Chapter eighteenMatapos ang masayang dinner na 'yon, halos maiyak ako kakatawa dahil sa ekspresyon ng mag-ina. Maganda ang gising ko kinabukasan. Pakiramdam ko ang gaan ng katawan ko. Kahit siguro marami akong gawin ngayon, hindi ako basta-bastang mapapagod.Habang naglalagay ng breakfast sa plato, biglang dumating si Vicky. Pinagmasdan ko siyang mabuti, nangingitim ang ibaba ng mga mata niya, halatang walang tulog. Bukod pa doon, kapansin-pansin din ang pamumula at pamamaga ng mga mata niya.Ngumisi siya at kumuha ng tinapay. "Talagang wala kang puso, 'no?"Ngumiti ako. "Edi, patay na ako no'n." Pamimilosopo ko.Hindi ako nagulat nang ihampas niya ang mga kamay sa mesa at nanlilisik ang mga matang tumitig sa akin."Alam mong walang alam dito si Cin. Hindi ko hahayaang gamitin mo siya. Gagawin ko lahat ng paraan, Amber. Lahat." Gigil niyang saad bago ako tinalikuran.Gagawin lahat? Sige, Vicky. Ano nga bang kaya mong gawin?Ba
Read more