All Chapters of The Obsession Of A Dominant Billionaire: Chapter 281 - Chapter 290

426 Chapters

Chapter 34 - Save Jackylyn!

Napamura si Theon ng subrang lutong nang matamo niya ang isang malakas na sipa sa kaniyang tiyan. Hindi niya nailagan iyon dahil may dalawa pang sumugod para paluhurin siya. Fuck! Napaatras siya sa sakit pero agad din sinalo ang isang paa na muling sisipa sa kaniya at binalibag ito sa mga kasama nito.  Tumawa naman ng subrang lakas sa kabilang linya si Mordeccai at pumalakpak. "That's it dupe! Iba talaga magagawa ng malandi mong puso, no?"  "Shut up," pakli niya habang sinasalag bawat tira ng mga ito.  "Mama mo shut up!" tinawanan lang siya nito at nawala.  Fuck this. Kung patuloy pa siyang bwesitin ng mga hayop na 'to na wala yatang balak tantanan siya. Pwes, hindi rin naman nagpapabwesit ang kamao niya at paa. Nagpahid siya ng dugo na kumawala sa kaniyang labi at napangisi naman ang isa sa gumawa nito sa kaniya.  Tumalim ang kaniyang mata sa isang lalak
Read more

Chapter 35 - Go After Her

"Fuck!" malakas na mura ni Theon nang hilain siya ni Mordeccai pabalik sa pwesto niyang pagmamaneho. Nabunggo ang ulo niya kaya inis na binalingan niya ito at akmang babatukan.  "Si Jackylyn!" turo nito sa daan. Mabilis siyang napasunod ng tingin sa kamay nito at nagpalinga-linga. "Biro lang." Gigil na sinapak niya ito sa ulo at isang malutong na tawa ang binigay sa kaniya. Nagseryuso siya sa pagmamaneho at mas binilisan pa ang takbo, kailangan nilang maabutan ang dalaga. Nakakatamad maghanap sa totoo lang, hindi siya mahilig sa larong 'Come And Get Me'.  Nakakangilong tunog ng gulong nang huminto sila sa harap ng airport na sinasabi ng kaibigan niyang halos sumubsob na sa dashboard at nangangalaiting tiningnan siya ng masama. Inismiran lang niya si Mordeccai at agad ng lumabas sa sasakyan habang nakasukbit ang baril sa suot niyang pantalon.  Shit! Gusto niyang sumigaw sa galit. Sa dam
Read more

Chapter 36 - Popcorn

"Theon!" "Jacky!" Natigilan si Theon sa pagpasok sa loob ng plane nang makitang nakaumang ang improvised baston-gun sa kaniya ni Don Jukka. Sa kabilang kamay nito ay ang cigarette pipe at kampante itong humithit ng usok at binuga sa hangin. Natalo rin niya ang dalawang lalaking nakaharang sa kaniyang daraanan kanina. Sa pagmamadali niyang makuha ang babae, ginamitan niya ang mga ito ng nakakamatay na technique at 'yon ay hilain ng mapwersa ang lalamunan ng isa saka malakas na siniko ang puso. Habang ang isa ay pinuntarya niya ang leeg nito at pinaghahampas ang ulo sa bakal na hagdanan.  Napahugot siya ng malalim na hininga. May apat na lalaking nakatayo at lahat ng mga 'to ay nakapamulsa habang naghihintay sa utos ng Don. Mula sa labas, dinig na dinig niya ang patuloy na pagpapatayan ng mga kasamahan niya at ito siya ngayon, naghahabol ng hiningang nakatayo sa harapan ng mga 'to. "Don't ever thi
Read more

Final Chapter 37 - I'm Coming

Tatlong buwan ang nakalipas, kung nakakangalay lang ang ngumuti baka kanina pa nangalay ang mukha ni Theon sa kakangiti habang pinagmamasdan si Jackylyn na lumabas ng silid. Ito 'yung araw na pupuntahan nila ang lolo nitong nakakulong panghabang buhay sa Finland. Naging tahimik lang ang kaso ng matandang Don, hindi rin pinalabas sa kahit anuman News ang nangyaring patayan. Lahat ng mga leak footage sa nangyaring patayan ay binubura ng babaeng mahal niya at pinatiling tahimik ang lahat.  "Laway mo," biro sa kaniya ni Jackylyn.  "Napunasan ko na." ngumisi siya at irap naman ang nakuha niya sa dalaga.  Doon lang din niya napansin na suot nito ang kwentas na binigay niya matagal na. Naglaho ang kaniyang ngiti at lumapit dito. "That necklace..." Napatingin naman ito sa suot nito at namumulang napangiti. "Oo, tinago ko. Maraming beses na gusto ko 'to itapon para kalimutan ka kaso hindi ko ma
Read more

Special Chapter

 "Theon!"  Hindi na kailangan lumingon ni Theon oara alamin kung sino ang tumawag sa kaniyang pangalan, alam niyang ang ex-wife niya ito.  "Theon!" Masayang tumakbo si Amara papalapit sa kaniya para yakapin siya nang biglang humarang si Azael na asawa nito na nakasimangot ang mukha.  "Back off, asshole." Humarang ito sa gitna at ito mismo ang yumakap babae ng mahigpit at bigla siyang binelatan.  Ngumisi siya at mas lalong inasar ang lalaki. "Ang damot mo, ah! She's my wife way back then." nakakalokong saad niya. Jackylyn his wife was on her way to church. Nasa isang sikat na Recording Station pa ito. Ang pangarap nito na gustong maging singer, tinupad nila pareho basta sa gabi, magkasama silang dalawa sa kama. Ngayon sikat na sa industriya ang kaniyang asawa, paminsan-minsan ay nagdu-duet sila sa mga concert nito at maraming tao na pinakilig. 
Read more

BOOK 6: Kabanata 1 - FARHISTT X ODESSA

Napatingin si Farhistt sa apat na lalaking papasok sa loob ng kaniyang pribadong opisina. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi nang makitang duguan ang isa sa kasama ng mga 'to. Sandali siyang tumigil sa pagsusulat at binaba ang lapis. “What happened?” kahit alam naman niya ang sagot.“Napaaway lang sa kanto.” ngumisi si Magnar at sinulyapan si Gallagher na pinipilit ampatin ang dumudugong noo. “Why won't you two admit it?” seryusong tanong niya. Umupo agad sa mahabang sofa si Maccabi at Tiverius na nakangisi. Alam niyang nag-away na naman ang mga ito sa labas. “Pinag-awayan nila ang isang babae, Yx.” natatawang singit ni Maccabi. Tama nga ang nasa isip niya. Babae na naman ang pinag-aawayan ng dalawang magkakaibigan na 'to. Hindi na siya nagtaka, nakahiligan na yata ng dalawa na laging iisang babae ang laging nagugustuhan at ang ending, parehong hindi ito napipili. “Kung hindi kasi maepal 'tong si Magnar, sasagutin na sana ako ng nililigawan ko.” inis na pakli ni Gallagher sabay di
Read more

Kabanata 2

May binigay na tao sa kaniya si Maccabi na pwedeng tumulong sa kaniya pagdating sa nasabing probinsya ng Zamboanga. Ang eksaktong address na pupuntahan niya ay baryong Bayog. Isang may katandaang lalaki  ang sumundo sa kaniya sa terminal at nagpakilalang kaibigan ng ama ni Maccabi ito. Ito na rin mismo ang magiging guide niya papuntang baryo ng Bayog. “Ilang araw o linggo kayo mananatili sa baryong iyon, Sir?” “Depende pero pinakamataas na ho'yang 2 weeks,” ganting sagot niya sa lalaking nagngangalang Domenggo. Mabilis itong tumango. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin mo sa lugar na 'yon, Sir basta mag-iingat ka lang.” Tumango siya at tiningnan ang dinaanan nila. Sakay sila sa isang bus papuntang Baryo ng Buug saka sila tuluyan sasakay ng isang habal-habal para makapasok ng tuluyan sa nasabing lokasyon. “Nasabi na rin sa'kin ni Maccabi, Sir, na ako na bahala sa in
Read more

Kabanata 3

Maaga pa lang, nagising na si Farhistt sa tilaok ng manok sa labas. Nag-push up muna siya at nag-sit ups bago tuluyang bumangon. Niligpit niya rin ang kinahihigaan at inayos ang pagkaka-file ng mga 'to sa isang tabi. Una niyang nabungaran ang dalagang nagngangalang Odessa sa kusina at nagluluto ng umagahan. Nung makita siya ng dalaga, biglang naging asiwa ito at hindi agad mapakali sa ginagawa kaya nagpasya siyang lumabas at tumambay sa bakuran. Lalanghap lang siya ng hanging probinsya. Mamaya lang ay magsisimula siya sa assignment niya na walang magsususpitsya sa kaniyang galaw at kilos bilang bagong salta sa lugar na ito. “B-baka gusto mo ng kape...” Napalingon siya sa babae, may dala itong isang tasang may black coffee at nahihiyang inabot sa kaniya. Walang kangiti-ngiting tinanggap niya iyon at tinikman. “Thanks.” Masarap ang kape at purong puro iyon, walang halong kemikal. 
Read more

Kabanata 4

Napilitan si Farhistt na magpasama kay Odessa sa bayan ayon na rin sa pangungulit ni Mang Bartolome. Isang kupasing tshirt at pantalong maong ang kaniyang suot para hindi siya halata nung umalis sila. Nakasuot din siya ng kupasing sumbrero at nakatsinelas na parang isang ordinaryong mamayan. Ang gusto niya sana, siya ang umalis mag-isa para hindi siya mahirapan pero wala siyang choice. “F-frahisto,” untag sa kaniya ni Odessa. Nakasakay sila ngayon ng motorsiklo papuntang bayan at magkatabi sa upuan. Nararamdaman niyang naiilang ang dalaga sa kaniyang tabi pero hindi niya pinansin iyon, siguro hindi lang sanay ito sa kaniyang presinsya. “Yes?” “Bisaya language ang gamit ng mga tao rito baka——” “It's okay, nakakaintindi ako ng lenggwaheng 'yan.” Tumango ito at hindi na muling nagsalita pa hanggang sa dumating sila sa bayan. Tulad ng kaniyang inaasah
Read more

Kabanata 5

Lihim na pinagmamasdan ni Odessa si Frahisto na nag-iigib ng tubig. Ewan ba, sa tuwing napapatingin siya sa mga mata ng lalaki, para siyang napapahipotismo at hindi niya mapigilan kiligin. Pinipilit lang niyang umarteng kaswal sa harap nito pero hindi niya mapigilan mabulol sa tuwing kausap ang lalaki. Sayang nga lang, may asawa na ito. Nalungkot siya sa bahaging 'yon pero binalewala rin niya agad. Aaminin niyang may gusto siya sa lalaki nung una pa lang niyang kita rito. Siguro dahil first time niya makakita ng ganito kakgwapong nilalang na bumaba sa lupa. Sa sobrang kagwapuhan nito, parang ayaw niya na yatang mawala sa paningin niya ang lalaki. “Odessa?” Bahagya siyang nagulat nang tinawag siya nito. Naramdaman niyang namula ang kaniyang pisngi na tumingin sa lalaki. “B-bakit?” “Mauna ka na sa bahay. Kaya ko na sarili ko rito.” Napakagat siya ng labi. Pati boses ng la
Read more
PREV
1
...
2728293031
...
43
DMCA.com Protection Status