Hindi siya makatulog nang gabing iyon. Panay baling na naman siya sa kaniyang higaaan. Laging bumabalik sa isipan niya 'yong nangyari kanina sa batis, kung paano siya niyakap ni Frahisto sa tubig at kung paano siya nito titigan. Napabuntunghinga siya. Ano ba ang gawin niya para makatulog ngayon? Wala yatang balak ang kaniyang puso na tumigil.
Malungkot siyang nagtungo sa bintana at lumanghap ng preskong hangin mula ro'n. Malamig ang gabi, pero sa isiping uuwi na ang lalaki, mas lalo siyang nalungkot. Parang ang bigat ng puso niya. Nasanay siya na ito lagi ang hinahanap ng kaniyang mata sa tuwing umaga at bago siya matulog.
Ilang sandali siyang nakatayo sa may bintana nang may napansin siyang gumagalaw sa kabilang bahagi ng bakuran. Aswang? Hindi naman yata. Tinitigan niya 'yong gumagalaw at saka lang nag-sink in sa isip ni Odessa, si Frahisto ito. Agad niya itong sinundan ng tingin, nakita niyang tahimik itong naglakad patungo sa deriksyon kung saan
“Fuck!” Agad tinakpan ni Frahisto ang kaniyang bibig pero naalarma na ang mga taong nando'n. Bago pa sila paulanan ng bala, mabilis na siyang nahila papalayo ng lalaki. “Bilisan mo ang takbo!”Sunod-sunod siyang tumango. Hindi naman niya ginustong tumili, may ahas lang talaga at takot siya mga ganiyan at baka kagatin siya, “Oo! Sorry...”Hindi ito sumagot. Mahigpit lang nitong hinawakan ang kaniyang kamay at ginigiya siya papalayo. Marami na rin ang humahabol sa kanila at may nagpapaulan ng bala. Kung 'di dahil sa matataas na mga puno ro'n baka kanina pa sila natatamaan ng bala. Nagulat pa siya nung may hawak itong baril at nakipagsagutan ng baril. Napapasigaw siya sa bawat putok ng baril sa paligid. Pakiramdan niya, lumalabas ang kaniyang puso. Mamatay yata siya sa heart attack.“Dapa!”Kung 'di siguro siya nahila ng lalaki, baka natamaan na ang kaniyang ulo. Diyos ko! Ayaw pa niyang mamatay
Nagising na lang siya kinabukasan na sinisipon at mataas ang lagnat. Muntik pa siyang mahulog sa kama. Nasapo niya ang ulo at pinakiramdaman ang sarili kung kaya ba niyang tumayo. Saka lang siya parang nahimasmasan nung dumapo ang kaniyang mata sa bintana. Mataas na ang liwanag ng araw sa labas.Si Frahisto nga pala!Sa isiping iyon, nagmamadali siyang bumaba sa kama at tumakbo papalabas ng kaniyang kwarto. Sa sobrang pag-iisip niya kagabi, nakatulog siya ng mahimbing. Hindi man lang niya alam kong natulog ba ang lalaki sa kabilang kwarto o baka umuwi na. Unang bumungad sa kaniya ang kaniyang Itang, nakaupo ito sa paborito nitong upuan paharap sa bintana habang may kapeng iniinum at nanonood ng paborito nitong TV Show.“Itang!” masaya siya sa nalamang buhay ito at walang masamang nangyari.“Oh, Ineng at nagmamadali ka? Teka, may sakit ka ba? Bakit sobrang putla mo.”Agad siya
Agad niyang nayakap ang sariling kahubdan kahit nakababad siya sa tubig. Anong ginagawa ni Frahisto rito? Nung dumating siya kanina, wala siyang nakita kahit anino nito o baka masyadong occupied ang isip niya kaya 'di niya napansin na andito ito?Nakita ba niya ang katawan ko?! Namula siya.“Gabi na. Bakit ka nagpunta rito, Odessa?”Nagbaba siya ng tingin. Sasabihin ba niyang nalulungkot siya sa isiping aalis ito at gusto lang niyang pakalmahin ang sarili? “H-hindi ko alam na n-nandito ka...”Matagal ito bago nakasagot. Ramdam niya ang titig na binigay nito at naiilang siya, “Umuwi ka na.”“Ha?”“Umuwi ka na habang nakakaya kong kontrolin ang sarili ko.”Naguluhan siya at nagtaas ng tingin. Sinalubong niya ang tingin nito kahit madilim ang pwesto nito, “Anong ibig mong sabihin?”Napahugot naman ito ng hangin at tumalikod. “Bigla kang naghubad sa har
Napalingon si Farhistt sa silid ni Odessa, aalis na siya ngayong umaga pero 'di pa rin lumalabas ang dalaga sa silid nito. Napabuntunghinga siya, siguro dahil sa nangyari kagabi. Nung hinalikan niya ito. Napakuyom siya ng kamao, first time niyang maramdaman ang ganito. Ilang babae ba ang nagtangkang akitin at pasayahin siya sa kama? He couldn't count them all.Nagpaalam na siya kay Mang Bartolome na aalis na. Gusto sana niyang kausapin ang dalaga pero baka galit ito kaya hinayaan na lang ni Farhistt. Kailangan na rin niyang bumalik ng Maynila. Masyadong mataas ang 2 weeks na inilagi niya sa lugar na ito. Mostly on his every assignment, 3 days ang pinakamataas. Ngayon lang siya nagbigay sa kaniyang sarili ng mahabang panahon... Siguro dahil gusto niyang takasan sandali ang nakasanayang lugar.Nakausap na rin niya si Maccabi, naghihintay na ito sa kaniya na makabalik agad siya. Aside from that, may pinapagawa siya rito na kunin si Don. Hernandez
Ang luwang ng ngiti ni Odessa habang kausap ang mga bata sa kanilang baryo. Nasa ibabaw siya ng may kalakihang tipak na bato habang nakaharap sa kaniya ang mga bata at nakikinig sa kwentong pambata na binida niya sa araw na iyon.Kailangan pa niyang ikumpas-kumpas ang kamay para mas lalong thrilling ang kaniyang kwento na si Paru-paro at Bulaklak. May ibang kalalakihan din ang nakikinig sa kaniya pero dahil sobrang aloof niya sa mga binata sa kanilang baryo, walang nagtangkang manligaw.“Ate, ate!”Napatingin siya sa batang tumawag sa kaniya saka ngumiti. “Nagugutom ka na?”“Hindi po. Tatanungin ko lang po bakit iniwan ni Paru-paro si Bulaklak kung mahal naman po pala niya ito?”Natawa siya sa inosenteng tanong na iyon. “Kasi hindi lahat ng taong mahal ka, mananatili. Ang iba, dumating lang para saktan ka...”“Ate ang drama mo! Borken hartid ka no?” epa
Mabilis na nagdaan ang ilang buwan. Natatawa na lang si Odessa sa katangahan ng kaniyang puso nung makilala niya si Frahisto. Mabuti talaga at hindi siya tuluyang nahulog. Nakahanda na siyang bumalik sa Mindanao. Nung tumawag siya sa kaniyang Itang Bartolome, nasa maayos lang ang kalagayan nito. Limang buwan na rin ang lumipas at nami-miss niya na ang batis. Pinayagan na rin siya ng kaniyang magulang na sa Baryo ng Bayog siya magturo kahit ayaw na ayaw sana ng mga ito.May lima siyang kapatid at pangatlo siya. Ang kaniyang kuya, hindi nakatapagtapos at mas piniling mag-asawa na lang at may dalawang anak na. Ang sumunod, nahuli sa pag-aaral kaya namamasukan sa Maynila bilang working student at tinatapos ang kursong kinuha. Habang siya, mas piniling sa Mindanao magtuturo."Heto, baonin mo ito. Tatlong araw ka sa barko, aba ay baka gutumin ka." Inabutan siya ng kaniyang napakabait na Itay ng kakanin na binalot pa sa dahon ng saging. Panigurado, n
Malayo-layo sila nang nagkaroon ng malakas na pagsabog. Napatakip siya ng teynga at mabibingi yata siya sa lakas ng impact. Bigla siyang naging manhid sa mga oras na iyon habang walang sawang pagpatak ang mga luha sa mata niya. Muntikan na naman siyang mamatay. Naririnig niya ang bawat sigawan at iyakan sa buong paligid. Naisip niya, ilan lang kaya sila ang nakaligtas? May na-trap ba sa loob ng barko? May namatay ba? Bakit nangyari 'to?Saka lang niya naramdaman ang kamay ni Frahisto na humaplos sa kaniyang pisngi. Eksaktong pagmulat niya ng mata, nagtama ang mata nila ng lalaki. Napakagat siya ng labi at pinigil ang sariling 'wag maiyak lalo."Shhh... You are safe now."Marahan siyang tumango. Habang ang batang paslit ay umiiyak pa rin kaya lumapit siya rito at kinuha ang bata. "A-ako na magbuhat sa kaniya... Baka natakot siya sa'yo."Nag-alanganin ito pero sinunod ang kaniyang gusto. Inabot nito sa kan
Kung namangha siya kanina sa tanawin mula sa balcony, mas namangha siya nung nasa rooftop sila. Habang naglalakad sila sa pasilyo papuntang elevator, ang daming pumapasok sa utak niya. Like, anong gagawin nila sa rooftop at mainit do'n. Bakit sa rooftop pa, may mesa naman? Gusto rin sana niyang itanong kay Frahisto or Farhistt, kung bakit sa itaas. Mainit kamo at masusunog ang glass skin niyang sunog. Kung hindi pa siya sinabihan nito na magsuot ng disposable slipper, baka nagpaa lang siya hanggang ngayon.“Ang ganda rito!”“Oo... Maganda ka.”“H-ha?”Mabilis itong umiling at giniya siya sa unahan kung saan nakalatag ang maraming pagkain sa puting bilog na mesa. Ang nakaya lang yatang pangalanan ni Odessa sa nakita; kutsara, pinggan at baso. The rest, pangmayaman na. Nakakapanghina ng tuhod! Kaya bigla siyang napakapit sa braso ni Frahisto nang maramdaman niyang mag-collapse yata siya anytime.
“Ano? Okay na ba kayong dalawa? Mabuti naman at makakatulog na ako ng mahimbing nito. Hindi na ako susundutin ng konsensya ko.” nakahingang saad ni Magnar. Nakaharap sa mga ito ang phone niya at naka-live pa rin ang mga ito gamit sa Facebook niyang kagagawa lang kanina. Gamit niya ang pangalang 'Magnesiumʼ. “Mga ka-viewers, 'yan pala ang dalawang lovebirds. Nagkasakitan muna bago nagbalikan. Kita niyo ang dalawang 'yan? Parang mga tanga lang. Ayawan bago balikan. Kaya ayuko magmahal kasi ganiyan mangyayari sa'kin—— awts! Tangina mo nambato pa!” inis na lumayo siya sa mga ito. Vlogger siya ngayon. “Kilala niyo ang lalaking 'yan? Kaibigan ko 'yan na pinagselusan ako. Hahah. Bobo amputa! Anyways, maganda kasi ang Mariebabes pancakes honey loves so sweet niya kaya ganiyan siya kabaliw.”“Umalis ka nga rito!” asik sa kaniya ni Gallagher.“Masaya ka lang, eh. Taena mo ito na, aalis na!” mabilis niyang saad nang akmang batuhin siya nito ng prutas.Lumayo siya sa mga ito at nagtungo sa sala.
Sabay silang nagtawanan dalawa ng babaeng mahal niya at para mas lalong mapapasana all ang kaibigan, walang sabing tinawid niya ang pagitan ng labi nila ni Marie. Kung alam lang pala niya na sa ganitong paraan siya papatawarin ng dalaga, nag-live na siya sa facebook at nagkunwaring tumalon mula sa roof top ng building noon."Don't be mad at me Gal, Marie. Ang totoo niyan, buong mundo ang nakapanood sa inyo ngayon.""The hell?!""Ano!""Isang buong gabi lang ito." Humalakhak ito. "I'll delete it by morning, swear." Nagtaas ito ng kamayna parang nangangako.Hindi na sila umimik dalawa. Muli niyang hinarap ang dalaga at tinawid ulit ang pagitan ng kanilang labi at mariin itong hinalikan. Parang may fireworks ang kaniyang puso nang tugunin nito ang halik na binigay niya at mas marubdob na paraan. Halik na kay tagal nilang tinitimpi ang isa't isa at wala silang pakialam kung nasa live video sila ni Magnar. Maiinggit ito.Natigil lang sila nang tumunog ang kaniyan tiyan. Natawa siya nang du
Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Gallagher nang maiahon siya ni Magnar sa ilalim ng tubig. Galit itong nagsisigaw sa mukha niya habang sinuntok ulit ang kaniyang mukha at niyugyog ang kaniyang balikat."Stupid! Are you trying to kill yourself?! Gago ka na ba talaga, ha, Gal? Tangina mo! Tangina mo talaga!"Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Magnar na galit na galit. Nakaupo na ito sa kaniyang tabi at basang-basa. Dahan-dahan siyang bumangon at napahawak sa kaniyang panga. Ngayon siya ulit nakatikim ng suntok mula sa kaibigan."Masakit," usal niya.Napasinghot naman ito at binatukan siya. "Tangina mo Gallagher!""Nasaan ang pinapakuha ko sa'yong beer?""Wala ka ng stock ng beer sa ref mo. May magdadala rito maya-maya lang at darating."Nagkibit siya ng balikat at pinunasan ang gilid ng labi. Nalasahan niya ang kaniyang sariling dugo na nagmula roon. Sa suntok marahil na binigay sa kaniya ni Magnar."Ano ba ang nasa isip mo?""I just wanna rest. Kahit isang gabi lang.
Limang buwan nagdaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Marie. Mas lalo itong naging malamig sa kaniya nung lumipat na ang mga ito sa Manila at sunod pa rin siya nang sunod. Nagmukha siyang aso sa kakasunod sa dalaga. Pinayuhan na rin siya ni YX pero hindi siya nakinig.Binigyan siya nito ng bakasyon at pinakiusapan ayusin niya ang kaniyang sarili pero mahirap yata gawin ang sinabi nito. Mabilis lang sabihin pero sa bawat gabing nagdaan, dahan-dahan siyang tinutupok ng sarili niyang kalungkutan.Tulad ngayon, nasa sariling penthouse siya sa Manila at mag-isang umiinom habang nakatingin sa kalawakan sa gabing iyon. Pang-ilang bote niya na ito ng beer at malakas-lakas na ang tama niya.Natatawa siya habang paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang magandang mukha ni Marie. Natatawa siya pero ang sakit na kaniyang naramdaman ay hindi kayang pawiin sa ilang bote ng beer na kaniyang ininom."Marie!!!" malakas siyang napasigaw. Nasa terasa siya at walang makakarinig kahit magwala
Ang lawak ng ngiti ni Gallagher nang maihanda niya ang adobo at dalawa pang niluto. Mabango pero ingat si Magnar, dahil may nilagay siyang pagsisihan nito ng buong buhay. Nagpipigil siyang humalakhak. Umarte siyang kalmado nang umakyat siya sa hagdanan. Susunduin niya lang ang kaibigan at ihatid ito sa kamatayan.Sinadya niya munang daanan ang silid ni Marie at nakita niyang nando'n pa rin ang pagkain sa labas kung saan niya iniwan. Napabuntunghinga siya. inuna niyang kunin ito at bumaba papuntang kusina. Naawa siya sa lutong pagkain niyang hindi man lang nagawang tikman.Nilagay niya sa hugasan ang tray nang magsalita na sa likuran niya si Magnar. Kasunod nito si Marie at mukhang giinawa nitong proteksyon ang babae laban sa kaniya. Ngumisi siya sa isip. Gano'n nga, hangga't nasa paligid ang dalaga hindi niya ito dadapuan ng daliri."Luto na ba Gal?"Huminga muna siya ng sama ng loob bago tumango. "Yeah.""Good! Kasi gutom na ako.""Kumain ka na bago ko ihampas lahat 'yan sa'yo."Ning
Mabilis pa sa kidlat ang naging pagtakbo ni Gallagher sa bintana ng sala para totoong silipin kung nandito nga ba ang walang hiyang kaibigan niya. napamura siya ng malakas nang makita itong nakangiti, umakyat sa bakod at nagwagayway ng puting bandila. May suot itong puting damit na may nakatatak na pangalan niya at peace sign. Nagdilim ang kaniyang mukha. May gana pa talagang umarteng kaibigan sila ngayon. Kung alam lang ni Magnar na nung nakaraan araw pa siya gigil na gigil na pilipitin ang leeg nito hanggang sa mangisay ng tuluyan at layuan ang babaeng mahal niya!"Tanginang gagong 'to! Nagpakita pa talaga—" Hindi niya natuloy ang iba pa na sasabihin nang marinig niya ang mga yapak na nagmula sa hagdanan.Paglingon ni Gallagher, ang walang emosyong mukha ni Marie ang kaniyang nakita. Deri-deritso itong nagtungo sa pintuan na hindi siya nakikita o sadyang ayaw lang siyang tingnan.Gusto niyang harangan ang pintuan para huwag itong lumabas at baka makita nito si Magnar pero hindi niya
Blangko ang mukha ni Marie nang tingnan siya nito at tanggap ni Gheron iyon. Siya ang gumawa ng bagay na ikakamuhi sa kaniya ng dalaga kaya hindi siya pwedeng magreklamo kung pahihirapan siya nito. Babalik siya sa una kung saan at kung paano siya nito kinausap pero mahihirapan siya ngayon."Fidel...""Oh?" mabilis na lumapit si Fidel kay Marie nang tawagin ito ng dalaga. Kakapasok lang nito sa pintuan at may dalang mga prutas na pinamili."Paalisin mo ang taong 'yan." Tumingin ito sa kaniyang gawi at tinuro siya."Marie..." Napatingin sa kaniya si Fidel."Ang pagkakaalam ko, ikaw lang ang tunay kong kapatid. Kung gano'n, anong ginagawa ng taong 'yan dito? Paalisin mo," muling sambit ng dalaga at blangkong tumingin sa kesame."Gheron?"Ngumiti siya sa lalaki. "Yeah, I understand. Sige, alis muna ako." Sandali siyang sumulyap sa dalaga at lihim na nabuntunghinga kahit ang totoo ayaw na ayaw niyang umalis.Mabigat ang balikat nang lumabas siya at nagpasyang sa loob ng kotse na lamang siy
"Putangina ka! Paano ka nakarating d'yan sa probinsya ni Marie?"Tiningnan lang ng masama ni Gheron si Magnar. Akala nito hindi siya babawi sa ginawa nito? Maghintay lang ito."Kung hindi ka panay sulpot at pangingialam sa buhay pag-ibig ko, Magnar, hindi ako magkakaganito!" napakuyom ang kaniyang kamao. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng hologram watch niya."Bakit ako?"Nag-dirty sign siya sa lalaki. Hindi sila kaibigan ngayon. Magkaaway sila ng lalaki at tama na ang tatlong araw na parusa nito sa kaniya. Pinagbibigyan lang niya ang ginawa nito para sa kasalanan ginawa niya kay Marie. Pero nangangako siyang babawi. Babawi siya para kay Marie."Huwag mong ipakita sa'kin ang mukha mo Magnar kapag nagmahal ka rin! Dahil gagawin ko rin miserable ang buhay mo. Hayop ka! Alam mong ikaw ang pinagseselusan ko, panay ka pa rin lapit sa babaeng gustong-gusto ko. Hindi ka talaga totoong kaibigan!"Isang malakas na tawa naman ang ginawa nito na parang hindi siya nito binugbog at kinulong ng tatlo
Mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa kaniya ng lalaking tinakasan niya sa Japan. Ayaw niyang makita ang mukha nito kaya anong ginagawa nito sa harapan niya? mabilis niyang iniwas ang sarili sa lalaki. Wala siyang pakialam sa walang ampat na paglabasan ng mga dugo sa kaniyang noo."Tangina! Anong ginawa niyo kay Marie?" boses iyon ni Fidel pero nanlalabo ang kaniyang mata dahil na rin siguro sa luha kaya hindi niya makita ito.Pilit siyang tinulungan ni Gheron pero pinapaalis niya ang kamay nito. Kahit ang paghawak lang sa kaniya ay hindi niya ito pahihintulutan."Marie...""Umalis ka na Gheron! Bakit ka pa nandito?!" Tinulak niya ang lalaki pero hindi ito natinag. "Bumalik ka na sa kung saan impyerno ka galing!" Binangga niya ito para padaanin lang siya at hindi naman siya nabigo, binigyan siya nito ng daan.Ang puso niya, tuluyang nawala. Nagkawasak-wasak. Hindi lang ang lalaki ang nanakit sa kaniya, pati na rin ang inakala niyang pamilya. Pamilya pero wala siyang halaga.Mabilis siy