Chapter two
Napadaing ako sa sakit ng siko, tuhod at balakang. May mga malalaking kalmot pa'ko sa braso na lalong nagpagalit sa'kin. Mga walang kwenta! Kapag nagka-peklat ako sa braso, mamatay na sila.
"'Wag niyo akong hawakan! Mga bwesit!" Sigaw ko nang akmang hahawakan nila ako para maitayo.
Nagsipag-atrasan agad ang mga ito sa takot. Kung kanina, para kaming nasa palengke dahil sa ingay ngayon, para kaming nasa game show, ang mag-iingay, matatanggal. Halos pati paghinga, tinatago nila sa'kin. Mga siraulo.
Dahil sa gulo kanina, nagkalayo kami ni Farrah. 'Di ko na siya nakita at hanggang ngayon, wala pa ring lumalabas! Bakit ba kasi ang gulo nila? May pumunta bang artista kaya para silang mga kiti-kiti kanina?
Walang nagtangkang lumapit sa'kin. Lahat sila nakayuko na at ang iba, pasimple nang umaalis.
"Miss, dalhin na kita sa Clinic."
Tinignan ko ng masama ang taong lumapit at yumukod sa harap ko.
"'Di kita kailangan. Umalis ka sa harap ko." Seryoso kong sambit.
Hindi ko kailangan nang tulong ng kahit na sino. Kaya ko ang sarili ko. Kaya kong pumunta ng Clinic, mag-isa. Walang tutulong sa'kin kahit na si Farrah.
Ginalaw ko ang mga paa ko para subukang tumayo pero mukhang hindi ko magawa. Yumuko ako at pumikit nang mariin tsaka sinubukan ulit na igalaw ang mga paa ko pero mukhang hanggang dito na'ko tatambay buong maghapon, hanggang sa mawala ang hapdi at kirot ng tuhod at balakang ko. Shit naman.
"Ano? Gagapang ka na lang papunta ng Clinic?" Tanong niya ulit na hindi ko pinansin.
Sa halip, luminga-linga ako sa paligid baka sakaling makita ko si Farrah at mabatukan. Kapag talaga mga ganitong sitwasyon, wala akong aasahan sa kanya. Pinipilit ko na lang ang sarili na ituwid ang mga paa para makatayo na'ko. Ayoko pa ring magpatulong. 'Di ko naman siya kilala.
Nakita kong umirap ang lalaki at tumayo. Nakatutok lang ang paningin ko sa sapatos niya at nagtaka ako dahil ang tagal niyang umalis. Nasa harapan ko pa rin siya habang nakababa ang tingin sa'kin. 'Di ko pinansin 'yon at ginalaw nang ginalaw ang paa.
"Ano ba? Nakikitaan ka na sa pagiging masungit mo."
Hindi na'ko naka-react nang muli siyang yumukod at hinila pababa ang dulo ng skirt na suot ko. Hindi ko na namalayang tumataas na pala 'yon dahil sa pagiging malikot ko. Nanigas na'ko ng tuluyan dahil dahan-dahan at walang kahirap-hirap niya akong binuhat.
"A-anong ginagawa mo?" Nauutal na tanong ko sakanya.
Binaba niya ang tingin sa'kin at ngumiti. "Kahit ang bata, alam ang sagot dyan. Syempre, binubuhat."
"Pinipilosopo mo ba ako?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko.
"Kung alam ko lang na mangyayari ang ganoon, sana hindi na lang ako dumaan sa building na 'yon." Rinig kong bulong niya na kinakunot ng noo ko. Nababaliw na ba siya?
Iniwas ko ang tingin sa leeg niya at kumapit na lang ng mabuti. Ayokong mahulog dahil masyado siyang matangkad at sigurado akong kapag nahulog ako, mababalian ako. Madadagdagan lang ang sakit ng katawan ko!
Halos lahat ng nadadaanan namin napapalingon at sinusundan kami nang tingin. May iba pang nagbu-bulungan na agad kong sinasamaan nang tingin. Mga chismosa.
Mabilis kaming nakarating ng Clinic. Maingat na tinungo niya ang bakanteng kama at dahan-dahan akong nilapag doon. Nilagay niya rin ang bag ko sa gilid na ikinagulat ko. 'Di ko kasi nakita 'yon kaninang bitbit niya.
"Stay here. Tatawagin ko lang ang nurse." Paalam niya na hindi ko na naman pinansin ulit.
Ang sabi ko kanina, 'di ko kailangan ang tulong niya. Bahala na siya.
Bumuntong-hininga siya nang makitang wala akong planong sumagot bago lumabas. Sana kasi iniwan niya na lang ako kanina. 'Di naman siya si Superman at wala na siyang pake kung gumapang ako papunta dito, 'no!
Inis na tinakpan ko ang ilong nang may maamoy akong 'di maganda. Ayoko talaga sa lugar na 'to lalo na ang hospital. Ayoko sa itsura at amoy ng lugar. Amoy nakakadiri.
Saan naman kaya nagsusuot si Farrah? Talaga hindi ko na siya nakita kanina. Ano 'yon? Umuwi na? Iniwan ako? Tsk. Friendship over na talaga. 'Di ko siya pagbibigyan kahit lumuhod siya sa harap ko at magmakaawa habang tumutulo 'yong sipon.
Natawa ako sa naisip. Nai-imagine ko pa lang sumasakit na 'yong tyan ko kakatawa. Isip-bata pa naman 'yon. Ang sabi nga sa'kin ni Tita, kumakain daw ng kulangot si Farrah noong bata pa. Kadiri!
Bago pa'ko mag mukhang baliw, tumigil na'ko kakatawa. Sakto namang may pumasok sa pinto. Pumasok ang lalaking bumuhat sa'kin, nakasunod ang babaeng sexy, maganda at mukhang nasa 20's pa ang edad. Sa tingin ko, siya ang nurse.
"Nurse Kath, may mga kaunting galos po siya sa tuhod, braso at siko." Sambit ng lalaki.
Ngumiti naman ang nurse at nilapag lahat ng gamit niya sa table.
"Naku! May iba pa bang masakit sa'yo?" Malambing na tanong nito habang nakatingin sa lalaking kasama ko tsaka bumaba sa'kin.
'Di ako sumagot. 'Di niya naman pinansin dahil mukhang nag-eenjoy siya sa pag titig dito sa kasama ko. Mukhang ini-xray niya na ang katawan nito gamit ang mga malalagkit niyang tingin. Kadiri naman. Mukhang makakakita pa'ko ng live show dito sa kwarto. Gosh, porn.
Lumapit sa'kin ang nurse. Sinubukan niyang buksan ang long sleeve ko pero mukhang hindi niya alam kung paano magbukas ng butones. Ano 'yon? Napangiwi naman ako nang dali-daling lumapit ang lalaking nasa gilid ko para tulungan ang nurse na may malaking kinabukasan. Sumama na ng tuluyan ang mukha ko nang aksidenteng nagka-hawak sila ng kamay. Aksidente o sadya? Mga ulol.
Alam ko na ang mangyayari rito. Magkakaroon ng feelings ang mga ito sa isa't isa tapos porn. Saan din naman pupunta 'yon? Edi, porn. Kadiri.
"Pwede ba, mamaya na 'yang landian niyong dalawa. 'Yong sugat ko kasi dumudugo. Konsensya niyo pa kapag namatay ako. Trabaho na tayo, nurse." Plastic pa akong ngumiti para tumigil na sila. Mga walang hiya.
Lumayo samin ang lalaki pero ramdam ko pa rin ang tingin niya. Pinikit ko na lang ang mga mata at hindi pinansin ang bulungan ng dalawa. Hanggang sa matapos ang nurse, kitang-kita pa ng dalawang mata ko kung paano nito hinaplos ang braso ng kasama ko na mukhang wala namang pakealam. Mukhang sanay na.
Sinuri ko ang mukha ng lalaki. Ngayon ko lang nagawa 'to dahil wala akong ibang inaalala kanina kundi 'yong mga sugat ko. Kaya pala halos lahat nakatitig sakanya at grabe kung makahaplos ang nurse na may malaking kinabukasan dahil gwapo naman talaga siya. Naisip ko 'yong tipo ni Farrah sa isang lalaki, tall, dark and handsome. 'Yon nga siya. He's tall, dark and handsome. Pero wala akong pake.
"So, hindi na ba masakit ang mga sugat mo?" Tanong niya nang makalapit.
Umirap ako. "Hangga't may sugat, may sakit." Masungit kong sagot sakanya.
Bumuntong-hininga siya. "I'm Cin. What's your name?"
Naiinis na nilingon ko siya. "Hindi mo na kailangang malaman. Umalis ka na."
"Masungit. Sige, 'wag mo na lang sagutin. Pero hindi ako aalis."
Bakit ang kulit niya?! Wala ba siyang ibang gagawin?!
"May hinihintay ka ba? Gusto mong mag-thank you ako?" Inis na tanong ko.
Ngumuso siya. "Bakit? Gagawin mo ba?"
Ngumisi ako. "Hindi. Kaya alis na."
Kinuha niya ang cellphone at may kinakalikot doon. Mukhang ayaw niya talagang makinig kaya naiinis na dinampot ko ang bag na nasa gilid ay kinuha mula sa loob ang cellphone ko.
Agad kong hinanap ang pangalan ni Farrah sa contacts at din-ial. Mabilis niya itong sinagot. Hindi ko na siya hinayaang magsalita at inunahan na siya.
"Pumunta ka rito sa Clinic. Bilisan mo dahil mamamatay na'ko. May 6 minutes na lang ako. Bye." Tsaka ko binaba ang tawag.
Nakita kong napasulyap sa'kin ang bugok at binalik ulit ang tingin sa cellphone niya. Kapag dumating na rito si Farrah aalis na'ko. Bahala na siya sa buhay niya.
Pinadaosdos ko ang katawan pahiga at niyakap ang bag. Pasulyap-sulyap din ako sa lalaking prenteng naka-upo sa couch habang nagce-cellphone. Bahagya pa akong nagulat nang bigla na lang mag-ring 'yon.
Sinagot niya ang tawag habang nakatitig sa'kin kaya umirap ako at nag-iwas nang tingin.
"Tol," rinig kong bati niya. "Nandito ako sa Clinic."
Kaibigan niya ata ang tumawag sakanya at hinahanap siya. Bakit kasi hindi na lang siya umalis?
Tuluyan na akong tumalikod nang bigla siyang tumayo at naglakad papalapit sa'kin. Kinalabit niya ako pero hindi ako lumingon.
"Labas lang ako. Dito ka lang, ah?" Paalam niya na nginiwian ko.
Ba't siya nagpa-paalam? 'Di naman kami close. Edi, umalis siya!
Pumikit lang ako at tinaasan siya ng middle finger. Matagal bago ko narinig na sumara ang pinto. Bumuntong-hininga ako at dumilat, sayang, 'di ko tuloy nakita ang reaksyon niya kanina pero okay na rin dahil umalis na siya.
Dahan-dahan akong tumayo. Kung totoo lang 'yong sinabi ko kay Farrah na mamamatay na'ko, maagnas na lang ako, 'di pa darating 'yon. Kaya mag-isa akong aalis at uuwi.
"Oh, ba't nakatayo ka pa? 'Di ba mamamatay ka na?"
Bumaling ako sa pinto nang biglang bumukas 'yon at pumasok si Farrah na kumakain ng popcorn at drinks. Mukhang kagagaling niya lang sa sine, ah?
"'Di ka ba marunong kumatok? Labas!" Sigaw ko sakanya.
Nakasimangot siyang lumabas at sinara ang pinto.
Hinablot ko naman ang bag at sinuot 'yon nang may kumatok.
"Pasok. Bukas 'yan." Sambit ko at hinintay ang pagpasok ni Farrah.
'Yan! Matuto siyang kumatok. Kaya ang baba ng grades niya sa values, eh kasi walang galang.
Nakasimangot siyang lumapit sa'kin at niyakap ang braso ko.
"Ihatid mo'ko sa labas bago pa ako sunduin ni Kamatayan." Saad ko sakanya.
"Ano kayang itsura ni Kamatayan, 'no?" Tanong niya habang nakanguso na parang iniisip talaga kung anong itsura ni Kamatayan.
Umirap na lang ako at hinila na siya palabas. Baka pumasok pa 'yong asungot na lalaking feeling close. Nasalubong pa namin ang nurse na agad ngumiti nang makita ako. Tumango lang ako sakanya at kinaladkad na si Farrah.
Punong-puno ang bibig niya ng popcorn nang makarating kami sa parking lot. Marahas kong hinablot ang braso ko sa pagkakayakap niya at nakangiwing tinignan ang sugat ko. Dumudugo 'yon dahil sa higpit ng pagkaka-kapit niya.
Walang naging tanong si Farrah tungkol sa'kin, ganoon siya kawalang-kwentang kaibigan. Hindi ko rin alam kung bakit may popcorn siya at drinks. Nagpaalam agad ako sakanya nang dumating ang sundo ko, wala namang naging tugon sakanya dahil puno ang bibig niya ng pagkain.
Umaandar ang kotse nang may maisipan akong itanong sa driver.
"Manong, umalis ka ba kanina?" Tanong ko.
Sinulyapan ako ng driver sa salamin. "O-opo. H-hinatid ko po si Miss V-vicky..." Mahina ang boses na sagot niya.
Ngumisi ako. Si Vicky, ang panganay na anak ni Verna. Saan naman kaya siya nagpunta?
"Ayos. Saan pumunta?"
"Sa mall po."
Seryosong binaling ko ang tingin sa bintana ng kotse. Sa mall. Siguradong ginagasta na naman ang pera ng Papa ko. Mga makakapal ang mukha.
Walang akong imik hanggang sa makarating kami ng mansion. Agad na bumaba ang driver sa kotse at akmang pagbubuksan ako ng pinto nang itaas ko ang kamay para patigilin siya. Ako ang kusang nagbukas ng pinto at tahimik na bumaba.
"Naihatid mo ba ng maayos si Vicky?" Tanong ko.
"O-opo Mam." Nakayuko nitong sagot.
Napatango-tango ako. "Good job. Pumunta ka rito mamaya. Ibibigay ko na sa'yo ang sahod mo at bukas 'wag ka nang pumasok. You're fired." Seryosong sambit ko bago tumalikod.
Kasalanan niya 'yon. Ako ang nagbabayad sakanya kaya wala siyang ibang susundin kundi ako. Hindi siya maaaring utusan ng mga basurang 'yon. Dapat alam niya na 'yon.
Chapter threeWalang ganang nilakad ko papasok ang mansion. Lalagpasan ko na sana ang garden nang may makita akong nakakainis. Huminto ako."Odette," sambit ko sa pangalan ng katulong na kasalukuyang nagdidilig ng halaman.Agad naman itong tumigil sa ginagawa at nilingon ako."Good afternoon, Mam Amber. Ano po 'yon?" tanong niya.Bumuntong-hininga ako. "Nakikita mo sila?" Nguso ko sa tatlong babaeng nasa garden, prenteng naka-upo at nagtsa-tsaa habang tumatawa. Nagmumukha silang mga tanga sa ginagawa.Sinulyapan ito ni Odette at tumango. "Opo.""Siguradong may masayang nangyari sa kanila ngayong araw," Bumaling ako kay Odette. "May iuutos ako sa'yo.""A-ano po 'yon?" mahina at nauutal na tanong niya."Nagdidilig ka 'di ba? Basain mo sila." Seryoso ang mukhang humarap ulit ako sa mag-iina. Mga walang kwenta.Nag-iinit ang tenga ko kapag naririnig ko silang tumatawa. Naiinis ako.Nang hindi gumalaw si Odette,
Chapter fourHindi na'ko nagtanong kung bakit kilala ni Farrah si Cin. Halata namang sikat ang lalaking 'yon. Nadumog na nga, eh. Sa itsura pa lang, alam ko nang marami ang naghahabol.Kasalukuyan akong nakahilata at nakatulala sa kisame nang biglang may kumatok. Pumasok si Odette na may dalang gatas."Inumin mo niyo na po 'to. Gusto niyo po bang kumain ng cookies?" Tanong niya na nagpabangon sa'kin.Mahilig mag bake noon si mama ng cookies at alam 'yon ng mga dating katulong na matagal na sa mansion, tulad ni Odette. Bumangon ako at tinignan si Odette na inilalapag ang gatas sa mesa. Walang imik akong tumayo at bumaba. Ako na lang kukuha para sa sarili ko.Paliko na sana ako sa kusina nang may marinig akong nabasag na sa tingin ko ay nanggaling sa sala. Nakita ko ang dali-daling pagbaba ni Odette ng hagdan at ng iba pang mga katulong para tingnan ang nangyari. Ano naman kayang nangyari?Kalmado akong naglakad para sundan sila.
Chapter fiveKinabukasan kumunot ang noo ko nang makita si Farrah na dire-diretsong pumasok ng room. Ang akala ko, aabsent na naman siya ulit dahil masyado na kayang late. Palabas na nga si Miss Piranha dahil tapos na ang klase, eh."O, Guerrero! You're early for the next subject!"Tamad akong napa-iwas nang tingin. Masyado pa namang mahigpit 'yang isdang 'yan. 'Di na makakalusot si Farrah dyan kahit magaling siya sa klase nito, 'no. Ayaw na ayaw pa naman ng isdang 'yan ang mga late. Siguradong bagsak sa C.R si Farrah mamaya.Hindi ko na narinig si Farrah na nagsalita. Hindi na siya nagkaroon ng chance na maka-sagot kay Piranha nang ratratan siya nito. 'Buti na lang break time na at wala na masyadong tao sa loob ng room. Nagsialisan na ang iba samantalang may ibang natira para ayusin ang mga gamit nila, mukha namang wala silang pakealam sa nangyayaring gyera sa unahan.Nang makaramdam na'ko ng gutom, tumayo na'ko at naglakad sa unahan.
Chapter sixNilibot ko ang tingin at nakitang iniba na ang kulay ng kurtina. Ang noong maaliwalas na paligid ngayon, parang naging kweba, ang dilim. Humarap ako kay Verna na alam kong nasa likod ko lang at nakasunod."Nagustuhan mo ba ang kulay ng kurtina, Amber?" Nakangiting tanong niya.Naningkit ang mga mata ko sa nakikitang ngiti kay Verna. Alam na alam ko ang ngiting 'to, eh. Ngiting naghahanap ng gulo.Tamad na iniwas ko ang tingin at kinamot ang kilay.Tumango-tango ako. "Maganda. Ang ganda." Kasi hindi kita nakikita."Talaga?" Kunwaring hindi makapaniwalang tanong niya. "'Yan ang pinili ko para mas bumagay sa ugali mo."Nilingon ko siya at nakita ko kung paano nag-iba ang itsura niya. Unti-unting nawala ang ngiti niya at napalitan ng invisible na sungay.Bumagay sa ugali ko? Natawa ako ng mahina hanggang sa lumakas. Napapalakpak pa'ko dahil sa tuwa. Bumagay talaga sa ugali ko? Paano na lang sakan
Chapter seven"Amber, anong ibig sabihin non? Parte pa rin ba 'yon ng pagiging guilty niya o may something na?"Wala sa sariling nakasunod lang ako kay Farrah palabas ng school. Ano nga bang ibig sabihin non? Wala naman talagang masama sa ginawa ng bugok na 'yon pero bakit niya nga ba 'yon ginagawa? Tingin ko nga late na siya kanina, eh.Pumunta siya sa clinic kahit malayo 'yon sa building namin. Hindi niya inintindi 'yong pawis at pagod. Tarantado ba siya?"'Wag ka ngang O.A, Farrah. 'Wag kang mag-isip nang kung ano-ano." Irap ko.Papasok na sana ako sa loob ng kotse nang humarang siya sa pinto. Pinandilatan ko siya ng mata at inambahan ng suntok."Ano ba, Farrah?! Tabi ka dyan!"
Chapter eightMasyado akong maagang nagising kinabukasan. Sinubukan ko ulit na bumalik sa pagtulog pero hindi na'ko inaantok. Bumaba ako ng kama at dumiretso sa banyo para maligo. Masyadong mabagal ang kilos ko kaya halos isang oras din akong nasa banyo. Pati sa pagbibihis nagtagal ako.Nang makitang maayos na ang itsura, kinuha ko ang cellphone at wallet. Balak kong maglakad-lakad sa labas ng subdivision, baka may mga coffee shops sa malapit. Magandang maglakad-lakad ngayong oras dahil wala pa masyadong tao. Exercise na rin dahil feeling ko, bumibigat na'ko.Nilingon ko ang orasan at nakitang 5:18 pa lang ng umaga. Ang alam ko, may mga nagbubukas nang mga coffee shops ng mga ganitong oras tsaka maglalakad lang naman ako.Naka-shirt lang ako at pinatungan ng jacket, nag-short at naka-purple na slippers. Nang makababa ako ng hagdan, m
Chapter nine"Amber! My friend!"Tumatakbong sinalubong ako ni Farrah sa gate. Agad siyang yumakap sa'kin. Hindi ko siya pinansin at tinuon ang tingin sa lalaking nakita kong kasama ni Farrah bago ako bumaba ng kotse. Nasa gate rin siya at mukhang may inaabangan. Siya 'yong lalaking kasama ni Cin na pumunta ng room."Marami kang chismis na ishe-share sa akin later. Dami ko nang nami-miss sa mala-teleseryeng buhay mo, friend." Bulong niya at ngumuso sa lalaking mukhang bored na bored na.Parang kaunti na lang, makikipag-yayaan na siya ng suntukan sa security guard sa sobrang sama ng tingin niya rito.Bumuntong-hininga ako at dumiretso sa paglalakad. Nagkunwari akong walang napapansin at dumaan sa harap ng lalaki. Hindi na'ko nagulat nang harangan niya kami.Inaasahan ko na."Samahan ko na kayo. Naghihintay si Cin sa lobby.""Hoy! Kaya na naming pumunta ng lobby na kami lang. Echosero." Singit ni Farrah na kinun
Chapter nine"Amber! My friend!"Tumatakbong sinalubong ako ni Farrah sa gate. Agad siyang yumakap sa'kin. Hindi ko siya pinansin at tinuon ang tingin sa lalaking nakita kong kasama ni Farrah bago ako bumaba ng kotse. Nasa gate rin siya at mukhang may inaabangan. Siya 'yong lalaking kasama ni Cin na pumunta ng room."Marami kang chismis na ishe-share sa akin later. Dami ko nang nami-miss sa mala-teleseryeng buhay mo, friend." Bulong niya at ngumuso sa lalaking mukhang bored na bored na.Parang kaunti na lang, makikipag-yayaan na siya ng suntukan sa security guard sa sobrang sama ng tingin niya rito.Bumuntong-hininga ako at dumiretso sa paglalakad. Nagkunwari akong walang napapansin at dumaan sa harap ng lalaki. Hindi na'ko nagulat nang harangan niya kami.Inaasahan ko na."Samahan ko na kayo. Naghihintay si Cin sa lobby.""Hoy! Kaya na naming pumunta ng lobby na kami lang. Echosero." Singit ni Farrah na kinun
Epilogue"Ang hot mong tingnan dyan. Naka-suit habang nagtitimpla ng gatas. Hot daddy!" Pang-aasar ng asawa ko habang papalapit.Napanguso ako at pinagpatuloy ang pagtitimpla. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Natataranta ako sa tuwing umiiyak ang anak ko.Bumaba ang tingin ko sa asawa ko nang lumusot siya sa harap ko at inayos ang suit ko. Mas lalong humaba ang nguso ko nang makalimutan kong magsuot ng necktie. Siya na ang nagdala no'n at sinuot sa akin. Hindi pa nga ako nakakapag-suot ng sapatos dahil sa pagmamadali.May baby sitter naman kami pero kapag nasa bahay kaming mag-asawa, kaming dalawa ang nag-aalaga sa anak namin. Madalas kaming walang tulog pero masaya naman. Sobrang saya.Niyakap ko ang bewang ni Amber at hinalik-halikan ang leeg niya habang busy siya sa pagsuot ng necktie sa akin."'Wag mo nga akong nilalandi. Akyatin mo na ang anak mo do'n para maka-alis ka na."Tumawa ako at humalik ng mariin sa la
Chapter forty-sevenNapakapit ako sa sink nang biglang umikot ang paningin ko. Pinikit ko ng mariin ang mata at nang kumalma, dumilat na.Dahan-dahan akong bumaba ng kwarto sa takot na mahilo ulit. Gosh, ano bang nangyayari sa'kin? Sa pag-aalala nga ni Cin, hindi siya nakapasok kahapon. Buong araw akong hilo at masama ang pakiramdam. 'Buti na lang naging maayos na ngayon kaya nakapag-trabaho na ulit si Cin.Kung ano-ano pang pinadala nila Tito at Mommy sa akin na sila Jeya at Farrah lang naman ang kumakain.Kasalukuyan akong nagbe-breakfast nang tumunog ang cellphone ko. Agad kong sinagot nang makitang ang asawa ko ang tumatawag."Hello." Malambing kong bati."Ayos ka na? May masakit sa'yo? Gusto mo bang umuwi ako?"Natawa ako. "Ayos lang ako. 'Wag ka nang mag-alala.""Hindi ako makapag-trabaho ng maayos kakaisip sa'yo. Kapag may masakit, tumawag ka kaagad. Nandyan naman si Manang Odette para alalayan ka." May
Chapter forty-sixPagkatapos naming maikasal ni Cin, napuno kami ng mura galing kay Tito, Farrah at sa iba pang mga kaibigan. Nagtatampo ang mga ito pero sinabi kong may church wedding pa naman. Siguradong silang lahat invited. Walang maiiwan.Noong gabi ring 'yon, may nangyari sa amin. Ang unang gabi namin bilang mag-asawa. Natakot akong gawin 'yon pero pinaramdam niya sa akin ang labis na pag-iingat kaya kalaunan ay nawala ang takot at napalitan ng saya.Nagkaroon na rin ako ng interes sa business. Ako na ngayon ang nagma-manage ng business na naiwan nila Mama at Papa. Sa tulong ni Tito at Cin, maayos ko namang napapatakbo 'yon.Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong plano ng Mommy ni Cin. Dahil matanda na ang Daddy ni Cin, siya ang pinalit na CEO at wala namang naging reaksyon ang Mommy niya doon. Pero hindi pa rin siya nito kinakausap.Nalulungkot ako para sa kanila.Hinalikan ko ang nakanguso kong asawa
Chapter forty-five"Happy birthday to you.. happy birthday to you..."Kalalabas niya lang galing banyo nang kantahan ko siya. May hawak pa akong cake sa kamay. Gulat na gulat ang mukha niya at hawak pa ang dibdib na tinignan ako."Ginulat mo'ko. 'Wag mo na ulit gagawin 'yon kung ayaw mong mabyuda agad." Biro niya at hinipan ang cake.Hinalikan niya rin ako sa noo at sa pisnge.Bumaba ang tingin ko sa abs niyang kumikinang dahil sa tubig na galing sa shower. Tanging puting tuwalya lang ang suot niya kaya agad akong tumalikod."Mag-suot ka muna ng damit tapos baba ka. Love you." Mabilis na saad ko bago dali-daling bumaba.Narinig ko pa siyang tinawag ako pero 'di na ako lumingon. Baka mahubad ko pa 'yong tuwalya sa bewang niya kapag kinulit niya ako.Ngayon ang balik namin sa Pilipinas. Nakahanda na lahat ng bagahe namin sa sala pero naisip
Chapter forty-fourNatulog kami ng gabing 'yon nang magkatabi. Paggising namin, magkatabi pa rin. Parang ayaw naming malayo sa isa't isa, gusto naming parating nakadikit. Pababa kami ng hagdan habang nakayakap siya sa bewang ko."Bitaw na. Magluluto ako para breakfast natin." Saad ko.Pumunta kaming kitchen pero hindi niya ako hinayaang gumalaw. Nagulat ako nang pina-upo niya ako sa stool at siya ang nagsuot ng apron. Kumindat pa siya sa akin at ngumisi."Ipapakita ko sa'yo kung gaano ako kagaling na asawa. Siguradong 'di mo na ako iiwan kapag natikman mo ang pag-aalaga ko."Ngumiti ako ng matamis sakanya. "'Di na ako aalis. Promise, kahit nasaan ka, sasama ako."Inisang hakbang niya ang pagitan namin at gigil na hinalikan ako sa labi. "Talaga. Kasi kapag aalis ka ulit, itatali na kita."Siya nga ang nagluto habang nanonood lang ako. 'Buti na lang nakapag-grocery ako ngayon kundi, sa labas kami kakain. Naiimagine ko na ang
Chapter forty-threeTwo weeks. Two weeks na akong araw -araw na may bulaklak. Nagdududa na talaga ako sa mga bulaklak na 'to. Walang palya. Araw-araw meron.Para sa akin ba talaga ang mga bulaklak na 'to?! Hindi ata nagkakamali ang nagpapadala nito.Iba't ibang bulaklak ang natatanggap ko, puro magaganda at hindi lang 'yon. 'Yong note, ang lalaking nasa drawing, mas lalong lumalapit sa puso. Sa araw-araw na pagpapadala ng flowers sa akin, palapit naman nang palapit sa puso ang lalaking nasa drawing.Nagiging creepy na ang mga nangyayari. Agad kong pinunit ang note at tinapon sa basurahan dahil sa takot. Nasabi ko na kay Josephine ang bagay na 'to pero hindi ko sinabi sakanya 'yong mga note. Kilig na kilig siya samantalang ako, nag-aalala."Naku! Naaalala ko tuloy 'yong mga ginagawa ng asawa ko noon. Hays. Namimiss ko na siya! Excited na talaga akong umuwi bukas!" Tili ni Josephine na sinimangutan ng anak.Bumuntong-hininga ako at ngumisi. "U
Chapter forty-two"I'm sorry. Hindi ako nakinig sa'yo. Nagalit pa'ko, eh wala ka naman palang kasalanan. I'm sorry, frenie. Matatanggap mo pa rin ba ako?" Luhaang tanong ni Farrah habang nasa byahe kami.Umikot ang mata ko. Ilang beses na niyang sinabi 'yon. Sorry siya nang sorry habang tanggap naman ako nang tanggap. Kanina pa siya. Yakap-yakap niya ang braso ko at pilit na sumisiksik sa katawan ko."Oo nga. Ilang ulit ko bang sabihin sa'yong ayos lang. Kulit mo rin. Gusto mo bang bawiin ko na lang?" Masungit na tanong ko.Bumabyahe kami papuntang airport. Hinatid ako ni Farrah dahil wala si Tito. Ayoko na sanang sumama sila pero mapilit si Farrah. Si Tito, hindi ko talaga pinayagan dahil may trabaho pa siya."Basta, mag-ingat ka palagi doon, ah? 'Wag kang makalimot na balitaan kami. Tawag ka nang tawag. Promise, kahit nasa kalagitnaan ako ng ire, sasagutin ko ang call mo!"Tumawa ako at tumango ulit. Gusto kong manatili r
Chapter forty-one"Amber!"Masaya kong sinalubong si Jeya nang makapasok siya ng bahay. Ang aga-aga ang laki ng bunganga niya. Hindi ko mapigilang maisip si Farrah sa kanya, magkaugali, eh."Anong balita, Amber? May score na ba?" Tanong niya.Ngumiti ako at bahagyang nilingon ang daan paakyat ng kwarto kung nasaan si Cin, naliligo kasi ito para umalis. Sasama raw siyang mangisda sa Tatay ni Jeya kaya todo banta ako sakanya. Hindi siya pwedeng makipag-landian kay Hannelet.Bawal.Ngumiti ako. "One hundred over one hundred."Tumili siya at kinurot ako sa tagiliran. "Shit ka. 'Di man lang naging pabebe!""Magiging pabebe pa ba ako, eh ako nga 'yong may kasalanan! 'Buti nga pinatawad pa'ko ng isang 'yan, eh." Nguso ko at nakipagtawanan ulit sakanya.Nasa kalagitnaan kami ng pag-aayos ng mesa nang marinig namin ang pagbaba ni Cin ng hagdan. Natigil kaming dalawa ni Jeya at hinintay siyang makalapit sa'min. Kahit nakasim
Chapter fortyMaaga akong nagising kinabukasan. Napairap ako nang makitang tulog na tulog pa rin si Cin kahit tanghali na. 'Yan, iinom-inom tapos gagawa ng gulo. Napaka-gago.Napaka-saya ko ngayong umaga kaya pakanta-kanta pa ako habang nagluluto ng breakfast. Napapangiti ako sa tuwing naaalala ko ang mga siniwalat ni Cin sa akin kagabi. Kinuha ko lang naman ang pagkakataong 'yon para matanong siya nang matanong. Alam ko kasing nagiging madaldal siya kapag lasing. Lahat nalaman ko. Kung paano sila nagplano at kung paano ako kinid-nap para dalhin dito.Pagkatapos niyang magkwento, hinalik-halikan niya pa ako pero nang tapos na ako sa pagtatanong at handa na sanang makipaglaban ng halikan sakanya, bigla siyang bumagsak at humilik.Nakakapanghinayang. May panganay na sana kami ngayon kung pinili niya lang na makipag-laro sa'kin."Good morning." Paos ang boses na bati ni Cin nang makababa ng hagdan.Pinagmasdan ko s