Chapter nineteen
"Bakit mo ba kinukuha sa'kin 'yan, Odette? Ayoko ngang kumain ng hotdog." Inis na reklamo ko.
Kanina niya pa pinapalayo sa akin ang nakahandang itlog at pinapalapit sa akin ang hotdog. Naiinis na binaba ko ang kutsara at tinidor saka siya pinagmasdan ng mabuti. Pawis na pawis na naman siya at kabadong nakababa ang tingin.
Bumuntong-hininga na lang ako at kumuha na lang ng bread. May tiwala naman ako sakanya. Malalaman ko rin kung anong nangyayari.
Palabas na ako ng mansion nang makita sila Vicky at Verna na nagtatalo. Hindi ko sila maintindihan dahil sa layo ng distansya ko kaya hindi na lang ako nangealam. Ayokong ubusin ang oras sa walang kwentang bagay.
Pinatigil ko na si Cin sa pagsundo sa akin tuwing umaga. Nawawalan na kasi ng trabaho ang driver ko. Ayoko rin namang parati kaming magkasama dahil baka hindi na kakayanin ni Vicky at biglang mamatay sa inggit.
Ang sabi sa akin ni Cin kahapon, magiging busy daw
Chapter twenty"So, guys, malapit na ang bakasyon. Anong plano niyo?!" Sigaw ng isa sa mga kaklase namin.Napa-iwas ako ng tingin sa mga kaklase kong sinisigaw na kung saan sila pupunta ngayong bakasyon. Talagang nawala sa isip ko ang bagay na 'yan kaya wala pa akong plano. Wala rin naman akong balak puntahan pero alam kung kakaladkarin na naman ako ni Farrah kung saan siya pupunta.Naalala ko si Cin. Parati kaming magkasama pero hindi namin napag-usapan ang tungkol doon. Pareho ata kaming nakalimot dahil sa mga pinaggagagawa namin kapag may oras kami. Puro lang kami labas, pasyal, gala, kain. Kung saan-saan na nga kami napapadpad kapag weekends.Kahapon nga sinama niya ako sa barber shop at ako ang pinapili niya kung anong babagay na gupit sakanya. Pagkatapos no'n, nag grocery din kami, kuha ako nang kuha habang siya, balik nang balik. Pinagsasabihan niya ako na hindi raw 'yon healthy. Nakanguso lang ako hanggang sa matapos kami. Dumiretso ri
Chapter twenty-oneMabilis na lumipas ang araw. Naging busy kami bago dumating ang bakasyon. Halos hindi na kami magkita ni Cin dahil sa practice niya at mga projects ko.Nang dumating ang laro nila, syempre nandoon ako at hindi ko inaasahang naroon din si Vicky na walang ibang ginawa kundi magpa-cute pero ang lalaking nilalandi niya, sa akin naman nagpapalandi. Kaya ngiting-ngiti lang ako at todo sigaw sa pangalan ni Cin hanggang sa manalo sila.Napapansin ko ang mga ginagawa ni Vicky para mabaling ang atensyon ni Cin sakanya pero hindi naman ako nangangamba. Naniniwala ako sa sinabi ni Cin sa akin. Naniniwala ako sakanya.Isa-isa kong tinignan ang mga gamit na nasa loob ng bag ko at baka may nakalimutan pa akong dalhin. Nang makitang maayos nang nakalagay sa loob ang mga swimsuit ko, nakangiti ko na 'yong sinara at hinanda ang sarili. Nakangiti akong humarap sa salamin. Ngayon lang ulit ako magbabakasyon na hindi naiinis o napipilitan. Parati akong badm
Chapter twenty-two"Ano 'yon, Amber? Nagseselos ka?" Nakangising tanong ni Farrah."Hindi. Pagod lang talaga ako kaya 'wag mo na nga akong kausapin. Kailangan kong magpahinga."Mabilis akong naligo at inayos ang sarili para matulog. Hindi niya pa ako tinigilan sa pang-aasar kaya sinamaan ko siya ng tingin at umaktong ihahampas sakanya ang unan pero tumawa lang siya.Nasa iisang kwarto lang kami ni Farrah habang magkasama naman ang tatlong lalaki sa kabilang kwarto. Mag-isa naman ang bruha sa kwarto niya.Pinikit ko ang mata pero nakakainis na mukha ni Vicky ang nakikita ko. Dumapa, tumagilid, tumihaya na'ko pero talagang hindi ako mapakali. Sinabunutan ko na ang buhok at paulit-ulit na sinuntok ang unan.Papunta na sana sa banyo si Farrah nang matigil siya at gulat na napatingin sa akin dahil bigla na lang akong napa-upo."Nakakainis! Bakit ba kasi nandito ang babaeng 'yon, Farrah?!" Sigaw ko at sinabunutan ang buhok. "Pumasok ka na n
Twenty-threeNang lumabas ako ng banyo, hinahanda na ni Cin ang pagkain sa mesa. Tumabi agad ako sa kanya at tahimik siyang pinagmasdan habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko. Pagkatapos niya akong asikasuhin, kumain na rin siya.Bumaba ang tingin ko sa mga hipon. Hindi marunong magbalat si Vicky ng mga 'to. Kailangan niya pa ng tulong ni Cin."Cin.""Hmm?""Si V-Vicky.. m-maayos na ba siya?" Masyadong mahina ang boses ko kaya para na akong bumubulong.Nilunok niya muna ang kinakain bago tumango. "Oo. Okay na siya. Sila Kajik ang naghatid sa kanya sa kwarto kasi hinanap agad kita kanina. Akala ko, naiwan ka sa dagat." Nguso niya.Pinitik niya ng mahina ang noo ko. "'Di ka nagpaalam sa akin."Nakangusong hinimas ko ang noo at sumubo.Tumikhim siya. "Alam ko, hindi kayo magkasundo. Hindi ko man lang sinabi sa'yo na sasama siya. Hindi ako nagpaalam. I'm sorry."Uminom ako ng tubig."
Chapter twenty-four"Anong pangalan mo?" Mahinahong tanong ni Cin sa bata. May ngiti siya sa labi habang nakatitig dito."I'm Alexandria po! I'm six." Pinakita niya pa sa amin ang kamay niya.Pagkatapos niyang uminom ng tubig, ginamot ni Cin ang sugat niya sa tuhod. Iyak siya nang iyak sa braso ko kaya kahit nandidiri ako sa sipon niyang dumidikit saakin, 'di ko na lang tinulak palayo. Magkatabi pa rin kami sa duyan habang marahan niyang ginagalaw ang paa. Nasa tapat naman namin si Cin at naka-upo sa buhangin."Please po, gusto kong mag pasyal. Ayoko pa mag go home." Nguso niya sa amin habang umiiling-iling.Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Nagkatinginan kami ni Cin bago ko tinuon ang pansin ko kay Alexandria na pinagdikit pa ang mga palad. Nakikita ko ang takot sakanya."Bakit? Pwede mo namang isama ang mommy mo." Sabat ko.Umiling siya at malungkot na ngumuso. "No po. Wala akong mommy. Wala rin akong daddy..."Napasi
Chapter twenty-five"Putangin—"Agad ko siyang siniko nang akma siyang magmumura. Pinanlakihan ko siya ng mata at nginuso si Alexandria na pumapalakpak na nanonood sa Kuya Pogi niyang galit na galit na sa kakabaril sa mga laruang nasa estante.Marahas na bumuntong-hininga si Cin at mas ginulo ang buhok niya. Kanina pa kami naghihintay dito na matapos siya. Noong una, hindi siya nakatama kaya pinagbigyan namin sa pangalawang pagkakataon pero umabot na ata kami ng dalawang oras kakaantay, wala pa ring nangyayari kaya kating-kati na akong umalis. Ako lang, kasi nag-eenjoy naman ang Alexandria kaka-cheer sa frustrated na niyang Kuya."May daya ata 'to, eh?!" Inis na turo niya sa lalaking nagbabantay na umiling-iling lang.Hinampas ko nga sa balikat. "Tumahimik ka nga. May daya? Baka ikaw 'tong hindi marunong. Akina nga 'yan!" Maarte kong inagaw sa kanya ang baril at hinawi muna ang buhok.Napatigil naman ang lalaking nagbabantay at n
Chapter twenty-six"Magiging maayos lang siya. Ano ka ba, 'wag ka ngang masyadong mag-isip."Nakakapit ako sa braso ni Cin at nakasandal naman ang ulo sa braso niya habang nag-lalakad pabalik sa hotel namin. Iniisip ko pa rin kung anong mangyayari kay Alexandria. Kung anong klaseng disiplina ang gagawin sakanya ng babaeng may masamang ugali."Paano ako hindi mag-iisip? Nakita mo ba kanina, galit na galit ang babae, Cin! Pwede niyang saktan si Alexandria!" Singhal ko.Tumigil kami sa paglalakad at hinarap niya ako sakanya."Nag-aalala ang mommy? Edi, gagawa ng paraan ang Daddy para hindi masaktan ang Baby." Ngisi niya at hinagkan ako sa pisnge. "Gagawa ako ng paraan. Hindi siya masasaktan, baby. 'Wag ka nang mag-alala."Nakauwi kami ng hotel gabi na. Pareho kami ni Cin na walang cellphone na dala kaya hindi namin ma-contact ang mga kaibigan. Halos dumugin kami ng mga ito nang makarating kami."Hoy! Saan kayo galing, a
Chapter twenty-sevenWala na. Wala na ang plano. Kakalimutan ko na ang planong 'yon. Napagtanto kong lumagpas na ako sa harang na ginawa ko. Hindi na ako pwedeng magpanggap na may gusto ako kay Cin dahil nagkatotoo na. Kinain ko lang lahat ng pangako ko sa sarili.Mahal ko si Cin.Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog sa kanya? Kahit isip-bata, nakakakilig pa rin. 'Di ko nga na-imagine noon na kikiligin ako, eh. Jusko, ang puso ko!Habang nag-eempake, may ngiti ako sa labi kaya kung makatitig sa akin si Farrah para akong baliw. Baliw na ata talaga ako. Ngumingiti ako kahit wala namang nakakatuwa. Kahit pilitin kong sumimangot, talagang lalabas 'yong ngisi ko!Kainis na, ah?!"Girls, ready na kayo?" Katok sa amin ni Ram sa labas.Nagkatinginan kami ni Farrah. Bahagya pa siyang napatalon sa tingin ko at pasimpleng humawak sa dibdib."Problema mo?" Tanong ko."Ikaw? Problema mo?! Na-engkanto ka ba?! Ngisi ka na
Epilogue"Ang hot mong tingnan dyan. Naka-suit habang nagtitimpla ng gatas. Hot daddy!" Pang-aasar ng asawa ko habang papalapit.Napanguso ako at pinagpatuloy ang pagtitimpla. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Natataranta ako sa tuwing umiiyak ang anak ko.Bumaba ang tingin ko sa asawa ko nang lumusot siya sa harap ko at inayos ang suit ko. Mas lalong humaba ang nguso ko nang makalimutan kong magsuot ng necktie. Siya na ang nagdala no'n at sinuot sa akin. Hindi pa nga ako nakakapag-suot ng sapatos dahil sa pagmamadali.May baby sitter naman kami pero kapag nasa bahay kaming mag-asawa, kaming dalawa ang nag-aalaga sa anak namin. Madalas kaming walang tulog pero masaya naman. Sobrang saya.Niyakap ko ang bewang ni Amber at hinalik-halikan ang leeg niya habang busy siya sa pagsuot ng necktie sa akin."'Wag mo nga akong nilalandi. Akyatin mo na ang anak mo do'n para maka-alis ka na."Tumawa ako at humalik ng mariin sa la
Chapter forty-sevenNapakapit ako sa sink nang biglang umikot ang paningin ko. Pinikit ko ng mariin ang mata at nang kumalma, dumilat na.Dahan-dahan akong bumaba ng kwarto sa takot na mahilo ulit. Gosh, ano bang nangyayari sa'kin? Sa pag-aalala nga ni Cin, hindi siya nakapasok kahapon. Buong araw akong hilo at masama ang pakiramdam. 'Buti na lang naging maayos na ngayon kaya nakapag-trabaho na ulit si Cin.Kung ano-ano pang pinadala nila Tito at Mommy sa akin na sila Jeya at Farrah lang naman ang kumakain.Kasalukuyan akong nagbe-breakfast nang tumunog ang cellphone ko. Agad kong sinagot nang makitang ang asawa ko ang tumatawag."Hello." Malambing kong bati."Ayos ka na? May masakit sa'yo? Gusto mo bang umuwi ako?"Natawa ako. "Ayos lang ako. 'Wag ka nang mag-alala.""Hindi ako makapag-trabaho ng maayos kakaisip sa'yo. Kapag may masakit, tumawag ka kaagad. Nandyan naman si Manang Odette para alalayan ka." May
Chapter forty-sixPagkatapos naming maikasal ni Cin, napuno kami ng mura galing kay Tito, Farrah at sa iba pang mga kaibigan. Nagtatampo ang mga ito pero sinabi kong may church wedding pa naman. Siguradong silang lahat invited. Walang maiiwan.Noong gabi ring 'yon, may nangyari sa amin. Ang unang gabi namin bilang mag-asawa. Natakot akong gawin 'yon pero pinaramdam niya sa akin ang labis na pag-iingat kaya kalaunan ay nawala ang takot at napalitan ng saya.Nagkaroon na rin ako ng interes sa business. Ako na ngayon ang nagma-manage ng business na naiwan nila Mama at Papa. Sa tulong ni Tito at Cin, maayos ko namang napapatakbo 'yon.Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong plano ng Mommy ni Cin. Dahil matanda na ang Daddy ni Cin, siya ang pinalit na CEO at wala namang naging reaksyon ang Mommy niya doon. Pero hindi pa rin siya nito kinakausap.Nalulungkot ako para sa kanila.Hinalikan ko ang nakanguso kong asawa
Chapter forty-five"Happy birthday to you.. happy birthday to you..."Kalalabas niya lang galing banyo nang kantahan ko siya. May hawak pa akong cake sa kamay. Gulat na gulat ang mukha niya at hawak pa ang dibdib na tinignan ako."Ginulat mo'ko. 'Wag mo na ulit gagawin 'yon kung ayaw mong mabyuda agad." Biro niya at hinipan ang cake.Hinalikan niya rin ako sa noo at sa pisnge.Bumaba ang tingin ko sa abs niyang kumikinang dahil sa tubig na galing sa shower. Tanging puting tuwalya lang ang suot niya kaya agad akong tumalikod."Mag-suot ka muna ng damit tapos baba ka. Love you." Mabilis na saad ko bago dali-daling bumaba.Narinig ko pa siyang tinawag ako pero 'di na ako lumingon. Baka mahubad ko pa 'yong tuwalya sa bewang niya kapag kinulit niya ako.Ngayon ang balik namin sa Pilipinas. Nakahanda na lahat ng bagahe namin sa sala pero naisip
Chapter forty-fourNatulog kami ng gabing 'yon nang magkatabi. Paggising namin, magkatabi pa rin. Parang ayaw naming malayo sa isa't isa, gusto naming parating nakadikit. Pababa kami ng hagdan habang nakayakap siya sa bewang ko."Bitaw na. Magluluto ako para breakfast natin." Saad ko.Pumunta kaming kitchen pero hindi niya ako hinayaang gumalaw. Nagulat ako nang pina-upo niya ako sa stool at siya ang nagsuot ng apron. Kumindat pa siya sa akin at ngumisi."Ipapakita ko sa'yo kung gaano ako kagaling na asawa. Siguradong 'di mo na ako iiwan kapag natikman mo ang pag-aalaga ko."Ngumiti ako ng matamis sakanya. "'Di na ako aalis. Promise, kahit nasaan ka, sasama ako."Inisang hakbang niya ang pagitan namin at gigil na hinalikan ako sa labi. "Talaga. Kasi kapag aalis ka ulit, itatali na kita."Siya nga ang nagluto habang nanonood lang ako. 'Buti na lang nakapag-grocery ako ngayon kundi, sa labas kami kakain. Naiimagine ko na ang
Chapter forty-threeTwo weeks. Two weeks na akong araw -araw na may bulaklak. Nagdududa na talaga ako sa mga bulaklak na 'to. Walang palya. Araw-araw meron.Para sa akin ba talaga ang mga bulaklak na 'to?! Hindi ata nagkakamali ang nagpapadala nito.Iba't ibang bulaklak ang natatanggap ko, puro magaganda at hindi lang 'yon. 'Yong note, ang lalaking nasa drawing, mas lalong lumalapit sa puso. Sa araw-araw na pagpapadala ng flowers sa akin, palapit naman nang palapit sa puso ang lalaking nasa drawing.Nagiging creepy na ang mga nangyayari. Agad kong pinunit ang note at tinapon sa basurahan dahil sa takot. Nasabi ko na kay Josephine ang bagay na 'to pero hindi ko sinabi sakanya 'yong mga note. Kilig na kilig siya samantalang ako, nag-aalala."Naku! Naaalala ko tuloy 'yong mga ginagawa ng asawa ko noon. Hays. Namimiss ko na siya! Excited na talaga akong umuwi bukas!" Tili ni Josephine na sinimangutan ng anak.Bumuntong-hininga ako at ngumisi. "U
Chapter forty-two"I'm sorry. Hindi ako nakinig sa'yo. Nagalit pa'ko, eh wala ka naman palang kasalanan. I'm sorry, frenie. Matatanggap mo pa rin ba ako?" Luhaang tanong ni Farrah habang nasa byahe kami.Umikot ang mata ko. Ilang beses na niyang sinabi 'yon. Sorry siya nang sorry habang tanggap naman ako nang tanggap. Kanina pa siya. Yakap-yakap niya ang braso ko at pilit na sumisiksik sa katawan ko."Oo nga. Ilang ulit ko bang sabihin sa'yong ayos lang. Kulit mo rin. Gusto mo bang bawiin ko na lang?" Masungit na tanong ko.Bumabyahe kami papuntang airport. Hinatid ako ni Farrah dahil wala si Tito. Ayoko na sanang sumama sila pero mapilit si Farrah. Si Tito, hindi ko talaga pinayagan dahil may trabaho pa siya."Basta, mag-ingat ka palagi doon, ah? 'Wag kang makalimot na balitaan kami. Tawag ka nang tawag. Promise, kahit nasa kalagitnaan ako ng ire, sasagutin ko ang call mo!"Tumawa ako at tumango ulit. Gusto kong manatili r
Chapter forty-one"Amber!"Masaya kong sinalubong si Jeya nang makapasok siya ng bahay. Ang aga-aga ang laki ng bunganga niya. Hindi ko mapigilang maisip si Farrah sa kanya, magkaugali, eh."Anong balita, Amber? May score na ba?" Tanong niya.Ngumiti ako at bahagyang nilingon ang daan paakyat ng kwarto kung nasaan si Cin, naliligo kasi ito para umalis. Sasama raw siyang mangisda sa Tatay ni Jeya kaya todo banta ako sakanya. Hindi siya pwedeng makipag-landian kay Hannelet.Bawal.Ngumiti ako. "One hundred over one hundred."Tumili siya at kinurot ako sa tagiliran. "Shit ka. 'Di man lang naging pabebe!""Magiging pabebe pa ba ako, eh ako nga 'yong may kasalanan! 'Buti nga pinatawad pa'ko ng isang 'yan, eh." Nguso ko at nakipagtawanan ulit sakanya.Nasa kalagitnaan kami ng pag-aayos ng mesa nang marinig namin ang pagbaba ni Cin ng hagdan. Natigil kaming dalawa ni Jeya at hinintay siyang makalapit sa'min. Kahit nakasim
Chapter fortyMaaga akong nagising kinabukasan. Napairap ako nang makitang tulog na tulog pa rin si Cin kahit tanghali na. 'Yan, iinom-inom tapos gagawa ng gulo. Napaka-gago.Napaka-saya ko ngayong umaga kaya pakanta-kanta pa ako habang nagluluto ng breakfast. Napapangiti ako sa tuwing naaalala ko ang mga siniwalat ni Cin sa akin kagabi. Kinuha ko lang naman ang pagkakataong 'yon para matanong siya nang matanong. Alam ko kasing nagiging madaldal siya kapag lasing. Lahat nalaman ko. Kung paano sila nagplano at kung paano ako kinid-nap para dalhin dito.Pagkatapos niyang magkwento, hinalik-halikan niya pa ako pero nang tapos na ako sa pagtatanong at handa na sanang makipaglaban ng halikan sakanya, bigla siyang bumagsak at humilik.Nakakapanghinayang. May panganay na sana kami ngayon kung pinili niya lang na makipag-laro sa'kin."Good morning." Paos ang boses na bati ni Cin nang makababa ng hagdan.Pinagmasdan ko s