The New Guy
"Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa akin." Hindi ko alam kung makailang ulit ko na nasabi ang mga katagang ito. Siguro ang alam ko nalang ngayon ay ang paulit-ulit na sabihin ang mga ito.
I am feeling helpless. Wala akong magawa nang bumuhos ang mga pangyayaring hindi ko maipaliwanag dahil sa buong buhay ko ay hindi ko halos maisip na posibleng mangyari ito sa akin.
Lakad-takbo ang ginawa ko para mas mabilis na makarating sa opisina ni lola, mabuti na lamang at nakaksunod pa rin sa akin si Levi.
"Hindi ko rin maintindihan, Faith, at hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nandito ngayon," hinihingal na aniya.
Huminto ako at hinarap siya. Sa uri ng katawan niya ay hindi na ako nagtaka kung bakit siya hinihingal. Nangingitim ang paligid ng kanyang kulay abong mga mata, namumula rin ang matangos niyang ilong at namamalat ang kanyang labi.
"Hindi ako adik kung yan ang iniisip mo," aniya. Tila nabasa ang nasa aking utak. Narinig ko siyang huminga ng malalim at hindi ko maiwasang gayahin ang paraan ng kanyang paghinga. Hindi ko alam kung ano ang gagawin at pakiramdam ko ay malapit na akong mabaliw sa kakaisip kung ano ang nangyayari sa akin.
Umakyat ako sa tatlong baitang na hagdanan at kinuha ang susi sa ilalim ng pasong nasa tabi ng pintuan sa opisina ni lola. Aanyayahan ko na sana siyang pumasok ngunit nakita kong lumaki ang mga mata niya at mas lalong namutla. Kinabahan ako lalo sa anyo niya.
"Levi, please.. Alam nating pareho na ikaw lang ang makakatulong sa akin ngayon," pagsusumamo ko.
Mariin siyang pumikit at makailang ulit na lumunok bago tuluyang pumasok. "F-faith, hindi ko rin alam kung papaano ka tutulungan," aniya sa nanginginig na boses.
"Alam ko, pero alam ko rin na tanging ikaw lang ang nakakaintindi sa mga nangyayari sa akin." Lumapit ako sa kanya ngunit humakbang siya paatras. Humugot ako ng malalim na hininga bago wala sa sariling napa-iling.
Namasa ang kulay abo niyang mga mata at nanginginig ang mga labi. Umiling siya nang makailang ulit bago tumitig sa akin. "Hindi mo ba naaalaala kung anong nangyari dito, Faith?" halos pabulong niyang tanong. Halatang natatakot.
"Dito namatay ang Lola ko, alam ko." Naikuyom ko ang aking kamao habang inaalala ang imahe ng katawan ni lola na naliligo sa sariling dugo. "It's Sandrex! Kailanman ay hindi ko siya mapapatawad."
Umiling siya. "Hindi, Faith, maliban doon."
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong.Huminga siya nang malalim, tila ba hindi sigurado kung itutuloy niya ang sasabihin o hindi na.
"C'mon, Levi. Hindi mo ako matutulungan kung patuloy mong ililihim sa akin ang mga nalalaman mo," nanginig ang boses ko dahil sa pagpipigil ng galit. Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko. Kahit papaano ay nagiging pamilyar na sa akin ang kasunod na mangyayari sa tuwing nararamdaman ko ang munting espasyo sa aking sikmura na hinihigop ang natitirang ulirat na mayroon ako.
"H-hindi ko rin alam, Faith. Wa-la akong alam sa totoo lang. Sa bawat araw na lumilipas at tuwing nakikita kita ay pinagsisihan ko kung bakit ako pumunta dito," halos hindi ko na marinig ang huling sinabi niya.
Nagmulat ako ng mata at kita ko ang pagsisisi sa mukha niya dahil sa huling katagang sinabi.
Lumunok siya. "N-natatakot ako sa'yo." Naging alerto siya nang akmang lalapit ako sa kanya.
"Sorry sa ginawa ko sa'yo noon sa sementeryo, Lev." Bahagya akong naluha.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong totoong nangyari doon. Parang panaginip lang sa akin iyon ngunit ang mga sugat na natamo ni Levi ay nagsasabing totoo ngang nangyari lahat ng iyon. Ang katotohanang iyon ang dahilan kaya ayaw kong sumugal para sa kaligtasan ni Gabby.
Tumango siya bago nagpatuloy. "Alam ko, Faith... Alam ko. Kaya tutulungan kita kahit ako mismo ay hindi maintindihan ang lahat ng nangyayari."
Mapakla akong ngumiti. "Natatakot din ako sa sarili ko, Levi. Natatakot ako na baka may magawa akong pagsisisihan ko sa huli."
Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Lumapit ako sa lamesa ni lola at isa-isang binuksan ang mga drawer doon. Ang hirap pala maghanap ng isang bagay lalo na kung hindi mo alam kung anong hinaganap mo.
"Anong hinahanap natin dito?" tanong niya habang isa-isang tinitingnan ang mga libro sa book shelves.
"H-hindi ko alam, sa totoo lang," nahihiya kong turan.
"Hmm... Alam ko ang pakiramdam na 'yan."
Awtomatiko akong napalingon sa gawi niya nang may narinig akong bumukas na pinto. Nahati sa dalawa ang shelves at sa loob niyon ay may iilan pang mga libro akong nakita.Nagkatinginan kami ni Levi. Hawak niya ang isang makapal at medyo lumang libro na sa tingin ko'y dahilan upang mabuksan ang kwartong iyon. Lumapit ako sa kanya at kinuha iyon. Agad ko itong binuksan nang makitang nakaukit ang pangalan ko doon sa kulay gintong letra.
Sa unang pahina palang ay agad tumulo ang luha ko. Sulat kamay iyon ni Lola kasama ang isang litrato ng buntis na babae at lalaking may kalong na isang sanggol.
Dearest Faith,If you are reading this, surely I am dead by now and I wanted you to know that it is not your fault. All of these are bound to happen and you need to be strong for only you can stop all of these.
Be brave, honey. Control your anger before it consumes you.Always,KristelPumatak ang ilang luha ko sa unang pahina ng libro. Sa ikalawang pahina ay puro pangalan ng mga tao at petsa ang naroon. Siguro ay kaarawan ng mga pangalan na nakasulat doon.
"Diary siguro yan ng Lola mo, Faith."
Pinunasan ko ang aking mata bago tumango. "This is crazy." Pagak akong natawa.
"This is really crazy, Faith," aniya sabay pakita sa akin ng naka sulat sa likod ng litratong hindi ko namalayang hawak na pala niya. "Ang address na ito ay ang lugar kung saan ako nakuha ng mga kinikilala kong magulang ngayon."
Mas lalong gumulo ang utak ko.
"Paanong..."
"This birthmark..." putol niya sa sasabihin ko pa.
Umawang ang bibig ko nang tuluyang maunawaan ang ibig niyang sabihin. Hindi na ako nag aksaya ng oras, ako na mismo ang pumunta sa likuran niya para tingnan ang marka sa may bandang batok niya.
"I-ikaw ang batang ito sa litrato?" nauutal kong sabi habang pinagkatitigan ang kulay tsokolate niyang birthmark sa batok.
XxXCGTXxX
Behind that Door "B-bakit? Papaanong?" Wala sa sariling nai-lapag ko ang diary ni lola sa lamesa na nandoon. Kanina pa paroon at parito si Levi at nahihilo na ako sa ginagawa niya. "Ako dapat ang mag tanong niyan," bakas ang pag pipigil ng galit sa boses niya. "Hindi ko rin alam, Levi. Ngayon ko nga lang rin nalaman na may kwarto pa pala rito," depensa ko. Sa totoo lang ay bihira akong naglalagi sa opisina ni lola. Hindi ako katulad niya na naniniwala sa mga espirito, other dimensions, higher vibration at kung ano-anong pang kababalaghan na kinu-kwento niya. Ang opisinang ito ay isang napakalaking kalokuhan para sa akin. "Alam mo bang pinilit lang ako ng mga magulang ko para pumunta rito." Tumigil siya at hinarap ako. "Pinapunta nila ako rito pagkatapos dumating ng isang sulat galing sa Lola mo, Faith." "Kung gano
What happened in 1995 Pinagmasdan ko ang susing binigay sa akin ni Atty. Ocampo kahapon. Mukha lamang itong ordinaryong susi kung titingnan maliban lamang sa gintong letrangMna naka ulit dito. Ang sabi ni attorney ay binigay ito ni Lola sa kanya dalawang buwan na ang nakalipas at maaari lamang itong mapunta sa akin kapag namatay na siya. Ang opisina ay malilipat sa pangalan ko tatlong buwan simula ngayon, ngunit ang pinagtataka ko lang ay bakit sa nag ngangalang Benedict Marshall nakapangalan ang bahay ni lola gayong kahit kailan ay hindi ko naman nakita ang taong iyon. Maging sa burol ni Lola ay hindi man lang ito nagpakita. Imposible namang hindi nito nabalitaan ang kamatayan ni Lola gayong nasa pahayagan ito at napabalita rin sa telebisyon. Natigil ako sa pag iisip nang bumukas ang pinto ng sekretong kwartong ito at pumasok ang bagong ligong
To See is to Believe "Wala bang na ikwento sa'yo ang lola mo tungkol kay Teodore, Faith?" Naihilamos ko ang aking palad sa aking mukha pagkatapos ay sunod-sunod na umiling. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. Kung tutuusin naman ay napaka-imposible nang lahat ng ito.Napaka moderno na ng panahon ngayon, makabago na ang mga teknolohiya at halos lahat ay kaya nang sagutin ng siyensya, kaya ang lubos na kailangan ko ngayon ay tulong ng isang magaling na sikolohista. "Faith, are you listening?" Umiling ulit ako at sinalubong ang mga tingin niya. "Paano tayo nakakasiguro na totoo nga ang lahat ng nakasulat d'yan?" "Kaya mo bang ilagay sa alanganin ang buhay ni Gabby para lang makasigurado?" Mapakla siyang natawa pagkatapos ay tuminga. Humugot ako ng malalim na hininga nang maramdaman ang bara sa aking lalamunan, parang maiiyak na nama
I know What You Did Last Week Napabalikwas ako ng bangon ng maramdaman ang mahinang alog sa balikat ko. Nagtataka akong tiningnan ni Gabby na kasalukuyang naka upo sa gilid ng kama ko. "Are you okay?" Umatras ako nang akmang hahawakan niya ang aking noo. Agad rumehistro ang pagtataka sa mukha niya. Imbes na sumagot ay tumakbo ako papuntang banyo at doon umiiyak.Mas lalo pa akong humagulgol nang maamoy ang lavender scent sa buong banyo. Lunes na naman ba ngayon? Napasabunot ako sa sarili kong buhok. At pabagsak na naupo sa malamig na sahig ng banyo. Ano na naman ang ginawa ko sa loob ng limang araw? Gusto kong iuntog ang ulo ko sa pintuan habang humagulgol nang dumaan ang matinding kaba sa dibdib ko. "Faith, what's happening to you?" iritableng aniya hab
Gabby knows "Anong ibig mong sabihin?" Hindi ko alam kung panunumbat ba ang nakikita sa mga mata ni Levi ngayon, pero totoong nasasaktan ako sa ginagawa niya. Siya nalang kasi ang inaasahan kong masasandalan ko ngayon pero pakiramdam ko ay sinisisi niya ako sa mga nangyayari. Ang dami kong gustong itanong sa kanya,sobrang dami kong gustong sabihin at isumbong sa kanya pero sa reaksyon na nakikita ko sa mga mata niya ay parang unti-unting nawawala ang pag asang mayroong nalang ako ngayon. Tuluyan akong nanlumo nang narinig ko ulit ang marahas na pag hugot niya ng malalim na hininga. Ayun na naman yung pakiramdam na tila pabigat ako sa kanya. Na napipilitan lang siyang makita ako dahil sa diary na nabasa niya sa library ng lola ko. Akmang tatalikod na sana ako nang marinig ko siyang tumikhim. "Noong hinalikan mo ako, hindi m
Ako ba? Maka ilang ulit akong lumunok bago pinulot ulit ang laptop sa sahig. Mabuti nalang at hindi nila napansin ang ginawa ko. "Okay ka lang ba?" Dinig kong tanong ni Levi pero hindi ko alam kung para ba 'yon sa akin o kay Gabby. Natatakot rin akong lumapit sa kanya dahil baka may nagawa nga akong hindi maganda nitong nakaraang araw kaya naging ganito bigla ang pakikitungo niya sa akin. Natigil ako sa pagwawalis nang mapansin ang pamilyar na libro sa ilalim ng single coach sa gilid ng pinto. Yumuko ako roon at inabot iyon. Ganoon nalang ang gulat ko ng makitang diary iyon galing sa opisina ni Lola. Humarap ako kay Levi bitbit ang libro. "Lev—" "What the fuck! I already burned that fucking stuff!" Kumunot ang noo ni Levi na napatitig kay Gabb
Ruby Nagising ako dahil sa nakapasok sa sinag ng araw mula bintana ng opisina ni lola. Kaagad nabuhay ang kaba ko nang mapagtantong sa sofa ako nakahiga dahil ang huling naalala ko ay nakasandal ako likod ng pintuan. Agad akong napabangon at tiningnan ang kalendaryo sa cellphone ko. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makompirmang isang gabi lang ang nag daan at mag aala-sais pa lang ng umaga. Napasandal ulit ako sa sofa habang pilit na inaalala ang nangyari kagabi. Napalunok ako nang maalala ang mukha nang babaeng sumakal sa akin. Nakita ko na siya noon, dito rin sa opisina ni lola. Siya ang huling nakita ko bago ako nawalan ng malay noong isang linggo. Siya iyong babaeng may suot na pulang kapa at may hawak na punyal na gawa sa kahoy habang lumuluha ng dugo. Ngunit bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay dahil sa pagkakasakal niya sa akin ay may pu
Josephine Pagkatapos kong mabasa ang liham ni lola ay kaagad akong nag tungo sa address na nakasulat doon. Mga limang oras lang naman ang byahe kapag sasakay ng bus kaya habang maaga ay lumuwas na ako. Nagdala lang ako nang kaunting pera habang ang iba ay iniwan ko sa opisina ni lola. Baka kasi dumating na 'yong Benedict Marshall at hindi na ako makapasok sa bahay. Magtatanghangli na nang makarating ako sa address na iniwan ni lola. Medyo malayo kasi iyon sa syudad at kailangan pang punuin ang tricycle bago aalis. Naglagkit tuloy ang balat ko dahil sa init at alikabok. Medyo luma na ang bahay, gawa sa kahoy ang itaas habang konkreto naman ang pundasyon. Dalawang palapag ang bahay at medyo sira na rin ang ibang parte sa taas nito lalo na ang ilang bintana ay may iilang butas na, ngunit maganda pa rin naman ang bahay. Mukhang luma ngunit napapalibutan ng mg
Twin"Hindi ko rin alam. Tanging ang Nanay mo lang ang nakakaalam kung nasaan ang kakambal mo."Paulit-ulit na sagot ni Gladys nang tinanong ko kung nasaan ang kapatid ko. Kung ang katulad ko ay bahagi ng plano ni Tharia, malamang ang kapatid ko rin.“Or maybe, it was your Mother’s plan to save you both from the Hekka Cover- from the trial!” Si Zandrex. Ramdamo sa tono ng boses niya ang pagka-inis.Hindi ko maiwasang tingnan siya ng masama.“Ofcourse, I’m also concern with your brother, Faith, it just that, we need to solve our problems one step at a time. We don’t know where’s your brother, yet!” aniya nang mabasa ang aking expresyon.Humugot ako ng malalim na hininga. May point din naman ang aking Ama kahit paaano.Hekkatua, isa sa tatlong magkakapatid na bihasa sa pag gamit ng itim na kapangyarihan. Naging obsessed siya sa kapangyarihan hanggang umabot sa puntong sinakripisyo niya ang buhay ng dalawang kapatid para mas lumakas pa. At sa ngayon ay ito lamang ang impormasyong mayroon
Twin "Hindi ko rin alam. Tanging ang Nanay mo lang ang nakakaalam kung nasaan ang kakambal mo." Paulit-ulit na sagot ni Gladys nang tinanong ko kung nasaan ang kapatid ko. Kung ang katulad ko ay bahagi ng plano ni Tharia, malamang ang kapatid ko rin. “Or maybe, it was your Mother’s plan to save you both from the Hekka Cover- from the trial!” Si Zandrex. Ramdamo sa tono ng boses niya ang pagka-inis. Hindi ko maiwasang tingnan siya ng masama. “Ofcourse, I’m also concern with your brother, Faith, it just that, we need to solve our problems one step at a time. We don’t know where’s your brother, yet!” aniya nang mabasa ang aking expresyon. Humugot ako ng malalim na hininga. May point din naman ang aking Ama kahit paaano. Hekkatua, isa sa tatlong magkakapatid na bihasa sa pag gamit ng itim na kapangyarihan. Naging obsessed siya sa kapangyarihan hanggang umabot sa puntong sinakripisyo niya ang buhay ng dalawang kapatid para mas lumakas pa. At sa ngayon ay ito lamang ang impormasyong m
"Kung hindi makakaalis si Lilia roon, walang sasanib kay Margareth. Wala tayong magiging problema, hindi ba?" tanong ko habang binubuklat ang lumang libro na may pangalan ni Santander Danielson. It’s in cursive gold letter, luma na at hindi ko alam kung dugo ba ang kaunting kulay pulang nasa ibang pahina nito o sadyang sinadya lamang habang isinulat. "Paano kung hindi na niya kailangan si Lilia dahil nagpatuloy naman henerasyon nito? Isa pa, kapag namatay si Lilia habang nasa sistema niya ang dugo ni Santander, magiging makapangyarihang bampira siya. Malamang, isa iyan sa mga rason kung bakit hindi siya pinatay ni Tharia?" "And he fancies Lilia, anyone who hurt the love of his life will suffered pain greater than death." "Ibig sabihin, walang laban ang kapangyarihan ni Tharia laban sa mga bampira?" "Most likely..." si Zandrex. "Hindi rin. Tharia is also one of the most powerful witch in the history of witchcraft, one of the oldest. Vampires are strong, and fast, but the elders of
Lilia's in Prison "Anong magiging pwedeng dahilan para magising si Lilia Delcan at sumanib sa katawan ni Margareth? She's already eighteen, been using magic since I don't know— she's ready to be taken over. Bakit hanggang ngayon ay wala pa?" Nilapag ko ang baso ng mainit na tsokolate bago sumadal sa kinauupuan ko. Si Zandrex ay abala sa isang lumang libro galing sa aking Ina. "Anong magiging triggering factor para magising ang isang Lilia Delcan?" Matagal akong tinitigan ni Gladys na tila ba naninimbang kung sasabihin niya ang naiisip. "No! I know what you're thinking Gladys!" "I will guide her, Zandrex!" Tumikhim ako para awatin silang dalawa. "Pwede akong bumalik sa nakaraan. I mean, dumalaw, or whatever the term basta nagawa ko na iyon dati. Nagawa kong makabalik... ng maayos at ligtas." "Mapapahamak-" "Hindi ako masasaktan ni Tharia roon at walang nakakakita sa akin," putol ko sa reklamo ng aking Ama. Pinanliitan niya ako ng mata. "How can you be so sure about that?" M
"Oh!" tanging nasabi ni Margareth nang marinig ang suhestiyon ni Marcus. Ang gusto niya kasing mangyari ay magkaroon ng isa pang ritwal ng sakripisyo sa susunod na kabilugan ng buwan. Pagkatapos kasing isagawa iyon ay magiging mahina si Tharia kaya ito magtatago sa alaala ng babaeng sinakripisyo. Ang plano niya ay ikulong si Tharia sa alaala ni Margareth gamit ang isang spell na tinuro ng isang babaylan. "No," saad ko. Kahit na iyon na lang ang natatanging paraan ay hindi ko iyon gagawin. Ang buhay ni Dahlia ay ang huling buhay na makukuha ni Tharia sa panahong ito- sisiguraduhin ko ito. "There's no other way! We can actually end this right-" "Kapalit ang buhay ng isang inosente? Hindi pwede Marcus! May isang buwan pa tayo para sa susunod na fullmoon, makakaisip pa tayo ng paraan-" "At sa tingin mo ay walang krimeng gagawin si Tharia sa loob ng isang buwan?" putol ni Lola Josephine sa akin. Napalunok ako. Base sa naging itsura ng silid kanina ay mas lalo na ngang lumakas si Thar
Nang bahagyang kumalma si Marcus ay pinahiram siya ng damit ni Levi na nakita niya sa sasakyan, siguro ay kay Zandrex iyon basi na rin sa laki ng mga ito. Ininom niya ang inalok kong tubig at tumulong na rin na ayusin ang mga naglakat na sala. "Dios por santo, anong nangyari dine?" Sabay halos kaming napalingon sa pintuan kung saan naroon sina Lola Josephine at Aling Mumay. Ang matalim na titig ni Lola ay naroon kaagad sa akin. Napalunok ako. "Faith..." Siniko ako ni Margareth. "Ha? Uhm, yeah... pasok po," saad ko nang maisip na may kultura pala ang mga witch or mga manggagamot na huwag pumasok sa isang tahanan kapag hindi iniimbita. Opisina nga ito ni Lola Kristel ngunit nang malipat ito sa aking pangalan ay parang naging tirahan ko na rin. Umupo kami sa maayos nang mga sofa, ilang minutong nagpakilala kay Marcus at Lola Josephine bago nag simula ang mga seryosong tanong. "Lola Pina, hindi po iyan si Tharia," si Aling Mumay nang mapansing kanina pa matalim ang mga titig ni Lola
Si Dahlia at Marcus, 1431 “Patay na si Tharia, Marcus! Bakit mo ba siya hinahanap? Simula ng bumalik ka rito ay si Tharia na ang iyong palaging bukambibig!” “Si Tharia lang ang makakatulong sa akin, Dahlia—” Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses nang narinig ang pangalan ni Dahlia. Kung ganoon ay napunta ako sa panahon kung saan buhay pa ang unang Dahlia Somerheld. Sigurado rin akong tapos sa panahong ito ang naging paglilitis ni Tharia sa plaza. “At paano mo nasabing hindi kita kayang tulungan, Marcus? Narito ako sa iyong tabi ngunit iba ang iyong hinahanap!” Nakita ko ang panliliit ng mga mata ni Dahlia. Wala siyang suot na balabal at lantad ang kanyang mukha— kung ganoon ang kasama niyang lalaki ngayon ay ang kanyang asawa o siguro’y katipan. “Hindi mo naiintindihan, mahal ko…” Umatras si Dahlia pagkatapos itulak ang kamay ni Marcus na gusto sanang humawak sa kanya. “Kung mahal mo talaga ako ay sasabihin mo sa akin kung ano ang bumabagabag sa iyo, Marcus! Tatlong taon kan
Channel Nakita ko si Ree suot ang kulay abong v-neck t-shirt at maong na pantalon, matamis ang ngiti niya sa akin habang namumungay ang mga mata. Ngunit nawala rin kaagad ang kanyang ngiti nang maduwal siya ng dugo. Napaluhod siya, Doon ko lang nakitang maging ang kanyang dibdib ay duguan rin dahilan nang pagkakasaksak. "Ree!" tawag ko. "Bakit! Bakit mo iyon ginawa?" Hindi ko na naituloy ang mga sasabihin nang mapagtanto kong ito ang nakita ko noon hinawakan ko siya. “Kuya…” D***g ni Margareth pagkatapos saluhin ang kapatid. Pareho silang nakaupo na sa semento habang si Levi naman ay tulala habang nakatingin sa hawak ko. "F-faith..." boses iyon ni Gabby ngunit hindi ko siya makita. "It's all your fault, Faith! It's all your fault!" Nakita ko ang pagbukas ng bibig ni Ree habang nakatingin sa akin ngunit walang mga salitang lumalabas doon. Si Margareth naman ay sinubukan ang ilang orasyon upang iligtas ang kapatid ngunit sa nakikita ko ay masyado na siyang mahina. Maliban sa umiiyak
Nagising ako dahil sa hapding naramdaman ko sa aking palapulsuhan at agad akong na alarma nang mapagtantong nakahiga ako sa isang malamig na altar habang nakagapos ang mga kamay at paa. Nahihilo pa ako ngunit nagawa ko pa ring i-eksamin ang paligid. May tatlong babaeng nakapalibot sa akin at pawang nakasuot ng itim na belo. Isa sa may bandang uluhan ko, sa harap ng altar, at isa sa may paanan. "Abehmo Lefan dieneries Sheron." "Abehmo Lefan dieneries Sheron." "Abehmo Lefan dieneries Sheron." Naging klaro sa pandinig ako ang paulit-ulit na sambit nila at nagsimula akong mag panic nang naging pamilyar ako sa lengwaheng ginamit at kung para saan ang orasyong iyon. Balak nila akong gawing buhay na sakripisyo! Ang sinasagawa nila ay sacrificial magic upang buhayin ang isang napakalakas na nilalang na nag ngangalang Selitha. Minsan na itong binanggit ni Aling Mumay ngunit hindi ko napagtuonan ng pansin dahil wala naman itong kinalaman sa pino-problema namin. Parang dumaan lang sa pandin