Beranda / Semua / Revenge of the Wife / Bab 61 - Bab 70

Semua Bab Revenge of the Wife: Bab 61 - Bab 70

73 Bab

Chapter 61

HINDI alam ni Romulos kung saan siya dadaan. Sa isang masukal na damuhan o sa isang malinis na daan?Hindi niya alam kung paano siya nakarating sa lugar na kinatatayuan niya ngayon. Ang alam lang niya ay naghahanap lamang siya kanina ng punong mangga para sa buntis niyang asawa. Sigaw kasi ito ng sigaw sa kaniya na gusto nito ng hilaw na mangga. At dahil malayo pa sa bayan ang kanilang bahay ay pumunta na lamang siya sa likod ng kanilang bahay at pumasok sa isang masukal na gubat. Sigurado siyang maraming punong mangga ang makikita niya roon at hitik sa mga bunga. Ngunit, mukha yata siyang nagkakamali. Wala siyang makitang ni isang mangga kanina pa. Di yata't nagmamalik mata lamang siya noong isang araw nang mapadpad siya rito sa kagubatan habang nangangahoy? Ipinilig na lamang niya ang ulo mula sa malalim na pag-iisip. Bumalik siya sa kaniyang kinasasadlakan ngayon. Ano nang gagawin niya? Mukha yatang naligaw siya at hindi na alam ang d
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-06-13
Baca selengkapnya

Chapter 62

NANLULUMO SI Oddyseus nang marinig na naman niya ang sigaw ng mga bata sa kalye na kaniyang nadadaanan."Kuba! Kuba! Ahh! Pangit! Pangit!""Sinumpa! Sinumpa! Pangit!"Yukong-yuko siya habang naglalakad. Kahit hindi man siya yumuko, sasabihin paring nakayuko siya. Gustuhin man niyang patulin ang mga bata sa panlalait nito sa kaniya hindi niya magawa. Totoo naman kasi ang mga sinisigaw nito sa kaniya, saka ang totoo hindi niya kayang manlaban. Isa siyang mahina.Hindi lang iyon. Mukha yata talaga siyang sinumpa dahil sa kaniyang anyo. May malaki siyang bukol sa kaniyang likod na kung saan tinatawag na kuba. Maging ang kaniyang mukha ay kulubot. Ang mga mata niyang parang tinunaw na kandila. Para iyong kipat kung titingnan. Hindi mo gugustuhing mapatingin sa kaniya. Aakalain mo talaga na isa siyang masamang tao o aswang ayon sa iba. Na hindi naman talaga totoo. Bitbit ang basket ng kaniyang Ina na puno ng mga gulay at ulam nila ay n
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-06-13
Baca selengkapnya

Chapter 63

"ANAK! DIYOS KO! Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin hinihintay ng 'yong ama..."Iniabot naman agad ng kaniyang Inang Victoria ang dala niyang basket na puno ng mga gulay at kasangkapan sa pagluluto. Lumapit naman sa kaniya ang Amang si Romulos at pinakatitigan siya na may pagaalala sa mukha.Ngumiti siya sa mga ito saka isinara na ang pinto ng kanilang bahay. Mahirap na at baka pasukin sila ng mga magnanakaw. Balita pa naman niya kanina doon sa palengke na uso ngayon ang akya't bahay.Hindi rin naman kasi sila ganoon kahirap sa buhay. Masasabi niyang katamtaman ang estado nila. Nakakain naman kasi sila ng tatlong beses sa isang araw. Bumaling siya sa kaniyang Ina."Natagalan po kasi ako sa bayan, Ina. Kung kaya't gabi na po akong naka-uwi.""Diyos ko, anak. Mabuti na lamang at walang nangyaring masama sa'yo. Sa susunod sumabay ka na sa Amang mo sa pag-uwi. Para hindi ako mag-alala sa'yo ng ganito."Tumango na lamang siya saka tumungo s
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-06-13
Baca selengkapnya

Chapter 64

MABILIS ANG lakad ni Oddyseus habang papalabas na ng campus ng paaralan. Nagmamadali siya para hindi niya makasabay ang mga ibang estudyante na walang ginawa kundi ang laiitin siya palagi.Hindi niya alintana ang mga mapang-usig na tingin ng kapwa niya estudyante habang nakakasalubong niya ang mga ito. Tinuturing na lamang niyang parang wala siyang nakikita at nararamdaman. Sa ganoong paraan hindi siya masasaktan ng katotohanan. Noon pa man tanggap na niya ang sumpang iginawad sa kaniya ng diwata. Nagpapasalamat parin siya rito dahil kahit papaano binuhay siya nito at hindi pinatay. Iyon nga lang para narin siyang pinatay dahil sa mga panlalait na kaniyang natatanggap araw-araw. Ngunit kahit na ganoon, masaya parin siya at nasaksihan at naranasan niya ang pagmamahal ng isang magulang. Bigla lamang siyang napatigil nang mabunggo siya sa isang matigas na bagay. Umangat ang kaniyang tingin at pinakatitigan kung ano ang bagay na 'yon.
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-06-13
Baca selengkapnya

Chapter 65

HANGGANG NGAYON hindi parin makapaniwala si Oddyseus na kasama niya si Olcea at ang pinsan nitong si Adeva kahapon. Lutang na lutang parin ang isip niya hanggang ngayon. Nangyari nga ba ang kahapon? Nakasabay nga ba niya talaga si Olcea pauwi? Or nanaginip lang talaga siya?Pero napangisi siya ng ubod laki nang maalala niyang hindi pala siya nanaginip no'n. Totoo iyong nangyari, ang lahat ng nangyari.Kasalukuyan siyang nag-aalmusal ngayon at kasabay niya ang kaniyang mga magulang sa hapag-kainan.Hindi niya alam ang sasabihin sa mga ito ang tunay niyang nararamdaman. Baka mamaya sabihan lang siya ng mga ito na lumayo sa gulo. Lalo na't alam ng mga ito na delikado ang tatay ni Olcea.Ayaw niyang mangyari iyon. Alam niyang iniisip lang ng mga magulang niya ang kaniyang kapakanan pero hindi niya rin maiwasan ang bugso ng kaniyang damdamin para kay Olcea. Mahal na mahal niya ito simula pa noong bata pa
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-06-13
Baca selengkapnya

Chapter 66

YUKONG-YUKO SI Oddyseus habang nasa loob sila ng cafeteria kasama sina Olcea at Adeva. Halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa kanilang pwesto. Parang piniprito ang kaniyang pwet. Kanina pa niya gustong tumayo at tumakbo ngunit hindi niya magawa.Kasama niya si Olcea ang babaeng pinakamamahal niya. Hindi niya alam kung paano siya napasama sa dalawa basta ang natatandaan na lamang niya ay hinila siya kanina sa hallway ni Olcea, saka dinala rito sa loob ng cafeteria. Kung saan pinagsisisihan niyang sumama. Kumakain ang dalawa ng spaghetti. Samantalang siya hindi manlang ginagalaw ang pagkain sa kaniyang plato."Oo nga pala, Oddy. Wala ka naman talagang lahing aswang 'di ba?" Biglang untag sa kaniya ni Adeva dahilan upang mawala ang malalim niyang pag-iisip.Bago pa man siya makasagot naunahan na siya ni Olcea. "Ano ka ba naman, insan. Maniniwala ka rin ba sa mga tsismis ng kababayan natin? At mapapaniwala sa mga kwento-kwento nila?"Napangit
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-06-13
Baca selengkapnya

Chapter 67

"KANINA ka pa namin hinihintay, Oddy. Saan ka galing at ginabi ka ngayon?" Bungad sa kaniya ng Ina Victoria niya.Nolampasan niya ito saka siya umupo sa sofa na nasa kanilang bahay. Tinanggal niya ang kaniyang sapatos saka siya bumaling rito."Dumaan pa po kasi ako sa library kanina, Ina. Ginawa ko lang po iyong assignment ko," pagsisinungaling ulit niya rito.Rinig na rinig niya ang malakas na buntong hininga ng kaniyang Ina nang marinig ang kaniyang sinabi."Anak, huwag kang mahihiyang magsabi sa amin ng Itay mo kapag may problema ka ah? Sabihin mo sa akin, huwag kang mag dadalawang isip."Tumango siya saka hinawakan niya ang mga kamay nito saka siya ngumiti ng ubod tamis rito. "Pangako, Ina. Sasabihin ko ho agad sa inyo.""Mahal na mahal ka namin anak, kaya andito lang kami ng iyong Itay para sa'yo."Niyakap siya nito ng napaka-higpit. Lihim siyang napa
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-06-13
Baca selengkapnya

Chapter 68

NANLALATA SI OLCEA habang pinagmamasdan ang likod ni Oddyseus na papalayo sa kaniya. Agad naman siyang inalalayan ng kaniyang kaibigang si Adeva nang bigla na lamang siyang nanghina. Hindi niya alam pero parang sinaksak ang kaniyang puso ng isang napakatalim na kutsilyo na siyang sumugat ng malalim sa kaniyang puso. Hindi narin niya namalayan ang pagtulo ng kaniyang mga luha sa kaniyang pisngi. Agad naman siyang nilapitan ng kaniyang pinsan na si Adeva. Takang-taka ito habang nakatitig sa kaniya at pinapatahan siya sa pag-iyak. "Oh? Bakit ka umiiyak diyan? Huwag mong sabihin na naa-apektuhan ka sa sinabi ng kubang 'yon, este ni Oddy?"Tinapunan niya ito ng masamang tingin nang marinig niya ang sinabi nitong Kuba. Ilang beses niya bang sabihin sa pinsan na Oddy ang itawag nito sa lalaki? Iyong hindi na panlalait ang lumalabas nito sa bibig."W-wala," wala sa mood niyang sagot rito habang pinipigalan na niyang hindi mapa-iyak. 
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-06-13
Baca selengkapnya

Chapter 69

"BAKIT NGAYON ka lang, Olcea? Saan ka galing?" Bungad agad sa kaniya ng kaniyang Ama nang makarating siya sa kanilang bahay. Pagod na pagod siyang binalingan ito ng atensyon. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa tanong nito o maiinis. Ganito na lamang ba parati ang tanong na sasalubong sa kaniya? Hindi na niya makayanan pa."Ama, dumaan lang po kami ni Adeva sa isang kainan doon sa bayan kanina. Huwag po kayong mag-alala. Wala po sa aming nangyaring masama."Dumiretso siya sa kusina saka kumuha ng isang basong tubig mula sa refrigerator. Nilagok niya iyon ng sunod-sunod at hindi pinansin ang mga pinagsasabi ng kaniyang Ama. "Alam kong nagsisinungaling ka, Olcea. Nagkita kami ni Connor kanina at sinabi niya sa akin ang patuloy na paglapit sa'yo ni Oddyseus, totoo ba iyon?"Inilapag niya sa mesa ang basong kaniyang ininuman saka tinitigan ang kaniyang ama na parang pagod na pagod. Pagod na pagod na talaga siya sa pagpapaintindi rito n
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-06-13
Baca selengkapnya

Chapter 70

"ODDY, ANAK. Ano ang nangyayari sa'yo at ilang araw at gabi ka na lamang na naglulugmok diyan sa silid mo. May problema ka ba? Ikwento mo naman sa akin, baka matulungan kita, anak," pukaw sa kaniya ng Ina.Nakalugmok nga siya ngayon sa kaniyang silid at nakatanaw lamang sa kawalan. Inaalala niya ang itsura ni Olcea noong isang araw nang iwan niya ito. Puno ng pagtataka ang mukha nito at pagkalungkot. Gusto niya itong puntahan ngayon pero pinipigilan rin siya ng kaniyang kabilang isip. Kung gagawin niya iyon baka pagalitan na naman si Olcea ng ama nitong galit na galit sa kaniya.Sa halip na sagutin ang Inang Victoria niya hindi niya ito sinagot. Nagtalukbong na lamang siya ng kumot. "Hindi ho ulit ako papasok ngayon, Ina. Masama parin ho ang pakiramdam ko," pagsisinungaling niya rito.Rinig niya ang malalim na paghinga nito. Ramdam niyang unti-unti itong lumakad patungo sa kaniyang kama. Ibinaba nito ang kumot na nakatalukbong sa kaniya
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-06-13
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
345678
DMCA.com Protection Status