First time mo ba?
"Holy shit!" bulalas ko.
"Hey, Faith, anong nangyayari sa'yo?"
Medyo na himasmasan ako nang mapagtanto kung sino ang kasama ko.
"Sorry po, binangungot po yata," paumanhin niya sa mga kalapit naming pasahero.
Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong nasa parehong araw pa rin ako. Nitong mga nakaraang araw ay natatakot na akong matulog dahil baka may gawin na naman akong mga bagay na hindi ko matandaan. Hindi pa malinaw sa akin kung ano ang nagawa ko kay Gabby pero nasisigurado kong nasaktan ko siya base na rin sa galit na mayroon siya sa akin.
"Sino ka nga ulit?" tanong ko sa aking katabi.
Ngumiti siya. "Alam mo bang delikado 'yang ginagawa mo, Faith? Sumasama ka na nga sa taong hindi mo kilala, natutulog ka pa sa balikat nila."
Pisti.
 
Mefar, Pruyebas, 1561 Pareho kaming naka upo ni Ree sa sahig habang kumakain ng cup noodles at tinapay. Ito nalang talaga ang nakakakain ko simula ng umalis ako kina Gabby. Unhealthy, parang buhay ko. "Oo nga pala, Faith, may ipapahiram ako sa'yo. Hiram lang kasi kay Lola Pina talaga ito, pinahiram lang din niya sa akin. Basahin ko raw kaso wala naman akong maintindihan," ani niya habang may kinakalkal sa bag niya. Nilunok ko muna ang nginunguya ko bago inabot ang librong hawak niya. "Grimoire?" basa ko sa nakasulat sa cover. Gawa sa kahoy sa takip nito at may susian pa sa gilid ngunit hindi naman naka-lock. "Ang astig no? Parang artifact,” aniya "Para saan naman daw ito?" "Ang sabi ni Lola, diyan daw niya natutunan lahat ng engkantasyon at mga pang gagamot na alam niya ngayon. Minana pa raw niya iyan sa kanyang guro noon
Pupunta Tayo Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak basta't nagising nalang ako dahil sa ingay na naririnig ko hindi kalayuan sa hinihigaan ko. Marahan akong bumangon at uminom ng tubig na nakahanda sa ibabaw ng lamesa malapit sa sofa. Ngayon ko lang napag-tantong umaga na pala. Hinilot ko ang aking sentido dahil masyadong masakit ang aking ulo, siguro ay dahil sa pag iyak. Ramdam ko rin ang pamamaga ng aking mga mata kahit na hindi ko man ito makita. "Natutulog pa nga. Saka, Hindi magandang magpapasok ng mga hindi kakilala." "Excuse me? Who are you ba? Kapag hindi ka tumabi riyan ay tatawag na talaga ako ng police. Nasaan ang kaibigan ko?" Agad ako
IncendiaMefar, Pruyebas, Ika-20 ng Enero, 1562Ilang araw na akong halos wala sa sarili dahil sa nasaksihan ko noong nakaraang buwan. Hindi ko na rin magampanan ng maayos ang aking tungkulin kay Sebastian dahil palagi akong tulala. Mabuti na lamang at nagawa akong intindihin ng aking mga amo. Sila na rin ang sumagot sa pagpapalibing sa aking Ama ngunit iyon nga lang ay sa sementeryo ng mga erehe siya inilibing sa kadahilanang nagpatiwakal siya.Hindi ko malimutan ang huling mga salita ni Ama bago siya tuluyang bawian ng hininga. Nilinlang siya ni Teodore. Sinapian siya ni Teodore. Papatay si Teodore sa tatlong pamilya hanggang sa dumating ang itinakda niyang sisidlan.
NakatulogIlang ulit ka nang nabuhay at namatay, Tharia subalit mahina ka pa rin. Hindi ba't buo na ang ating pasya na isasama mo siya pabalik sa lugar na ito? Bakit ka lumilihis ng landas?!"Ramdam ko ang pangungunot ng akingnoo dahil sa boses na um-echo sa madilim na lugar kung nasaan ako. Wala akong makita kung hindiwalang katapusan nakadiliman."Ano ang iyong ginagawa rito? Bakit ka nagbalik na hindi pa tapos ang iyong misyon?""Sino ka?" tanong ko habang sinisipat ang paligid ngunit wala naman akong makita.Kumabog ang dibdib ko ng biglang may isang kandila na
Tharia"Anong nangyayari? Bakit ganyan ang mga mukha ninyo?" tanong ni Ree habang iniisa-isa ang mga reaksyon namin.Oo nga, anong nangyari? anong nangyari sa akin kanina lamang? Hindi ko maintindihan dahil muntikan na naman akong mawala sa sarili ko ngunit..Napamaang akong nakatitig kay Ree na ngayo'y kinakamot ang isang kilay habang nagtatakang nakatitig kay Gabby na nakatulala rin sa kanya."Ano nga ulit ang buong pangalan mo?" basang ni Levi sa katahimikan.Tumikhim muna si Ree bago sumagot. "Lawrence Ree Bonifacio, bakit?" Kumunot ang kanyang noo."Bonifacio," ani Levi na mukhang may malalim na iniisi
Unang Alay"Pasensya na kayo sa inasal ni Lola Josanna kanina," sinserong saad ni Katarina pagkatapos namin siyang tulungang ihiga ang matanda sa sarili nitong kwarto. "Ngayon ko lang siya nakitang naging ganito simula nang nagkasakit siya, kadalasan kasi ay tahimik lamang siyang nakatanaw sa kanyang bintana habang gumuguhit kaya maski ako ay nagulat sa inasal niya.""Ganyan din si Lola Josephine kaya huwag kang mag-alala, naiintindihan namin ang naging asal niya," ani Ree bago ako tinapunan ng makahulugang tingin."Doon tayo sa kusina nang makapag-hapunan na kayo. Libre na ito ngKabanapara man lang makabawi sa inasal ng Lola ko."
Seremonya Noong 1562Tahimik kami sa loob ng vintage car ni Gabby habang tinatahak ang daan patungo sa kung saan.Kanina pa ako nakatulala lang sa labas ng bintana at hindi ko na alam kung ano ang maari kong isipin.Si Gabby ang nasa front seat at nakatulugan na ang pag-iyak. Galit na galit siya sa akin ngunit hindi maitago ng galit na iyon ang pangambang nakikita ko sa kanyang mga mata.Si Levi ang nag-mamameho habang si Ree naman ay naka-masid lang din sa daanan sa tabi ko. Ramdam kong may gusto siyang itanong sa akin ngunit nag-aalangan. Malamang ay tungkol iyon sa krimeng naganap sa Kabana Hotel.Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Alam kong may pum
Valentine"Anong sinabi mo ulit?" tanong ni Ree kay Arianne.Maarte muna siyang tumawa bago sumagot. "Saan don? Ang dami ko nang sinabi, Rence."Literal na umikot ang mga mata ko. Maarte si Gabby pero nakakairita ang isang 'to."Ninuno mo si Sebastian? Iyong lumpong sumusuporta sa mga prayle ng La Verde?" tanong ni Levi bago tumingin sa akin. Siguro'y naiisip na niya ang naiisip ko."Nakakatawa 'yong ninuno pero oo, nakakagulat ba?" Natawa ulit si Arianne. "I mean, yeah, maybe eerie nga pakinggan 'non pero ang tagal na 'non, hindi ba? Wala nang mga mangkukulam sa panahon ngayon, saka I doubt din na totoo iyon. Ang asawa ng Unang Sebastian ay lumaki sa La Verde pero hindi naman siya mangkukulam —""Gusto sana naming malaman kung anong nangyari sa asawa ng Unang Sebastian pagkatapos ng libing ng kanyang Ama," sabi ko. Hindi na ako nakatiis.
Twin"Hindi ko rin alam. Tanging ang Nanay mo lang ang nakakaalam kung nasaan ang kakambal mo."Paulit-ulit na sagot ni Gladys nang tinanong ko kung nasaan ang kapatid ko. Kung ang katulad ko ay bahagi ng plano ni Tharia, malamang ang kapatid ko rin.“Or maybe, it was your Mother’s plan to save you both from the Hekka Cover- from the trial!” Si Zandrex. Ramdamo sa tono ng boses niya ang pagka-inis.Hindi ko maiwasang tingnan siya ng masama.“Ofcourse, I’m also concern with your brother, Faith, it just that, we need to solve our problems one step at a time. We don’t know where’s your brother, yet!” aniya nang mabasa ang aking expresyon.Humugot ako ng malalim na hininga. May point din naman ang aking Ama kahit paaano.Hekkatua, isa sa tatlong magkakapatid na bihasa sa pag gamit ng itim na kapangyarihan. Naging obsessed siya sa kapangyarihan hanggang umabot sa puntong sinakripisyo niya ang buhay ng dalawang kapatid para mas lumakas pa. At sa ngayon ay ito lamang ang impormasyong mayroon
Twin "Hindi ko rin alam. Tanging ang Nanay mo lang ang nakakaalam kung nasaan ang kakambal mo." Paulit-ulit na sagot ni Gladys nang tinanong ko kung nasaan ang kapatid ko. Kung ang katulad ko ay bahagi ng plano ni Tharia, malamang ang kapatid ko rin. “Or maybe, it was your Mother’s plan to save you both from the Hekka Cover- from the trial!” Si Zandrex. Ramdamo sa tono ng boses niya ang pagka-inis. Hindi ko maiwasang tingnan siya ng masama. “Ofcourse, I’m also concern with your brother, Faith, it just that, we need to solve our problems one step at a time. We don’t know where’s your brother, yet!” aniya nang mabasa ang aking expresyon. Humugot ako ng malalim na hininga. May point din naman ang aking Ama kahit paaano. Hekkatua, isa sa tatlong magkakapatid na bihasa sa pag gamit ng itim na kapangyarihan. Naging obsessed siya sa kapangyarihan hanggang umabot sa puntong sinakripisyo niya ang buhay ng dalawang kapatid para mas lumakas pa. At sa ngayon ay ito lamang ang impormasyong m
"Kung hindi makakaalis si Lilia roon, walang sasanib kay Margareth. Wala tayong magiging problema, hindi ba?" tanong ko habang binubuklat ang lumang libro na may pangalan ni Santander Danielson. It’s in cursive gold letter, luma na at hindi ko alam kung dugo ba ang kaunting kulay pulang nasa ibang pahina nito o sadyang sinadya lamang habang isinulat. "Paano kung hindi na niya kailangan si Lilia dahil nagpatuloy naman henerasyon nito? Isa pa, kapag namatay si Lilia habang nasa sistema niya ang dugo ni Santander, magiging makapangyarihang bampira siya. Malamang, isa iyan sa mga rason kung bakit hindi siya pinatay ni Tharia?" "And he fancies Lilia, anyone who hurt the love of his life will suffered pain greater than death." "Ibig sabihin, walang laban ang kapangyarihan ni Tharia laban sa mga bampira?" "Most likely..." si Zandrex. "Hindi rin. Tharia is also one of the most powerful witch in the history of witchcraft, one of the oldest. Vampires are strong, and fast, but the elders of
Lilia's in Prison "Anong magiging pwedeng dahilan para magising si Lilia Delcan at sumanib sa katawan ni Margareth? She's already eighteen, been using magic since I don't know— she's ready to be taken over. Bakit hanggang ngayon ay wala pa?" Nilapag ko ang baso ng mainit na tsokolate bago sumadal sa kinauupuan ko. Si Zandrex ay abala sa isang lumang libro galing sa aking Ina. "Anong magiging triggering factor para magising ang isang Lilia Delcan?" Matagal akong tinitigan ni Gladys na tila ba naninimbang kung sasabihin niya ang naiisip. "No! I know what you're thinking Gladys!" "I will guide her, Zandrex!" Tumikhim ako para awatin silang dalawa. "Pwede akong bumalik sa nakaraan. I mean, dumalaw, or whatever the term basta nagawa ko na iyon dati. Nagawa kong makabalik... ng maayos at ligtas." "Mapapahamak-" "Hindi ako masasaktan ni Tharia roon at walang nakakakita sa akin," putol ko sa reklamo ng aking Ama. Pinanliitan niya ako ng mata. "How can you be so sure about that?" M
"Oh!" tanging nasabi ni Margareth nang marinig ang suhestiyon ni Marcus. Ang gusto niya kasing mangyari ay magkaroon ng isa pang ritwal ng sakripisyo sa susunod na kabilugan ng buwan. Pagkatapos kasing isagawa iyon ay magiging mahina si Tharia kaya ito magtatago sa alaala ng babaeng sinakripisyo. Ang plano niya ay ikulong si Tharia sa alaala ni Margareth gamit ang isang spell na tinuro ng isang babaylan. "No," saad ko. Kahit na iyon na lang ang natatanging paraan ay hindi ko iyon gagawin. Ang buhay ni Dahlia ay ang huling buhay na makukuha ni Tharia sa panahong ito- sisiguraduhin ko ito. "There's no other way! We can actually end this right-" "Kapalit ang buhay ng isang inosente? Hindi pwede Marcus! May isang buwan pa tayo para sa susunod na fullmoon, makakaisip pa tayo ng paraan-" "At sa tingin mo ay walang krimeng gagawin si Tharia sa loob ng isang buwan?" putol ni Lola Josephine sa akin. Napalunok ako. Base sa naging itsura ng silid kanina ay mas lalo na ngang lumakas si Thar
Nang bahagyang kumalma si Marcus ay pinahiram siya ng damit ni Levi na nakita niya sa sasakyan, siguro ay kay Zandrex iyon basi na rin sa laki ng mga ito. Ininom niya ang inalok kong tubig at tumulong na rin na ayusin ang mga naglakat na sala. "Dios por santo, anong nangyari dine?" Sabay halos kaming napalingon sa pintuan kung saan naroon sina Lola Josephine at Aling Mumay. Ang matalim na titig ni Lola ay naroon kaagad sa akin. Napalunok ako. "Faith..." Siniko ako ni Margareth. "Ha? Uhm, yeah... pasok po," saad ko nang maisip na may kultura pala ang mga witch or mga manggagamot na huwag pumasok sa isang tahanan kapag hindi iniimbita. Opisina nga ito ni Lola Kristel ngunit nang malipat ito sa aking pangalan ay parang naging tirahan ko na rin. Umupo kami sa maayos nang mga sofa, ilang minutong nagpakilala kay Marcus at Lola Josephine bago nag simula ang mga seryosong tanong. "Lola Pina, hindi po iyan si Tharia," si Aling Mumay nang mapansing kanina pa matalim ang mga titig ni Lola
Si Dahlia at Marcus, 1431 “Patay na si Tharia, Marcus! Bakit mo ba siya hinahanap? Simula ng bumalik ka rito ay si Tharia na ang iyong palaging bukambibig!” “Si Tharia lang ang makakatulong sa akin, Dahlia—” Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses nang narinig ang pangalan ni Dahlia. Kung ganoon ay napunta ako sa panahon kung saan buhay pa ang unang Dahlia Somerheld. Sigurado rin akong tapos sa panahong ito ang naging paglilitis ni Tharia sa plaza. “At paano mo nasabing hindi kita kayang tulungan, Marcus? Narito ako sa iyong tabi ngunit iba ang iyong hinahanap!” Nakita ko ang panliliit ng mga mata ni Dahlia. Wala siyang suot na balabal at lantad ang kanyang mukha— kung ganoon ang kasama niyang lalaki ngayon ay ang kanyang asawa o siguro’y katipan. “Hindi mo naiintindihan, mahal ko…” Umatras si Dahlia pagkatapos itulak ang kamay ni Marcus na gusto sanang humawak sa kanya. “Kung mahal mo talaga ako ay sasabihin mo sa akin kung ano ang bumabagabag sa iyo, Marcus! Tatlong taon kan
Channel Nakita ko si Ree suot ang kulay abong v-neck t-shirt at maong na pantalon, matamis ang ngiti niya sa akin habang namumungay ang mga mata. Ngunit nawala rin kaagad ang kanyang ngiti nang maduwal siya ng dugo. Napaluhod siya, Doon ko lang nakitang maging ang kanyang dibdib ay duguan rin dahilan nang pagkakasaksak. "Ree!" tawag ko. "Bakit! Bakit mo iyon ginawa?" Hindi ko na naituloy ang mga sasabihin nang mapagtanto kong ito ang nakita ko noon hinawakan ko siya. “Kuya…” D***g ni Margareth pagkatapos saluhin ang kapatid. Pareho silang nakaupo na sa semento habang si Levi naman ay tulala habang nakatingin sa hawak ko. "F-faith..." boses iyon ni Gabby ngunit hindi ko siya makita. "It's all your fault, Faith! It's all your fault!" Nakita ko ang pagbukas ng bibig ni Ree habang nakatingin sa akin ngunit walang mga salitang lumalabas doon. Si Margareth naman ay sinubukan ang ilang orasyon upang iligtas ang kapatid ngunit sa nakikita ko ay masyado na siyang mahina. Maliban sa umiiyak
Nagising ako dahil sa hapding naramdaman ko sa aking palapulsuhan at agad akong na alarma nang mapagtantong nakahiga ako sa isang malamig na altar habang nakagapos ang mga kamay at paa. Nahihilo pa ako ngunit nagawa ko pa ring i-eksamin ang paligid. May tatlong babaeng nakapalibot sa akin at pawang nakasuot ng itim na belo. Isa sa may bandang uluhan ko, sa harap ng altar, at isa sa may paanan. "Abehmo Lefan dieneries Sheron." "Abehmo Lefan dieneries Sheron." "Abehmo Lefan dieneries Sheron." Naging klaro sa pandinig ako ang paulit-ulit na sambit nila at nagsimula akong mag panic nang naging pamilyar ako sa lengwaheng ginamit at kung para saan ang orasyong iyon. Balak nila akong gawing buhay na sakripisyo! Ang sinasagawa nila ay sacrificial magic upang buhayin ang isang napakalakas na nilalang na nag ngangalang Selitha. Minsan na itong binanggit ni Aling Mumay ngunit hindi ko napagtuonan ng pansin dahil wala naman itong kinalaman sa pino-problema namin. Parang dumaan lang sa pandin