All Chapters of Into The Other Side: The Last Vessel: Chapter 51 - Chapter 60

70 Chapters

Kabanata 50

Anchor "Faith! Wake up!" "Humihina na ang kanyang pulso! Dalhin na natin siya sa hospital!" "At anong sasabihin natin sa hospital? Mag mumukhang tanga lang tayo roon!" "It's suicide! Walang kinalaman ang magic dito! Tumawag ka nang ambulansya, Levi!" "Sinusubukan ni Aling Mumay. Walang signal ang cellphone ko, even the landline here in your condo, Lawrence!" "No, wait! It's healing! She's healing" Napaubo ako nang maramdamang napuno nang hangin ang aking dibdib. Medyo masakit ang ulo ko at nang imulat ko ang aking mga mata ay umiikot pa ang aking paligid. Naramadaman ko kaagad ang mainit na kamay sa aking likuran upang hindi ako bumagsak ulit. "She need to rest. Mukhang mahaba ang naging biyahe niya pabalik," saad ni Margareth. Naramdaman kong umangat ang aking katawan bago ako bumagsak sa malambot na kama. Wala akong lakas upang mag salita at kahit anong pigil ang gawin ko'y bumabagsak ang aking talukap. Pakiramdam ko ay dinuduyan ako nang maamoy ang pinaghalong eucalyptus a
last updateLast Updated : 2022-03-06
Read more

Kabanata 51

Who Killed Kristel "K-kilala po ninyo ang tunay kong mga magulang?" Naikuyom ko ang aking kamao. Sa paraan ng pagpapalaki sa akin ni Lola ay wala na akong mahihiling pa. Hindi ko kailanman man naramdamang may kulang sa akin dahil sa pagmamahal at kalinga na naibibigay sa akin ni Lola. Ngunit sa oras na ito ay gusto kong mag tampo. Gusto kong mag tanong at manumbat kung bakit itinago niya sa akin ang katotohanan. Kahit na ano pa ang naging rason nila ay karapatan kong malaman ang katotohanan kahit na hindi ko iyon kinakailangan. "I'm sorry, apo, kung itinago ko sa iyo ang katotohanan. We all wanted to protect you—" "Naiintindihan ko po, La," saad ko kahit na ang totoo ay may kurot pa rin sa aking puso ang pagtatago nila sa totoong pagkatao ko. Matagal bago sumagot si Lola, tinatantiya pa ang aking timpla. Yumuko ako para hindi niya makita ang aking tinatagong emosyon. "Nasa librong iyan lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa mga magulang mo at kay Tharia, apo," sabi ni Lola ha
last updateLast Updated : 2022-03-13
Read more

Kabanata 52

Zandrex Aragon Pag mulat ko ng aking mata ay sinalubong ako ng malakas na sampal galing kay Margareth. "What the hell, Margareth!" sita ni Ree sa kapatid. "Dying is not the solution, Faith!" sigaw ni Margareth bago nag martsa palabas ng kwarto. Napahawak ako sa aking mahapding pisngi. Kasalukuyan akong nakahiga sa kama, si Ree naman ay nakaupo sa gilid nito. Gustuhin ko mang magsalita ay walang lumalabas sa aking bibig. Ang alam ko'y naglaslas ako kanina pagkatapos ay napunta ako sa lugar kung nasaan naroon si Tharia— ang buhay na Tharia. Napahawak ako sa aking palapulsuhan. Walang bakas ng sugat iyon ngunit naroon ang mantsa ng natuyong dugo. Maging ang aking damit ay napuno na rin ng sarili kong dugo. "Paanong nawala ang sugat ko?" tanong ko kay Ree. Yumuko kaagad ako pagsabi ko 'non dahil hindi nakayanan ang paraan ng pag titig niya sa akin. Humugot siya ng malalim na hininga ngunit hindi nagsalita. Ramdam ko ang pinipigilan niyang galit sa akin. Marahan kong kinusot-kusot
last updateLast Updated : 2022-03-14
Read more

kabanata 53

Litrato Nang mag paalam kaming tutungo sa Nuevo Pacto ay hindi pumayag si Aling Mumay lalo na't nalalapit na ang kabilugan ng buwan. Maging si Margareth ay nag protesta rin dahil ayaw magpa iwan ang kapatid niyang si Ree sa condo nito. Napakamot ako sa aking batok nang malingunan si Ree na kasalukuyang nagmamaneho. Si Levi ay nasa likod at mahimbing na natutulog. Ang matinding paalala ni Margareth ay kung maaari ay iwasan naming magsama ni Levi lalo na't nalalapit na ang kabilugan ng buwan. Mas lumalakas kasi ang kapit ni Tharia sa mundong ito dahil sa ang dugong dumadaloy kay Levi ay katulad ng sa kay Theodore. "Tharia's stronger when Levi's around— he's Theodore's reincarnation—and her grestest desire to be with him makes her more powerful. Napapansin mo ba kung anong nangyayari everytime na kino-kontrol ni Tharia ang katawan mo at magkasama kayo ni Levi? You ended up kissing-" Napailing na lang ako nang umalingawngaw ulit sa utak ko ang sinabi ni Margareth. Bakit kasi kailang
last updateLast Updated : 2022-03-24
Read more

kabanata 54

Her Other Side Nasa biyahe kami patungong La Verde ay patuloy pa rin ako sa pagbabasa sa lumang aklat na na katulad ng binigay sa akin ni Lola Kristel sa aking panaginip, or space and time travel, hindi ko alam basta ang alam ko ay hindi iyon basta imahensayon lamang. "Hindi ko pa rin talaga ma gets. Hindi ba't 18 years old dapat ang magiging sakripisyo? Bakit tayo nag aalala sa sitwasyon ni Gabby, eh, hindi pa naman siya debutante?" "Ayaw kong sumugal, Lev. Noong isang araw lang ang alam nating lahat ay isa siyang Somerheld, ngayon ay isa na siyang... Marshall." May bahid ng pait sa aking tinig. Si Gabby ang totoong kadugo ni Lola Kristel at hindi ako. Hindi ko lang alam kung pati ba ang pagkataong iyon ni Gabby ay tinago niya sa aming lahat. "Baka pati kaarawan at edad ni Gabby ay windangin na lang tayo." "Eh, ikaw?" "Anong ako?" balik na tanong ko kay Levi. "Ang totoong pagkatao mo kung hindi ka isang Marshall? I mean, reincarnation ka ni Tharia pero namatay ang anak nito, pa
last updateLast Updated : 2022-04-01
Read more

Kabanata 55

Unti-unting kinain ng dilim ang liwanag, ang huni ng mga ibon ay unti-unting napalitan ng pang gabing insekto, habang nanatili akong nakatayo sa harap ng lalaking tinawag akong anak. Hindi ko alam kung ano ang isasagot, hindi ko alam kung ano ang iisipin dahil ang taong minsan kong kinamuhian ay tatawagin akong anak. Ito ba ang dahilan kung bakit niya inako ang kasalanang hindi naman niya ginawa? Matagal na ba niyang alam na anak niya ako? Bakit siya lumayo? Bakit hinayaan niyang ako pa ang maghanap sa kanya. Binalot kami ng mahabang katahimikan. Napakahaba na tila ba nagawa ko pang makita ang buhay ko simula pagkabata hanggang sa ngayon. Kahit kailan ay hindi ko kinuwestiyon at naramdamang may kulang sa pagkatao ko, ngayon lang. Nagayon kung kailan narinig kong may tumawag sa aking 'anak', unang pagkakataong may tumawag sa akin ng ganoon at hindi ko alam kung ano ang isasagot. Mas lalo akong nanliit sa sarili ko nang marinig ang sinabi niya. Malas ba ako sa buhay ng aking Ama kaya
last updateLast Updated : 2022-04-18
Read more

Kabanata 56

Astral Projection Pinigilan kaming umuwi ni Zandrex dahil nag kalat daw ang mga kriminal sa La Verde ngayon. Wala kaming nagawa kundi dito na lang mag hapunan at mag palipas ng gabi kahit na lahat kami ay nag aalala dahil kabilugan na ng gabi bukas. May dalawang katulong si Zandrex na naroon— ang isa’y babae na katulong niya sa gawaing bahay ang isa nama’y lalaki na taga maintain ng garden—halos lahat ng naroon kasi ay mga halamang gamot. Ancestral house ito ng kanyang asawa at dahil wala na itong ibang pamilya ay kay Zandrex na rin ito napunta kahit na hiwalay na sila. Technically, galing ako sa angkan ng mga Kliodap at Aragon— ang nakakatawa lang ay parehong nakatakdang pumatay ng tao dahil sa kagagawan ni Tharia. Tumingala ako sa mga bituin at pagak na natawa. Kung lahat ng bagay ay itinakda na ng maykapal, bakit ang sanglap naman yata nang naisulat niya para sa akin? Napalingon ako sa nag iingay na pintuan at bago pa man ako nakasagot ay niluwa na nito si Zandrex. Napaayos ako
last updateLast Updated : 2022-04-20
Read more

Kabanata 57

Ivy Margareth “Margareth! Margareth, gumising ka! Aling Mumay!” Tawag ko sa kanila. Alam kong hindi ko sila mahahawakan kaya nakontento na lang ako sa nang makompirmang humihinga pa sila. Nakikita ko pa kasi ang pagtaas-baba ng kanilang dibdib. "Gabby! Nasaan ka?" sigaw ko nang hindi ko siya mahanap sa buong condo. "Gab!" "Faith, anong nangyayari? Nakita mo na ba sila?" boses iyon ni Ree. Pumikit ako at pinitik ang kamay pagkatapos ay nagbalik ang katawan ko bahay ni Zandrex. "Ayos ka lang ba? Ano? Nakita mo ba sila? tanong agad ni Ree. Umiling ako pagkatapos ay pinunasa ang dugo sa aking ilong. "Walang malay sina Aling Mumay at Margareth, Ree. Nasa condo mo pa sila pero hindi ko mahanap si Gabby. Kailangan nating bumalik doon ngayon din!" sabi ko pagkatapos ay lumabas ng silid. "Faith, sandali lang. Huwag kang padalos-dalos, hintayin mo munang magising si Zandrex." Habol ni Gladys sa amin. Tumigil ako at nilingon siya. "Malayo pa ang Luminos, Gladys, baka wala na kaming abutan
last updateLast Updated : 2022-04-27
Read more

Kabanata 58

"Delcan? Galing sa angkan ng mga Delcan si Margareth?" Kahit ang sarili kong boses ay hindi ko marinig. Hindi pwedeng maging si Margareth ay malagay sa panganib. Marahang tumango si Tharia na tila ba pinapaintindi sa akin na wala na akong magagawa dahil itinakda na itong mangyari. Pero bakit wala kaming alam? Walang mga palatandaan na si Margareth ang reincarnation ni Lilia Delcan o baka naman hindi lang niya sinasabi sa amin dahil ayaw niya kaming mag-alala sa kalagayan niya. Hindi kaya ito rin ang dahilan kung bakit ko mapapatay si Ree? Sa kagustuhan niyang maligtas ang kapatid ay sinakripisyo niya ang sarili para lang mapigilan si Tharia o ako? "Alam mo namang kontrolado ko ang lahat ng nangyayari rito, hindi ba? Maging ang mga iniisip mo, Faith," turan ni Tharia dahil matagal bago ako naka-imik. "Kaya may ideya ka na kung gaano kita kinamumuhian, Tharia..." Nakita ko ang pagkawala ng ngiti niya. "Makapangyarihan ka, Tharia, at sinigurado mong katatakutan ka namin pero naisip k
last updateLast Updated : 2022-05-23
Read more

Kabanata 59

Tharia Hinawi ko ang aking buhok nang dumaan ang malamig na simoy ng hangin. Napangiti ako nang sa wakas ay naramdaman ko ulit na buhay ako ngunit nawala rin bigla nang maalalang hindi pa buo ang kontrol ko sa katawang ito dahil unti-unti nang natutunan ni Faith na labanan ako. Humugot ako ng malalim na hininga. Kailangang maging sapat ang oras ko para isagawa ang ritwal ng sakripisyo bago pa makabalik si Faith sa katawang ito. Pumikit pa ako ng isang beses bago inutusan ang hangin na dalhin ako kung nasaan si Gabriela Marshall ngayon. Sa isang iglap lang ay nasa skwelahan na nila ako sa Nuevo Pacto— ang lugar kung saan hindi gumagana ang ano mang itim na kapangyarihan. Alam kong may kinalaman dito si Sandrex Aragon. Nang nalaman niyang anak niya si Faith ay natutong lumaban ang taksil. Nag-aral siya ng iba't-ibang ritwal at pag gamit ng halamang gamot sa tulong ni Gladys Ortega. Kung inaakala niya ang kayang pigilan ng halamang gamot ang kapangyarihan ko ay nagkakamali sila, ako a
last updateLast Updated : 2022-05-23
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status