ERIN'S POVHuminga ako ng malalim bago naglakas loob na sumugod sa gate na nasa harap ko ngayon. Hindi pa man ako nakakasigaw, nakita kong papalabas na si Nadia kasama si Trina. At mukhang nagkakatuwaan sila. "Asan ang asawa ko?" galit na bungad ko sa kaniya, habang si Sab naman pinipigilan ako. Napalingon naman sila sa gawi ko, nakita ko ang pagkagulat nila na andito ako ngayon. "Asan ang asawa ko, Nadia?!" sigaw ko kay Nadia na tila nagbago ang expression ng mukha. May ngisi sa labi noya bago siya tumingin kay Trina na nakatingin sa akin. "Bakit sa akin mo hinahanap ang asawa mo? Bakit, Erin? Nagsawa na ba siya sayo?" sabi niya at ngumiti ng matamis na ikinainis ko.Tumingin pa siya kay Trina bago sila ngumiti. Wow! "At talagang magkaibigan talaga kayo ano? Sabagay, bagay naman kayong magsama. Mga KABIT, illegal kumbaga," nakangiti ko ring sab
อ่านเพิ่มเติม