Share

GAME

Author: Vybee
last update Last Updated: 2022-01-06 10:26:17

Chapter eight

Masyado akong maagang nagising kinabukasan. Sinubukan ko ulit na bumalik sa pagtulog pero hindi na'ko inaantok. Bumaba ako ng kama at dumiretso sa banyo para maligo. Masyadong mabagal ang kilos ko kaya halos isang oras din akong nasa banyo. Pati sa pagbibihis nagtagal ako. 

Nang makitang maayos na ang itsura, kinuha ko ang cellphone at wallet. Balak kong maglakad-lakad sa labas ng subdivision, baka may mga coffee shops sa malapit. Magandang maglakad-lakad ngayong oras dahil wala pa masyadong tao. Exercise na rin dahil feeling ko, bumibigat na'ko.

Nilingon ko ang orasan at nakitang 5:18 pa lang ng umaga. Ang alam ko, may mga nagbubukas nang mga coffee shops ng mga ganitong oras tsaka maglalakad lang naman ako. 

Naka-shirt lang ako at pinatungan ng jacket, nag-short at naka-purple na slippers. Nang makababa ako ng hagdan, may mga katulong na akong nakakasalubong. Walang nagtangkang magtanong kung saan ako pupunta. 

Dumiretso ako sa labas at tumingala. Medyo madilim pa pero may mga dumadaan ng mga sasakyan. Nagsimula akong maglakad habang lumilinga-linga sa paligid. Dahil sa problema ko kay Verna at sa mga anak niya, hindi na'ko masyadong nakakalabas. Nakukulong ako sa bahay dahil ayokong iwan ang mga alaala ni Mama.

Simula nang mamatay pareho ang mga magulang ko, wala na akong ibang inisip kundi ang maghiganti. Gusto kong ibalik kay Verna 'yong sakit. 'Yong sakit na hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin. Tatlong taon na akong nag-iisa, tatlong taon na ring miserable.

Kagabi, hindi ako nakatulog kakaisip kung hanggang kailan ako ganito. Kung hanggang kailan ako babalutin ng lungkot. Siguro hangga't nakikita ko ang taong pumatay kay Mama, wala akong mararamdamang saya.

Kahapon noong makita ko si Cin at Vicky, 'yong kagustuhan kong maghiganti, mas lalong lumala. Ayokong manggamit ng tao pero nang mga oras na 'yon, ginusto ko. Gusto ko. At natatakot na'ko sa sarili ko dahil umaabot na'ko sa puntong 'yon. 

Tinawid ko ang daan at tinignan ang malapit na coffee shop. Mukhang kabubukas pa lang nila at ako ang magiging unang customer. Papasok na sana ako nang may maka-una sa'kin na humawak sa door handle.

Nagkatinginan kami at sabay na nanlaki ang mga mata.

"Hey!" 

Agad akong tumalikod at inayos ang buhok, ang itsura at damit. Medyo nanginginig din ang mga kamay ko at hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa lamig o dahil sa gulat ko. Napapikit ako at tumigil sa pag-aayos ng sarili. Bakit nga ba ako natataranta? Ano naman ngayon kung nandito siya? Tsaka, nakaligo at nakapag-ayos na'ko ng sarili bago ako lumabas kanina ng bahay.

Anong problema ko?

Muntik na akong mapatalon nang may kumalabit sa'kin. Napabuga ako ng hangin at sumeryoso. Nilingon ko siya at tipid na ngumiti.

"Hey," bati ko pabalik. 

Hindi ko talaga inaasahang makikita ko siya rito. Masyadong malapit ang lugar na 'to sa bahay ko kaya kumunot ang noo ko.

"Good morning! Talaga mas lalong gumanda ang morning ko dahil nakita kita."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Talaga ba?" 

Binuksan niya ang pinto at nilingon ako. Agad ko namang na-gets ang gusto niya at naunang pumasok. Nagpapaka-gentleman siya. 

Ngumuso ako at hindi na inisip pa ang banat niyang masyado ng common. Dapat alam niyang kahit saang sulok ng lugar, may mga taong pumupuri sa ganda ko. Hindi na bago sa'kin ang mga banat na 'yan.

Umupo ako sa pinaka-malapit na upuan at inangat ang tingin sakanya. 

"Ako na ang oorder. Dito ka lang," saad niya at tumalikod.

Wala naman akong pili sa inumin. Lahat ng maiinom, iniinom ko at lahat ng makakain, kinakain ko kaya kahit na anong orderin niya, wala akong pake. Pero mukhang hindi ko feel ang uminom ng kape ngayon. Gusto kong kumain ng cake.

Nilibot ko ang tingin sa buong lugar. First time ko makapunta rito. Tinignan ko ang oras at 6:23 na pala ng umaga. Nilipat ko ang tingin sa lalaking nasa counter ngayon at umu-order. Bakit naman kaya napadpad siya rito? 

Iniisip ko lang siya kanina tapos ngayon, nandito na. May powers ata ang lalaking 'to. Nararamdaman niyang iniisip ko siya.

Nang makabalik siya, dala niya na ang order at nilapag sa harap ko. Umupo na rin siya at binagay sa akin ang cup na may kape at isang velvet cake. Bumaba ang tingin ko roon at nilayo ang cup.

"Ayoko niyan. Ayokong uminom ngayon ng kape." 

Natawa siya ng mahina. "Pumunta ka sa isang coffee shop tapos ayaw mong uminom ng kape?"

Tinaasan ko siya ng kilay at hinila ang cake. "At least, kumakain ng cake."

Dumampot ako ng tinidor at nagsimulang sumubo. Nagtataka ko siyang tinignan nang mapansin kong hindi na siya gumagalaw at nakatitig lang sa'kin. Titig na titig siya kaya napatigil ako sa pagnguya at naiilang na pinunasan ang bibig. 

"May gusto ka ba sa'kin?" Pabirong tanong ko.

"Kung sabihin kong, oo. Hahalikan mo ba ako?" Wala sa sariling sagot niya na nagpakunot ng noo ko.

"High ka ba? Nakahithit ka bago ka pumunta rito, 'no?" Natatawang tanong ko.

Kahit na ang totoo, kinakabahan ako. 

Napailing-iling siya at ngumisi. "Wala ka bang kasama na pumunta rito?"

Iniba niya ang usapan. Hindi siya seryoso sa mga sinabi niya. Sigurado ako roon.

"Wala. Ikaw? Anong ginagawa mo rito? Mukhang malayo ang binyahe mo papunta rito?" Pinaningkitan ko siya ng mata.

Iniwas niya ang tingin. "Bagong lipat ako. Nandoon ang bahay ko sa kabilang subdivision. Katabi ng subdivision niyo."

Bahagyang kumunot ang noo ko. So, kung mas malapit siya, araw-araw at gabi-gabi na silang pwedeng magkita ni Vicky? Lumapit ba siya para kay Vicky?

"Talaga?"

Tumango-tango siya at ngumiti. "Mas madalas kitang makikita."

"'Wag kang sinungaling."

"Hindi ako sinungaling. Gusto kita." Diretsong saad niya na nagpatigas sa'kin.

Nanigas ako sa kinauupuan at hindi makapag-salita. Kumurap-kurap lang ako at masama ang tingin sakanya.

"Inuuto mo'ko." Bulong ko. Sapat na para marinig niya.

"Gusto mo bang patunayan ko?"

Tumango-tango ako. "Oo. Ligawan mo'ko. Patunayan mo sa'kin."

Siya naman ngayon ang natahimik. Naka-awang pa ang labi niya habang nakatitig sa'kin. Para siyang tangang gulat na gulat sa sinabi ko. Ano namang nakakagulat sa sinabi ko? Natural lang naman ang manligaw sa babaeng gusto, hindi ba? 

Naghintay ako ng ilang minuto sakanya at naubos na ang pasensya ko, hindi talaga siya nagsalita. Gulat pa rin siya makalipas ang 20 minutes. Gaano ba siya ka talaga magulat, mga 1 hour?

Inis na naglapag ako ng pera sa mesa at tumayo. Nang makitang wala pa rin siyang reaksyon, sigurado na akong nagbibiro lang siya kanina at seneryoso ko. Seryoso naman talaga ako at hindi ako titigil hangga't hindi niya ako liligawan, handa akong magbayad.

Tumalikod na ako, hinihintay ko pa rin siyang mag-react pero wala na talaga! Padabog akong naglakad at bubuksan na sana ang pinto ng shop nang sa wakas ay narinig ko na siyang magsalita.

"Sandale."

Marahas ko siyang nilingon. "What?!"

Dahan-dahan siyang tumayo at tinitigan ako. "Pera mo." Tinaas niya ang perang nilapag ko sa mesa kanina, pambayad sa inorder namin.

Kinagat ko ang labi sa sobrang inis. 

"Ano ba?! Pambayad ko 'yan! Aalis na'ko!" Sigaw ko.

Akmang bubuksan ko ulit ang pinto nang pigilan niya na naman ako.

"Sandali nga lang."

Napapadyak ako sa pikon. Gusto ko nang umalis! Ayoko sa lahat 'yong nare-reject! Bwesit.

"Ano bang problema? Hindi pa tayo tapos mag-usap, 'di ba?" Tanong niya.

"Aalis na'ko dahil gusto ko nang umalis! Ano pa bang gusto mong sabihin? Sabihin mo na dahil masyadong mahalaga ang oras ko!" 

"Kunin mo 'yong pera mo rito. Binayaran ko na ang order natin." Saad niya na mas nagpakulo ng dugo ko.

Galit na ako nang naglakad papunta sakanya at hinablot ang pera. Para matapos na kami! Masyado nang nakakahiya! 

Nang makuha ko ang pera, siniguro kong hindi ko matitignan ang mukha niya. Agad akong tumalikod at mabilis na naglakad papunta sa pinto.

"Sandali ulit."

Napasabunot ako sa buhok sa sobrang inis.

"Ano na naman?!" Singhal ko at marahas na nilingon siya.

Kapag ito nagsalita ng walang kwenta, lalayas na'ko.

Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa'kin, seryoso ang mukha niya at hindi ko mabasa kung anong iniisip niya ngayon. Mabuti na lang at kami pa lang dalawa ang tao rito, may mga waiters pero nasa malayo. 

Kunot-noong tinitigan ko siya at tinaasan ng kilay.

Ginaya niya ang ginawa ko at mahinang tumawa. "Sungit mo naman. Itatanong ko lang naman kung kailan ako magsisimula sa panliligaw?"

UMUWI ako ng bahay na wala sa sarili. 'Buti na lang at hindi ako nasagasaan sa daan habang naglalakad sa kalutangan ng isip ko. 

Ginusto ko naman ang bagay na 'yon. Ako ang unang nagsabing manligaw siya. Bakit ako kinakabahan? Kasi first time mangyari sa'kin 'to. Dapat nga maging masaya ako dahil gagawin niya ang gusto ko pero nag-aalangan ako. 

Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Mababaliw na ata ako.

Pumasok ako sa loob ng bahay at nadatnan sila Verna at ang mga anak niyang papalabas ng kitchen. Iiwasan ko na sana sila nang tumikhim si Verna.

"Saan ka naman galing?" Tanong niya.

Tumigil ako sa paglalakad. "Ano namang pake mo? Wala nga akong pakealam sa'yo, eh." Saad ko nang hindi sila nililingon.

"Hinahanap ka ni Odette kanina. Nag-alala kami sa'yo. Hindi ka nagpa-alam."

Tamad na nilingon ko siya at ngumisi. "Ikaw, nag-alala? Utuin mo na lahat, 'wag lang ako. Kilala kita."

Wala silang pake sa'kin, sa pera ko, oo. 

Humakbang ako paakyat sa hagdan at hindi na lumingon. Nabusog na rin naman ako sa cake kanina kaya ayoko nang mag-breakfast. May mas mahalaga akong gagawin ngayon, wala na akong oras makipag-ratratan kay Verna. 

Inubos ko ang oras sa pagtulala sa kisame sa kwarto. Nakinig din ako ng music at naghanap ng magandang papanoorin bago pumikit at inalala ang nangyari kanina. Masyadong magulo ang utak ko ngayon at hindi ako makapag-isip ng tama. 

Nagpa-akyat ako kay Odette ng maraming candy at agad na nilantakan 'yon. Ito lang ang pagkaing nakakapag-pakalma sa'kin. 

Habang ngumunguya, napasulyap ako sa litrato ni mama na nasa bed side table. Inabot ko 'yon at tinitigan. Ito ang huling picture niya. Dito, masaya pa kami at wala pang Verna. 

Inalala ko kung paano umiyak si mama tuwing gabi. Ang pag-aaway nila ni Papa parati kahit nasa harapan ko silang pareho. Biglang nawala ang lambing at kulitan. Nabalot ng kalungkutan ang buong pagkatao ko. Unti-unti kong naintindihan ang galit ni Mama, hanggang sa ang nararamdaman niya, nararamdaman ko na rin. 

Noong mamatay si Mama, hindi ako umiyak. Wala akong nilabas na luha kahit isang patak. Pinangako kong magiging matatag ako at walang sino man ang makakakita kung gaano ako kahina. Kailangan kong wasakin at durugin din si Verna, iparamdam sakanya kung gaano kasakit. 

Hindi ko namalayang mahigpit na ang hawak ko sa frame. Binaba ko ang tingin doon at nilagay sa mesa.

Masyado nang matigas ang puso ko. Kahit ang manggamit ng tao, kaya ko nang gawin. Ngumisi ako at pumikit.

Nakikita ko na ang magandang mangyayari sa mga plano ko at hindi ko 'yon magagawa kung wala si Cin. Magsisimula ako sa mas simple. Mas madaling gawin. Magsisimula ako sa mas mababa. Kay Vicky.  

Kapag nasaktan ang anak, mas naaapektuhan ang Ina, hindi ba? Mas magandang kay Vicky na'ko mauna.

Hindi naman ako bulag para hindi makitang may gusto si Vicky kay Cin. Alam kong may pagtingin siya rito pero ano nga bang magagawa niya? Eh, kapatid lang ang turing sakanya?

Itutuloy ko kung ano man ang plano ko. Bukas ko malalaman kung seryoso o hindi ang lalaking 'yon sa'kin. Masyado akong naging mabilis, hindi na'ko nag-isip. Inosente si Cin sa mga nangyayari. Wala siyang alam sa gulo namin pero wala na akong pakealam. Lahat ng gusto ko nakukuha ko at lahat ng plano ko, natutuloy. Kaya ko dahil may pera ako. Gagamitin ko ang kayamanan ko. Kahit ubusin ko pa para lang mawala sa landas ko si Verna. 

Bukas, ang simula ng laro. Good luck sa aming lahat.

Related chapters

  • Bidang Kontrabida   COURTING

    Chapter nine"Amber! My friend!"Tumatakbong sinalubong ako ni Farrah sa gate. Agad siyang yumakap sa'kin. Hindi ko siya pinansin at tinuon ang tingin sa lalaking nakita kong kasama ni Farrah bago ako bumaba ng kotse. Nasa gate rin siya at mukhang may inaabangan. Siya 'yong lalaking kasama ni Cin na pumunta ng room."Marami kang chismis na ishe-share sa akin later. Dami ko nang nami-miss sa mala-teleseryeng buhay mo, friend." Bulong niya at ngumuso sa lalaking mukhang bored na bored na.Parang kaunti na lang, makikipag-yayaan na siya ng suntukan sa security guard sa sobrang sama ng tingin niya rito.Bumuntong-hininga ako at dumiretso sa paglalakad. Nagkunwari akong walang napapansin at dumaan sa harap ng lalaki. Hindi na'ko nagulat nang harangan niya kami.Inaasahan ko na."Samahan ko na kayo. Naghihintay si Cin sa lobby.""Hoy! Kaya na naming pumunta ng lobby na kami lang. Echosero." Singit ni Farrah na kinun

    Last Updated : 2022-01-06
  • Bidang Kontrabida   FIRST DATE

    Chapter nine"Amber! My friend!"Tumatakbong sinalubong ako ni Farrah sa gate. Agad siyang yumakap sa'kin. Hindi ko siya pinansin at tinuon ang tingin sa lalaking nakita kong kasama ni Farrah bago ako bumaba ng kotse. Nasa gate rin siya at mukhang may inaabangan. Siya 'yong lalaking kasama ni Cin na pumunta ng room."Marami kang chismis na ishe-share sa akin later. Dami ko nang nami-miss sa mala-teleseryeng buhay mo, friend." Bulong niya at ngumuso sa lalaking mukhang bored na bored na.Parang kaunti na lang, makikipag-yayaan na siya ng suntukan sa security guard sa sobrang sama ng tingin niya rito.Bumuntong-hininga ako at dumiretso sa paglalakad. Nagkunwari akong walang napapansin at dumaan sa harap ng lalaki. Hindi na'ko nagulat nang harangan niya kami.Inaasahan ko na."Samahan ko na kayo. Naghihintay si Cin sa lobby.""Hoy! Kaya na naming pumunta ng lobby na kami lang. Echosero." Singit ni Farrah na kinun

    Last Updated : 2022-01-06
  • Bidang Kontrabida   FIRST TIME

    Chapter elevenTahimik kami ni Cin nang makapasok ng sasakyan. Tahimik kami sa loob at nakikiramdam lang sa isa't isa. Naiinis ako. Bakit magkakilala pa si Vicky at Mommy ni Cin?! Sinisiraan ako ng babaeng 'yon.Iniwasan kong mapahawak sa sentido at magmukhang problemado. Pilit akong ngumiti at nilingon si Cin."Iuuwi mo na ba ako?" Tanong ko sakanya.Bahagya siyang nagulat at ngumuso. "Gusto mo na bang umuwi?"Marahan akong umiling. "Maaga pa. Ayokong umuwi."Tumango siya at ngumiti bago sinimulang paandarin ang sasakyan. Pinipilit ko talagang 'wag ipahalata sa kanyang naiinis ako. Naiinis talaga ako sa Nanay niya!"May magandang place dito na magugustuhan mo." Excited niyang saad habang naka-focus ang tingin sa daan.Hindi na ako umimik. Iwawaglit ko na sa isipan ang problema kong 'to. Hangga't wala pang ginagawa ang Mommy niya, mananatili rin akong tahimik. Hindi ko muna iisipin kung paano lalasunin ni Vicky ang

    Last Updated : 2022-01-06
  • Bidang Kontrabida   LIBRARY

    Chapter twelve"Amber! Frenie!"Nasa labas pa lang ako ng classroom pero rinig na rinig ko na ang sigaw ni Farrah. Nang nasa tapat na ako ng classroom, bigla siyang natahimik at tumalikod.Alam ko kung bakit siya ganyan. Nakasunod kasi sa likod ko ang tamad na lalaking parating kasama ni Cin. Mukhang may kailangan siya sa kabilang classroom. Nagkita at nagkasabay lang naman kami kanina sa hagdan.Hindi ko na siya pinansin at pumasok na ng classroom. Agad akong umupo sa tabi ni Farrah at nilagyan ng headset ang magkabilang butas ng tenga.Balak kong makinig lang ng mga kanta nang biglang hilahin ni Farrah ang nakasaksak sa tenga ko at tinapon. Sinundan ko ng tingin ang headset kong nasa sahig. Tangina."Anong problema ko? Ikaw. Mag kwento, dali."Kumunot ang noo ko at pagod na binalingan ng tingin si Farrah. "Nag date nga kami. Pagod ako. Ayokong mag kwento kaya kunin mo ang headset."Tumayo siya at nameywang sa harap ko a

    Last Updated : 2022-01-06
  • Bidang Kontrabida   HURT

    Chapter thirteenFrom: My Cin-nandito na ako sa loob, Mahal na prinsesa.Bago ako bumaba, inayos ko ulit ang buhok at pinagmasdan ang sarili sa salamin. Lalabas kami ngayon ni Cin at hinayaan ko siyang sunduin ako dito sa mansion kung saan, nakatira rin si Vicky at ang Nanay niyang bruha.Malamang makikita nila kaming dalawa na magkasama at ipapamukha ko kay Vicky na parating ako ang nanalo at sila, mga talunan.Mabagal akong bumaba ng hagdan. Nasa sala silang lahat at halatang may seryosong pinag-uusapan. Bigla akong nainis kahit hindi ko naman naririnig ang pinag-uusapan nila. Binilisan ko ang paglalakad bago pa malason ng mga bruhang 'to ang isip ni Cin."Let's go, Cin."Agad itong ngumiti nang mag-angat ito ng tingin sa akin at napatayo. Parehong nag-iwas ng tingin ang mag-ina nang hawakan ako ni Cin sa bewang. Ngayon, Verna, tignan mo kung paano ko sisirain ang bait ng anak mo.Pinagmasdan ko si Vicky na mabilis

    Last Updated : 2022-01-06
  • Bidang Kontrabida   PERVERT

    Chapter fourteenNanatili kami sa condo niya buong maghapon. Tawa ako nang tawa sa pinapanood naming movie habang siya, walang ibang ginawa kundi sumimangot. Mukhang hindi niya type ang pinapanood namin."Cin, may ice cream ka?""Wala. Baba tayo?"Sabay kaming tumayo at lumabas ng condo niya. Ang sabi niya sa akin may malapit na convenience store sa baba kaya doon kami dumiretso. Mukhang sikat din siya sa store dahil halos lahat lumilingon sakanya. Nauna akong maglakad at nakangusong naghanap ng ice cream. Ramdam ko naman siyang nakasunod kaya nakahinga ako ng maluwag.Kapag lumandi siya rito, talagang iiwan ko siya.Kumuha ako ng maraming flavor ng ice cream at binigay sakanya. Nakangisi niya naman 'yong tinanggap at tinalikuran ako para pumunta na sa cashier.Nakasunod ako sa likod niya habang inoobserbahan ang mga babaeng kung maka-titig, kulang na lang hubaran nila si Cin. Lantaran nilang hinagod ng tingin ang katawan

    Last Updated : 2022-01-06
  • Bidang Kontrabida   BABY

    Chapter fifteen"Cin, kumalma ka na. Nakuha na siya ng mga pulis."Nagulat ako nang bigla niyang hampasin ang manibela at galit na binalingan ako ng tingin. "Patingin ng braso mo."Mabilis kong inabot ang dalawang braso ko sakanya. Medyo natatakot ako sakanya dahil kanina pa siya tahimik at mukhang isang kalabit mo lang, sasabog na naman.Nang mai-check niya ang mga braso ko, bumuntong-hininga siya at hinaplos ang braso ko kung saan hinawakan ng manyakis kanina. Gago 'yon. Talagang mamaya maliligo agad ako. Kukuskusin ko ang hinawakan niya dahil baka may nadikit na germs! "Ano pang ginawa ng siraulong 'yon sa'yo?"Umiling ako. "Wala naman siyang ginawang iba. 'Yon lang 'yong hinawakan niya 'yong braso ko.""Bakit ka umiyak kanina? Nasaktan ka?"Umiling ulit ako. "Hindi. Naiyak ako kasi hinawakan niya ako. May germs na dito! Eww!" Nguso ko sa braso at inabot ulit ang alcohol niya para buhusan 'yon.Sa totoo l

    Last Updated : 2022-01-06
  • Bidang Kontrabida   YES

    Chapter sixteen"Gusto ko ng maraming anak."Nagulat ako sa biglang pagsasalita niya. Nakangiti niya akong nilingon at binalik ulit sa harap ang tingin. Kung humiling siya parang humingi lang siya ng laruan."Edi, maghanap ka ng asawa." Walang gana kong sagot.Tumawa siya ng mahina. "Nahanap ko na." Tsaka niya ako nilingon na hindi ko pinansin.Mabilis kong inubos ang ice cream at nilingon ang sakanya. Natakam ako sa color ng chocolate kaya wala sa sariling lumapit ako sa ice cream na bitbit niya at kumagat. Hindi ko na inisip ang laway niya. Bakit ba? Ganoon din naman ang ginagawa niya. Hinihiram niya ang kutsara ko madalas kaya okay lang.Nakaawang ang labi niyang tumitig sa akin habang ngumunguya at napa-iling. "Gusto mo pa?" Abot niya.Tumango ako at kumagat ulit. Hindi naman siya nagreklamo at sinubuan lang ako. Pagkatapos kong maubos ang ice cream niya, siya na rin ang nagpunas ng bibig ko. Sobrang sarap talaga ng ic

    Last Updated : 2022-01-06

Latest chapter

  • Bidang Kontrabida   EPILOGUE

    Epilogue"Ang hot mong tingnan dyan. Naka-suit habang nagtitimpla ng gatas. Hot daddy!" Pang-aasar ng asawa ko habang papalapit.Napanguso ako at pinagpatuloy ang pagtitimpla. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Natataranta ako sa tuwing umiiyak ang anak ko.Bumaba ang tingin ko sa asawa ko nang lumusot siya sa harap ko at inayos ang suit ko. Mas lalong humaba ang nguso ko nang makalimutan kong magsuot ng necktie. Siya na ang nagdala no'n at sinuot sa akin. Hindi pa nga ako nakakapag-suot ng sapatos dahil sa pagmamadali.May baby sitter naman kami pero kapag nasa bahay kaming mag-asawa, kaming dalawa ang nag-aalaga sa anak namin. Madalas kaming walang tulog pero masaya naman. Sobrang saya.Niyakap ko ang bewang ni Amber at hinalik-halikan ang leeg niya habang busy siya sa pagsuot ng necktie sa akin."'Wag mo nga akong nilalandi. Akyatin mo na ang anak mo do'n para maka-alis ka na."Tumawa ako at humalik ng mariin sa la

  • Bidang Kontrabida   FAMILY

    Chapter forty-sevenNapakapit ako sa sink nang biglang umikot ang paningin ko. Pinikit ko ng mariin ang mata at nang kumalma, dumilat na.Dahan-dahan akong bumaba ng kwarto sa takot na mahilo ulit. Gosh, ano bang nangyayari sa'kin? Sa pag-aalala nga ni Cin, hindi siya nakapasok kahapon. Buong araw akong hilo at masama ang pakiramdam. 'Buti na lang naging maayos na ngayon kaya nakapag-trabaho na ulit si Cin.Kung ano-ano pang pinadala nila Tito at Mommy sa akin na sila Jeya at Farrah lang naman ang kumakain.Kasalukuyan akong nagbe-breakfast nang tumunog ang cellphone ko. Agad kong sinagot nang makitang ang asawa ko ang tumatawag."Hello." Malambing kong bati."Ayos ka na? May masakit sa'yo? Gusto mo bang umuwi ako?"Natawa ako. "Ayos lang ako. 'Wag ka nang mag-alala.""Hindi ako makapag-trabaho ng maayos kakaisip sa'yo. Kapag may masakit, tumawag ka kaagad. Nandyan naman si Manang Odette para alalayan ka." May

  • Bidang Kontrabida   MRS. ROMAN

    Chapter forty-sixPagkatapos naming maikasal ni Cin, napuno kami ng mura galing kay Tito, Farrah at sa iba pang mga kaibigan. Nagtatampo ang mga ito pero sinabi kong may church wedding pa naman. Siguradong silang lahat invited. Walang maiiwan.Noong gabi ring 'yon, may nangyari sa amin. Ang unang gabi namin bilang mag-asawa. Natakot akong gawin 'yon pero pinaramdam niya sa akin ang labis na pag-iingat kaya kalaunan ay nawala ang takot at napalitan ng saya.Nagkaroon na rin ako ng interes sa business. Ako na ngayon ang nagma-manage ng business na naiwan nila Mama at Papa. Sa tulong ni Tito at Cin, maayos ko namang napapatakbo 'yon.Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong plano ng Mommy ni Cin. Dahil matanda na ang Daddy ni Cin, siya ang pinalit na CEO at wala namang naging reaksyon ang Mommy niya doon. Pero hindi pa rin siya nito kinakausap.Nalulungkot ako para sa kanila.Hinalikan ko ang nakanguso kong asawa

  • Bidang Kontrabida   BIRTHDAY

    Chapter forty-five"Happy birthday to you.. happy birthday to you..."Kalalabas niya lang galing banyo nang kantahan ko siya. May hawak pa akong cake sa kamay. Gulat na gulat ang mukha niya at hawak pa ang dibdib na tinignan ako."Ginulat mo'ko. 'Wag mo na ulit gagawin 'yon kung ayaw mong mabyuda agad." Biro niya at hinipan ang cake.Hinalikan niya rin ako sa noo at sa pisnge.Bumaba ang tingin ko sa abs niyang kumikinang dahil sa tubig na galing sa shower. Tanging puting tuwalya lang ang suot niya kaya agad akong tumalikod."Mag-suot ka muna ng damit tapos baba ka. Love you." Mabilis na saad ko bago dali-daling bumaba.Narinig ko pa siyang tinawag ako pero 'di na ako lumingon. Baka mahubad ko pa 'yong tuwalya sa bewang niya kapag kinulit niya ako.Ngayon ang balik namin sa Pilipinas. Nakahanda na lahat ng bagahe namin sa sala pero naisip

  • Bidang Kontrabida   PROMISE

    Chapter forty-fourNatulog kami ng gabing 'yon nang magkatabi. Paggising namin, magkatabi pa rin. Parang ayaw naming malayo sa isa't isa, gusto naming parating nakadikit. Pababa kami ng hagdan habang nakayakap siya sa bewang ko."Bitaw na. Magluluto ako para breakfast natin." Saad ko.Pumunta kaming kitchen pero hindi niya ako hinayaang gumalaw. Nagulat ako nang pina-upo niya ako sa stool at siya ang nagsuot ng apron. Kumindat pa siya sa akin at ngumisi."Ipapakita ko sa'yo kung gaano ako kagaling na asawa. Siguradong 'di mo na ako iiwan kapag natikman mo ang pag-aalaga ko."Ngumiti ako ng matamis sakanya. "'Di na ako aalis. Promise, kahit nasaan ka, sasama ako."Inisang hakbang niya ang pagitan namin at gigil na hinalikan ako sa labi. "Talaga. Kasi kapag aalis ka ulit, itatali na kita."Siya nga ang nagluto habang nanonood lang ako. 'Buti na lang nakapag-grocery ako ngayon kundi, sa labas kami kakain. Naiimagine ko na ang

  • Bidang Kontrabida   READY

    Chapter forty-threeTwo weeks. Two weeks na akong araw -araw na may bulaklak. Nagdududa na talaga ako sa mga bulaklak na 'to. Walang palya. Araw-araw meron.Para sa akin ba talaga ang mga bulaklak na 'to?! Hindi ata nagkakamali ang nagpapadala nito.Iba't ibang bulaklak ang natatanggap ko, puro magaganda at hindi lang 'yon. 'Yong note, ang lalaking nasa drawing, mas lalong lumalapit sa puso. Sa araw-araw na pagpapadala ng flowers sa akin, palapit naman nang palapit sa puso ang lalaking nasa drawing.Nagiging creepy na ang mga nangyayari. Agad kong pinunit ang note at tinapon sa basurahan dahil sa takot. Nasabi ko na kay Josephine ang bagay na 'to pero hindi ko sinabi sakanya 'yong mga note. Kilig na kilig siya samantalang ako, nag-aalala."Naku! Naaalala ko tuloy 'yong mga ginagawa ng asawa ko noon. Hays. Namimiss ko na siya! Excited na talaga akong umuwi bukas!" Tili ni Josephine na sinimangutan ng anak.Bumuntong-hininga ako at ngumisi. "U

  • Bidang Kontrabida   DRAWING

    Chapter forty-two"I'm sorry. Hindi ako nakinig sa'yo. Nagalit pa'ko, eh wala ka naman palang kasalanan. I'm sorry, frenie. Matatanggap mo pa rin ba ako?" Luhaang tanong ni Farrah habang nasa byahe kami.Umikot ang mata ko. Ilang beses na niyang sinabi 'yon. Sorry siya nang sorry habang tanggap naman ako nang tanggap. Kanina pa siya. Yakap-yakap niya ang braso ko at pilit na sumisiksik sa katawan ko."Oo nga. Ilang ulit ko bang sabihin sa'yong ayos lang. Kulit mo rin. Gusto mo bang bawiin ko na lang?" Masungit na tanong ko.Bumabyahe kami papuntang airport. Hinatid ako ni Farrah dahil wala si Tito. Ayoko na sanang sumama sila pero mapilit si Farrah. Si Tito, hindi ko talaga pinayagan dahil may trabaho pa siya."Basta, mag-ingat ka palagi doon, ah? 'Wag kang makalimot na balitaan kami. Tawag ka nang tawag. Promise, kahit nasa kalagitnaan ako ng ire, sasagutin ko ang call mo!"Tumawa ako at tumango ulit. Gusto kong manatili r

  • Bidang Kontrabida   TIME

    Chapter forty-one"Amber!"Masaya kong sinalubong si Jeya nang makapasok siya ng bahay. Ang aga-aga ang laki ng bunganga niya. Hindi ko mapigilang maisip si Farrah sa kanya, magkaugali, eh."Anong balita, Amber? May score na ba?" Tanong niya.Ngumiti ako at bahagyang nilingon ang daan paakyat ng kwarto kung nasaan si Cin, naliligo kasi ito para umalis. Sasama raw siyang mangisda sa Tatay ni Jeya kaya todo banta ako sakanya. Hindi siya pwedeng makipag-landian kay Hannelet.Bawal.Ngumiti ako. "One hundred over one hundred."Tumili siya at kinurot ako sa tagiliran. "Shit ka. 'Di man lang naging pabebe!""Magiging pabebe pa ba ako, eh ako nga 'yong may kasalanan! 'Buti nga pinatawad pa'ko ng isang 'yan, eh." Nguso ko at nakipagtawanan ulit sakanya.Nasa kalagitnaan kami ng pag-aayos ng mesa nang marinig namin ang pagbaba ni Cin ng hagdan. Natigil kaming dalawa ni Jeya at hinintay siyang makalapit sa'min. Kahit nakasim

  • Bidang Kontrabida   WITH HIM

    Chapter fortyMaaga akong nagising kinabukasan. Napairap ako nang makitang tulog na tulog pa rin si Cin kahit tanghali na. 'Yan, iinom-inom tapos gagawa ng gulo. Napaka-gago.Napaka-saya ko ngayong umaga kaya pakanta-kanta pa ako habang nagluluto ng breakfast. Napapangiti ako sa tuwing naaalala ko ang mga siniwalat ni Cin sa akin kagabi. Kinuha ko lang naman ang pagkakataong 'yon para matanong siya nang matanong. Alam ko kasing nagiging madaldal siya kapag lasing. Lahat nalaman ko. Kung paano sila nagplano at kung paano ako kinid-nap para dalhin dito.Pagkatapos niyang magkwento, hinalik-halikan niya pa ako pero nang tapos na ako sa pagtatanong at handa na sanang makipaglaban ng halikan sakanya, bigla siyang bumagsak at humilik.Nakakapanghinayang. May panganay na sana kami ngayon kung pinili niya lang na makipag-laro sa'kin."Good morning." Paos ang boses na bati ni Cin nang makababa ng hagdan.Pinagmasdan ko s

DMCA.com Protection Status