“SA NGALAN ng Ama, ng Anak, ng Espirito Santo—”“707, 703, 705 at 701 may mga armadong kalalakihan ang dumating sa hindi kalayuan. Sakay sila ng itim at abong kotse malapit sa isang malaking puno sa kaliwa sa inyong harapan.” Umigting ang aking panga nang marinig ang sinabi sa kabilang linya ni 702.Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuang lugar at napatigil ang aking mga mata sa malaking puno sa hindi kalayuan. Hinanap ko ang itim at abong kotse na kakarating lang doon.“Humanda kayo, 703, 705 at 701 marami ang kalaban natin,” bulong ko sa aking mga kasamahan na tulad ko ring nakatingin sa aking tinitingnan.Ngumisi ako nang mabilang ko kung ilan ang kalaban namin lahat. Dalawampu’t dalawa sila, napatingin ako kay Lolo nang sikuhin niya ako. Alam kong sinasabi niya rin sa akin na nakita niya na ang nakikita ko. Kahit gaano pa kami kahanda sa ganit
Read more