Home / Romance / Bidang Kontrabida / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Bidang Kontrabida: Chapter 1 - Chapter 10

49 Chapters

PROLOGUE

PROLOGUEMadalang lang sa mga kontrabida ang nagkakaroon ng happy ending. Parang ako, pinanganak akong kontrabida kaya inaasahan ko nang walang happy sa ending ko. Kilala ako ng lahat bilang isang spoiled brat, maldita, bastos, walang galang. Ang nag-iisang Imperial na masama ang ugali. Lahat ng tao, takot sa presensya ko. Hindi ko naman sila masisisi dahil nakaka- depress naman talaga ang ganda ko. Nag-iisa na lang akong nabubuhay at sawa na akong palaging kumu-kontra. Ang akala ko, dahil mayaman ako, mabibili ko lahat. Ang mga damit, pagkain, kotse, bahay, nabibili ko. Maliban sa tao. Maliban sa feelings ng tao. Gusto kong maramdaman kung paano mahalin din, 'yong totoong pagmamahal, 'yong hindi ako niloloko. Kailangan ko ng taong handa akong tulungan sa pagbabago ko dahil ang isang kontrabida, hindi mananatiling kontrabida, nagre-resign din kami, 'no! 
Read more

AMBER LEONDALE IMPERIAL

CHAPTER ONE"'Di ba kagabi ko pa kayo pinalayas dito sa bahay ko? Ba't nandito pa kayo?"Kasalukuyan akong nagbe-breakfast habang sila naman, sinisira ang araw ko. Nasa harap ko ngayon ang stepmother at ang mga stepsisters ko. Kagabi ko pa sila pinaalis kaya umiinit na naman ang ulo ko."Pero Amber, wala na kaming mapuntahan ng mga kapatid mo." Nabitawan ko ang kutsara dahil sa sinabi niya at dahan-dahang napalingon sakanila. "Nagpapatawa ka ba? Walang mapuntahan? Eh, nasaan na pala 'yong mga perang nahuthot mo sa Papa ko? At please, kapatid? Hindi kasing kinis ko 'yang mga anak mo." Humahangos na napatayo ang stepmother ko habang nasa gilid naman ang mga anak niyang pinaglihi sa uling, nakayuko lang ang mga ito. Dapat lang na manahimik sila."'Wag kang magsalita sa'min ng ganyan. Asawa pa rin ako ng Papa mo. May karapatan pa rin ako sa bahay na 't
Read more

JACINTO ROMAN

Chapter twoNapadaing ako sa sakit ng siko, tuhod at balakang. May mga malalaking kalmot pa'ko sa braso na lalong nagpagalit sa'kin. Mga walang kwenta! Kapag nagka-peklat ako sa braso, mamatay na sila."'Wag niyo akong hawakan! Mga bwesit!" Sigaw ko nang akmang hahawakan nila ako para maitayo.Nagsipag-atrasan agad ang mga ito sa takot. Kung kanina, para kaming nasa palengke dahil sa ingay ngayon, para kaming nasa game show, ang mag-iingay, matatanggal. Halos pati paghinga, tinatago nila sa'kin. Mga siraulo.Dahil sa gulo kanina, nagkalayo kami ni Farrah. 'Di ko na siya nakita at hanggang ngayon, wala pa ring lumalabas! Bakit ba kasi ang gulo nila? May pumunta bang artista kaya para silang mga kiti-kiti kanina?Walang nagtangkang lumapit sa'kin. Lahat sila nakayuko na at ang iba, pasimple nang umaalis. "Miss, dalhin na kita sa Clinic." Tinignan ko ng masama ang taong lumapit at yumukod sa harap ko."'Di kita kailang
Read more

EMPTY

Chapter threeWalang ganang nilakad ko papasok ang mansion. Lalagpasan ko na sana ang garden nang may makita akong nakakainis. Huminto ako."Odette," sambit ko sa pangalan ng katulong na kasalukuyang nagdidilig ng halaman.Agad naman itong tumigil sa ginagawa at nilingon ako."Good afternoon, Mam Amber. Ano po 'yon?" tanong niya.Bumuntong-hininga ako. "Nakikita mo sila?" Nguso ko sa tatlong babaeng nasa garden, prenteng naka-upo at nagtsa-tsaa habang tumatawa. Nagmumukha silang mga tanga sa ginagawa.Sinulyapan ito ni Odette at tumango. "Opo.""Siguradong may masayang nangyari sa kanila ngayong araw," Bumaling ako kay Odette. "May iuutos ako sa'yo.""A-ano po 'yon?" mahina at nauutal na tanong niya."Nagdidilig ka 'di ba? Basain mo sila." Seryoso ang mukhang humarap ulit ako sa mag-iina. Mga walang kwenta.Nag-iinit ang tenga ko kapag naririnig ko silang tumatawa. Naiinis ako.Nang hindi gumalaw si Odette,
Read more

WOUNDS

Chapter fourHindi na'ko nagtanong kung bakit kilala ni Farrah si Cin. Halata namang sikat ang lalaking 'yon. Nadumog na nga, eh. Sa itsura pa lang, alam ko nang marami ang naghahabol. Kasalukuyan akong nakahilata at nakatulala sa kisame nang biglang may kumatok. Pumasok si Odette na may dalang gatas."Inumin mo niyo na po 'to. Gusto niyo po bang kumain ng cookies?" Tanong niya na nagpabangon sa'kin.Mahilig mag bake noon si mama ng cookies at alam 'yon ng mga dating katulong na matagal na sa mansion, tulad ni Odette. Bumangon ako at tinignan si Odette na inilalapag ang gatas sa mesa. Walang imik akong tumayo at bumaba. Ako na lang kukuha para sa sarili ko.Paliko na sana ako sa kusina nang may marinig akong nabasag na sa tingin ko ay nanggaling sa sala. Nakita ko ang dali-daling pagbaba ni Odette ng hagdan at ng iba pang mga katulong para tingnan ang nangyari. Ano naman kayang nangyari?Kalmado akong naglakad para sundan sila.
Read more

MISS FRIES

Chapter fiveKinabukasan kumunot ang noo ko nang makita si Farrah na dire-diretsong pumasok ng room. Ang akala ko, aabsent na naman siya ulit dahil masyado na kayang late. Palabas na nga si Miss Piranha dahil tapos na ang klase, eh. "O, Guerrero! You're early for the next subject!"Tamad akong napa-iwas nang tingin. Masyado pa namang mahigpit 'yang isdang 'yan. 'Di na makakalusot si Farrah dyan kahit magaling siya sa klase nito, 'no. Ayaw na ayaw pa naman ng isdang 'yan ang mga late. Siguradong bagsak sa C.R si Farrah mamaya.Hindi ko na narinig si Farrah na nagsalita. Hindi na siya nagkaroon ng chance na maka-sagot kay Piranha nang ratratan siya nito. 'Buti na lang break time na at wala na masyadong tao sa loob ng room. Nagsialisan na ang iba samantalang may ibang natira para ayusin ang mga gamit nila, mukha namang wala silang pakealam sa nangyayaring gyera sa unahan. Nang makaramdam na'ko ng gutom, tumayo na'ko at naglakad sa unahan.
Read more

I NEED BOYFRIEND

Chapter sixNilibot ko ang tingin at nakitang iniba na ang kulay ng kurtina. Ang noong maaliwalas na paligid ngayon, parang naging kweba, ang dilim. Humarap ako kay Verna na alam kong nasa likod ko lang at nakasunod."Nagustuhan mo ba ang kulay ng kurtina, Amber?" Nakangiting tanong niya. Naningkit ang mga mata ko sa nakikitang ngiti kay Verna. Alam na alam ko ang ngiting 'to, eh. Ngiting naghahanap ng gulo. Tamad na iniwas ko ang tingin at kinamot ang kilay. Tumango-tango ako. "Maganda. Ang ganda." Kasi hindi kita nakikita."Talaga?" Kunwaring hindi makapaniwalang tanong niya. "'Yan ang pinili ko para mas bumagay sa ugali mo."Nilingon ko siya at nakita ko kung paano nag-iba ang itsura niya. Unti-unting nawala ang ngiti niya at napalitan ng invisible na sungay. Bumagay sa ugali ko? Natawa ako ng mahina hanggang sa lumakas. Napapalakpak pa'ko dahil sa tuwa. Bumagay talaga sa ugali ko? Paano na lang sakan
Read more

PLAN

Chapter seven  "Amber, anong ibig sabihin non? Parte pa rin ba 'yon ng pagiging guilty niya o may something na?"   Wala sa sariling nakasunod lang ako kay Farrah palabas ng school. Ano nga bang ibig sabihin non? Wala naman talagang masama sa ginawa ng bugok na 'yon pero bakit niya nga ba 'yon ginagawa? Tingin ko nga late na siya kanina, eh.    Pumunta siya sa clinic kahit malayo 'yon sa building namin. Hindi niya inintindi 'yong pawis at pagod. Tarantado ba siya?   "'Wag ka ngang O.A, Farrah. 'Wag kang mag-isip nang kung ano-ano." Irap ko.   Papasok na sana ako sa loob ng kotse nang humarang siya sa pinto. Pinandilatan ko siya ng mata at inambahan ng suntok.   "Ano ba, Farrah?! Tabi ka dyan!"  
Read more

GAME

Chapter eight  Masyado akong maagang nagising kinabukasan. Sinubukan ko ulit na bumalik sa pagtulog pero hindi na'ko inaantok. Bumaba ako ng kama at dumiretso sa banyo para maligo. Masyadong mabagal ang kilos ko kaya halos isang oras din akong nasa banyo. Pati sa pagbibihis nagtagal ako.   Nang makitang maayos na ang itsura, kinuha ko ang cellphone at wallet. Balak kong maglakad-lakad sa labas ng subdivision, baka may mga coffee shops sa malapit. Magandang maglakad-lakad ngayong oras dahil wala pa masyadong tao. Exercise na rin dahil feeling ko, bumibigat na'ko.  Nilingon ko ang orasan at nakitang 5:18 pa lang ng umaga. Ang alam ko, may mga nagbubukas nang mga coffee shops ng mga ganitong oras tsaka maglalakad lang naman ako.   Naka-shirt lang ako at pinatungan ng jacket, nag-short at naka-purple na slippers. Nang makababa ako ng hagdan, m
Read more

COURTING

Chapter nine"Amber! My friend!"Tumatakbong sinalubong ako ni Farrah sa gate. Agad siyang yumakap sa'kin. Hindi ko siya pinansin at tinuon ang tingin sa lalaking nakita kong kasama ni Farrah bago ako bumaba ng kotse. Nasa gate rin siya at mukhang may inaabangan. Siya 'yong lalaking kasama ni Cin na pumunta ng room. "Marami kang chismis na ishe-share sa akin later. Dami ko nang nami-miss sa mala-teleseryeng buhay mo, friend." Bulong niya at ngumuso sa lalaking mukhang bored na bored na. Parang kaunti na lang, makikipag-yayaan na siya ng suntukan sa security guard sa sobrang sama ng tingin niya rito.Bumuntong-hininga ako at dumiretso sa paglalakad. Nagkunwari akong walang napapansin at dumaan sa harap ng lalaki. Hindi na'ko nagulat nang harangan niya kami.Inaasahan ko na. "Samahan ko na kayo. Naghihintay si Cin sa lobby.""Hoy! Kaya na naming pumunta ng lobby na kami lang. Echosero." Singit ni Farrah na kinun
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status