CHAPTER ONE
"'Di ba kagabi ko pa kayo pinalayas dito sa bahay ko? Ba't nandito pa kayo?"
Kasalukuyan akong nagbe-breakfast habang sila naman, sinisira ang araw ko. Nasa harap ko ngayon ang stepmother at ang mga stepsisters ko. Kagabi ko pa sila pinaalis kaya umiinit na naman ang ulo ko.
"Pero Amber, wala na kaming mapuntahan ng mga kapatid mo."
Nabitawan ko ang kutsara dahil sa sinabi niya at dahan-dahang napalingon sakanila.
"Nagpapatawa ka ba? Walang mapuntahan? Eh, nasaan na pala 'yong mga perang nahuthot mo sa Papa ko? At please, kapatid? Hindi kasing kinis ko 'yang mga anak mo."
Humahangos na napatayo ang stepmother ko habang nasa gilid naman ang mga anak niyang pinaglihi sa uling, nakayuko lang ang mga ito. Dapat lang na manahimik sila.
"'Wag kang magsalita sa'min ng ganyan. Asawa pa rin ako ng Papa mo. May karapatan pa rin ako sa bahay na 'to!" sigaw ni Verna, ang stepmom ko.
Walang ganang tumayo rin ako. "Wala kang pag-aari dito. Lahat ng 'to sa mama ko lang. Walang sa'yo dahil kabit ka." Dinahan-dahan ko ang pagsasalita para maintindihan niya kasi mukhang mahina ang utak nilang mag-iina.
Hindi ko makakalimutan kung paano namatay ang Mama ko. Dahil sakanya, naaksidente ang Mama ko. Dahil sakanya, nasira ang pamilya ko. Naging kabit siya ng Papa ko at nasaksihan ni Mama lahat ng 'yon kaya wala siyang karapatan.
Isa siyang mamamatay tao.
"Kailan mo ba tatanggapin na mas minahal ako ng Papa mo kaysa sa mama mo, Amber?" nakangiti niyang tanong, nang-iinis.
Hindi na ako naaapektuhan ng mga salitang 'yan.
"Kung akala mong magbabago ang isip ko dahil sa bagay na 'yan, hindi, Verna. Aalis pa rin kayo kaya mag impake na kayo. 'Wag niyong hintaying ako ang gagawa." Tsaka ko sila tinalikuran lahat.
Ngayong patay na si Papa wala nang magtatanggol sa kanila. Wala nang po-protekta. Aalis sila dahil 'yon ang gusto ko.
Bwesit. Gusto ko pa naman ang hinandang breakfast. Hindi ako pwedeng magtagal doon at baka kaladkarin ko silang mag-iina sa basurahan. Mga walang kwenta.
Tingin ng iba, ako si Cinderella dahil sa pagkakaroon ko ng stepmother and stepsisters pero sa pagkakaalam ko, si Cinderella masyadong mahina, hinahayaan niyang gawin siyang alipin ng walang kwenta niyang stepmother. Hindi naman ako ganoon. Siguro, ako pa rin si Cinderella pero 'yong kontrabida. Dahil ako, hindi ko hahayaang gawin ng Verna na 'yon na magreyna-reynahan sa palasyo ko. Hindi ako magiging mahina.
Dumiretso ako sa kotse, agad naman itong umandar.
Ang pagkamatay ni Mama, kasalanan ni Verna. Naging kabit siya ng Papa ko at nasaksihan ni Mama lahat ng 'yon. Dahil sa sakit, lungkot at galit, naaksidente ang Mama ko. Isang car accident ang nangyari. Galit ako kay Papa dahil pagkatapos na mamatay ni Mama, dinala niya agad ang babaeng 'yon sa bahay namin dala pa nito ang mga anak na pinaglihi sa uling. Kahit mahal siya ni Papa, wala akong pake, wala pa rin siyang karapatan sa kayamanan ng pamilya ko.
Ang pagiging kontrabida ko, may dahilan.
Mainit ang ulo ko na papasok ngayon. Nabu-bwesit ako dahil nagugutom ako. Masarap pa naman ang pagkain na hinanda kanina. Bwesit talaga 'yong mga basurang 'yon.
Hindi ko namalayang nakarating na pala kami ng school. Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ng pinto ng driver, padabog akong bumaba. Dire-diretso na rin akong pumasok at hindi na lumingon.
Marami akong narinig na tumawag sa pangalan ko at bumati pero wala akong nilingon ni isa. Ba't ako magsasayang ng laway at lakas sa mga walang kwenta? Galit ako ngayon.
Mabilis akong naglakad hanggang sa makarating ako sa building ko. Hindi na'ko nagulat nang biglang sumulpot sa gilid ko si Farrah at inakbayan ako.
"Hello, friend! Mukhang maganda ang umaga mo." nakangiti niyang sabi. Parang anytime mapupunit na 'yong labi niya sa sobrang lawak ng ngiti niya. Nakakapikon.
Umiling ako. "Mali ang sinabi mo. Hindi nga kita kaibigan."
Ewan ko ba kung bakit ko naging close 'to? Wala namang talent na ikatutuwa ko ang babaeng 'to. Nakakainis 'yong pagiging madaldal niya, pagiging isip-bata at tanga pero nakakatagal naman ako.
"Ha? Hindi ba maganda ang umaga mo?" nakangiwing tanong niya na inirapan ko.
"Sa tingin mo? Kailan pa naging masaya ang mga nakasimangot?"
Malungkot na kumapit siya sa braso ko habang paakyat kami ng hagdan. Mas lalo akong napasimangot nang maramdaman ko ang bigat niya sa braso ko. Kapit na kapit siya!
"Miss mo na ba ang Mama at Papa mo? Pwede ka namang pumunta sa bahay, eh para hindi ka malungkot." Nguso niya.
Natigil ako sa paglalakad at nilingon siya. Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ko siyang mawala dahil totoong kaibigan si Farrah. Nasasabi ko lahat ng problema ko sakanya pati mga sekreto.
"Oo. Miss na miss ko na sila. Nakikita ko na nga sila kahit saan, eh. Nababaliw na'ko."
"Nakikita mo sila?!"
"Oo. Actually, ngayon nakikita ko sila sa likod mo." Nguso ko sa likod niya.
Agad n'ya akong niyakap at nagtago sa gilid ko. Hindi ko na pinigilan ang tawa ko nang makita ko ang itsura niyang parang maiihi na sa takot. Biro lang naman 'yon. Gusto ko lang makita kung anong itsura niya na natatakot. Ang bait ko.
Pinagpatuloy ko ang pag-akyat ng hagdan. Sinundan niya naman agad ako habang lingon nang lingon sa likod at gilid. Mahigpit na mahigpit rin ang kapit niya sa braso ko.
"Alam mo, tigilan mo na 'yan. Nagbibiro lang naman ako kanina atsaka hindi nakakatakot ang itsura ng parents ko. Ang gwapo kaya ni Papa tsaka maganda si Mama." sambit ko.
"Wala naman akong sinasabi, ah?!" singhal niya sa'kin.
"Wala ka ngang sinasabi, pinapakita mo namang takot ka. Nanginginig ka nga, oh!" Tinaas ko pa ang kamay niyang nakakapit sa'kin.
Nakarating kami ng classroom na praning pa rin siya. Napapangiwi at napapairap na lang ako sa tuwing nabubunggo siya sa likod ko dahil lingon siya nang lingon. Parang tanga!
Natahimik ang lahat nang pumasok kami sa loob ng classroom. Dire-diretso akong naglakad sa likod para doon pumwesto habang hila pa rin si Farrah. Hindi ko pinansin ang mga matang nakatingin sa'kin. Mamaya, pag-uusapan na naman kung anong make-up ko, kung anong sinuot kong alahas, kung paano inayos ang buhok ko. Mga walang kwenta.
Pansin ko ang todo iwas ng mga estudyante sa'kin. Siguro dahil masama ang ugali ko. Kilala ako bilang spoiled brat, maldita,walang galang na Imperial. Ang nag-iisang Imperial na masama ang ugali.
Pinanliitan ko ng mata ang babaeng nakita kong lumingon samin. Kilala ko ang babaeng 'to, eh kilala siya sa pagiging chismosa. Nagpapakalat ng maling balita. Agad naman siyang tumalikod at diretsong tumitig sa pisara. Nagagalit ako kapag pinagchi-chismisan ako. Subukan lang niyang ibuka ang bunganga niya, mapapahiya siya.
Natigil ako sa pag-iisip kong paano patatahimikin ang chismosa nang may kumalabit sa'kin.
"Ali, punta tayong mall later?" inosenteng tanong ni Farrah habang pinaglalaruan ang ballpen ko.
Natulala ako sakanya. Dahil sa pagtawag niya sa'kin ng, Ali. Ali, Amber Leondale Imperial. Ang parents at grandparents ko lang ang tumatawag sa'kin ng ganoon. Si Mama ang nagbigay sa'kin ng nickname na Ali. Hindi ko na ulit narinig ang pangalang 'yon nang mamatay silang lahat, ngayon lang kaya nagulat ako. Nakakapanibago.
Nanlaki ang mga mata ni Farrah. "Ay, sorry! Amber, sorry. Ayaw mo ba na tinatawag kitang ganoon?"
Hindi ako nakasagot.
"Amber. Sorry na. Friends pa rin tayo, 'di ba?!" Paiyak na siya.
Bumuntong-hininga ako at hinila ang ballpen kong kagat-kagat niya na. Nakikita ko kasing nauubos niya na 'yong ballpen. Mahal pa naman 'to.
"You can call me, Ali. And yeah, sige. Punta tayong mall." Sang-ayon ko.
Wala naman akong gagawin mamaya. Baka kapag nagkulong ako sa bahay, atakehin lang ako sa puso. Nakakainis ang pagmumukha ng mag-iinang 'yon.
"Ali! Ali! Ali!"
"Tumahimik ka nga, Farrah." saway ko sakanya.
Paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan ko. Nakakarindi. Sana hindi ko na lang siya pinayagang tawagin ako sa pangalang 'yon. Pero okay na rin dahil nami-miss ko na ang tinatawag na ganoon. Nami-miss ko na sila Mama.
Nang dumating ang teacher, hindi na ulit ako kinulit ni Farrah. Talagang seryoso siya sa pag-aaral dahil ayaw niyang madismaya ang mga magulang niya. Matalino naman si Farrah, eh tsaka hindi naman strikto ang parents niya. Ewan ko kung bakit siya ganyan.
Naalala ko tuloy si Papa, medyo strikto siya pagdating sa grades ko kaya nahilig ako sa pagbabasa. Parati akong nangunguna sa klase dahil 'yon ang gusto niya. Siya ang parating kasama ko pagdating sa pag-aaral kaya close kami pero nang magsimula siyang mangbabae, lumayo na ang loob ko sakanya. Hindi naman ako nagalit sakanya pero hindi ko siya kayang kausapin dahil nalulungkot ako sa ginawa niya.
Nang matapos ang klase, pinagpatuloy ni Farrah ang pangungulit sa'kin. Akala ko, habang buhay na siyang tatahimik. Kahit pababa kami ng hagdan, hinihila-hila niya ako. Todo kapit naman ako dahil baka mahulog kaming dalawa sa kakulitan niya. Para siyang bata! Naiinis na'ko!
"Farrah. Kapag hindi ka pa tumigil. Friendship over." seryosong sabi ko.
Natigil siya at ngumuso. "Sorry. Excited lang kasi ako, eh."
Umirap ako at tinanggal ang braso niyang nakapulupot sa'kin. "Naiintindihan ko. Pero nasa hagdan tayo, babae. Baka gusto mong sabay tayong gumulong dyan pababa?"
Umiling-iling siya. "Hindi. Sorry, Ali. Let's go."
Naiintindihan ko ang ugali ni Farrah. Apat silang magkakapatid at bunso siya. Baby ang turing sakanya ng family niya kaya isip-bata! Pero minsan, mature naman siya. Madalas, bata talaga!
Habang naglalakad kami sa hallway, natigil kaming dalawa ni Farrah nang humarang sa dadaanan namin ang mga nagkukumpulang estudyante. Halos babae pa!
Ano bang meron?
"Anong nangyayari doon?" Rinig kong bulong ni Farrah.
Hindi ko alam kung anong nangyayari. Sumisigaw at tumitili ang mga ito, kapag nagtagal pa'ko dito, siguradong basag ang eardrums ko.
Hindi ko pinansin ang mga estudyante at talagang sumiksik pa'ko para lang makadaan. Nasabunutan, naapakan at nabangga ako pero hindi ko 'yon pinansin dahil gusto ko na talagang makaalis. Nang malapit na'kong makalabas, hindi ko na talaga kinaya. Kitang-kita ko kung paano tumulo 'yong dugo sa braso ko na nagpatigil sa paghinga ko, nakalmot ako.
Bwesit. Sana hindi na lang ako sumiksik.
"Oh, my gosh, Amber! You're bleeding!" nagpapanic na sigaw ni Farrah habang nakatingin sa braso ko.
Tuloy-tuloy pa rin ang sigawan at tulakan. Naiinis na binaba ko ang braso at pinagtutulak ang mga estudyanteng malapit sa'kin. Pero napapikit na lang ako nang mas lalo pang dumami ang mga estudyante, wala na akong lakas dahil sa hapdi ng sugat ko. Hindi ko na rin nakita si Farrah.
Paulit-ulit akong nabangga at tinulak ng mga walang kwentang estudyante. Gustong-gusto ko na ngang sumigaw pero alam kong hindi nila ako maririnig. Sa dami nilang sumisigaw at tumitili, talagang walang makakarinig sa'kin. Nakakainis.
Nang makita kong malapit na akong makalabas, sumiksik ako nang sumiksik pero nanlaki ang mga mata ko nang may biglang malakas na bumangga sa'kin kaya tumalsik ako palabas sa kumpulan nila. Naiiyak na napahawak ako sa braso na tumama sa bato. Pumikit ako ng mariin.
"SI AMBER 'YAN, 'DI BA?!"
"TULUNGAN NIYO SIYA!"
"ANONG NANGYARI SAKANYA?!"
"TULONG! TULUNGAN NIYO!"
Chapter twoNapadaing ako sa sakit ng siko, tuhod at balakang. May mga malalaking kalmot pa'ko sa braso na lalong nagpagalit sa'kin. Mga walang kwenta! Kapag nagka-peklat ako sa braso, mamatay na sila."'Wag niyo akong hawakan! Mga bwesit!" Sigaw ko nang akmang hahawakan nila ako para maitayo.Nagsipag-atrasan agad ang mga ito sa takot. Kung kanina, para kaming nasa palengke dahil sa ingay ngayon, para kaming nasa game show, ang mag-iingay, matatanggal. Halos pati paghinga, tinatago nila sa'kin. Mga siraulo.Dahil sa gulo kanina, nagkalayo kami ni Farrah. 'Di ko na siya nakita at hanggang ngayon, wala pa ring lumalabas! Bakit ba kasi ang gulo nila? May pumunta bang artista kaya para silang mga kiti-kiti kanina?Walang nagtangkang lumapit sa'kin. Lahat sila nakayuko na at ang iba, pasimple nang umaalis."Miss, dalhin na kita sa Clinic."Tinignan ko ng masama ang taong lumapit at yumukod sa harap ko."'Di kita kailang
Chapter threeWalang ganang nilakad ko papasok ang mansion. Lalagpasan ko na sana ang garden nang may makita akong nakakainis. Huminto ako."Odette," sambit ko sa pangalan ng katulong na kasalukuyang nagdidilig ng halaman.Agad naman itong tumigil sa ginagawa at nilingon ako."Good afternoon, Mam Amber. Ano po 'yon?" tanong niya.Bumuntong-hininga ako. "Nakikita mo sila?" Nguso ko sa tatlong babaeng nasa garden, prenteng naka-upo at nagtsa-tsaa habang tumatawa. Nagmumukha silang mga tanga sa ginagawa.Sinulyapan ito ni Odette at tumango. "Opo.""Siguradong may masayang nangyari sa kanila ngayong araw," Bumaling ako kay Odette. "May iuutos ako sa'yo.""A-ano po 'yon?" mahina at nauutal na tanong niya."Nagdidilig ka 'di ba? Basain mo sila." Seryoso ang mukhang humarap ulit ako sa mag-iina. Mga walang kwenta.Nag-iinit ang tenga ko kapag naririnig ko silang tumatawa. Naiinis ako.Nang hindi gumalaw si Odette,
Chapter fourHindi na'ko nagtanong kung bakit kilala ni Farrah si Cin. Halata namang sikat ang lalaking 'yon. Nadumog na nga, eh. Sa itsura pa lang, alam ko nang marami ang naghahabol.Kasalukuyan akong nakahilata at nakatulala sa kisame nang biglang may kumatok. Pumasok si Odette na may dalang gatas."Inumin mo niyo na po 'to. Gusto niyo po bang kumain ng cookies?" Tanong niya na nagpabangon sa'kin.Mahilig mag bake noon si mama ng cookies at alam 'yon ng mga dating katulong na matagal na sa mansion, tulad ni Odette. Bumangon ako at tinignan si Odette na inilalapag ang gatas sa mesa. Walang imik akong tumayo at bumaba. Ako na lang kukuha para sa sarili ko.Paliko na sana ako sa kusina nang may marinig akong nabasag na sa tingin ko ay nanggaling sa sala. Nakita ko ang dali-daling pagbaba ni Odette ng hagdan at ng iba pang mga katulong para tingnan ang nangyari. Ano naman kayang nangyari?Kalmado akong naglakad para sundan sila.
Chapter fiveKinabukasan kumunot ang noo ko nang makita si Farrah na dire-diretsong pumasok ng room. Ang akala ko, aabsent na naman siya ulit dahil masyado na kayang late. Palabas na nga si Miss Piranha dahil tapos na ang klase, eh."O, Guerrero! You're early for the next subject!"Tamad akong napa-iwas nang tingin. Masyado pa namang mahigpit 'yang isdang 'yan. 'Di na makakalusot si Farrah dyan kahit magaling siya sa klase nito, 'no. Ayaw na ayaw pa naman ng isdang 'yan ang mga late. Siguradong bagsak sa C.R si Farrah mamaya.Hindi ko na narinig si Farrah na nagsalita. Hindi na siya nagkaroon ng chance na maka-sagot kay Piranha nang ratratan siya nito. 'Buti na lang break time na at wala na masyadong tao sa loob ng room. Nagsialisan na ang iba samantalang may ibang natira para ayusin ang mga gamit nila, mukha namang wala silang pakealam sa nangyayaring gyera sa unahan.Nang makaramdam na'ko ng gutom, tumayo na'ko at naglakad sa unahan.
Chapter sixNilibot ko ang tingin at nakitang iniba na ang kulay ng kurtina. Ang noong maaliwalas na paligid ngayon, parang naging kweba, ang dilim. Humarap ako kay Verna na alam kong nasa likod ko lang at nakasunod."Nagustuhan mo ba ang kulay ng kurtina, Amber?" Nakangiting tanong niya.Naningkit ang mga mata ko sa nakikitang ngiti kay Verna. Alam na alam ko ang ngiting 'to, eh. Ngiting naghahanap ng gulo.Tamad na iniwas ko ang tingin at kinamot ang kilay.Tumango-tango ako. "Maganda. Ang ganda." Kasi hindi kita nakikita."Talaga?" Kunwaring hindi makapaniwalang tanong niya. "'Yan ang pinili ko para mas bumagay sa ugali mo."Nilingon ko siya at nakita ko kung paano nag-iba ang itsura niya. Unti-unting nawala ang ngiti niya at napalitan ng invisible na sungay.Bumagay sa ugali ko? Natawa ako ng mahina hanggang sa lumakas. Napapalakpak pa'ko dahil sa tuwa. Bumagay talaga sa ugali ko? Paano na lang sakan
Chapter seven"Amber, anong ibig sabihin non? Parte pa rin ba 'yon ng pagiging guilty niya o may something na?"Wala sa sariling nakasunod lang ako kay Farrah palabas ng school. Ano nga bang ibig sabihin non? Wala naman talagang masama sa ginawa ng bugok na 'yon pero bakit niya nga ba 'yon ginagawa? Tingin ko nga late na siya kanina, eh.Pumunta siya sa clinic kahit malayo 'yon sa building namin. Hindi niya inintindi 'yong pawis at pagod. Tarantado ba siya?"'Wag ka ngang O.A, Farrah. 'Wag kang mag-isip nang kung ano-ano." Irap ko.Papasok na sana ako sa loob ng kotse nang humarang siya sa pinto. Pinandilatan ko siya ng mata at inambahan ng suntok."Ano ba, Farrah?! Tabi ka dyan!"
Chapter eightMasyado akong maagang nagising kinabukasan. Sinubukan ko ulit na bumalik sa pagtulog pero hindi na'ko inaantok. Bumaba ako ng kama at dumiretso sa banyo para maligo. Masyadong mabagal ang kilos ko kaya halos isang oras din akong nasa banyo. Pati sa pagbibihis nagtagal ako.Nang makitang maayos na ang itsura, kinuha ko ang cellphone at wallet. Balak kong maglakad-lakad sa labas ng subdivision, baka may mga coffee shops sa malapit. Magandang maglakad-lakad ngayong oras dahil wala pa masyadong tao. Exercise na rin dahil feeling ko, bumibigat na'ko.Nilingon ko ang orasan at nakitang 5:18 pa lang ng umaga. Ang alam ko, may mga nagbubukas nang mga coffee shops ng mga ganitong oras tsaka maglalakad lang naman ako.Naka-shirt lang ako at pinatungan ng jacket, nag-short at naka-purple na slippers. Nang makababa ako ng hagdan, m
Chapter nine"Amber! My friend!"Tumatakbong sinalubong ako ni Farrah sa gate. Agad siyang yumakap sa'kin. Hindi ko siya pinansin at tinuon ang tingin sa lalaking nakita kong kasama ni Farrah bago ako bumaba ng kotse. Nasa gate rin siya at mukhang may inaabangan. Siya 'yong lalaking kasama ni Cin na pumunta ng room."Marami kang chismis na ishe-share sa akin later. Dami ko nang nami-miss sa mala-teleseryeng buhay mo, friend." Bulong niya at ngumuso sa lalaking mukhang bored na bored na.Parang kaunti na lang, makikipag-yayaan na siya ng suntukan sa security guard sa sobrang sama ng tingin niya rito.Bumuntong-hininga ako at dumiretso sa paglalakad. Nagkunwari akong walang napapansin at dumaan sa harap ng lalaki. Hindi na'ko nagulat nang harangan niya kami.Inaasahan ko na."Samahan ko na kayo. Naghihintay si Cin sa lobby.""Hoy! Kaya na naming pumunta ng lobby na kami lang. Echosero." Singit ni Farrah na kinun
Epilogue"Ang hot mong tingnan dyan. Naka-suit habang nagtitimpla ng gatas. Hot daddy!" Pang-aasar ng asawa ko habang papalapit.Napanguso ako at pinagpatuloy ang pagtitimpla. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Natataranta ako sa tuwing umiiyak ang anak ko.Bumaba ang tingin ko sa asawa ko nang lumusot siya sa harap ko at inayos ang suit ko. Mas lalong humaba ang nguso ko nang makalimutan kong magsuot ng necktie. Siya na ang nagdala no'n at sinuot sa akin. Hindi pa nga ako nakakapag-suot ng sapatos dahil sa pagmamadali.May baby sitter naman kami pero kapag nasa bahay kaming mag-asawa, kaming dalawa ang nag-aalaga sa anak namin. Madalas kaming walang tulog pero masaya naman. Sobrang saya.Niyakap ko ang bewang ni Amber at hinalik-halikan ang leeg niya habang busy siya sa pagsuot ng necktie sa akin."'Wag mo nga akong nilalandi. Akyatin mo na ang anak mo do'n para maka-alis ka na."Tumawa ako at humalik ng mariin sa la
Chapter forty-sevenNapakapit ako sa sink nang biglang umikot ang paningin ko. Pinikit ko ng mariin ang mata at nang kumalma, dumilat na.Dahan-dahan akong bumaba ng kwarto sa takot na mahilo ulit. Gosh, ano bang nangyayari sa'kin? Sa pag-aalala nga ni Cin, hindi siya nakapasok kahapon. Buong araw akong hilo at masama ang pakiramdam. 'Buti na lang naging maayos na ngayon kaya nakapag-trabaho na ulit si Cin.Kung ano-ano pang pinadala nila Tito at Mommy sa akin na sila Jeya at Farrah lang naman ang kumakain.Kasalukuyan akong nagbe-breakfast nang tumunog ang cellphone ko. Agad kong sinagot nang makitang ang asawa ko ang tumatawag."Hello." Malambing kong bati."Ayos ka na? May masakit sa'yo? Gusto mo bang umuwi ako?"Natawa ako. "Ayos lang ako. 'Wag ka nang mag-alala.""Hindi ako makapag-trabaho ng maayos kakaisip sa'yo. Kapag may masakit, tumawag ka kaagad. Nandyan naman si Manang Odette para alalayan ka." May
Chapter forty-sixPagkatapos naming maikasal ni Cin, napuno kami ng mura galing kay Tito, Farrah at sa iba pang mga kaibigan. Nagtatampo ang mga ito pero sinabi kong may church wedding pa naman. Siguradong silang lahat invited. Walang maiiwan.Noong gabi ring 'yon, may nangyari sa amin. Ang unang gabi namin bilang mag-asawa. Natakot akong gawin 'yon pero pinaramdam niya sa akin ang labis na pag-iingat kaya kalaunan ay nawala ang takot at napalitan ng saya.Nagkaroon na rin ako ng interes sa business. Ako na ngayon ang nagma-manage ng business na naiwan nila Mama at Papa. Sa tulong ni Tito at Cin, maayos ko namang napapatakbo 'yon.Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong plano ng Mommy ni Cin. Dahil matanda na ang Daddy ni Cin, siya ang pinalit na CEO at wala namang naging reaksyon ang Mommy niya doon. Pero hindi pa rin siya nito kinakausap.Nalulungkot ako para sa kanila.Hinalikan ko ang nakanguso kong asawa
Chapter forty-five"Happy birthday to you.. happy birthday to you..."Kalalabas niya lang galing banyo nang kantahan ko siya. May hawak pa akong cake sa kamay. Gulat na gulat ang mukha niya at hawak pa ang dibdib na tinignan ako."Ginulat mo'ko. 'Wag mo na ulit gagawin 'yon kung ayaw mong mabyuda agad." Biro niya at hinipan ang cake.Hinalikan niya rin ako sa noo at sa pisnge.Bumaba ang tingin ko sa abs niyang kumikinang dahil sa tubig na galing sa shower. Tanging puting tuwalya lang ang suot niya kaya agad akong tumalikod."Mag-suot ka muna ng damit tapos baba ka. Love you." Mabilis na saad ko bago dali-daling bumaba.Narinig ko pa siyang tinawag ako pero 'di na ako lumingon. Baka mahubad ko pa 'yong tuwalya sa bewang niya kapag kinulit niya ako.Ngayon ang balik namin sa Pilipinas. Nakahanda na lahat ng bagahe namin sa sala pero naisip
Chapter forty-fourNatulog kami ng gabing 'yon nang magkatabi. Paggising namin, magkatabi pa rin. Parang ayaw naming malayo sa isa't isa, gusto naming parating nakadikit. Pababa kami ng hagdan habang nakayakap siya sa bewang ko."Bitaw na. Magluluto ako para breakfast natin." Saad ko.Pumunta kaming kitchen pero hindi niya ako hinayaang gumalaw. Nagulat ako nang pina-upo niya ako sa stool at siya ang nagsuot ng apron. Kumindat pa siya sa akin at ngumisi."Ipapakita ko sa'yo kung gaano ako kagaling na asawa. Siguradong 'di mo na ako iiwan kapag natikman mo ang pag-aalaga ko."Ngumiti ako ng matamis sakanya. "'Di na ako aalis. Promise, kahit nasaan ka, sasama ako."Inisang hakbang niya ang pagitan namin at gigil na hinalikan ako sa labi. "Talaga. Kasi kapag aalis ka ulit, itatali na kita."Siya nga ang nagluto habang nanonood lang ako. 'Buti na lang nakapag-grocery ako ngayon kundi, sa labas kami kakain. Naiimagine ko na ang
Chapter forty-threeTwo weeks. Two weeks na akong araw -araw na may bulaklak. Nagdududa na talaga ako sa mga bulaklak na 'to. Walang palya. Araw-araw meron.Para sa akin ba talaga ang mga bulaklak na 'to?! Hindi ata nagkakamali ang nagpapadala nito.Iba't ibang bulaklak ang natatanggap ko, puro magaganda at hindi lang 'yon. 'Yong note, ang lalaking nasa drawing, mas lalong lumalapit sa puso. Sa araw-araw na pagpapadala ng flowers sa akin, palapit naman nang palapit sa puso ang lalaking nasa drawing.Nagiging creepy na ang mga nangyayari. Agad kong pinunit ang note at tinapon sa basurahan dahil sa takot. Nasabi ko na kay Josephine ang bagay na 'to pero hindi ko sinabi sakanya 'yong mga note. Kilig na kilig siya samantalang ako, nag-aalala."Naku! Naaalala ko tuloy 'yong mga ginagawa ng asawa ko noon. Hays. Namimiss ko na siya! Excited na talaga akong umuwi bukas!" Tili ni Josephine na sinimangutan ng anak.Bumuntong-hininga ako at ngumisi. "U
Chapter forty-two"I'm sorry. Hindi ako nakinig sa'yo. Nagalit pa'ko, eh wala ka naman palang kasalanan. I'm sorry, frenie. Matatanggap mo pa rin ba ako?" Luhaang tanong ni Farrah habang nasa byahe kami.Umikot ang mata ko. Ilang beses na niyang sinabi 'yon. Sorry siya nang sorry habang tanggap naman ako nang tanggap. Kanina pa siya. Yakap-yakap niya ang braso ko at pilit na sumisiksik sa katawan ko."Oo nga. Ilang ulit ko bang sabihin sa'yong ayos lang. Kulit mo rin. Gusto mo bang bawiin ko na lang?" Masungit na tanong ko.Bumabyahe kami papuntang airport. Hinatid ako ni Farrah dahil wala si Tito. Ayoko na sanang sumama sila pero mapilit si Farrah. Si Tito, hindi ko talaga pinayagan dahil may trabaho pa siya."Basta, mag-ingat ka palagi doon, ah? 'Wag kang makalimot na balitaan kami. Tawag ka nang tawag. Promise, kahit nasa kalagitnaan ako ng ire, sasagutin ko ang call mo!"Tumawa ako at tumango ulit. Gusto kong manatili r
Chapter forty-one"Amber!"Masaya kong sinalubong si Jeya nang makapasok siya ng bahay. Ang aga-aga ang laki ng bunganga niya. Hindi ko mapigilang maisip si Farrah sa kanya, magkaugali, eh."Anong balita, Amber? May score na ba?" Tanong niya.Ngumiti ako at bahagyang nilingon ang daan paakyat ng kwarto kung nasaan si Cin, naliligo kasi ito para umalis. Sasama raw siyang mangisda sa Tatay ni Jeya kaya todo banta ako sakanya. Hindi siya pwedeng makipag-landian kay Hannelet.Bawal.Ngumiti ako. "One hundred over one hundred."Tumili siya at kinurot ako sa tagiliran. "Shit ka. 'Di man lang naging pabebe!""Magiging pabebe pa ba ako, eh ako nga 'yong may kasalanan! 'Buti nga pinatawad pa'ko ng isang 'yan, eh." Nguso ko at nakipagtawanan ulit sakanya.Nasa kalagitnaan kami ng pag-aayos ng mesa nang marinig namin ang pagbaba ni Cin ng hagdan. Natigil kaming dalawa ni Jeya at hinintay siyang makalapit sa'min. Kahit nakasim
Chapter fortyMaaga akong nagising kinabukasan. Napairap ako nang makitang tulog na tulog pa rin si Cin kahit tanghali na. 'Yan, iinom-inom tapos gagawa ng gulo. Napaka-gago.Napaka-saya ko ngayong umaga kaya pakanta-kanta pa ako habang nagluluto ng breakfast. Napapangiti ako sa tuwing naaalala ko ang mga siniwalat ni Cin sa akin kagabi. Kinuha ko lang naman ang pagkakataong 'yon para matanong siya nang matanong. Alam ko kasing nagiging madaldal siya kapag lasing. Lahat nalaman ko. Kung paano sila nagplano at kung paano ako kinid-nap para dalhin dito.Pagkatapos niyang magkwento, hinalik-halikan niya pa ako pero nang tapos na ako sa pagtatanong at handa na sanang makipaglaban ng halikan sakanya, bigla siyang bumagsak at humilik.Nakakapanghinayang. May panganay na sana kami ngayon kung pinili niya lang na makipag-laro sa'kin."Good morning." Paos ang boses na bati ni Cin nang makababa ng hagdan.Pinagmasdan ko s