Kamukha
"Explain what happened, Faith," utos ni Levi habang paroo't-parito sa aking harapan at hinihilot ang sintido.
"H-hindi ko alam." Naramdaman ko ang marahang pag pisil ni Ree sa aking kamay kaya napatingin ako sa kanya.
"Ayos lang kung hindi mo maalala, Faith. Maiintindihan namin, huwag lang iyong hindi mo alam kasi ayaw mong alamin dahil natatakot ka," paliwanag ni Ree.
Oo nga pala't nangako ako sa kanyang iiwasan na ang pag gamit ng salitang “hindi ko alam.”
Humugot ako ng malalim na hininga't pilit inalala ang nangyari.
"Galit na galit ako," panimula ko ngunit nagsimula ring nag-unahan ang mga luha sa aking mata. Agad pinunasan iyon ni Ree gamit ang kanyang hinlalaki bago pa man mag-abot si Levi ng panyo. "Pagkatapos may narinig akong mga bulong, tinatawag akong si Tharia—"
IisaNagdaadalawang isip pa ako kung papasok ba ako sa kwarto ni Gabby o maiiwan nalang sa labas. Base sa naging sagutan namin kanina ay hindi niya gugustuhing makita pa ako."Papasok ba tayo?" tanong ni Ree bago humikab, halatang pagod.Ilang ulit muna akong kumurap ngunit bago pa man ako nakasagot ay nakita na ako ni Tita Liz nang lumabas ang nurse mula sa silid ni Gabby.Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago tuluyang pumasok. Umaasa nalang ako na sana ay tulog si Gabby para walang sigawang mangyayari. Hanggang ngayon ay nakokonsensya pa rin ako sa ginawa kong pag sampal sa kanya. Alam ko sa sarili kong pinaglalaruan lang kami ng mga masasamang elemento. Kung sana ay naging mas malakas lang ako at mas inintindi lang ang asal ni Gabby ay hindi sana aabot sa ganito."How are you, Faith? Ilang araw na kitang hindi nakikita sa bahay.""A
La Verde, 1431 "Tharia!" Nagitla ako dahil sa sigaw ni Ama. Nasa hapang kami ngayon at nag-aalmusal. Simula ng mawala ang kapatid kong si Jacob ay naging mainitin na ang ulo ni Ama. Hindi nga lang ako sigurado kung dahilan ba iyon ng pagkawala ng aking nakakatandang kapatid o dahil nawalan siya ng katuwang at tagapag-mana sa kanyang mga kalakal. Malaki ang inunlad ng aming kalakal simula ng si Jacob ang nagpatakbo niyon sa kabisera at mas lalo pa sanang uunlad kung natuloy ang pag-iisang dibdib nito sa anak ni Ginoong Delcan. "Walang katotohanan iyon, Ama," sabi ko pagkatapos ibaba ang kubyertos at nagpunas ng bibig. "Siguraduhin mo lang, Tharia! Isang malaking kahihiyan ang nakikipaghalubilo ka sa mga taga bundok," aniya pagkatapos ay nagpatuloy sa pagkain. "Maaari na ba akong umalis, Ama?" gusto ko sanang sabihin na nawalan na ako ng ganang kumain ngunit ayaw kong mas uminit pa ulo ng aking gobernador-heneral.
Kakampi Ilang oras na kaming nasa biyahe patungong Luminos ngunit wala ni isang nagsalita. Si Ree ang nagmamaneho habang si Levi ay tahimik din sa aking tabi habang nasa daan ang buong atensyon. Sa kabila ng pagod ay hindi ko nagawang matulog sa byahe, ang isip ko’y nanatili sa tanong ni Ree kanina. Maging ako hindi ko halos maisip ang rason kung bakit ko hinalikan si Levi. Hinilot ko ang aking sentido, sobrang sakit na ng aking ulo at ang pananahimik ng dalawa kong kasama ay hindi nakakatulong. Magsasalita na sana ako ngunit na unahan ako ni Ree. “Nandito na tayo,” ani niya. Umirap ako, ni hindi niya man lang ako nagawang tingnan, mas lalo tuloy akong nairita. Kanina pa nakakunot ang noo ko habang naririnig ang bawat nguya niya ng baong biscuit na hindi niya man lang nagawang ialok sa amin. “Hindi ka ba baba riyan?” Pinagbuksan niya ako ng pinto. Humugot ako ng mamalim na hininga bago bumaba ng vintage car ni
NasaanPagkatapos naming mag-almusal ay naka-idlip ako sa sala nila Aling Mumay. Nagising nalang ako nang maramdamang ay humihilot sa ulo ko.“I’m sorry,” bungad ni Ree nang dumilat ang mga mata ko.Bumangon sa pagkakahiga sa kandungan niya at kinusot ang mga mata. “Ha?”“Sorry, uminit ang ulo ko.”Tumango ako. May mga gusto pa akong sabihin pero huwag nalang. Ayaw ko muna siyang kausap. “Si Levi?” sabi ko nalang.Nalukot ang mukha ni Ree bago bumuntong hininga. “Nakatulog.”Tumango ulit ako bago inabot ang tubig na nasa maliit na lamesa.“Ako? Hindi mo tatanungin kung nakatulog ba ako?” masungit na sabi ni Ree. Halos bugahan ko tuloy siya ng tubig.“Nakatulog ka ba?”“Hindi,” mas lalo siyang nagsungit. Nireregla ba ito?Tumango ulit ako.“Sorry na nga kasi, Faith,&rdq
Reincarnation“Bakit ngayon lang ninyo sinabi lahat ng ito?” Bahagyang tumaas ang boses ni Aling Mumay kaya napalunok ako.Hindi ko naman akalain na big deal pala iyon, basta’t ang alam lang namin ay walang nakakulong sa lamparang iyon.“H-hindi rin po namin alam, Aling Mumay… nawala sa isip ko…” hindi ko na kayang dugtungan. Wala rin naman akong maisip na matinong sagot.“Baka naroon sa mga gamit ni Lola Kristel, Faith?” ani Levi.“Wala naman akong nakitang lampara roon?” si Ree ang sumagot.“Saka nasa Nuevo Pacto na si Lola Kristel noon bago pa man nangyari iyong pagkulong kay Theodore sa lampara. Hindi rin sinabi ni Alisa sa kanyang talaarawan kung nasaan na ang lamparang iyon, Aling Mumay,” sabi ko.“Si Tharia ang ibig kung sabihin. Kailan pa siya nagpakita sa inyo?”Naitikom ko ang aking bibig. Lahat sila a
Tulong Naalimpungatan ako dahil sa basang tuwalyang lumapat sa aking noo at bumungad sa akin ang nag aalalang mukha ni Ree kasama ang kapatid nito. "Anong nangyari?" tanong ko. "Inaapoy ka ng lagnat." Si Ree ang sumagot habang nagpupunas sa aking noo. "Bakit ganyan ang mukha mo?" "Umuungol ka kasi kanina tapos si Levi ang tinatawag mo," natatawang singit ni Margareth. Hindi ko alam kung dahil nilalagnat ako kaya uminit ang mukha ko o talagang lubusan na akong nilamon ng kahihiyan. "Kapag hindi ka talaga tumigil, Margareth, ibabato ko 'to sa'yo!" Kahit ang mukha ni Ree ay namumula, siguro'y dahil sa pagkapikon sa kapatid. Tumikhim ako at sinubukang bumangon ngunit pinigilan nila ako. "Don't worry, Faith, alam namin ni Aling Mumay na posibleng si Levi ang reincarnation ni Theodore at ikaw naman kay Tharia," natatawa pa ring ani niya ngunit nasa kapatid naman ang atensyon. Nabuhay
Please, help me Buong mag hapon akong tinuruan ni Margareth tungkol sa witchcraft ngunit ni isa ay wala akong natutunang orasyon. Siguro marahil hindi pa nag si-sink in sa akin ang sinabi niyang may dugo akong mangkukulam. Hindi na basta haka-haka iyon, sapagkat siguradong- sigurado siyang mangkukulam talaga ako dahil sa hiwa na nasa kanang hintuturo ko. Maliit lamang iyon at hindi nga mahahalata ngunit nang may binanggit siyang latin na mga salita ay saglit itong lumiwanag at lumitaw sa aking ala-ala ang isang babaeng nakatalikod. Saglit lamang iyon, pakiramdam ko nga ay isang kurap lamang ngunit ramdam ko ang matinding koneksyon niya sa akin. Ang paliwanag ni Margareth ay maaaring may koneksyon ang babaeng iyon sa tunay kong pagkatao. Ngunit noong sinubukan namin ulit ay hindi na iyon gumana. Tumigil na rin si Margareth dahil dumugo na ang kanyang ilong. Ang sabi niya'y may hangganan ang kanyang kaalaman sa mahika lalo na't
Her NecklaceTharia, La Verde, 1431Mismong pagbaba pa lang namin sa karatela ay dinagsa kaagad kami ng mga taong gutom at mga may sakit. Noong una ay nag-aalangan pa ako kung tutulong ba ako dahil umaalingasaw ang amoy ng mga sugat nila sanhi ng lumaganap na epedemya sa lugar. Ngunit mas nanaig ang awa sa akin, lumapit ako sa batang halos nasa anim na taon lamang na nakasandal sa malaking bato malapit kung saan namin itinigil ang karatela. Namamalat na ang kanyang mga labi at halos mapuno na ng sugat ang mga katawan. Gustuhin man niyang magsalita ay hindi na niya magawa, siguro'y marahil sa mga kulay puting nasa kanyang bunganga.Inayos ko ang pagkakasandal niya sa batuhan bago maingat na pinainom ng tubig pagkatapos ay maharang nilinis ang kanyang katawan at nilagyan ng halamang gamot ang kanyang mga sugat. Nang matapos ang panggagamot ko sa kanya ay maingat din niyang hinaplos ang aking mukha.
Twin"Hindi ko rin alam. Tanging ang Nanay mo lang ang nakakaalam kung nasaan ang kakambal mo."Paulit-ulit na sagot ni Gladys nang tinanong ko kung nasaan ang kapatid ko. Kung ang katulad ko ay bahagi ng plano ni Tharia, malamang ang kapatid ko rin.“Or maybe, it was your Mother’s plan to save you both from the Hekka Cover- from the trial!” Si Zandrex. Ramdamo sa tono ng boses niya ang pagka-inis.Hindi ko maiwasang tingnan siya ng masama.“Ofcourse, I’m also concern with your brother, Faith, it just that, we need to solve our problems one step at a time. We don’t know where’s your brother, yet!” aniya nang mabasa ang aking expresyon.Humugot ako ng malalim na hininga. May point din naman ang aking Ama kahit paaano.Hekkatua, isa sa tatlong magkakapatid na bihasa sa pag gamit ng itim na kapangyarihan. Naging obsessed siya sa kapangyarihan hanggang umabot sa puntong sinakripisyo niya ang buhay ng dalawang kapatid para mas lumakas pa. At sa ngayon ay ito lamang ang impormasyong mayroon
Twin "Hindi ko rin alam. Tanging ang Nanay mo lang ang nakakaalam kung nasaan ang kakambal mo." Paulit-ulit na sagot ni Gladys nang tinanong ko kung nasaan ang kapatid ko. Kung ang katulad ko ay bahagi ng plano ni Tharia, malamang ang kapatid ko rin. “Or maybe, it was your Mother’s plan to save you both from the Hekka Cover- from the trial!” Si Zandrex. Ramdamo sa tono ng boses niya ang pagka-inis. Hindi ko maiwasang tingnan siya ng masama. “Ofcourse, I’m also concern with your brother, Faith, it just that, we need to solve our problems one step at a time. We don’t know where’s your brother, yet!” aniya nang mabasa ang aking expresyon. Humugot ako ng malalim na hininga. May point din naman ang aking Ama kahit paaano. Hekkatua, isa sa tatlong magkakapatid na bihasa sa pag gamit ng itim na kapangyarihan. Naging obsessed siya sa kapangyarihan hanggang umabot sa puntong sinakripisyo niya ang buhay ng dalawang kapatid para mas lumakas pa. At sa ngayon ay ito lamang ang impormasyong m
"Kung hindi makakaalis si Lilia roon, walang sasanib kay Margareth. Wala tayong magiging problema, hindi ba?" tanong ko habang binubuklat ang lumang libro na may pangalan ni Santander Danielson. It’s in cursive gold letter, luma na at hindi ko alam kung dugo ba ang kaunting kulay pulang nasa ibang pahina nito o sadyang sinadya lamang habang isinulat. "Paano kung hindi na niya kailangan si Lilia dahil nagpatuloy naman henerasyon nito? Isa pa, kapag namatay si Lilia habang nasa sistema niya ang dugo ni Santander, magiging makapangyarihang bampira siya. Malamang, isa iyan sa mga rason kung bakit hindi siya pinatay ni Tharia?" "And he fancies Lilia, anyone who hurt the love of his life will suffered pain greater than death." "Ibig sabihin, walang laban ang kapangyarihan ni Tharia laban sa mga bampira?" "Most likely..." si Zandrex. "Hindi rin. Tharia is also one of the most powerful witch in the history of witchcraft, one of the oldest. Vampires are strong, and fast, but the elders of
Lilia's in Prison "Anong magiging pwedeng dahilan para magising si Lilia Delcan at sumanib sa katawan ni Margareth? She's already eighteen, been using magic since I don't know— she's ready to be taken over. Bakit hanggang ngayon ay wala pa?" Nilapag ko ang baso ng mainit na tsokolate bago sumadal sa kinauupuan ko. Si Zandrex ay abala sa isang lumang libro galing sa aking Ina. "Anong magiging triggering factor para magising ang isang Lilia Delcan?" Matagal akong tinitigan ni Gladys na tila ba naninimbang kung sasabihin niya ang naiisip. "No! I know what you're thinking Gladys!" "I will guide her, Zandrex!" Tumikhim ako para awatin silang dalawa. "Pwede akong bumalik sa nakaraan. I mean, dumalaw, or whatever the term basta nagawa ko na iyon dati. Nagawa kong makabalik... ng maayos at ligtas." "Mapapahamak-" "Hindi ako masasaktan ni Tharia roon at walang nakakakita sa akin," putol ko sa reklamo ng aking Ama. Pinanliitan niya ako ng mata. "How can you be so sure about that?" M
"Oh!" tanging nasabi ni Margareth nang marinig ang suhestiyon ni Marcus. Ang gusto niya kasing mangyari ay magkaroon ng isa pang ritwal ng sakripisyo sa susunod na kabilugan ng buwan. Pagkatapos kasing isagawa iyon ay magiging mahina si Tharia kaya ito magtatago sa alaala ng babaeng sinakripisyo. Ang plano niya ay ikulong si Tharia sa alaala ni Margareth gamit ang isang spell na tinuro ng isang babaylan. "No," saad ko. Kahit na iyon na lang ang natatanging paraan ay hindi ko iyon gagawin. Ang buhay ni Dahlia ay ang huling buhay na makukuha ni Tharia sa panahong ito- sisiguraduhin ko ito. "There's no other way! We can actually end this right-" "Kapalit ang buhay ng isang inosente? Hindi pwede Marcus! May isang buwan pa tayo para sa susunod na fullmoon, makakaisip pa tayo ng paraan-" "At sa tingin mo ay walang krimeng gagawin si Tharia sa loob ng isang buwan?" putol ni Lola Josephine sa akin. Napalunok ako. Base sa naging itsura ng silid kanina ay mas lalo na ngang lumakas si Thar
Nang bahagyang kumalma si Marcus ay pinahiram siya ng damit ni Levi na nakita niya sa sasakyan, siguro ay kay Zandrex iyon basi na rin sa laki ng mga ito. Ininom niya ang inalok kong tubig at tumulong na rin na ayusin ang mga naglakat na sala. "Dios por santo, anong nangyari dine?" Sabay halos kaming napalingon sa pintuan kung saan naroon sina Lola Josephine at Aling Mumay. Ang matalim na titig ni Lola ay naroon kaagad sa akin. Napalunok ako. "Faith..." Siniko ako ni Margareth. "Ha? Uhm, yeah... pasok po," saad ko nang maisip na may kultura pala ang mga witch or mga manggagamot na huwag pumasok sa isang tahanan kapag hindi iniimbita. Opisina nga ito ni Lola Kristel ngunit nang malipat ito sa aking pangalan ay parang naging tirahan ko na rin. Umupo kami sa maayos nang mga sofa, ilang minutong nagpakilala kay Marcus at Lola Josephine bago nag simula ang mga seryosong tanong. "Lola Pina, hindi po iyan si Tharia," si Aling Mumay nang mapansing kanina pa matalim ang mga titig ni Lola
Si Dahlia at Marcus, 1431 “Patay na si Tharia, Marcus! Bakit mo ba siya hinahanap? Simula ng bumalik ka rito ay si Tharia na ang iyong palaging bukambibig!” “Si Tharia lang ang makakatulong sa akin, Dahlia—” Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses nang narinig ang pangalan ni Dahlia. Kung ganoon ay napunta ako sa panahon kung saan buhay pa ang unang Dahlia Somerheld. Sigurado rin akong tapos sa panahong ito ang naging paglilitis ni Tharia sa plaza. “At paano mo nasabing hindi kita kayang tulungan, Marcus? Narito ako sa iyong tabi ngunit iba ang iyong hinahanap!” Nakita ko ang panliliit ng mga mata ni Dahlia. Wala siyang suot na balabal at lantad ang kanyang mukha— kung ganoon ang kasama niyang lalaki ngayon ay ang kanyang asawa o siguro’y katipan. “Hindi mo naiintindihan, mahal ko…” Umatras si Dahlia pagkatapos itulak ang kamay ni Marcus na gusto sanang humawak sa kanya. “Kung mahal mo talaga ako ay sasabihin mo sa akin kung ano ang bumabagabag sa iyo, Marcus! Tatlong taon kan
Channel Nakita ko si Ree suot ang kulay abong v-neck t-shirt at maong na pantalon, matamis ang ngiti niya sa akin habang namumungay ang mga mata. Ngunit nawala rin kaagad ang kanyang ngiti nang maduwal siya ng dugo. Napaluhod siya, Doon ko lang nakitang maging ang kanyang dibdib ay duguan rin dahilan nang pagkakasaksak. "Ree!" tawag ko. "Bakit! Bakit mo iyon ginawa?" Hindi ko na naituloy ang mga sasabihin nang mapagtanto kong ito ang nakita ko noon hinawakan ko siya. “Kuya…” D***g ni Margareth pagkatapos saluhin ang kapatid. Pareho silang nakaupo na sa semento habang si Levi naman ay tulala habang nakatingin sa hawak ko. "F-faith..." boses iyon ni Gabby ngunit hindi ko siya makita. "It's all your fault, Faith! It's all your fault!" Nakita ko ang pagbukas ng bibig ni Ree habang nakatingin sa akin ngunit walang mga salitang lumalabas doon. Si Margareth naman ay sinubukan ang ilang orasyon upang iligtas ang kapatid ngunit sa nakikita ko ay masyado na siyang mahina. Maliban sa umiiyak
Nagising ako dahil sa hapding naramdaman ko sa aking palapulsuhan at agad akong na alarma nang mapagtantong nakahiga ako sa isang malamig na altar habang nakagapos ang mga kamay at paa. Nahihilo pa ako ngunit nagawa ko pa ring i-eksamin ang paligid. May tatlong babaeng nakapalibot sa akin at pawang nakasuot ng itim na belo. Isa sa may bandang uluhan ko, sa harap ng altar, at isa sa may paanan. "Abehmo Lefan dieneries Sheron." "Abehmo Lefan dieneries Sheron." "Abehmo Lefan dieneries Sheron." Naging klaro sa pandinig ako ang paulit-ulit na sambit nila at nagsimula akong mag panic nang naging pamilyar ako sa lengwaheng ginamit at kung para saan ang orasyong iyon. Balak nila akong gawing buhay na sakripisyo! Ang sinasagawa nila ay sacrificial magic upang buhayin ang isang napakalakas na nilalang na nag ngangalang Selitha. Minsan na itong binanggit ni Aling Mumay ngunit hindi ko napagtuonan ng pansin dahil wala naman itong kinalaman sa pino-problema namin. Parang dumaan lang sa pandin