Chapter twenty-five
"Putangin—"
Agad ko siyang siniko nang akma siyang magmumura. Pinanlakihan ko siya ng mata at nginuso si Alexandria na pumapalakpak na nanonood sa Kuya Pogi niyang galit na galit na sa kakabaril sa mga laruang nasa estante.
Marahas na bumuntong-hininga si Cin at mas ginulo ang buhok niya. Kanina pa kami naghihintay dito na matapos siya. Noong una, hindi siya nakatama kaya pinagbigyan namin sa pangalawang pagkakataon pero umabot na ata kami ng dalawang oras kakaantay, wala pa ring nangyayari kaya kating-kati na akong umalis. Ako lang, kasi nag-eenjoy naman ang Alexandria kaka-cheer sa frustrated na niyang Kuya.
"May daya ata 'to, eh?!" Inis na turo niya sa lalaking nagbabantay na umiling-iling lang.
Hinampas ko nga sa balikat. "Tumahimik ka nga. May daya? Baka ikaw 'tong hindi marunong. Akina nga 'yan!" Maarte kong inagaw sa kanya ang baril at hinawi muna ang buhok.
Napatigil naman ang lalaking nagbabantay at n
Chapter twenty-six"Magiging maayos lang siya. Ano ka ba, 'wag ka ngang masyadong mag-isip."Nakakapit ako sa braso ni Cin at nakasandal naman ang ulo sa braso niya habang nag-lalakad pabalik sa hotel namin. Iniisip ko pa rin kung anong mangyayari kay Alexandria. Kung anong klaseng disiplina ang gagawin sakanya ng babaeng may masamang ugali."Paano ako hindi mag-iisip? Nakita mo ba kanina, galit na galit ang babae, Cin! Pwede niyang saktan si Alexandria!" Singhal ko.Tumigil kami sa paglalakad at hinarap niya ako sakanya."Nag-aalala ang mommy? Edi, gagawa ng paraan ang Daddy para hindi masaktan ang Baby." Ngisi niya at hinagkan ako sa pisnge. "Gagawa ako ng paraan. Hindi siya masasaktan, baby. 'Wag ka nang mag-alala."Nakauwi kami ng hotel gabi na. Pareho kami ni Cin na walang cellphone na dala kaya hindi namin ma-contact ang mga kaibigan. Halos dumugin kami ng mga ito nang makarating kami."Hoy! Saan kayo galing, a
Chapter twenty-sevenWala na. Wala na ang plano. Kakalimutan ko na ang planong 'yon. Napagtanto kong lumagpas na ako sa harang na ginawa ko. Hindi na ako pwedeng magpanggap na may gusto ako kay Cin dahil nagkatotoo na. Kinain ko lang lahat ng pangako ko sa sarili.Mahal ko si Cin.Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog sa kanya? Kahit isip-bata, nakakakilig pa rin. 'Di ko nga na-imagine noon na kikiligin ako, eh. Jusko, ang puso ko!Habang nag-eempake, may ngiti ako sa labi kaya kung makatitig sa akin si Farrah para akong baliw. Baliw na ata talaga ako. Ngumingiti ako kahit wala namang nakakatuwa. Kahit pilitin kong sumimangot, talagang lalabas 'yong ngisi ko!Kainis na, ah?!"Girls, ready na kayo?" Katok sa amin ni Ram sa labas.Nagkatinginan kami ni Farrah. Bahagya pa siyang napatalon sa tingin ko at pasimpleng humawak sa dibdib."Problema mo?" Tanong ko."Ikaw? Problema mo?! Na-engkanto ka ba?! Ngisi ka na
Chapter twenty-eight"O, kamusta naman ang bakasyon niyo, Amber?" Biglang tanong ni Verna pagpasok ko ng kusina.Nakasunod sa likod ko si Odette na parang ayaw akong iwan. Kahit anong pagkain o tubig ang hawakan ko, tinatapon niya at hindi naman ako nagtatanong. Tahimik niya lang ang mga itong pinapalitan ng bago.Ngumisi ako. "Medyo hindi maganda. Amoy plastik minsan at maraming higad sa paligid." Pagpaparinig ko sa tahimik na si Vicky.Ewan ko kung nasaan na ang ibang anak ni Verna. 'Di na ang mga ito nagpapakita sa akin. Siguro, iniwan na siya dahil sa pagiging bruha.Sinulyapan ko si Odette at sumenyas na lalabas na. May pasok na kami ngayon kaya maaga akong nagising. Akmang tatalikod na ako nang matigil dahil sa pagsasalita ni Vicky."Bakit hindi ka muna umupo? Kumain ka. Maraming niluto ang cook ngayon. Masarap." Pinakita niya pa sa akin kung paano niya sinubo ang bacon na nginisihan ko."No, thanks. Diet ako. Try mo
Chapter twenty-nineNagising ako kinabukasan na bangag. Ang dami kong tanong kagabi na hanggang ngayon, walang sagot. 'Yong pag-alis ng dalawang anak ni Verna, ang lipstick sa collar ni Cin, kung sino ang babae nito! Nababaliw na'ko kakaisip sa dami ng tumatakbo sa isip ko! 'Buti na lang walang klase ngayon dahil weekend. Siguro uubusin ko na lang ang oras ko kakahanap ng sagot.Bago dumiretso ng banyo, binuksan ko muna ang cellphone at sunod-sunod na messages galing kay Cin ang natanggap ko. Nagmamakaawa pa ito, akala ata galit ako. Galit naman talaga ako kaya ayaw ko muna siyang replyan. Naku! 'Di pa nga kami nagtatagal, may gano'n na. Ang sakit sa puso, ah.Ang huling message ang galing kay Tito Ninong. Naisip ko kaagad ang pabor na hinihingi ko. Napatayo ako sa kama at binaba ang cellphone sa bedside table.Humingi ako ng pabor sakanya. Nagpaalam ako kung pwede ko bang makita ang CCTV footage sa parking lot noong araw na naaksidente si Mam
Chapter thirtyNagising ako kinabukasan na magaan ang pakiramdam. Sumagi ulit sa isip ko ang mukha ng mag-ina kagabi. Galit na galit na mukha ni Verna at Vicky habang isa-isang pinupulot ang mga damit nilang nagkalat sa kalsada. Bumaling ako sa kwintas na nasa bedside table.Noong nakita ko sila kagabi, noong nakita ko si Verna kagabi bigla na lang kumulo ang dugo ko. Noon pa naman kumukulo ang dugo ko kapag nagkikita kami pero iba 'yong nararamdaman ko kagabi.Bumaba ako ng hagdan at dumiretso ng kusina. Kumuha ako ng tubig pero mabilis 'yong tinabig ni Odette. Nabitawan ko ang baso at nabasag. Gumawa 'yon ng ingay at kumalat ang bubog.Hindi ako nakagalaw at tumitig sa basong basag na nasa sahig."M-mam, 'wag po kayong uminom o kumain ng mga pagkaing nandito sa loob ng ref."Hindi ako gumalaw at pinagsabihan ang isa pang katulong na linisin ang kalat. Pinagmasdan namin ang katulong na nanginginig ang kamay na ginawa ang utos ko
Chapter thirty-oneMagang-maga ang mata ko nang magising kaya halos maiyak nanaman ako ulit. Kung ano-anong kaartehan na ang nilagay ko sa mata ko para man lang matakpan ang maga pero wala. Hindi umeepekto kaya nagdesisyon na lang akong um-absent. Masama rin kasi ang pakiramdam ko, ayokong makakita ng Gago ngayon."Mam, hindi po ba kayo papasok?""May papasok bang naka-pajama? Syempre, wala kaya hindi. Hindi ako papasok." Masungit kong saad. "Tawagan mo si Farrah. Sabihin mo, may sakit ako."Pumunta ako ng living room at doon muna tumambay. Tumaas ang kilay ko nang may nakitang bulaklak sa center table. Tamad ko 'yong inabot at sininghot.Sinuri ko ang bulaklak at may nakitang note na nakaipit."I'm sorry. I love you."Binaba ko ang bulaklak at sumimangot. I love you? Pero mas naniwala sa kaibigan kaysa sa jowa? Anong klaseng love 'yon. Bahala siya sa buhay niya. Magsama sila.Mas lalong kumunot ang noo ko sa
Chapter thirty-twoBuong buhay ko, namuhay ako sa lungkot. Namuhay ako nang puno ng galit sa puso. Namuhay ako na ang iniisip lang ay kung paano makakaganti sa mag-ina. Hindi ko alam na aabot ako sa puntong gagamit ako ng tao para magawa ang plano ko.Hindi ko alam na magmamahal ako. Sakanya ko naramdaman ang saya, kilig at pagmamahal. Akala ko nga, magtatagal 'yon pero hindi. Agad ding natapos ang kasiyahang 'yon.Ayokong maging makasarili kaya mas mabuting tapusin na lang namin ang relasyon na 'yon. Hindi ako magiging masaya kapag nagsama kami habang may anak siya kay Vicky. Gusto kong lumaking may pamilya ang bata. 'Yon lang 'yong gusto ko."Bakit mo ginawa 'yon?"Hindi ako naka-imik sa tanong ni Farrah. Malamig ang boses niya kaya alam kong galit siya. Nakatanggap agad ako ng tawag sakanya pagkatapos kong paalisin sila Vicky at Cin. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang ginawa ko sa dalawa pero sigurado naman akong hindi magsasalita s
Chapter thirty-threeNo'ng gabing 'yon, dumating si Tito. Agad akong dinala sa hospital at nag-stay doon ng isang linggo. Walang bumisita sa akin bukod kay Tito at Odette. Kahit si Farrah, hindi nagpakita.Sinabi ko kay Tito ang nangyari, ang mga nabasa ko sa sulat ni Verna kaya galit na galit siyang umalis para asikasuhin ang kaso laban sa babae. Binilin kong si Verna na lang ang kunin at 'wag pakealaman si Vicky. Hindi siya pwedeng masaktan.Pinagpatuloy ko ang pag-aaral habang inaasikaso namin ang kaso. Wala nga akong ginagawa, eh dahil si Tito ang kumikilos. Pinangako niya sa akin na bago ako makaalis ng bansa, nasa kulungan na si Verna.Plano ko nang umalis pagkatapos ng graduation para magpahinga saglit o kung magustuhan ko, doon na lang ako forever. Sa Canada muna ako tatambay. Hindi nakakatulong sa akin ang mukha ni Cin. Parati kaming nagkakasalubong sa school pero parang hindi niya ako kilala. Hindi naman siya umiiwas, hindi niya lang
Epilogue"Ang hot mong tingnan dyan. Naka-suit habang nagtitimpla ng gatas. Hot daddy!" Pang-aasar ng asawa ko habang papalapit.Napanguso ako at pinagpatuloy ang pagtitimpla. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Natataranta ako sa tuwing umiiyak ang anak ko.Bumaba ang tingin ko sa asawa ko nang lumusot siya sa harap ko at inayos ang suit ko. Mas lalong humaba ang nguso ko nang makalimutan kong magsuot ng necktie. Siya na ang nagdala no'n at sinuot sa akin. Hindi pa nga ako nakakapag-suot ng sapatos dahil sa pagmamadali.May baby sitter naman kami pero kapag nasa bahay kaming mag-asawa, kaming dalawa ang nag-aalaga sa anak namin. Madalas kaming walang tulog pero masaya naman. Sobrang saya.Niyakap ko ang bewang ni Amber at hinalik-halikan ang leeg niya habang busy siya sa pagsuot ng necktie sa akin."'Wag mo nga akong nilalandi. Akyatin mo na ang anak mo do'n para maka-alis ka na."Tumawa ako at humalik ng mariin sa la
Chapter forty-sevenNapakapit ako sa sink nang biglang umikot ang paningin ko. Pinikit ko ng mariin ang mata at nang kumalma, dumilat na.Dahan-dahan akong bumaba ng kwarto sa takot na mahilo ulit. Gosh, ano bang nangyayari sa'kin? Sa pag-aalala nga ni Cin, hindi siya nakapasok kahapon. Buong araw akong hilo at masama ang pakiramdam. 'Buti na lang naging maayos na ngayon kaya nakapag-trabaho na ulit si Cin.Kung ano-ano pang pinadala nila Tito at Mommy sa akin na sila Jeya at Farrah lang naman ang kumakain.Kasalukuyan akong nagbe-breakfast nang tumunog ang cellphone ko. Agad kong sinagot nang makitang ang asawa ko ang tumatawag."Hello." Malambing kong bati."Ayos ka na? May masakit sa'yo? Gusto mo bang umuwi ako?"Natawa ako. "Ayos lang ako. 'Wag ka nang mag-alala.""Hindi ako makapag-trabaho ng maayos kakaisip sa'yo. Kapag may masakit, tumawag ka kaagad. Nandyan naman si Manang Odette para alalayan ka." May
Chapter forty-sixPagkatapos naming maikasal ni Cin, napuno kami ng mura galing kay Tito, Farrah at sa iba pang mga kaibigan. Nagtatampo ang mga ito pero sinabi kong may church wedding pa naman. Siguradong silang lahat invited. Walang maiiwan.Noong gabi ring 'yon, may nangyari sa amin. Ang unang gabi namin bilang mag-asawa. Natakot akong gawin 'yon pero pinaramdam niya sa akin ang labis na pag-iingat kaya kalaunan ay nawala ang takot at napalitan ng saya.Nagkaroon na rin ako ng interes sa business. Ako na ngayon ang nagma-manage ng business na naiwan nila Mama at Papa. Sa tulong ni Tito at Cin, maayos ko namang napapatakbo 'yon.Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong plano ng Mommy ni Cin. Dahil matanda na ang Daddy ni Cin, siya ang pinalit na CEO at wala namang naging reaksyon ang Mommy niya doon. Pero hindi pa rin siya nito kinakausap.Nalulungkot ako para sa kanila.Hinalikan ko ang nakanguso kong asawa
Chapter forty-five"Happy birthday to you.. happy birthday to you..."Kalalabas niya lang galing banyo nang kantahan ko siya. May hawak pa akong cake sa kamay. Gulat na gulat ang mukha niya at hawak pa ang dibdib na tinignan ako."Ginulat mo'ko. 'Wag mo na ulit gagawin 'yon kung ayaw mong mabyuda agad." Biro niya at hinipan ang cake.Hinalikan niya rin ako sa noo at sa pisnge.Bumaba ang tingin ko sa abs niyang kumikinang dahil sa tubig na galing sa shower. Tanging puting tuwalya lang ang suot niya kaya agad akong tumalikod."Mag-suot ka muna ng damit tapos baba ka. Love you." Mabilis na saad ko bago dali-daling bumaba.Narinig ko pa siyang tinawag ako pero 'di na ako lumingon. Baka mahubad ko pa 'yong tuwalya sa bewang niya kapag kinulit niya ako.Ngayon ang balik namin sa Pilipinas. Nakahanda na lahat ng bagahe namin sa sala pero naisip
Chapter forty-fourNatulog kami ng gabing 'yon nang magkatabi. Paggising namin, magkatabi pa rin. Parang ayaw naming malayo sa isa't isa, gusto naming parating nakadikit. Pababa kami ng hagdan habang nakayakap siya sa bewang ko."Bitaw na. Magluluto ako para breakfast natin." Saad ko.Pumunta kaming kitchen pero hindi niya ako hinayaang gumalaw. Nagulat ako nang pina-upo niya ako sa stool at siya ang nagsuot ng apron. Kumindat pa siya sa akin at ngumisi."Ipapakita ko sa'yo kung gaano ako kagaling na asawa. Siguradong 'di mo na ako iiwan kapag natikman mo ang pag-aalaga ko."Ngumiti ako ng matamis sakanya. "'Di na ako aalis. Promise, kahit nasaan ka, sasama ako."Inisang hakbang niya ang pagitan namin at gigil na hinalikan ako sa labi. "Talaga. Kasi kapag aalis ka ulit, itatali na kita."Siya nga ang nagluto habang nanonood lang ako. 'Buti na lang nakapag-grocery ako ngayon kundi, sa labas kami kakain. Naiimagine ko na ang
Chapter forty-threeTwo weeks. Two weeks na akong araw -araw na may bulaklak. Nagdududa na talaga ako sa mga bulaklak na 'to. Walang palya. Araw-araw meron.Para sa akin ba talaga ang mga bulaklak na 'to?! Hindi ata nagkakamali ang nagpapadala nito.Iba't ibang bulaklak ang natatanggap ko, puro magaganda at hindi lang 'yon. 'Yong note, ang lalaking nasa drawing, mas lalong lumalapit sa puso. Sa araw-araw na pagpapadala ng flowers sa akin, palapit naman nang palapit sa puso ang lalaking nasa drawing.Nagiging creepy na ang mga nangyayari. Agad kong pinunit ang note at tinapon sa basurahan dahil sa takot. Nasabi ko na kay Josephine ang bagay na 'to pero hindi ko sinabi sakanya 'yong mga note. Kilig na kilig siya samantalang ako, nag-aalala."Naku! Naaalala ko tuloy 'yong mga ginagawa ng asawa ko noon. Hays. Namimiss ko na siya! Excited na talaga akong umuwi bukas!" Tili ni Josephine na sinimangutan ng anak.Bumuntong-hininga ako at ngumisi. "U
Chapter forty-two"I'm sorry. Hindi ako nakinig sa'yo. Nagalit pa'ko, eh wala ka naman palang kasalanan. I'm sorry, frenie. Matatanggap mo pa rin ba ako?" Luhaang tanong ni Farrah habang nasa byahe kami.Umikot ang mata ko. Ilang beses na niyang sinabi 'yon. Sorry siya nang sorry habang tanggap naman ako nang tanggap. Kanina pa siya. Yakap-yakap niya ang braso ko at pilit na sumisiksik sa katawan ko."Oo nga. Ilang ulit ko bang sabihin sa'yong ayos lang. Kulit mo rin. Gusto mo bang bawiin ko na lang?" Masungit na tanong ko.Bumabyahe kami papuntang airport. Hinatid ako ni Farrah dahil wala si Tito. Ayoko na sanang sumama sila pero mapilit si Farrah. Si Tito, hindi ko talaga pinayagan dahil may trabaho pa siya."Basta, mag-ingat ka palagi doon, ah? 'Wag kang makalimot na balitaan kami. Tawag ka nang tawag. Promise, kahit nasa kalagitnaan ako ng ire, sasagutin ko ang call mo!"Tumawa ako at tumango ulit. Gusto kong manatili r
Chapter forty-one"Amber!"Masaya kong sinalubong si Jeya nang makapasok siya ng bahay. Ang aga-aga ang laki ng bunganga niya. Hindi ko mapigilang maisip si Farrah sa kanya, magkaugali, eh."Anong balita, Amber? May score na ba?" Tanong niya.Ngumiti ako at bahagyang nilingon ang daan paakyat ng kwarto kung nasaan si Cin, naliligo kasi ito para umalis. Sasama raw siyang mangisda sa Tatay ni Jeya kaya todo banta ako sakanya. Hindi siya pwedeng makipag-landian kay Hannelet.Bawal.Ngumiti ako. "One hundred over one hundred."Tumili siya at kinurot ako sa tagiliran. "Shit ka. 'Di man lang naging pabebe!""Magiging pabebe pa ba ako, eh ako nga 'yong may kasalanan! 'Buti nga pinatawad pa'ko ng isang 'yan, eh." Nguso ko at nakipagtawanan ulit sakanya.Nasa kalagitnaan kami ng pag-aayos ng mesa nang marinig namin ang pagbaba ni Cin ng hagdan. Natigil kaming dalawa ni Jeya at hinintay siyang makalapit sa'min. Kahit nakasim
Chapter fortyMaaga akong nagising kinabukasan. Napairap ako nang makitang tulog na tulog pa rin si Cin kahit tanghali na. 'Yan, iinom-inom tapos gagawa ng gulo. Napaka-gago.Napaka-saya ko ngayong umaga kaya pakanta-kanta pa ako habang nagluluto ng breakfast. Napapangiti ako sa tuwing naaalala ko ang mga siniwalat ni Cin sa akin kagabi. Kinuha ko lang naman ang pagkakataong 'yon para matanong siya nang matanong. Alam ko kasing nagiging madaldal siya kapag lasing. Lahat nalaman ko. Kung paano sila nagplano at kung paano ako kinid-nap para dalhin dito.Pagkatapos niyang magkwento, hinalik-halikan niya pa ako pero nang tapos na ako sa pagtatanong at handa na sanang makipaglaban ng halikan sakanya, bigla siyang bumagsak at humilik.Nakakapanghinayang. May panganay na sana kami ngayon kung pinili niya lang na makipag-laro sa'kin."Good morning." Paos ang boses na bati ni Cin nang makababa ng hagdan.Pinagmasdan ko s