Chapter five
Kinabukasan kumunot ang noo ko nang makita si Farrah na dire-diretsong pumasok ng room. Ang akala ko, aabsent na naman siya ulit dahil masyado na kayang late. Palabas na nga si Miss Piranha dahil tapos na ang klase, eh.
"O, Guerrero! You're early for the next subject!"
Tamad akong napa-iwas nang tingin. Masyado pa namang mahigpit 'yang isdang 'yan. 'Di na makakalusot si Farrah dyan kahit magaling siya sa klase nito, 'no. Ayaw na ayaw pa naman ng isdang 'yan ang mga late. Siguradong bagsak sa C.R si Farrah mamaya.
Hindi ko na narinig si Farrah na nagsalita. Hindi na siya nagkaroon ng chance na maka-sagot kay Piranha nang ratratan siya nito. 'Buti na lang break time na at wala na masyadong tao sa loob ng room. Nagsialisan na ang iba samantalang may ibang natira para ayusin ang mga gamit nila, mukha namang wala silang pakealam sa nangyayaring gyera sa unahan.
Nang makaramdam na'ko ng gutom, tumayo na'ko at naglakad sa unahan. Nasa tabi pa rin ni Miss Piranha si Farrah na kasalukuyang nakayuko at sumasabak sa gyera, todo iwas din siya sa balang gawa sa laway ni Miss Piranha.
"Kailangan kong maka-usap ang parents mo!" Sigaw ni Miss Piranha at umalis.
Tinignan ko si Farrah. Nakababa ang balikat niya at nakangusong humarap sa'kin.
"Walang bang babagsak sa C.R?" Tanong ko. 'Yon ang punishment ni Piranha sa mga estudyanteng lumabag sa rules niya.
Bumuntong-hininga siya at umiling-iling. "Wala. Hindi niya naman nabanggit 'yon pero kakausapin niya ang parents ko."
Naglakad ako palabas, agad naman siyang humabol.
"Wala ka bang orasan? Mag-ingat ka kay Miss Piranha at baka sa susunod, kagatin ka na." natatawa kong sambit sakanya.
"Sa sobrang pagmamadali ko, 'di ko na natignan 'yon! Tsaka, hoy!" Hinampas niya ako. "Miss Piraña 'yon! Piranha ka dyan!"
Napatigil ako sa paglalakad at gulat na lumingon sakanya. "'Di ko alam 'yon, ah?! Piraña pala 'yon!"
Ang akala ko talaga, piranha! Pero 'yon ang naririnig kong tinatawag ng mga estudyante sakanya o bungol lang talaga ako? Magkatunog lang naman kasi 'yon! Piranha tsaka Piraña.
'Di makapaniwalang tinignan ako pabalik ni Farrah. "Seryoso ka? 'Di mo talaga alam?!"
Natatawang umiling-iling ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad. 'Buti na lang 'di kami close ng professor na 'yon. Tsk.
Nang makarating kami sa cafeteria at makapag-order, agad kaming nagsimulang kumain ni Farrah.
"Bakit ka nga pala absent kahapon? Late ka pa ngayon, ah." Kanina ko pa talaga gustong magtanong, eh.
Nakakainis kasi 'yong piranha. 'Di ako sanay sa Piraña!
Pinunasan niya ang bibig na puno ng ketchup. Ngumiwi ako nang magsalita siyang puno ang bibig.
"In-ubo kasi 'yong aso ko! Ayoko siyang iwan!"
Talaga lang, ah? Hindi siya pumasok para sa aso. Zero siya sa quiz kahapon dahil in-ubo ang aso niya!
Kumurap-kurap ako at bumuntong-hininga. "Grabe. Ang bait mong amo."
Marami ang kin-wento ni Farrah tungkol sa aso niya. Wala naman akong ginawa kundi tumango-tango at umaastang nakikinig kahit 'yong paa ko, kating-kati na talagang kumaripas nang takbo.
Habang iniinom ko ang natitirang juice sa baso, bigla na lang umingay ang paligid. Kumunot ang noo ko at napatingin kay Farrah. Tumigil na siya sa pagkain at may tinitignan kaya luminga-luminga rin ako.
Huminto ang tingin ko sa entrance ng cafeteria. Kumunot ang noo ko nang makita ang pagpasok ng kinaiinisan kong lalaki. May mga kasama siya at mukhang nagkakatuwaan. Tatalikod na sana ako nang lumingon siya sa gawi namin. Nanlaki ang mga mata ko at agad na tumalikod.
Nakita niya akong nakatingin!
"Amber, ayos ka lang?"
Nag-angat ako nang tingin kay Farrah at tumango. "Syempre! Bakit naman, hindi?!" Medyo tumaas na ang boses ko dahil sa gulat.
"Kasi parang hindi."
"Ayos nga lang ako, Farrah!" sigaw ko.
Bakit niya ba pinagpipilitang hindi ako okay? Okay lang ako!
"Baka naman masakit ang sugat mo? Patingin nga."
Tuluyan na akong nanigas sa kinauupuan nang biglang may sumabat. Napapikit ako at bumuntong-hininga.
"Hi, Cin! Talagang masakit ang sugat niya kaya nagsu-sungit." Nakangusong sambit ni Farrah.
Bakit ko nga ba naging kaibigan si Farrah? Siguro ito na ang time para maghanap ako ng kaibigan na hindi ako ipapahamak. Pero bakit nga ba ako nagpa-panic? 'Di ko naman close ang lalaking 'to.
Malaki ang ngiti ng epal na humarap sa'min. Marami siyang kasama kanina pero mag-isa na lang siya ngayon. Nakita kong nasa ibang table na ang mga kasama niya.
"Cin, sit down! Upo ka na!" Yaya ni Farrah habang tinuturo pa ang katabi kong upuan.
Agad naman na sumunod ang epal at nilingon pa'ko nang nakangiti. Nilingon ko rin siya at inirapan na nagpasimangot sakanya.
"Ano na namang ginagawa mo rito?" Masungit kong tanong.
Ngumuso siya. "Siguro magsho-shopping ako sa cafeteria."
Naningkit ang mga mata ko sa pamimilosopo niya. Gago 'to, ah?
Marahas ko ring nilingon si Farrah na mukhang nababaliw na ata sa lakas ng boses kakatawa. Nang makita niyang nakatingin ako, agad siyang tumahimik at tumalikod sa amin para makipag-tsismis sa mga taong nasa kabilang table. Wala namang nakakatawa.
"Tsk. Pwede ba, umalis ka sa table namin! May mga kasama ka 'di ba? Doon ka na!" Naiinis na sambit ko sakanya.
Inabot niya ang fries na nasa harap ko at kumuha kaya agad kong tinapik ang kamay niya.
"Aray naman! Bakit ba ang sungit mo?!"
"Kasi nga, pakealamero at feeling close ka! Alis sa table namin!"
Nakipaglaban ako nang titigan sakanya. Hindi talaga ako nagpatalo at mas sinamaan siya nang tingin. Dahil ayoko talagang magpatalo, nagulat na lang ako nang nasa kamay niya na ang fries at nakangiting kinakain ito! Naisahan ako ng gago!
"Akin 'yan, eh!" Sigaw ko.
Tumawa siya at pinuno ng fries ang bibig. Paborito ko 'yon, eh. Tuwang-tuwa pa siyang kinakain 'yon!
Hinihingal na nag-iwas ako nang tingin.
"Hoy." Kinalabit niya ako. Hindi ko siya pinansin.
Tumawa ulit siya at kinalabit ako. Gago talaga!
Paborito ko nga ang fries na 'yon! Kaya nga kanina ko pa hindi ginagalaw 'yon kasi gusto kong kainan 'yon mamaya.
Padabog na kinuha ko ang bag at inayos ang mga gamit ko. Lumingon sa amin si Farrah na mukhang tapos na sa pakipapag-tsismisan sa kabilang table. Sinilip niya ang mukha kong nakasimangot at nagtatakang nilingon din ang gagong katabi ko na ngayon at mukhang demonyong nakangisi habang kinakain ang fries ko!
"Hoy! Ba't mo kinakain 'yan?" Rinig kong tanong ni Farrah sa gago.
"Bakit? Bawal bang kainin 'to?"
Bumuntong-hininga si Farrah. "Kaya pala, mukhang papatay na 'yan, eh. Kinuha mo ang pagkain niya. Hindi lang pagkain dahil paborito niya 'yan!" Rinig ko pa ring bulong ni Farrah.
"'Di nga?"
"Oo nga!"
Umirap ako sa bulungan nilang rinig na rinig ko naman. Sinara ko ang bag at diretsong tumayo. Paulit-ulit akong tinawag ng dalawa pero hindi ko sila pinansin. Tumakbo ako pabalik ng room at doon tumambay. Naiinis na nilagyan ko ng earphones ang tenga para hindi makarinig ng ingay.
Sa susunod talaga na magpakita sa'kin ang unggoy na 'yon, sasampalin ko talaga siya. Malas talaga ang lalaking 'yon.
Nang magsimula ang klase, hindi ko pinansin si Farrah na kinukulit ako tungkol kay Cin. Ano namang pake ko doon? Gago ba siya?
"Amber, makinig ka muna kasi sa'kin. Gusto talagang mag-sorry ni Cin. Hoy. Amber!"
Hindi ako nakinig at diretsong tinignan ang whiteboard.
"Ano ba, Amber! Makinig ka kasi!" Sigaw niya sabay tayo.
Natahimik ang buong paligid, pati na rin ang professor na nasa harap, tumahimik at nilingon kami. Dahan-dahan akong lumingon kay Farrah na mukhang naubos na ata ang pasensya sa'kin. Nanlalaki na ang butas ng ilong niya at handa nang manampal.
"Anong problema dyan, Imperial at Guerrero?!" Sigaw ni Miss Piranha, ayoko talaga sa Piraña.
"Ito kasi, ayaw akong kausapin, eh hindi naman ako ang kumain ng fries mo, 'di ba?! Nakakainis ka!" Duro ni Farrah sa'kin na agad kong inilagan.
Nalipat ang tingin ko sa harap nang dumampot si Miss Piranha ng eraser. Mukhang may tatamaan.
"'Yan. 'Yan lang ang problema niyo?! Hindi ba kayo namom-roblema sa mga grades ninyo?! Iniistorbo niyo ang klase ko para sa walang kwentang dahilan na 'yan!" Sigaw ni Miss Piranha.
Nagkatinginan kami ni Farrah at sabay na nag-iwas nang tingin. Mukhang alam ko na kung anong mangyayari sa susunod.
Imperial and Guerrero, get out!
"Imperial and Guerrero," Ito na. Alam ko na talaga ang susunod na linya niya.
Pero hindi 'yon natuloy nang biglang may kumatok sa pinto. Natigil si Miss Piranha sa akmang pamamato ng eraser, ang mga kasama naming estudyante sa panonood sa'min at kaming dalawa ni Farrah. Kunot-noong nilingon ko ang pinto.
Hero! Niligtas niya kami sa bunganga ni Miss Piranha!
Nilapitan ni Miss Piranha ang lalaking nasa labas ng pinto. Nag-iwas na lang ako nang tingin habang hinihintay namin na matapos sa pag-uusap sila Miss Piranha at ang lalaking nasa labas.
Naramdaman kong unti-unti ring umupo sa tabi ko si Farrah na pilit pa rin akong inaabot. Marahas ko siyang nilingon at inambahan nang suntok. Gago 'to, isa ring pahamak!
"Kaya hindi kita pinapansin dahil ayokong pag-initan ako ng isdang 'yan! Gago ka ba? Mapapalabas tayo ngayon." Galit na bulong ko sakanya at imbes na suntok, hinampas ko na lang siya sa braso.
Gusto kong manakit, eh.
Magpapaliwanag sana si Farrah sa'kin nang bigla kong narinig ang pangalan ko sa unahan. Dire-diretsong pumasok ang lalaking may bitbit na paper bag sa kamay at pumunta sa harap ko. Gusto ko sanang isipin na para siyang modelo kung maglakad pero mas bagay sa kanya ang pagong, ang bagal, eh! Nanatili pa ring tahimik ang paligid pero nakasunod na ang tingin ng lahat sa lalaking tamad na tamad na kumikilos. Nagtatakang tinignan ko ang paper bag na nakalapag sa harap ko.
"Ano 'to?" Bulong ko at tinaasan ng kilay ang lalaki.
Nagkibit-balikat siya bago tamad pa rin na tumalikod. Nakita ko pang nag-ismiran sila ni Farrah tsaka ito naglakad na parang wala lang. Kinawayan niya pa si Miss Piranha na tahimik lang. Ano 'yon?
Naguguluhang bumaba ang tingin ko sa paper bag. Ano naman kayang laman nito? Nang iangat kong muli ang tingin, nasa akin na ang tingin ng lahat. Mukhang nag-aabang ang lahat kung anong laman ng paper bag na 'to, ah?
"What? Hindi ko alam kung anong laman nito, okay? 'Wag nga kayong chismosa." Malakas ang boses na sambit ko.
Sakto namang tumunog ang bell kaya hinila ko na agad si Farrah palabas. Bitbit ko pa rin ang paper bag na hindi ko alam ang laman. Bomba ata 'to, eh.
"Buksan mo kaya 'yan." Untag ni Farrah.
Nilingon ko siya. "'Yoko nga. Baka bomba pa 'to, sabay tayong sasabog."
"Ang O.A. Ayaw mo lang malaman ko, eh."
Hindi ko na siya pinansin at pinapasok na sa kotse nila. Nakasimangot na nilabas niya ang mukha sa bintana.
"Usap tayo later, ah? Kung hindi mo sasabihin kung anong laman niyan, susugurin kita sa inyo!" Turo niya sa paper bag na dala ko.
Tumango lang ako para matahimik siya at kumaway sakanya bago dumiretso sa sasakyan ko. Tinanguan ko ang driver para makaalis na kami.
Bumuntong-hininga ako at nilapag sa hita ang paper bag. Dahan-dahan ko itong binuksan. Pero kumunot ang noo ko sa nakita.
Fries... Maraming fries..
Sorry na. Kainin mo lahat, okay?
From: Cin
To: Miss FriesNgumiwi ako sa nilagay niya. Miss Fries? Seryoso ba siya? 'Di niya ba alam ang pangalan ko? Teka, 'di ko nga pala sinabi sakanya pero close naman sila ni Farrah! Alam kong, alam niya na 'yon.
Hindi ko talaga siya maintindihan. Lahat ng lalaki, ilag sa'kin dahil na rin sa ugali ko pero siya, araw-araw akong kinukulit.
Nakarating kami sa mansion nang mabilis. Dumiretso ako sa loob at nadatnan si Verna nagpasimangot na naman sa'kin. Okay na ako kanina, eh.
'Di ko siya pinansin at aakyat na sana nang may mapansin ako sa paligid. Parang may iba. Tumigil ako at bumuntong-hininga.
Chapter sixNilibot ko ang tingin at nakitang iniba na ang kulay ng kurtina. Ang noong maaliwalas na paligid ngayon, parang naging kweba, ang dilim. Humarap ako kay Verna na alam kong nasa likod ko lang at nakasunod."Nagustuhan mo ba ang kulay ng kurtina, Amber?" Nakangiting tanong niya.Naningkit ang mga mata ko sa nakikitang ngiti kay Verna. Alam na alam ko ang ngiting 'to, eh. Ngiting naghahanap ng gulo.Tamad na iniwas ko ang tingin at kinamot ang kilay.Tumango-tango ako. "Maganda. Ang ganda." Kasi hindi kita nakikita."Talaga?" Kunwaring hindi makapaniwalang tanong niya. "'Yan ang pinili ko para mas bumagay sa ugali mo."Nilingon ko siya at nakita ko kung paano nag-iba ang itsura niya. Unti-unting nawala ang ngiti niya at napalitan ng invisible na sungay.Bumagay sa ugali ko? Natawa ako ng mahina hanggang sa lumakas. Napapalakpak pa'ko dahil sa tuwa. Bumagay talaga sa ugali ko? Paano na lang sakan
Chapter seven"Amber, anong ibig sabihin non? Parte pa rin ba 'yon ng pagiging guilty niya o may something na?"Wala sa sariling nakasunod lang ako kay Farrah palabas ng school. Ano nga bang ibig sabihin non? Wala naman talagang masama sa ginawa ng bugok na 'yon pero bakit niya nga ba 'yon ginagawa? Tingin ko nga late na siya kanina, eh.Pumunta siya sa clinic kahit malayo 'yon sa building namin. Hindi niya inintindi 'yong pawis at pagod. Tarantado ba siya?"'Wag ka ngang O.A, Farrah. 'Wag kang mag-isip nang kung ano-ano." Irap ko.Papasok na sana ako sa loob ng kotse nang humarang siya sa pinto. Pinandilatan ko siya ng mata at inambahan ng suntok."Ano ba, Farrah?! Tabi ka dyan!"
Chapter eightMasyado akong maagang nagising kinabukasan. Sinubukan ko ulit na bumalik sa pagtulog pero hindi na'ko inaantok. Bumaba ako ng kama at dumiretso sa banyo para maligo. Masyadong mabagal ang kilos ko kaya halos isang oras din akong nasa banyo. Pati sa pagbibihis nagtagal ako.Nang makitang maayos na ang itsura, kinuha ko ang cellphone at wallet. Balak kong maglakad-lakad sa labas ng subdivision, baka may mga coffee shops sa malapit. Magandang maglakad-lakad ngayong oras dahil wala pa masyadong tao. Exercise na rin dahil feeling ko, bumibigat na'ko.Nilingon ko ang orasan at nakitang 5:18 pa lang ng umaga. Ang alam ko, may mga nagbubukas nang mga coffee shops ng mga ganitong oras tsaka maglalakad lang naman ako.Naka-shirt lang ako at pinatungan ng jacket, nag-short at naka-purple na slippers. Nang makababa ako ng hagdan, m
Chapter nine"Amber! My friend!"Tumatakbong sinalubong ako ni Farrah sa gate. Agad siyang yumakap sa'kin. Hindi ko siya pinansin at tinuon ang tingin sa lalaking nakita kong kasama ni Farrah bago ako bumaba ng kotse. Nasa gate rin siya at mukhang may inaabangan. Siya 'yong lalaking kasama ni Cin na pumunta ng room."Marami kang chismis na ishe-share sa akin later. Dami ko nang nami-miss sa mala-teleseryeng buhay mo, friend." Bulong niya at ngumuso sa lalaking mukhang bored na bored na.Parang kaunti na lang, makikipag-yayaan na siya ng suntukan sa security guard sa sobrang sama ng tingin niya rito.Bumuntong-hininga ako at dumiretso sa paglalakad. Nagkunwari akong walang napapansin at dumaan sa harap ng lalaki. Hindi na'ko nagulat nang harangan niya kami.Inaasahan ko na."Samahan ko na kayo. Naghihintay si Cin sa lobby.""Hoy! Kaya na naming pumunta ng lobby na kami lang. Echosero." Singit ni Farrah na kinun
Chapter nine"Amber! My friend!"Tumatakbong sinalubong ako ni Farrah sa gate. Agad siyang yumakap sa'kin. Hindi ko siya pinansin at tinuon ang tingin sa lalaking nakita kong kasama ni Farrah bago ako bumaba ng kotse. Nasa gate rin siya at mukhang may inaabangan. Siya 'yong lalaking kasama ni Cin na pumunta ng room."Marami kang chismis na ishe-share sa akin later. Dami ko nang nami-miss sa mala-teleseryeng buhay mo, friend." Bulong niya at ngumuso sa lalaking mukhang bored na bored na.Parang kaunti na lang, makikipag-yayaan na siya ng suntukan sa security guard sa sobrang sama ng tingin niya rito.Bumuntong-hininga ako at dumiretso sa paglalakad. Nagkunwari akong walang napapansin at dumaan sa harap ng lalaki. Hindi na'ko nagulat nang harangan niya kami.Inaasahan ko na."Samahan ko na kayo. Naghihintay si Cin sa lobby.""Hoy! Kaya na naming pumunta ng lobby na kami lang. Echosero." Singit ni Farrah na kinun
Chapter elevenTahimik kami ni Cin nang makapasok ng sasakyan. Tahimik kami sa loob at nakikiramdam lang sa isa't isa. Naiinis ako. Bakit magkakilala pa si Vicky at Mommy ni Cin?! Sinisiraan ako ng babaeng 'yon.Iniwasan kong mapahawak sa sentido at magmukhang problemado. Pilit akong ngumiti at nilingon si Cin."Iuuwi mo na ba ako?" Tanong ko sakanya.Bahagya siyang nagulat at ngumuso. "Gusto mo na bang umuwi?"Marahan akong umiling. "Maaga pa. Ayokong umuwi."Tumango siya at ngumiti bago sinimulang paandarin ang sasakyan. Pinipilit ko talagang 'wag ipahalata sa kanyang naiinis ako. Naiinis talaga ako sa Nanay niya!"May magandang place dito na magugustuhan mo." Excited niyang saad habang naka-focus ang tingin sa daan.Hindi na ako umimik. Iwawaglit ko na sa isipan ang problema kong 'to. Hangga't wala pang ginagawa ang Mommy niya, mananatili rin akong tahimik. Hindi ko muna iisipin kung paano lalasunin ni Vicky ang
Chapter twelve"Amber! Frenie!"Nasa labas pa lang ako ng classroom pero rinig na rinig ko na ang sigaw ni Farrah. Nang nasa tapat na ako ng classroom, bigla siyang natahimik at tumalikod.Alam ko kung bakit siya ganyan. Nakasunod kasi sa likod ko ang tamad na lalaking parating kasama ni Cin. Mukhang may kailangan siya sa kabilang classroom. Nagkita at nagkasabay lang naman kami kanina sa hagdan.Hindi ko na siya pinansin at pumasok na ng classroom. Agad akong umupo sa tabi ni Farrah at nilagyan ng headset ang magkabilang butas ng tenga.Balak kong makinig lang ng mga kanta nang biglang hilahin ni Farrah ang nakasaksak sa tenga ko at tinapon. Sinundan ko ng tingin ang headset kong nasa sahig. Tangina."Anong problema ko? Ikaw. Mag kwento, dali."Kumunot ang noo ko at pagod na binalingan ng tingin si Farrah. "Nag date nga kami. Pagod ako. Ayokong mag kwento kaya kunin mo ang headset."Tumayo siya at nameywang sa harap ko a
Chapter thirteenFrom: My Cin-nandito na ako sa loob, Mahal na prinsesa.Bago ako bumaba, inayos ko ulit ang buhok at pinagmasdan ang sarili sa salamin. Lalabas kami ngayon ni Cin at hinayaan ko siyang sunduin ako dito sa mansion kung saan, nakatira rin si Vicky at ang Nanay niyang bruha.Malamang makikita nila kaming dalawa na magkasama at ipapamukha ko kay Vicky na parating ako ang nanalo at sila, mga talunan.Mabagal akong bumaba ng hagdan. Nasa sala silang lahat at halatang may seryosong pinag-uusapan. Bigla akong nainis kahit hindi ko naman naririnig ang pinag-uusapan nila. Binilisan ko ang paglalakad bago pa malason ng mga bruhang 'to ang isip ni Cin."Let's go, Cin."Agad itong ngumiti nang mag-angat ito ng tingin sa akin at napatayo. Parehong nag-iwas ng tingin ang mag-ina nang hawakan ako ni Cin sa bewang. Ngayon, Verna, tignan mo kung paano ko sisirain ang bait ng anak mo.Pinagmasdan ko si Vicky na mabilis
Epilogue"Ang hot mong tingnan dyan. Naka-suit habang nagtitimpla ng gatas. Hot daddy!" Pang-aasar ng asawa ko habang papalapit.Napanguso ako at pinagpatuloy ang pagtitimpla. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Natataranta ako sa tuwing umiiyak ang anak ko.Bumaba ang tingin ko sa asawa ko nang lumusot siya sa harap ko at inayos ang suit ko. Mas lalong humaba ang nguso ko nang makalimutan kong magsuot ng necktie. Siya na ang nagdala no'n at sinuot sa akin. Hindi pa nga ako nakakapag-suot ng sapatos dahil sa pagmamadali.May baby sitter naman kami pero kapag nasa bahay kaming mag-asawa, kaming dalawa ang nag-aalaga sa anak namin. Madalas kaming walang tulog pero masaya naman. Sobrang saya.Niyakap ko ang bewang ni Amber at hinalik-halikan ang leeg niya habang busy siya sa pagsuot ng necktie sa akin."'Wag mo nga akong nilalandi. Akyatin mo na ang anak mo do'n para maka-alis ka na."Tumawa ako at humalik ng mariin sa la
Chapter forty-sevenNapakapit ako sa sink nang biglang umikot ang paningin ko. Pinikit ko ng mariin ang mata at nang kumalma, dumilat na.Dahan-dahan akong bumaba ng kwarto sa takot na mahilo ulit. Gosh, ano bang nangyayari sa'kin? Sa pag-aalala nga ni Cin, hindi siya nakapasok kahapon. Buong araw akong hilo at masama ang pakiramdam. 'Buti na lang naging maayos na ngayon kaya nakapag-trabaho na ulit si Cin.Kung ano-ano pang pinadala nila Tito at Mommy sa akin na sila Jeya at Farrah lang naman ang kumakain.Kasalukuyan akong nagbe-breakfast nang tumunog ang cellphone ko. Agad kong sinagot nang makitang ang asawa ko ang tumatawag."Hello." Malambing kong bati."Ayos ka na? May masakit sa'yo? Gusto mo bang umuwi ako?"Natawa ako. "Ayos lang ako. 'Wag ka nang mag-alala.""Hindi ako makapag-trabaho ng maayos kakaisip sa'yo. Kapag may masakit, tumawag ka kaagad. Nandyan naman si Manang Odette para alalayan ka." May
Chapter forty-sixPagkatapos naming maikasal ni Cin, napuno kami ng mura galing kay Tito, Farrah at sa iba pang mga kaibigan. Nagtatampo ang mga ito pero sinabi kong may church wedding pa naman. Siguradong silang lahat invited. Walang maiiwan.Noong gabi ring 'yon, may nangyari sa amin. Ang unang gabi namin bilang mag-asawa. Natakot akong gawin 'yon pero pinaramdam niya sa akin ang labis na pag-iingat kaya kalaunan ay nawala ang takot at napalitan ng saya.Nagkaroon na rin ako ng interes sa business. Ako na ngayon ang nagma-manage ng business na naiwan nila Mama at Papa. Sa tulong ni Tito at Cin, maayos ko namang napapatakbo 'yon.Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong plano ng Mommy ni Cin. Dahil matanda na ang Daddy ni Cin, siya ang pinalit na CEO at wala namang naging reaksyon ang Mommy niya doon. Pero hindi pa rin siya nito kinakausap.Nalulungkot ako para sa kanila.Hinalikan ko ang nakanguso kong asawa
Chapter forty-five"Happy birthday to you.. happy birthday to you..."Kalalabas niya lang galing banyo nang kantahan ko siya. May hawak pa akong cake sa kamay. Gulat na gulat ang mukha niya at hawak pa ang dibdib na tinignan ako."Ginulat mo'ko. 'Wag mo na ulit gagawin 'yon kung ayaw mong mabyuda agad." Biro niya at hinipan ang cake.Hinalikan niya rin ako sa noo at sa pisnge.Bumaba ang tingin ko sa abs niyang kumikinang dahil sa tubig na galing sa shower. Tanging puting tuwalya lang ang suot niya kaya agad akong tumalikod."Mag-suot ka muna ng damit tapos baba ka. Love you." Mabilis na saad ko bago dali-daling bumaba.Narinig ko pa siyang tinawag ako pero 'di na ako lumingon. Baka mahubad ko pa 'yong tuwalya sa bewang niya kapag kinulit niya ako.Ngayon ang balik namin sa Pilipinas. Nakahanda na lahat ng bagahe namin sa sala pero naisip
Chapter forty-fourNatulog kami ng gabing 'yon nang magkatabi. Paggising namin, magkatabi pa rin. Parang ayaw naming malayo sa isa't isa, gusto naming parating nakadikit. Pababa kami ng hagdan habang nakayakap siya sa bewang ko."Bitaw na. Magluluto ako para breakfast natin." Saad ko.Pumunta kaming kitchen pero hindi niya ako hinayaang gumalaw. Nagulat ako nang pina-upo niya ako sa stool at siya ang nagsuot ng apron. Kumindat pa siya sa akin at ngumisi."Ipapakita ko sa'yo kung gaano ako kagaling na asawa. Siguradong 'di mo na ako iiwan kapag natikman mo ang pag-aalaga ko."Ngumiti ako ng matamis sakanya. "'Di na ako aalis. Promise, kahit nasaan ka, sasama ako."Inisang hakbang niya ang pagitan namin at gigil na hinalikan ako sa labi. "Talaga. Kasi kapag aalis ka ulit, itatali na kita."Siya nga ang nagluto habang nanonood lang ako. 'Buti na lang nakapag-grocery ako ngayon kundi, sa labas kami kakain. Naiimagine ko na ang
Chapter forty-threeTwo weeks. Two weeks na akong araw -araw na may bulaklak. Nagdududa na talaga ako sa mga bulaklak na 'to. Walang palya. Araw-araw meron.Para sa akin ba talaga ang mga bulaklak na 'to?! Hindi ata nagkakamali ang nagpapadala nito.Iba't ibang bulaklak ang natatanggap ko, puro magaganda at hindi lang 'yon. 'Yong note, ang lalaking nasa drawing, mas lalong lumalapit sa puso. Sa araw-araw na pagpapadala ng flowers sa akin, palapit naman nang palapit sa puso ang lalaking nasa drawing.Nagiging creepy na ang mga nangyayari. Agad kong pinunit ang note at tinapon sa basurahan dahil sa takot. Nasabi ko na kay Josephine ang bagay na 'to pero hindi ko sinabi sakanya 'yong mga note. Kilig na kilig siya samantalang ako, nag-aalala."Naku! Naaalala ko tuloy 'yong mga ginagawa ng asawa ko noon. Hays. Namimiss ko na siya! Excited na talaga akong umuwi bukas!" Tili ni Josephine na sinimangutan ng anak.Bumuntong-hininga ako at ngumisi. "U
Chapter forty-two"I'm sorry. Hindi ako nakinig sa'yo. Nagalit pa'ko, eh wala ka naman palang kasalanan. I'm sorry, frenie. Matatanggap mo pa rin ba ako?" Luhaang tanong ni Farrah habang nasa byahe kami.Umikot ang mata ko. Ilang beses na niyang sinabi 'yon. Sorry siya nang sorry habang tanggap naman ako nang tanggap. Kanina pa siya. Yakap-yakap niya ang braso ko at pilit na sumisiksik sa katawan ko."Oo nga. Ilang ulit ko bang sabihin sa'yong ayos lang. Kulit mo rin. Gusto mo bang bawiin ko na lang?" Masungit na tanong ko.Bumabyahe kami papuntang airport. Hinatid ako ni Farrah dahil wala si Tito. Ayoko na sanang sumama sila pero mapilit si Farrah. Si Tito, hindi ko talaga pinayagan dahil may trabaho pa siya."Basta, mag-ingat ka palagi doon, ah? 'Wag kang makalimot na balitaan kami. Tawag ka nang tawag. Promise, kahit nasa kalagitnaan ako ng ire, sasagutin ko ang call mo!"Tumawa ako at tumango ulit. Gusto kong manatili r
Chapter forty-one"Amber!"Masaya kong sinalubong si Jeya nang makapasok siya ng bahay. Ang aga-aga ang laki ng bunganga niya. Hindi ko mapigilang maisip si Farrah sa kanya, magkaugali, eh."Anong balita, Amber? May score na ba?" Tanong niya.Ngumiti ako at bahagyang nilingon ang daan paakyat ng kwarto kung nasaan si Cin, naliligo kasi ito para umalis. Sasama raw siyang mangisda sa Tatay ni Jeya kaya todo banta ako sakanya. Hindi siya pwedeng makipag-landian kay Hannelet.Bawal.Ngumiti ako. "One hundred over one hundred."Tumili siya at kinurot ako sa tagiliran. "Shit ka. 'Di man lang naging pabebe!""Magiging pabebe pa ba ako, eh ako nga 'yong may kasalanan! 'Buti nga pinatawad pa'ko ng isang 'yan, eh." Nguso ko at nakipagtawanan ulit sakanya.Nasa kalagitnaan kami ng pag-aayos ng mesa nang marinig namin ang pagbaba ni Cin ng hagdan. Natigil kaming dalawa ni Jeya at hinintay siyang makalapit sa'min. Kahit nakasim
Chapter fortyMaaga akong nagising kinabukasan. Napairap ako nang makitang tulog na tulog pa rin si Cin kahit tanghali na. 'Yan, iinom-inom tapos gagawa ng gulo. Napaka-gago.Napaka-saya ko ngayong umaga kaya pakanta-kanta pa ako habang nagluluto ng breakfast. Napapangiti ako sa tuwing naaalala ko ang mga siniwalat ni Cin sa akin kagabi. Kinuha ko lang naman ang pagkakataong 'yon para matanong siya nang matanong. Alam ko kasing nagiging madaldal siya kapag lasing. Lahat nalaman ko. Kung paano sila nagplano at kung paano ako kinid-nap para dalhin dito.Pagkatapos niyang magkwento, hinalik-halikan niya pa ako pero nang tapos na ako sa pagtatanong at handa na sanang makipaglaban ng halikan sakanya, bigla siyang bumagsak at humilik.Nakakapanghinayang. May panganay na sana kami ngayon kung pinili niya lang na makipag-laro sa'kin."Good morning." Paos ang boses na bati ni Cin nang makababa ng hagdan.Pinagmasdan ko s