The Beginning of an End
"Nakikiramay ako, Faith."
Hindi na ako nag-angat ng tingin sa babaeng nagsabi niyon. Masyado na akong pagod para igalaw pa ang aking ulo. Wala na rin akong pakialam kung sabihin nilang bastos ako. Pagod na ako. Pagod na akong mag-isip, pagod na rin akong mabuhay. Pagod na ako sa lahat bagay.
"Nakikiramay kami sa iyo, Lexcel Faith."
Mapakla akong napangiti dahil sa narinig. Ayan na naman. Ilang beses ko na bang narinig ang salitang iyan ngayong gabi ngunit pakiramdam ko ay wala akong karamay sa sakit na nararamdaman ko.
Si Lola Kristel lang ang kinikilala kong pamilya. Namatay ang nanay ko sa panganganak sa akin habang ang tatay ko naman ay nag pakamatay dahil hindi nakayanan ang depresyon.
Palaging sinasabi ni lola na isa akong regalo ng Panginoon sa kanya ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pinaniniwalaan. Hindi ako bulag, at sa lahat nang nakikita ko ay hindi ko na alam kong saan doon ang totoo. Sana ang kamatayan ni lola ay kasama sa mga bagay na hindi totoo.
Sana.
"Nakikiramay ako, Faith."
Naihilamos ko ang dalawa kong kamay sa aking mukha. Kung sana lang ay kayang maibsan ang sakit na nararamdaman ko gamit ang mga salitang iyan.
Lahat sila ay hindi ko magawang tingnan. Kung sabagay ay hindi ko naman sila kilala maliban sa ilang ka-klase kong narito. Siguro ay maraming naging kaibigan si lola dahil na rin sa angking kabaitan at pagkamatulungin nito.
Aside from being a psychologist, Lola Kristel has psychic ability. She can see and do things that normal people cannot. Hindi siya baliw, sadyang may mga bagay lamang na hindi kayang intindihin ng mga normal na tao at kasama na ako sa mga normal na iyon.
"So what's your plan now, Faith?"
Nag dalawang isip pa ako kung lilingunin ko ba si Gabby o hindi. Sa huli ay pagod ko siyang nitingnan. Namumula at namamaga na rin ang kanyang mga mata sanhi ng kakulangan sa tulog.Huminga ako ng malalim. "Hindi ko pa alam sa ngayon, Gab."
"Gusto mo sa bahay ka nalang muna tumira habang naghahanap ng magiging legal guardian mo? Or maybe, sina Mommy nalang ang gawin mong guardian, siguradong matutuwa ang mga iyon."
Tanging hingang malalim lamang ang naitugon ko. Tatlong buwan pa bago ang aking kaarawan at habang hindi pa dumarating iyon ay kailangan ko ng legal guardian.
"I never thought that Sandrex would do it," saad ni Gabby. Kasunod 'non ay isang malalim na paghinga.
Naikuyom ko ang aking kamao. Ang animal na iyon! ang kapal ng mukha niya para hilinging pumunta sa lamay ni lola matapos ang ginawa niya kahapon. Wala sa mukha niya ang pagiging mamamatay tao pero hindi mawala sa isip ko ang dinatnan ko kahapon sa opisina ni lola. Noon pa man ay masama na ang kutob ko sa lalaking iyon.
Si Sandrex ay naging kliyente ni lola sa loob ng anim na buwan at sa loob ng mga panahong iyon ay hindi ko maipaliwanang ang kakaibang kaba at pagkamuhing nararamdaman ko sa kanya. Wala naman siyang ginagawa sa akin pero nakikita ko pa lamang ang kanyang sasakyan buhat sa malayo ay nanginginig na ang aking kalamnan. Hindi ko lang matukoy noon kung para saan iyon ngunit kahapon ay alam ko na. Sa kabila ng kabutihan ni lola sa kanya ay nagawa pa rin niya iyong patayin.
"Wala ka ba talagang naaalala sa nangyari kahapon, Faith?" Kunot-noo akong napatitig kay Gabby. Umiling-iling siya, siguro ay nagsisisi sa kanyang naging tanong. "I'm sorry," pabulong niyang dagdag.
"Hindi ko na maalala ang detalye, Gab. Hindi ko alam, siguro ay natakot ako o ano… hindi ko alam. Basta pagdating ko doon, kalong-kalong niya si lola habang..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa lalaking literal na nanginginig hindi kalayuan sa inuupuan ko. Nakikita ko pa ang pagtaas-baba ng kanyang balikat dahil sa bilis ng paghinga nito.
Mas lalo siyang tinakasan ng dugo sa mukha nang tumayo ako at sinubukang maglakad papunta sa kanya ngunit sa aking paghakbang ay mabilis siyang umatras at kumaripas ng takbo.
"Kilala mo ba iyon?" tanong ko sabay turo sa daang tinahak noong lalaki.
"Iyon yata ang bagong lipat sa subdivision natin, Faith. He's weird, though," medyo natawa pa siya ng bahagya.
Tumango ako at tinapunan ng tingin ang mga nandoon hanggang sa dumapo ang paningin ko sa bagong dating na nakaposas kasama ang dalawang alagad ng batas— si Sandrex.
Nararamdaman ko na naman ang pamilyar na pag baliktad ng aking sikmura, wala akong ibang naririnig kundi ang malakas na tibok ng aking puso. Hindi ko maigalaw ang aking katawan at maging pag sigaw ay hindi ko magawa. Mas lalo pang lumalim at bumilis ang aking paghinga hanggang sa kusang humakbang ang aking mga paa papunta sa taong lubos kong kinamumuhian.
XxXCGTXxX
Burying the Dead Tatlong araw lamang ang itinagal ng burol ni lola dahil pinutol ko na ang munting pag-asang may mga ka-anak pa kaming gustong masilayan siya sa huling sandali. Sa loob ng dalawang araw ay apat na tao lamang ang paulit-ulit kong nakikita- si Gabby kasama ang mga magulang nito. Pa minsan-minsan ay nahahagilap ng paningin ko ang bagong salta sa lugar namin— nagugulat, nanginginig, natatakot pagkatapos ay tatakbo palayo. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari sa kanya at wala na rin akong balak pa na alamin basta ba't hindi niya pinapakialaman ang buhay ko. Habang unti-unting binababa ang kabaong ni lola sa huli niyang himlayan ay pakiramdam ko tila nauupos akong kandila. Gusto kong umiyak pero tila naubos na ang tubig sa aking katawan dahil wala nang lumalabas sa aking mga mata. Ramdam ko na rin ang pamimigat ng aking mga talukap hindi dahil sa antok ngunit dahil sa pamamaga ng mga i
Do not Awaken the Devil Napangiwi ako sa sakit habang tinatanggal ang lapis na bumaon sa kaliwang braso ko. Matagal na panahon na rin nang huli akong makaramdam ng ganitong sakit at hindi ko akalaing ikasisiya pa ito ng aking sistema. Sabagay, wala pa sa tamang gulang ang katawang ito kaya mahabang panahon pa ang aking hihintayin bago maangkin ang buong kontrol dito. Ngunit hindi na rin masama, ikinalulugod ko namang gampanan ang seremonya ng tatlong alay gamit ang limitadong lakas na meron ang katawang ito. Nasuntok ko ang pader habang tinatanaw ang babaeng paika-ikang nililisan ang silid ngunit agad ding napangiti nang maramdaman ang init at maamoy ang halimuyak ng dugong nag landas sa aking kamao. Wala na ngang papantay sa halimuyak na dala ng aking huling sisidlan sa panahong ito.
Dejavu Tuluyan akong nagising ng hawiin ni Gabby ang kurtina para pumasok ang sinag ng araw. Wala na akong nagawa nang marahas niyang hilain ang kumot na itatakip ko sana sa aking mukha. "Good morning sunshine! Rise and shine! Today is the first day of being a senior!" hiyaw niya. Napaka energetic talaga niya sa umaga. Well, Gabriella is not Gabriella without an energy. Halos nakapikit pa akong bumangon nang hilahin niya ako sa kama. "C'mon, Faith. Wake up! I already texted Landon, he will be here in 10 minutes. We don't wanna miss the first day prank," wika niya sabay paikot ng kanyang mga mata. Bumuntong hininga ako. "Okey, maliligo na ako," sabi ko nalang pagkatapos ay dumeretso sa banyo. Ilang beses na akong nakapasok dito pero natutuwa pa rin talaga ako sa ayos ng kanyang mga gamit panligo. Iba't-ibang amoy ng shower gel kada araw. Kahit hindi ako tumingin sa kalendar
The New Guy "Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa akin." Hindi ko alam kung makailang ulit ko na nasabi ang mga katagang ito. Siguro ang alam ko nalang ngayon ay ang paulit-ulit na sabihin ang mga ito. I am feeling helpless. Wala akong magawa nang bumuhos ang mga pangyayaring hindi ko maipaliwanag dahil sa buong buhay ko ay hindi ko halos maisip na posibleng mangyari ito sa akin. Lakad-takbo ang ginawa ko para mas mabilis na makarating sa opisina ni lola, mabuti na lamang at nakaksunod pa rin sa akin si Levi. "Hindi ko rin maintindihan, Faith, at hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nandito ngayon," hinihingal na aniya. Huminto ako at hinarap siya. Sa uri ng katawan niya ay hindi na ako nagtaka kung bakit siya hinihingal. Nangingitim ang paligid ng kanyang kulay abong mga mata, namumula rin ang matangos niyang ilong at namamalat ang kanyang labi
Behind that Door "B-bakit? Papaanong?" Wala sa sariling nai-lapag ko ang diary ni lola sa lamesa na nandoon. Kanina pa paroon at parito si Levi at nahihilo na ako sa ginagawa niya. "Ako dapat ang mag tanong niyan," bakas ang pag pipigil ng galit sa boses niya. "Hindi ko rin alam, Levi. Ngayon ko nga lang rin nalaman na may kwarto pa pala rito," depensa ko. Sa totoo lang ay bihira akong naglalagi sa opisina ni lola. Hindi ako katulad niya na naniniwala sa mga espirito, other dimensions, higher vibration at kung ano-anong pang kababalaghan na kinu-kwento niya. Ang opisinang ito ay isang napakalaking kalokuhan para sa akin. "Alam mo bang pinilit lang ako ng mga magulang ko para pumunta rito." Tumigil siya at hinarap ako. "Pinapunta nila ako rito pagkatapos dumating ng isang sulat galing sa Lola mo, Faith." "Kung gano
What happened in 1995 Pinagmasdan ko ang susing binigay sa akin ni Atty. Ocampo kahapon. Mukha lamang itong ordinaryong susi kung titingnan maliban lamang sa gintong letrangMna naka ulit dito. Ang sabi ni attorney ay binigay ito ni Lola sa kanya dalawang buwan na ang nakalipas at maaari lamang itong mapunta sa akin kapag namatay na siya. Ang opisina ay malilipat sa pangalan ko tatlong buwan simula ngayon, ngunit ang pinagtataka ko lang ay bakit sa nag ngangalang Benedict Marshall nakapangalan ang bahay ni lola gayong kahit kailan ay hindi ko naman nakita ang taong iyon. Maging sa burol ni Lola ay hindi man lang ito nagpakita. Imposible namang hindi nito nabalitaan ang kamatayan ni Lola gayong nasa pahayagan ito at napabalita rin sa telebisyon. Natigil ako sa pag iisip nang bumukas ang pinto ng sekretong kwartong ito at pumasok ang bagong ligong
To See is to Believe "Wala bang na ikwento sa'yo ang lola mo tungkol kay Teodore, Faith?" Naihilamos ko ang aking palad sa aking mukha pagkatapos ay sunod-sunod na umiling. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. Kung tutuusin naman ay napaka-imposible nang lahat ng ito.Napaka moderno na ng panahon ngayon, makabago na ang mga teknolohiya at halos lahat ay kaya nang sagutin ng siyensya, kaya ang lubos na kailangan ko ngayon ay tulong ng isang magaling na sikolohista. "Faith, are you listening?" Umiling ulit ako at sinalubong ang mga tingin niya. "Paano tayo nakakasiguro na totoo nga ang lahat ng nakasulat d'yan?" "Kaya mo bang ilagay sa alanganin ang buhay ni Gabby para lang makasigurado?" Mapakla siyang natawa pagkatapos ay tuminga. Humugot ako ng malalim na hininga nang maramdaman ang bara sa aking lalamunan, parang maiiyak na nama
I know What You Did Last Week Napabalikwas ako ng bangon ng maramdaman ang mahinang alog sa balikat ko. Nagtataka akong tiningnan ni Gabby na kasalukuyang naka upo sa gilid ng kama ko. "Are you okay?" Umatras ako nang akmang hahawakan niya ang aking noo. Agad rumehistro ang pagtataka sa mukha niya. Imbes na sumagot ay tumakbo ako papuntang banyo at doon umiiyak.Mas lalo pa akong humagulgol nang maamoy ang lavender scent sa buong banyo. Lunes na naman ba ngayon? Napasabunot ako sa sarili kong buhok. At pabagsak na naupo sa malamig na sahig ng banyo. Ano na naman ang ginawa ko sa loob ng limang araw? Gusto kong iuntog ang ulo ko sa pintuan habang humagulgol nang dumaan ang matinding kaba sa dibdib ko. "Faith, what's happening to you?" iritableng aniya hab
Twin"Hindi ko rin alam. Tanging ang Nanay mo lang ang nakakaalam kung nasaan ang kakambal mo."Paulit-ulit na sagot ni Gladys nang tinanong ko kung nasaan ang kapatid ko. Kung ang katulad ko ay bahagi ng plano ni Tharia, malamang ang kapatid ko rin.“Or maybe, it was your Mother’s plan to save you both from the Hekka Cover- from the trial!” Si Zandrex. Ramdamo sa tono ng boses niya ang pagka-inis.Hindi ko maiwasang tingnan siya ng masama.“Ofcourse, I’m also concern with your brother, Faith, it just that, we need to solve our problems one step at a time. We don’t know where’s your brother, yet!” aniya nang mabasa ang aking expresyon.Humugot ako ng malalim na hininga. May point din naman ang aking Ama kahit paaano.Hekkatua, isa sa tatlong magkakapatid na bihasa sa pag gamit ng itim na kapangyarihan. Naging obsessed siya sa kapangyarihan hanggang umabot sa puntong sinakripisyo niya ang buhay ng dalawang kapatid para mas lumakas pa. At sa ngayon ay ito lamang ang impormasyong mayroon
Twin "Hindi ko rin alam. Tanging ang Nanay mo lang ang nakakaalam kung nasaan ang kakambal mo." Paulit-ulit na sagot ni Gladys nang tinanong ko kung nasaan ang kapatid ko. Kung ang katulad ko ay bahagi ng plano ni Tharia, malamang ang kapatid ko rin. “Or maybe, it was your Mother’s plan to save you both from the Hekka Cover- from the trial!” Si Zandrex. Ramdamo sa tono ng boses niya ang pagka-inis. Hindi ko maiwasang tingnan siya ng masama. “Ofcourse, I’m also concern with your brother, Faith, it just that, we need to solve our problems one step at a time. We don’t know where’s your brother, yet!” aniya nang mabasa ang aking expresyon. Humugot ako ng malalim na hininga. May point din naman ang aking Ama kahit paaano. Hekkatua, isa sa tatlong magkakapatid na bihasa sa pag gamit ng itim na kapangyarihan. Naging obsessed siya sa kapangyarihan hanggang umabot sa puntong sinakripisyo niya ang buhay ng dalawang kapatid para mas lumakas pa. At sa ngayon ay ito lamang ang impormasyong m
"Kung hindi makakaalis si Lilia roon, walang sasanib kay Margareth. Wala tayong magiging problema, hindi ba?" tanong ko habang binubuklat ang lumang libro na may pangalan ni Santander Danielson. It’s in cursive gold letter, luma na at hindi ko alam kung dugo ba ang kaunting kulay pulang nasa ibang pahina nito o sadyang sinadya lamang habang isinulat. "Paano kung hindi na niya kailangan si Lilia dahil nagpatuloy naman henerasyon nito? Isa pa, kapag namatay si Lilia habang nasa sistema niya ang dugo ni Santander, magiging makapangyarihang bampira siya. Malamang, isa iyan sa mga rason kung bakit hindi siya pinatay ni Tharia?" "And he fancies Lilia, anyone who hurt the love of his life will suffered pain greater than death." "Ibig sabihin, walang laban ang kapangyarihan ni Tharia laban sa mga bampira?" "Most likely..." si Zandrex. "Hindi rin. Tharia is also one of the most powerful witch in the history of witchcraft, one of the oldest. Vampires are strong, and fast, but the elders of
Lilia's in Prison "Anong magiging pwedeng dahilan para magising si Lilia Delcan at sumanib sa katawan ni Margareth? She's already eighteen, been using magic since I don't know— she's ready to be taken over. Bakit hanggang ngayon ay wala pa?" Nilapag ko ang baso ng mainit na tsokolate bago sumadal sa kinauupuan ko. Si Zandrex ay abala sa isang lumang libro galing sa aking Ina. "Anong magiging triggering factor para magising ang isang Lilia Delcan?" Matagal akong tinitigan ni Gladys na tila ba naninimbang kung sasabihin niya ang naiisip. "No! I know what you're thinking Gladys!" "I will guide her, Zandrex!" Tumikhim ako para awatin silang dalawa. "Pwede akong bumalik sa nakaraan. I mean, dumalaw, or whatever the term basta nagawa ko na iyon dati. Nagawa kong makabalik... ng maayos at ligtas." "Mapapahamak-" "Hindi ako masasaktan ni Tharia roon at walang nakakakita sa akin," putol ko sa reklamo ng aking Ama. Pinanliitan niya ako ng mata. "How can you be so sure about that?" M
"Oh!" tanging nasabi ni Margareth nang marinig ang suhestiyon ni Marcus. Ang gusto niya kasing mangyari ay magkaroon ng isa pang ritwal ng sakripisyo sa susunod na kabilugan ng buwan. Pagkatapos kasing isagawa iyon ay magiging mahina si Tharia kaya ito magtatago sa alaala ng babaeng sinakripisyo. Ang plano niya ay ikulong si Tharia sa alaala ni Margareth gamit ang isang spell na tinuro ng isang babaylan. "No," saad ko. Kahit na iyon na lang ang natatanging paraan ay hindi ko iyon gagawin. Ang buhay ni Dahlia ay ang huling buhay na makukuha ni Tharia sa panahong ito- sisiguraduhin ko ito. "There's no other way! We can actually end this right-" "Kapalit ang buhay ng isang inosente? Hindi pwede Marcus! May isang buwan pa tayo para sa susunod na fullmoon, makakaisip pa tayo ng paraan-" "At sa tingin mo ay walang krimeng gagawin si Tharia sa loob ng isang buwan?" putol ni Lola Josephine sa akin. Napalunok ako. Base sa naging itsura ng silid kanina ay mas lalo na ngang lumakas si Thar
Nang bahagyang kumalma si Marcus ay pinahiram siya ng damit ni Levi na nakita niya sa sasakyan, siguro ay kay Zandrex iyon basi na rin sa laki ng mga ito. Ininom niya ang inalok kong tubig at tumulong na rin na ayusin ang mga naglakat na sala. "Dios por santo, anong nangyari dine?" Sabay halos kaming napalingon sa pintuan kung saan naroon sina Lola Josephine at Aling Mumay. Ang matalim na titig ni Lola ay naroon kaagad sa akin. Napalunok ako. "Faith..." Siniko ako ni Margareth. "Ha? Uhm, yeah... pasok po," saad ko nang maisip na may kultura pala ang mga witch or mga manggagamot na huwag pumasok sa isang tahanan kapag hindi iniimbita. Opisina nga ito ni Lola Kristel ngunit nang malipat ito sa aking pangalan ay parang naging tirahan ko na rin. Umupo kami sa maayos nang mga sofa, ilang minutong nagpakilala kay Marcus at Lola Josephine bago nag simula ang mga seryosong tanong. "Lola Pina, hindi po iyan si Tharia," si Aling Mumay nang mapansing kanina pa matalim ang mga titig ni Lola
Si Dahlia at Marcus, 1431 “Patay na si Tharia, Marcus! Bakit mo ba siya hinahanap? Simula ng bumalik ka rito ay si Tharia na ang iyong palaging bukambibig!” “Si Tharia lang ang makakatulong sa akin, Dahlia—” Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses nang narinig ang pangalan ni Dahlia. Kung ganoon ay napunta ako sa panahon kung saan buhay pa ang unang Dahlia Somerheld. Sigurado rin akong tapos sa panahong ito ang naging paglilitis ni Tharia sa plaza. “At paano mo nasabing hindi kita kayang tulungan, Marcus? Narito ako sa iyong tabi ngunit iba ang iyong hinahanap!” Nakita ko ang panliliit ng mga mata ni Dahlia. Wala siyang suot na balabal at lantad ang kanyang mukha— kung ganoon ang kasama niyang lalaki ngayon ay ang kanyang asawa o siguro’y katipan. “Hindi mo naiintindihan, mahal ko…” Umatras si Dahlia pagkatapos itulak ang kamay ni Marcus na gusto sanang humawak sa kanya. “Kung mahal mo talaga ako ay sasabihin mo sa akin kung ano ang bumabagabag sa iyo, Marcus! Tatlong taon kan
Channel Nakita ko si Ree suot ang kulay abong v-neck t-shirt at maong na pantalon, matamis ang ngiti niya sa akin habang namumungay ang mga mata. Ngunit nawala rin kaagad ang kanyang ngiti nang maduwal siya ng dugo. Napaluhod siya, Doon ko lang nakitang maging ang kanyang dibdib ay duguan rin dahilan nang pagkakasaksak. "Ree!" tawag ko. "Bakit! Bakit mo iyon ginawa?" Hindi ko na naituloy ang mga sasabihin nang mapagtanto kong ito ang nakita ko noon hinawakan ko siya. “Kuya…” D***g ni Margareth pagkatapos saluhin ang kapatid. Pareho silang nakaupo na sa semento habang si Levi naman ay tulala habang nakatingin sa hawak ko. "F-faith..." boses iyon ni Gabby ngunit hindi ko siya makita. "It's all your fault, Faith! It's all your fault!" Nakita ko ang pagbukas ng bibig ni Ree habang nakatingin sa akin ngunit walang mga salitang lumalabas doon. Si Margareth naman ay sinubukan ang ilang orasyon upang iligtas ang kapatid ngunit sa nakikita ko ay masyado na siyang mahina. Maliban sa umiiyak
Nagising ako dahil sa hapding naramdaman ko sa aking palapulsuhan at agad akong na alarma nang mapagtantong nakahiga ako sa isang malamig na altar habang nakagapos ang mga kamay at paa. Nahihilo pa ako ngunit nagawa ko pa ring i-eksamin ang paligid. May tatlong babaeng nakapalibot sa akin at pawang nakasuot ng itim na belo. Isa sa may bandang uluhan ko, sa harap ng altar, at isa sa may paanan. "Abehmo Lefan dieneries Sheron." "Abehmo Lefan dieneries Sheron." "Abehmo Lefan dieneries Sheron." Naging klaro sa pandinig ako ang paulit-ulit na sambit nila at nagsimula akong mag panic nang naging pamilyar ako sa lengwaheng ginamit at kung para saan ang orasyong iyon. Balak nila akong gawing buhay na sakripisyo! Ang sinasagawa nila ay sacrificial magic upang buhayin ang isang napakalakas na nilalang na nag ngangalang Selitha. Minsan na itong binanggit ni Aling Mumay ngunit hindi ko napagtuonan ng pansin dahil wala naman itong kinalaman sa pino-problema namin. Parang dumaan lang sa pandin