Napilitan si Farhistt na magpasama kay Odessa sa bayan ayon na rin sa pangungulit ni Mang Bartolome. Isang kupasing tshirt at pantalong maong ang kaniyang suot para hindi siya halata nung umalis sila. Nakasuot din siya ng kupasing sumbrero at nakatsinelas na parang isang ordinaryong mamayan. Ang gusto niya sana, siya ang umalis mag-isa para hindi siya mahirapan pero wala siyang choice.
“F-frahisto,” untag sa kaniya ni Odessa.
Nakasakay sila ngayon ng motorsiklo papuntang bayan at magkatabi sa upuan. Nararamdaman niyang naiilang ang dalaga sa kaniyang tabi pero hindi niya pinansin iyon, siguro hindi lang sanay ito sa kaniyang presinsya.
“Yes?”
“Bisaya language ang gamit ng mga tao rito baka——”
“It's okay, nakakaintindi ako ng lenggwaheng 'yan.”
Tumango ito at hindi na muling nagsalita pa hanggang sa dumating sila sa bayan. Tulad ng kaniyang inaasah
Lihim na pinagmamasdan ni Odessa si Frahisto na nag-iigib ng tubig. Ewan ba, sa tuwing napapatingin siya sa mga mata ng lalaki, para siyang napapahipotismo at hindi niya mapigilan kiligin. Pinipilit lang niyang umarteng kaswal sa harap nito pero hindi niya mapigilan mabulol sa tuwing kausap ang lalaki. Sayang nga lang, may asawa na ito.Nalungkot siya sa bahaging 'yon pero binalewala rin niya agad. Aaminin niyang may gusto siya sa lalaki nung una pa lang niyang kita rito. Siguro dahil first time niya makakita ng ganito kakgwapong nilalang na bumaba sa lupa. Sa sobrang kagwapuhan nito, parang ayaw niya na yatang mawala sa paningin niya ang lalaki.“Odessa?”Bahagya siyang nagulat nang tinawag siya nito. Naramdaman niyang namula ang kaniyang pisngi na tumingin sa lalaki. “B-bakit?”“Mauna ka na sa bahay. Kaya ko na sarili ko rito.”Napakagat siya ng labi. Pati boses ng la
SIMULA nung magkahawak kamay sila ni Frahisto nang gabing iyon, halos 'di siya dalawin ng antok nung matutulog na siya. Ang lakas ng impact ng lalaki sa kaniya at kinilig ang kaniyang puso. Kung 'di lang sana ito kasal sa iba, baka nagpapa-cute na siya sa lalaki. Mabuti na lang talaga at hindi ito namaligno, kundi iiyak talaga siya. Sayang kamo ang kagwapuhan nito kung maligno lang ang makikinabang at hindi siya. Sandali siyang napahagikhik sa naisip.Tanghali na nang magising siya kinabukasan. Gahol siyang napatakbo papuntang kusina! Jusko naman kasi. Madaling araw na siyang nakatulog sa kaiisip ng gwapong mukha ni Frahisto isama pa ang hawak kamay chuchu nilang dalawa. Sinong 'di kikiligin niyan?Pero nung maalala niyang hindi pa siya nakapulbo at lipstick, habang ang buhok niya ay sabog... Mabilis siyang bumalik sa kaniyang kwarto at nagsuklay ng mabilisan. Naglagay ng maraming-maraming pulbo at pulang lipstick sa labi. Napangiti siya
Nag-ikot sila ng mata ni Tina at inismiran ang dalawang african hito. Mga feeling gwapo pero mukhang tukmol na 'di nakatae ng isang taon. Nagkunwari silang walang nakita at patuloy pa rin sila ni Tina sa pagkikwentuhan na parang walang nakikitang african hito.“Ba't ba ang aarte niyong dalawa? Ha? Lalo ka na Odessa! Sayang, type pa naman kita!" Bigla siyang hinaklit nung isang nambastos din sa kaniya dati sa bahay.” Kapag ikaw hinalikan ko, hahanap-hanapin mo ang yummy kiss ko!"“Ano ba!” Nakatikim ito ng malakas na sampal mula sa kaniya. Sumubsob pa ito sa batuhan sa ginawa niyang pagsampal at pagtulak na ginawa niya rito. “Mga bastos!”“Aba't nag-iinarte ka pa——”Napasigaw sila ni Tina nang biglang tumilapon ang katawan ni african hito 1 sa tubig. Awtomatikong nagtama ang mata nila ni Frahisto na 'di man lang nila namalayan na siyang tumulong sa kanila. Naka-topless ang lalaki at naka-boxer
Hindi siya makatulog nang gabing iyon. Panay baling na naman siya sa kaniyang higaaan. Laging bumabalik sa isipan niya 'yong nangyari kanina sa batis, kung paano siya niyakap ni Frahisto sa tubig at kung paano siya nito titigan. Napabuntunghinga siya. Ano ba ang gawin niya para makatulog ngayon? Wala yatang balak ang kaniyang puso na tumigil.Malungkot siyang nagtungo sa bintana at lumanghap ng preskong hangin mula ro'n. Malamig ang gabi, pero sa isiping uuwi na ang lalaki, mas lalo siyang nalungkot. Parang ang bigat ng puso niya. Nasanay siya na ito lagi ang hinahanap ng kaniyang mata sa tuwing umaga at bago siya matulog.Ilang sandali siyang nakatayo sa may bintana nang may napansin siyang gumagalaw sa kabilang bahagi ng bakuran. Aswang? Hindi naman yata. Tinitigan niya 'yong gumagalaw at saka lang nag-sink in sa isip ni Odessa, si Frahisto ito. Agad niya itong sinundan ng tingin, nakita niyang tahimik itong naglakad patungo sa deriksyon kung saan
“Fuck!” Agad tinakpan ni Frahisto ang kaniyang bibig pero naalarma na ang mga taong nando'n. Bago pa sila paulanan ng bala, mabilis na siyang nahila papalayo ng lalaki. “Bilisan mo ang takbo!”Sunod-sunod siyang tumango. Hindi naman niya ginustong tumili, may ahas lang talaga at takot siya mga ganiyan at baka kagatin siya, “Oo! Sorry...”Hindi ito sumagot. Mahigpit lang nitong hinawakan ang kaniyang kamay at ginigiya siya papalayo. Marami na rin ang humahabol sa kanila at may nagpapaulan ng bala. Kung 'di dahil sa matataas na mga puno ro'n baka kanina pa sila natatamaan ng bala. Nagulat pa siya nung may hawak itong baril at nakipagsagutan ng baril. Napapasigaw siya sa bawat putok ng baril sa paligid. Pakiramdan niya, lumalabas ang kaniyang puso. Mamatay yata siya sa heart attack.“Dapa!”Kung 'di siguro siya nahila ng lalaki, baka natamaan na ang kaniyang ulo. Diyos ko! Ayaw pa niyang mamatay
Nagising na lang siya kinabukasan na sinisipon at mataas ang lagnat. Muntik pa siyang mahulog sa kama. Nasapo niya ang ulo at pinakiramdaman ang sarili kung kaya ba niyang tumayo. Saka lang siya parang nahimasmasan nung dumapo ang kaniyang mata sa bintana. Mataas na ang liwanag ng araw sa labas.Si Frahisto nga pala!Sa isiping iyon, nagmamadali siyang bumaba sa kama at tumakbo papalabas ng kaniyang kwarto. Sa sobrang pag-iisip niya kagabi, nakatulog siya ng mahimbing. Hindi man lang niya alam kong natulog ba ang lalaki sa kabilang kwarto o baka umuwi na. Unang bumungad sa kaniya ang kaniyang Itang, nakaupo ito sa paborito nitong upuan paharap sa bintana habang may kapeng iniinum at nanonood ng paborito nitong TV Show.“Itang!” masaya siya sa nalamang buhay ito at walang masamang nangyari.“Oh, Ineng at nagmamadali ka? Teka, may sakit ka ba? Bakit sobrang putla mo.”Agad siya
Agad niyang nayakap ang sariling kahubdan kahit nakababad siya sa tubig. Anong ginagawa ni Frahisto rito? Nung dumating siya kanina, wala siyang nakita kahit anino nito o baka masyadong occupied ang isip niya kaya 'di niya napansin na andito ito?Nakita ba niya ang katawan ko?! Namula siya.“Gabi na. Bakit ka nagpunta rito, Odessa?”Nagbaba siya ng tingin. Sasabihin ba niyang nalulungkot siya sa isiping aalis ito at gusto lang niyang pakalmahin ang sarili? “H-hindi ko alam na n-nandito ka...”Matagal ito bago nakasagot. Ramdam niya ang titig na binigay nito at naiilang siya, “Umuwi ka na.”“Ha?”“Umuwi ka na habang nakakaya kong kontrolin ang sarili ko.”Naguluhan siya at nagtaas ng tingin. Sinalubong niya ang tingin nito kahit madilim ang pwesto nito, “Anong ibig mong sabihin?”Napahugot naman ito ng hangin at tumalikod. “Bigla kang naghubad sa har
Napalingon si Farhistt sa silid ni Odessa, aalis na siya ngayong umaga pero 'di pa rin lumalabas ang dalaga sa silid nito. Napabuntunghinga siya, siguro dahil sa nangyari kagabi. Nung hinalikan niya ito. Napakuyom siya ng kamao, first time niyang maramdaman ang ganito. Ilang babae ba ang nagtangkang akitin at pasayahin siya sa kama? He couldn't count them all.Nagpaalam na siya kay Mang Bartolome na aalis na. Gusto sana niyang kausapin ang dalaga pero baka galit ito kaya hinayaan na lang ni Farhistt. Kailangan na rin niyang bumalik ng Maynila. Masyadong mataas ang 2 weeks na inilagi niya sa lugar na ito. Mostly on his every assignment, 3 days ang pinakamataas. Ngayon lang siya nagbigay sa kaniyang sarili ng mahabang panahon... Siguro dahil gusto niyang takasan sandali ang nakasanayang lugar.Nakausap na rin niya si Maccabi, naghihintay na ito sa kaniya na makabalik agad siya. Aside from that, may pinapagawa siya rito na kunin si Don. Hernandez