Share

Kabanata 3

Maaga pa lang, nagising na si Farhistt sa tilaok ng manok sa labas. Nag-push up muna siya at nag-sit ups bago tuluyang bumangon. Niligpit niya rin ang kinahihigaan at inayos ang pagkaka-file ng mga 'to sa isang tabi. Una niyang nabungaran ang dalagang nagngangalang Odessa sa kusina at nagluluto ng umagahan. 

Nung makita siya ng dalaga, biglang naging asiwa ito at hindi agad mapakali sa ginagawa kaya nagpasya siyang lumabas at tumambay sa bakuran. Lalanghap lang siya ng hanging probinsya. Mamaya lang ay magsisimula siya sa assignment niya na walang magsususpitsya sa kaniyang galaw at kilos bilang bagong salta sa lugar na ito. 

“B-baka gusto mo ng kape...” 

Napalingon siya sa babae, may dala itong isang tasang may black coffee at nahihiyang inabot sa kaniya. Walang kangiti-ngiting tinanggap niya iyon at tinikman. 

“Thanks.” Masarap ang kape at purong puro iyon, walang halong kemikal. 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status