All Chapters of The Obsession Of A Dominant Billionaire: Chapter 301 - Chapter 310

426 Chapters

Kabanata 16

Kung namangha siya kanina sa tanawin mula sa balcony, mas namangha siya nung nasa rooftop sila. Habang naglalakad sila sa pasilyo papuntang elevator, ang daming pumapasok sa utak niya. Like, anong gagawin nila sa rooftop at mainit do'n. Bakit sa rooftop pa, may mesa naman? Gusto rin sana niyang itanong kay Frahisto or Farhistt, kung bakit sa itaas. Mainit kamo at masusunog ang glass skin niyang sunog. Kung hindi pa siya sinabihan nito na magsuot ng disposable slipper, baka nagpaa lang siya hanggang ngayon. “Ang ganda rito!” “Oo... Maganda ka.”“H-ha?”Mabilis itong umiling at giniya siya sa unahan kung saan nakalatag ang maraming pagkain sa puting bilog na mesa. Ang nakaya lang yatang pangalanan ni Odessa sa nakita; kutsara, pinggan at baso. The rest, pangmayaman na. Nakakapanghina ng tuhod! Kaya bigla siyang napakapit sa braso ni Frahisto nang maramdaman niyang mag-collapse yata siya anytime. 
Read more

Kabanata 17

Habol ni Odessa ang kaniyang hininga nang maglayo ang labi nila ni Frahisto. Napatitig siya sa mga mata nitong dati, nahihirapan siyang basahin kung ano ang nilalaman. Pero ngayon, kitang-kita niya kung ano ang ibig sabihin ng mga kislap na iyon... Marahan nitong inabot ang kaniyang pisngi at pinisil. Hindi pa rin nito binabawi ang tingin na binigay sa kaniya kaya, siya na ang umiwas pero 'di siya nito pinayagang gawin iyon. “Look at me, Odessa...” Napasunod lang siya sa sinabi nito at tumingin sa mata nito. Ano ba ang gusto nito, magtitigan sila hanggang gabi o magtitigan sila hanggang bukas? “Am... Hanggang kailan tayo magtitigan, Frahisto?” Natawa ito sa kaniyang tanong at pinisil ang kaniyang pisngi. “Napakainosente mo.” Tumango lang siya at hindi nag-komento. Hindi naman siguro tamang sabihin na ang sarap kainin ng mga natirang pagkain sa mesa. Sayang kasi, eh. Maraming nagugutom tapos i
Read more

Kabanata 18

Sa isang linggo niyang pagtira sa poder ng lalaki, masasabi niyang malinis ang intensyon nito. Pinandigan nitong walang mangyayari sa kanila hangga't 'di sila ikasal, na tutuparin nito ang gusto niyang birhen na ihaharap sa altar at sa asawa lang ibibigay ang sarili. Muntik pa niyang mabugbug si Frahisto nang sabihin nito iyon.Alagang-alaga siya nito. Mula sa paggising niya, may pa-breakfast in bed pa siya. Sa katabi ng master bedroom siya natutulog at hindi siya nagla-lock kaya malaya itong nakakapasok. Hindi naman mukhang manyakis ito. Sa lunch, nasa breakfast stool lang siya nakaupo habang naghahanda ito at iniispoiled siya ng sobrang pagmamahal. Kung may menu sigurong gano'n, pinili na ni Odessa. Kapag kinagabihan, niyayaya siya nitong mamasyal sa 'di mataong lugar. Dinadala sa mamahaling restaurant na muntikan pa niyang hubarin ang kaniyang suot na sandal.Kung spoiled ang pag-uusapan, siya na ang dadalo. Punong-p
Read more

Kabanata 19

Lahat napalingon sa kaniya nung bumaba siya ng motorsiklo kasama si Frahisto. Inalalayan pa siya nito makababa kahit sanay siyang bumaba, kahit ipikit pa niya ang mata. Napatunganga na lang ang lahat ng kapit-bahay nila pati na ang mga ibang mangingisda na nag-aayos ng lambat. Halos nakatunganga ang kaniyang Ina sa pintuan, pati ang kaniyang Ama na 'di makahuma.“Andito na ho ako!” masayang bungad niya nung nasa pintuan na sila ni Frahisto. Pero nakatunganga pa rin ang mga 'to. Lalo na ang kaniyang dalawang makulit na kapatid. “Inay! Itay! Ikakasal na ako!”Nahulog ang hawak na plastic cup ng  kaniyang Ama sa sinabi sa lupa samantalang napakrus ng wala sa oras ang kaniyang Ina. “Sus maryusep ka, Odessa! Saan ka ba galing  at hibang ka na? Anong ikakasal ka? Saan ang mapapangasawa mo? Imposibleng ang gwapong mamang 'yan ang aasawa sa'yo?!”Napahagikhik siya sa sinabi ng madraman
Read more

Kabanata 20

Pero lumipas ang tatlong araw na hindi nakabalik si Frahisto para sunduin siya. Magtatampo na sana si Odessa nang sunduin siya nito. Nasa hunasan siya at namumulot ng mga lamang-dagat na pwedeng gawing ulam. Agad siyang napairap pero nang makita ang bitbit nitong 'Forget Me Not' flowers, bigla siyang kinilig.“Sorry nahuli ako.”“O-okay lang.”Naghubad ito ng suot na tsinelas at itinaas ang suot na pantalon. Teka, anong gagawin niya?! Bago pa siya makapag-react, nasa harapan niya na ito at inabot sa kaniya ang bulaklak.“Sorry...”Kunwari hindi siya kinilig nang abutin niya iyon. Pigil na pigil niya ang kaniyang ngiti at pinigil ang sariling 'wag amuyin ang bulaklak. Baka kasi kiligin siya tapos hahampasin niya si Frahisto, tapos maghaharutan sila sa maputik na parte ng dagat sabay hahagikhik siya ng malandi. “Tulungan na kita.”“Ha? Hindi——”
Read more

Kabanata 21

Tulad ng pangako ni Frahisto, hinatid siya nito sa probinsya sa Mindanao pero agad din umalis. Nagdadalawang isip pa ito na umalis pero nang muling mag-ring ang wristwatch nito na napapansin niyang suot lagi ng binata, nagpasya itong umalis pero nangakong babalik agad sa susunod na linggo. May aasikasuhin lang daw ito at pinapatawag daw ito ng boss nito. Halos ayaw siya nitong bitawan sa pagkakayakap, kung 'di pa niya tinulak... Hindi pa ito aalis.Muntik pa siyang mabugbug Berma ni Tina nang pumasyal ito sa bahay ng kaniyang Itang. Hinila pa nito ang ang kaniyang buhok saka dinakma ang kaniyang dibdib. Minsan, may lahing bruha rin ang kaibigan niya.“Peste ka dzaii! Ikaw na malaki ang cabbage. Na sa'yo na ang korona ng kagandahan. Ikaw na ang pinagpala sa lahat! Ikaw ang nakasungkit kay Frahisto. Peste ka dzaii, anong tilapyang meron ka d'yan at kabog na kabog siya sa ganda mo?” Ningitian lang niya ang kaibigan at hindi na pi
Read more

Kabanata 22

“Itang!” Mabilis napabangon si Odessa, Nag-ikot siya ng tingin at agad napababa sa kama. Akmang tatakbuhin niya na ang kurtinang nakaharang para magsilbing pintuan nang biglang pumasok do'n si Tina.  Matagal siyang napatitig sa kaibigan at do'n lang tuluyang nag-sink in sa kaniyang isip, na wala na ang matanda. “I-itang...” nagsimulang gumaralgal ang kaniyang boses. Kasunod ang panay bagsak ng luha sa mata niya... Agad siyang tinakbo ng yakap ni Tina at hinayaan siyang umiyak nang umiyak sa balikat nito. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap na wala na ang matanda. Na wala na ito... Na iyon na ang huling pag-uusap nila sa araw na iyon. Hindi man lang siya nakapagpaalam. Ni hindi man lang siya nakayakap ng mahigpit dito. Namatay ito sa mapait na paraan at walang kasalanan. Pinatay ng mga taong walang kaluluwa ang taong nandiyan lagi sa kaniya. “Odessa...” “Tina h-hindi ko pa rin matanggap! Hi-hindi ko ma
Read more

Kabanata 23

“Ano? Mamili ka...”Napakagat siya ng labi at dahan-dahang bumagsak ang luha sa kaniyang mata. Masakit ang sampal na binigay ng lalaki at namanhid yata ang kaniyang pisngi. “Take her!” Wala siyang magawa kundi ang mapasunod sa lalaking marahas na humila sa kaniyang braso. Mahigpit ang pagkakahawak at mababali yata ang maliit niyang braso sa malaking kamay nito. Tuluyan siyang kinaladkad ng mga ito at walang nag lakas-loob na tulungan siya. “A-ano ba ang kailangan niyo sa'kin?! P-pinatay niyo na ang Itang ko! Wala kayong puso! Wala kaming kasalanan sa iny——” Napaigik siya sa sakit nang mariing pinisil ng lalaking may bigote ang kaniyang braso. “Tahimik!” Tuluyan siya nitong naipasok sa loob ng van. Nasa gitna siya ng dalawang lalaking konting galaw lang niya, kamatayan ang kaniyang aabutin. Mukhang hindi madadala ang mga 'to sa pasimpleng awa na gagawin
Read more

Kabanata 24

Hinawakan lang ni Farhistt ang kamay ni Odessa habang malaya itong pinagmamasdan na mahimbing natutulog. Marahan niyang pinisil ang namumutlang kamay nito at masuyong hinalikan iyon. If he could turn back the time, he'll fucking do it. Kung may masamang nangyari kay Odessa, fuck, baka tuluyan siyang mabaliw.Ang pangako niya, babalik siya agad pero hindi niya natupad nang magakaro'n ng problema si Tiverius. Sumabit ito sa naging assignment na kaniyang binigay, at 'yon ang patayin ang big boss ng Blood Diamond. Kung wala ang dalagang anak ni Mr. Genovese, alam niyang 'di papalpak si Tiverius. Masyadong dinaan ng lalaki sa personal na bagay ang binigay niyang assignment dito kaya nagkandaletse-letse. Muntikan itong mapatay at kung 'di siya dumating, baka bangkay na lang ang aabutan niya. Kinailangan niyang lumipad papuntang Indonesia, kung saan nando'n si Mr. Genovese kasama ang mga tauhan at anak nitong babae sa isang mamahaling restaurant at k
Read more

Kabanata 25

Isang dipa lang ang layo ni Farhistt kay Odessa. Nakaupo ang dalaga sa ibabaw ng kama habang malamig ang matang nakatingin sa labas ng bintana. Wala ng swerong nakakabit dito at pwede na itong iuwi ayon sa Doctor.“Iuwi mo na ako.” Mabilis siyang tumango at nilapitan ito para alalayang tumayo pero pinigilan siya ng kamay nito.“Kaya kong tumayo. Huwag kang lumapit, please?” Napaurong siya at ilang segundo muna ang nagdaan bago siya tumango. Naiintindihan niyang galit ito. Hinintay niya si Odessa ang tumayo at bahagya itong nawalan ng balanse. Akmang lalapitan niya ito pero sumenyas ang kamay ng dalaga na huwag na huwag siyang lumapit dito. Napabuntunghinga na lang siyang tumango at walang magawa kundi ang sundin ang gusto nito.Nakasunod lang sa kaniya si Odessa habang naglalakad sila. Sinigurado nitong may space sa pagitan nilang dalawa at hindi ito kumikibo. Panay ang sulyap ang kaniya
Read more
PREV
1
...
2930313233
...
43
DMCA.com Protection Status