All Chapters of Into The Other Side: The Last Vessel: Chapter 1 - Chapter 10

70 Chapters

Simula

R- 13   Hindi ko maramdaman ang aking mga paa ngunit alam kong gumagalaw ito ng kusa. Katulad ng dati, buong lakas kong kinuyom ang aking kamao ngunit maging ang aking mga kamay ay hindi ko na maramdaman.   Nag simula kumalabog ang dibdib ko.   Pilit kong pinigilan ang aking mga paa sa paghakbang dahil alam ko kapag nag tagal pa ito ay magigising na naman ako sa kung saan.   Noong huli ay nagising nalang ako sa kwarto ni Lola Kristel na may hawak na patalim, hinihingal siya habang takot na nakatitig sa akin kaya sinusumpa kong ayaw ko nang maulit pa iyon.   Bawat hakbang na nagagawa ko'y nawawalan ako ng lakas, ramdam ko na rin ang malamig na pawis sa aking noo. Unti-unti ko na ring nararamdaman ang pag-ikot ng aking sikmura. Hinahalungkat maging ang pinakamaliit na kalamnan sa loob habang unti-unting nilalamon ang natitira kong ulirat.   Pamilyar na ako sa g
last updateLast Updated : 2021-04-16
Read more

Kabanata 1

The Beginning of an End "Nakikiramay ako, Faith."   Hindi na ako nag-angat ng tingin sa babaeng nagsabi niyon. Masyado na akong pagod para igalaw pa ang aking ulo. Wala na rin akong pakialam kung sabihin nilang bastos ako. Pagod na ako. Pagod na akong mag-isip, pagod na rin akong mabuhay. Pagod na ako sa lahat bagay.   "Nakikiramay kami sa iyo, Lexcel Faith."   Mapakla akong napangiti dahil sa narinig. Ayan na naman. Ilang beses ko na bang narinig ang salitang iyan ngayong gabi ngunit pakiramdam ko ay wala akong karamay sa sakit na nararamdaman ko. Si Lola Kristel lang ang kinikilala kong pamilya. Namatay ang nanay ko sa panganganak sa akin habang ang tatay ko naman ay nag pakamatay dahil hindi nakayanan ang depresyon. Palaging sinasabi ni lola na isa akong regalo ng Panginoon sa kanya ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pinaniniwalaan. Hindi ako bulag, at sa lahat nang na
last updateLast Updated : 2021-04-16
Read more

Kabanata 2

Burying the Dead   Tatlong araw lamang ang itinagal ng burol ni lola dahil pinutol ko na ang munting pag-asang may mga ka-anak pa kaming gustong masilayan siya sa huling sandali. Sa loob ng dalawang araw ay apat na tao lamang ang paulit-ulit kong nakikita- si Gabby kasama ang mga magulang nito. Pa minsan-minsan ay nahahagilap ng paningin ko ang bagong salta sa lugar namin— nagugulat, nanginginig, natatakot pagkatapos ay tatakbo palayo. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari sa kanya at wala na rin akong balak pa na alamin basta ba't hindi niya pinapakialaman ang buhay ko.   Habang unti-unting binababa ang kabaong ni lola sa huli niyang himlayan ay pakiramdam ko tila nauupos akong kandila. Gusto kong umiyak pero tila naubos na ang tubig sa aking katawan dahil wala nang lumalabas sa aking mga mata. Ramdam ko na rin ang pamimigat ng aking mga talukap hindi dahil sa antok ngunit dahil sa pamamaga ng mga i
last updateLast Updated : 2021-04-16
Read more

Kabanata 3

Do not Awaken the Devil   Napangiwi ako sa sakit habang tinatanggal ang lapis na bumaon sa kaliwang braso ko. Matagal na panahon na rin nang huli akong makaramdam ng ganitong sakit at hindi ko akalaing ikasisiya pa ito ng aking sistema.   Sabagay, wala pa sa tamang gulang ang katawang ito kaya mahabang panahon pa ang aking hihintayin bago maangkin ang buong kontrol dito. Ngunit hindi na rin masama, ikinalulugod ko namang gampanan ang seremonya ng tatlong alay gamit ang limitadong lakas na meron ang katawang ito.   Nasuntok ko ang pader habang tinatanaw ang babaeng paika-ikang nililisan ang silid ngunit agad ding napangiti nang maramdaman ang init at maamoy ang halimuyak ng dugong nag landas sa aking kamao. Wala na ngang papantay sa halimuyak na dala ng aking huling sisidlan sa panahong ito.
last updateLast Updated : 2021-04-16
Read more

Kabanata 4

Dejavu Tuluyan akong nagising ng hawiin ni Gabby ang kurtina para pumasok ang sinag ng araw. Wala na akong nagawa nang marahas niyang hilain ang kumot na itatakip ko sana sa aking mukha.   "Good morning sunshine! Rise and shine! Today is the first day of being a senior!" hiyaw niya. Napaka energetic talaga niya sa umaga. Well, Gabriella is not Gabriella without an energy. Halos nakapikit pa akong bumangon nang hilahin niya ako sa kama. "C'mon, Faith. Wake up! I already texted Landon, he will be here in 10 minutes. We don't wanna miss the first day prank," wika niya sabay paikot ng kanyang mga mata.   Bumuntong hininga ako. "Okey, maliligo na ako," sabi ko nalang pagkatapos ay dumeretso sa banyo. Ilang beses na akong nakapasok dito pero natutuwa pa rin talaga ako sa ayos ng kanyang mga gamit panligo. Iba't-ibang amoy ng shower gel kada araw. Kahit hindi ako tumingin sa kalendar
last updateLast Updated : 2021-04-16
Read more

Kabanata 5

The New Guy   "Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa akin." Hindi ko alam kung makailang ulit ko na nasabi ang mga katagang ito. Siguro ang alam ko nalang ngayon ay ang paulit-ulit na sabihin ang mga ito.   I am feeling helpless. Wala akong magawa nang bumuhos ang mga pangyayaring hindi ko maipaliwanag dahil sa buong buhay ko ay hindi ko halos maisip na posibleng mangyari ito sa akin. Lakad-takbo ang ginawa ko para mas mabilis na makarating sa opisina ni lola, mabuti na lamang at nakaksunod pa rin sa akin si Levi.   "Hindi ko rin maintindihan, Faith, at hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nandito ngayon," hinihingal na aniya.   Huminto ako at hinarap siya. Sa uri ng katawan niya ay hindi na ako nagtaka kung bakit siya hinihingal. Nangingitim ang paligid ng kanyang kulay abong mga mata, namumula rin ang matangos niyang ilong at namamalat ang kanyang labi
last updateLast Updated : 2021-04-16
Read more

Kabanata 6

Behind that Door   "B-bakit? Papaanong?" Wala sa sariling nai-lapag ko ang diary ni lola sa lamesa na nandoon. Kanina pa paroon at parito si Levi at nahihilo na ako sa ginagawa niya.   "Ako dapat ang mag tanong niyan," bakas ang pag pipigil ng galit sa boses niya.   "Hindi ko rin alam, Levi. Ngayon ko nga lang rin nalaman na may kwarto pa pala rito," depensa ko.   Sa totoo lang ay bihira akong naglalagi sa opisina ni lola. Hindi ako katulad niya na naniniwala sa mga espirito, other dimensions, higher vibration at kung ano-anong pang kababalaghan na kinu-kwento niya. Ang opisinang ito ay isang napakalaking kalokuhan para sa akin.   "Alam mo bang pinilit lang ako ng mga magulang ko para pumunta rito." Tumigil siya at hinarap ako. "Pinapunta nila ako rito pagkatapos dumating ng isang sulat galing sa Lola mo, Faith."   "Kung gano
last updateLast Updated : 2021-04-16
Read more

Kabanata 7

What happened in 1995  Pinagmasdan ko ang susing binigay sa akin ni Atty. Ocampo kahapon. Mukha lamang itong ordinaryong susi kung titingnan maliban lamang sa gintong letrang M na naka ulit dito. Ang sabi ni attorney ay binigay ito ni Lola sa kanya dalawang buwan na ang nakalipas at maaari lamang itong mapunta sa akin kapag namatay na siya.    Ang opisina ay malilipat sa pangalan ko tatlong buwan simula ngayon, ngunit ang pinagtataka ko lang ay bakit sa nag ngangalang Benedict Marshall nakapangalan ang bahay ni lola gayong kahit kailan ay hindi ko naman nakita ang taong iyon. Maging sa burol ni Lola ay hindi man lang ito nagpakita. Imposible namang hindi nito nabalitaan ang kamatayan ni Lola gayong nasa pahayagan ito at napabalita rin sa telebisyon. Natigil ako sa pag iisip nang bumukas ang pinto ng sekretong kwartong ito at pumasok ang bagong ligong
last updateLast Updated : 2021-04-16
Read more

Kabanata 8

To See is to Believe "Wala bang na ikwento sa'yo ang lola mo tungkol kay Teodore, Faith?"   Naihilamos ko ang aking palad sa aking mukha pagkatapos ay sunod-sunod na umiling. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. Kung tutuusin naman ay napaka-imposible nang lahat ng ito. Napaka moderno na ng panahon ngayon, makabago na ang mga teknolohiya at halos lahat ay kaya nang sagutin ng siyensya, kaya ang lubos na kailangan ko ngayon ay tulong ng isang magaling na sikolohista.   "Faith, are you listening?"  Umiling ulit ako at sinalubong ang mga tingin niya. "Paano tayo nakakasiguro na totoo nga ang lahat ng nakasulat d'yan?"   "Kaya mo bang ilagay sa alanganin ang buhay ni Gabby para lang makasigurado?" Mapakla siyang natawa pagkatapos ay tuminga.   Humugot ako ng malalim na hininga nang maramdaman ang bara sa aking lalamunan, parang maiiyak na nama
last updateLast Updated : 2021-04-16
Read more

Kabanata 9

I know What You Did Last Week   Napabalikwas ako ng bangon ng maramdaman ang mahinang alog sa balikat ko. Nagtataka akong tiningnan ni Gabby na kasalukuyang naka upo sa gilid ng kama ko.   "Are you okay?" Umatras ako nang akmang hahawakan niya ang aking noo. Agad rumehistro ang pagtataka sa mukha niya.    Imbes na sumagot ay tumakbo ako papuntang banyo at doon umiiyak. Mas lalo pa akong humagulgol nang maamoy ang lavender scent sa buong banyo.   Lunes na naman ba ngayon?   Napasabunot ako sa sarili kong buhok. At pabagsak na naupo sa malamig na sahig ng banyo. Ano na naman ang ginawa ko sa loob ng limang araw?   Gusto kong iuntog ang ulo ko sa pintuan habang humagulgol nang dumaan ang matinding kaba sa dibdib ko.   "Faith, what's happening to you?" iritableng aniya hab
last updateLast Updated : 2021-04-16
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status