niya ako sa mga nangyayari.   Ang dami kong gustong itanong sa kanya, sobrang dami kong gustong sabihin at isumbong sa kanya pero sa reaksyon na nakikita ko sa mga mata niya ay parang unti-unting nawawala ang pag asang mayroong nalang ako ngayon.   Tuluyan akong nanlumo nang narinig ko ulit ang marahas na pag hugot niya ng malalim na hininga. Ayun na naman yung pakiramdam na tila pabigat ako sa kanya. Na napipilitan lang siyang makita ako dahil sa diary na nabasa niya sa library ng lola ko.   Akmang tatalikod na sana ako nang marinig ko siyang tumikhim.   "Noong hinalikan mo ako, hindi m
last updateLast Updated : 2021-04-16
Read more

Kabanata 11

  Ako ba?   Maka ilang ulit akong lumunok bago pinulot ulit ang laptop sa sahig. Mabuti nalang at hindi nila napansin ang ginawa ko.   "Okay ka lang ba?" Dinig kong tanong ni Levi pero hindi ko alam kung para ba 'yon sa akin o kay Gabby. Natatakot rin akong lumapit sa kanya dahil baka may nagawa nga akong hindi maganda nitong nakaraang araw kaya naging ganito bigla ang pakikitungo niya sa akin.   Natigil ako sa pagwawalis nang mapansin ang pamilyar na libro sa ilalim ng single coach sa gilid ng pinto. Yumuko ako roon at inabot iyon. Ganoon nalang ang gulat ko ng makitang diary iyon galing sa opisina ni Lola.   Humarap ako kay Levi bitbit ang libro.   "Lev—"   "What the fuck! I already burned that fucking stuff!"   Kumunot ang noo ni Levi na napatitig kay Gabb
last updateLast Updated : 2021-04-16
Read more

Kabanata 12

Ruby    Nagising ako dahil sa nakapasok sa sinag ng araw mula bintana ng opisina ni lola. Kaagad nabuhay ang kaba ko nang mapagtantong sa sofa ako nakahiga dahil ang huling naalala ko ay nakasandal ako likod ng pintuan.    Agad akong napabangon at tiningnan ang kalendaryo sa cellphone ko. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makompirmang isang gabi lang ang nag daan at mag aala-sais pa lang ng umaga. Napasandal ulit ako sa sofa habang pilit na inaalala ang nangyari kagabi. Napalunok ako nang maalala ang mukha nang babaeng sumakal sa akin.    Nakita ko na siya noon, dito rin sa opisina ni lola. Siya ang huling nakita ko bago ako nawalan ng malay noong isang linggo. Siya iyong babaeng may suot na pulang kapa at may hawak na punyal na gawa sa kahoy habang lumuluha ng dugo. Ngunit bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay dahil sa pagkakasakal niya sa akin ay may pu
last updateLast Updated : 2021-04-16
Read more

Kabanata 13

Josephine   Pagkatapos kong mabasa ang liham ni lola ay kaagad akong nag tungo sa address na nakasulat doon. Mga limang oras lang naman ang byahe kapag sasakay ng bus kaya habang maaga ay lumuwas na ako.    Nagdala lang ako nang kaunting pera habang ang iba ay iniwan ko sa opisina ni lola. Baka kasi dumating na 'yong Benedict Marshall at hindi na ako makapasok sa bahay.    Magtatanghangli na nang makarating ako sa address na iniwan ni lola. Medyo malayo kasi iyon sa syudad at kailangan pang punuin ang tricycle bago aalis. Naglagkit tuloy ang balat ko dahil sa init at alikabok.   Medyo luma na ang bahay, gawa sa kahoy ang itaas habang konkreto naman ang pundasyon. Dalawang palapag ang bahay at medyo sira na rin ang ibang parte sa taas nito lalo na ang ilang bintana ay may iilang butas na, ngunit maganda pa rin naman ang bahay. Mukhang luma ngunit napapalibutan ng mg
last updateLast Updated : 2021-04-16
Read more

Kabanata 14

Destiny   "I'm sorry," sabi ko nang tuluyang makalapit sa akin iyong lalaking nurse na nag pakalma kay Josephine kanina. Kung hindi pa nila tinurukan ng pampakalma ay hindi pa siya tumigil sa pagsigaw.   Umupo siya sa harapan ko ngunit hindi nagsalita. Tinitigan lang niya ako nang matagal na para bang isa akong kriminal. Hindi ko tuloy alam kung saan ako titingin. Maging ang mga paa ko ay hindi ma-permi sa iisang pwesto.   "Who are you?"   Napalunok ako nang sa wakas ay nagsalita siya. Simpleng tanong lang naman iyon sa banayad na pamamaraan ngunit ang panliliit ng kanyang mga mata ay tila hinuhusgahan na ako. "Lexcel Faith M-marshall..." habol ko ang aking pag hinga. Pakiramdam ko ay guilty ako. Kung may masamang nangyari kay Josephine ay ako lang ang dapat sisihin.   "I know, nabasa ko sa visitor's log."   "Oo," wala sa sar
last updateLast Updated : 2021-04-16
Read more

Kabanata 15

First time mo ba?   "Holy shit!" bulalas ko.   "Hey, Faith, anong nangyayari sa'yo?"   Medyo na himasmasan ako nang mapagtanto kung sino ang kasama ko.   "Sorry po, binangungot po yata," paumanhin niya sa mga kalapit naming pasahero.   Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong nasa parehong araw pa rin ako. Nitong mga nakaraang araw ay natatakot na akong matulog dahil baka may gawin na naman akong mga bagay na hindi ko matandaan. Hindi pa malinaw sa akin kung ano ang nagawa ko kay Gabby pero nasisigurado kong nasaktan ko siya base na rin sa galit na mayroon siya sa akin.   "Sino ka nga ulit?" tanong ko sa aking katabi.   Ngumiti siya. "Alam mo bang delikado 'yang ginagawa mo, Faith? Sumasama ka na nga sa taong hindi mo kilala, natutulog ka pa sa balikat nila."   Pisti.  
last updateLast Updated : 2021-04-16
Read more

Kabanata 16

Mefar, Pruyebas, 1561   Pareho kaming naka upo ni Ree sa sahig habang kumakain ng cup noodles at tinapay. Ito nalang talaga ang nakakakain ko simula ng umalis ako kina Gabby. Unhealthy, parang buhay ko.   "Oo nga pala, Faith, may ipapahiram ako sa'yo. Hiram lang kasi kay Lola Pina talaga ito, pinahiram lang din niya sa akin. Basahin ko raw kaso wala naman akong maintindihan," ani niya habang may kinakalkal sa bag niya.   Nilunok ko muna ang nginunguya ko bago inabot ang librong hawak niya. "Grimoire?" basa ko sa nakasulat sa cover. Gawa sa kahoy sa takip nito at may susian pa sa gilid ngunit hindi naman naka-lock.   "Ang astig no? Parang artifact,” aniya   "Para saan naman daw ito?"   "Ang sabi ni Lola, diyan daw niya natutunan lahat ng engkantasyon at mga pang gagamot na alam niya ngayon. Minana pa raw niya iyan sa kanyang guro noon
last updateLast Updated : 2021-04-19
Read more

Kabanata 17

Pupunta Tayo Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak basta't nagising nalang ako dahil sa ingay na naririnig ko hindi kalayuan sa hinihigaan ko. Marahan akong bumangon at uminom ng tubig na nakahanda sa ibabaw ng lamesa malapit sa sofa. Ngayon ko lang napag-tantong umaga na pala. Hinilot ko ang aking sentido dahil masyadong masakit ang aking ulo, siguro ay dahil sa pag iyak. Ramdam ko rin ang pamamaga ng aking mga mata kahit na hindi ko man ito makita. "Natutulog pa nga. Saka, Hindi magandang magpapasok ng mga hindi kakilala." "Excuse me? Who are you ba? Kapag hindi ka tumabi riyan ay tatawag na talaga ako ng police. Nasaan ang kaibigan ko?" Agad ako
last updateLast Updated : 2021-06-10
Read more

Kabanata 18

IncendiaMefar, Pruyebas, Ika-20 ng Enero, 1562Ilang araw na akong halos wala sa sarili dahil sa nasaksihan ko noong nakaraang buwan. Hindi ko na rin magampanan ng maayos ang aking tungkulin kay Sebastian dahil palagi akong tulala. Mabuti na lamang at nagawa akong intindihin ng aking mga amo. Sila na rin ang sumagot sa pagpapalibing sa aking Ama ngunit iyon nga lang ay sa sementeryo ng mga erehe siya inilibing sa kadahilanang nagpatiwakal siya.Hindi ko malimutan ang huling mga salita ni Ama bago siya tuluyang bawian ng hininga. Nilinlang siya ni Teodore. Sinapian siya ni Teodore. Papatay si Teodore sa tatlong pamilya hanggang sa dumating ang itinakda niyang sisidlan.
last updateLast Updated : 2021-06-10
Read more

Kabanata 19

NakatulogIlang ulit ka nang nabuhay at namatay, Tharia subalit mahina ka pa rin. Hindi ba't buo na ang ating pasya na isasama mo siya pabalik sa lugar na ito? Bakit ka lumilihis ng landas?!"Ramdam ko ang pangungunot ng aking noo dahil sa boses na um-echo sa madilim na lugar kung nasaan ako. Wala akong makita kung hindi walang katapusan na kadiliman."Ano ang iyong ginagawa rito? Bakit ka nagbalik na hindi pa tapos ang iyong misyon?""Sino ka?" tanong ko habang sinisipat ang paligid ngunit wala naman akong makita.Kumabog ang dibdib ko ng biglang may isang kandila na
last updateLast Updated : 2021-06-11
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status