Habol ni Odessa ang kaniyang hininga nang maglayo ang labi nila ni Frahisto. Napatitig siya sa mga mata nitong dati, nahihirapan siyang basahin kung ano ang nilalaman. Pero ngayon, kitang-kita niya kung ano ang ibig sabihin ng mga kislap na iyon...
Marahan nitong inabot ang kaniyang pisngi at pinisil. Hindi pa rin nito binabawi ang tingin na binigay sa kaniya kaya, siya na ang umiwas pero 'di siya nito pinayagang gawin iyon. “Look at me, Odessa...”
Napasunod lang siya sa sinabi nito at tumingin sa mata nito. Ano ba ang gusto nito, magtitigan sila hanggang gabi o magtitigan sila hanggang bukas? “Am... Hanggang kailan tayo magtitigan, Frahisto?”
Natawa ito sa kaniyang tanong at pinisil ang kaniyang pisngi. “Napakainosente mo.”
Tumango lang siya at hindi nag-komento. Hindi naman siguro tamang sabihin na ang sarap kainin ng mga natirang pagkain sa mesa. Sayang kasi, eh. Maraming nagugutom tapos i
Sa isang linggo niyang pagtira sa poder ng lalaki, masasabi niyang malinis ang intensyon nito. Pinandigan nitong walang mangyayari sa kanila hangga't 'di sila ikasal, na tutuparin nito ang gusto niyang birhen na ihaharap sa altar at sa asawa lang ibibigay ang sarili. Muntik pa niyang mabugbug si Frahisto nang sabihin nito iyon.Alagang-alaga siya nito. Mula sa paggising niya, may pa-breakfast in bed pa siya. Sa katabi ng master bedroom siya natutulog at hindi siya nagla-lock kaya malaya itong nakakapasok. Hindi naman mukhang manyakis ito. Sa lunch, nasa breakfast stool lang siya nakaupo habang naghahanda ito at iniispoiled siya ng sobrang pagmamahal. Kung may menu sigurong gano'n, pinili na ni Odessa. Kapag kinagabihan, niyayaya siya nitong mamasyal sa 'di mataong lugar. Dinadala sa mamahaling restaurant na muntikan pa niyang hubarin ang kaniyang suot na sandal.Kung spoiled ang pag-uusapan, siya na ang dadalo. Punong-p
Lahat napalingon sa kaniya nung bumaba siya ng motorsiklo kasama si Frahisto. Inalalayan pa siya nito makababa kahit sanay siyang bumaba, kahit ipikit pa niya ang mata. Napatunganga na lang ang lahat ng kapit-bahay nila pati na ang mga ibang mangingisda na nag-aayos ng lambat. Halos nakatunganga ang kaniyang Ina sa pintuan, pati ang kaniyang Ama na 'di makahuma.“Andito na ho ako!” masayang bungad niya nung nasa pintuan na sila ni Frahisto. Pero nakatunganga pa rin ang mga 'to. Lalo na ang kaniyang dalawang makulit na kapatid.“Inay! Itay! Ikakasal na ako!”Nahulog ang hawak na plastic cup ng kaniyang Ama sa sinabi sa lupa samantalang napakrus ng wala sa oras ang kaniyang Ina.“Sus maryusep ka, Odessa! Saan ka ba galing at hibang ka na? Anong ikakasal ka? Saan ang mapapangasawa mo? Imposibleng ang gwapong mamang 'yan ang aasawa sa'yo?!”Napahagikhik siya sa sinabi ng madraman
Pero lumipas ang tatlong araw na hindi nakabalik si Frahisto para sunduin siya. Magtatampo na sana si Odessa nang sunduin siya nito. Nasa hunasan siya at namumulot ng mga lamang-dagat na pwedeng gawing ulam. Agad siyang napairap pero nang makita ang bitbit nitong 'Forget Me Not' flowers, bigla siyang kinilig.“Sorry nahuli ako.”“O-okay lang.”Naghubad ito ng suot na tsinelas at itinaas ang suot na pantalon. Teka, anong gagawin niya?! Bago pa siya makapag-react, nasa harapan niya na ito at inabot sa kaniya ang bulaklak.“Sorry...”Kunwari hindi siya kinilig nang abutin niya iyon. Pigil na pigil niya ang kaniyang ngiti at pinigil ang sariling 'wag amuyin ang bulaklak. Baka kasi kiligin siya tapos hahampasin niya si Frahisto, tapos maghaharutan sila sa maputik na parte ng dagat sabay hahagikhik siya ng malandi.“Tulungan na kita.”“Ha? Hindi——”
Tulad ng pangako ni Frahisto, hinatid siya nito sa probinsya sa Mindanao pero agad din umalis. Nagdadalawang isip pa ito na umalis pero nang muling mag-ring ang wristwatch nito na napapansin niyang suot lagi ng binata, nagpasya itong umalis pero nangakong babalik agad sa susunod na linggo. May aasikasuhin lang daw ito at pinapatawag daw ito ng boss nito. Halos ayaw siya nitong bitawan sa pagkakayakap, kung 'di pa niya tinulak... Hindi pa ito aalis.Muntik pa siyang mabugbug Berma ni Tina nang pumasyal ito sa bahay ng kaniyang Itang. Hinila pa nito ang ang kaniyang buhok saka dinakma ang kaniyang dibdib. Minsan, may lahing bruha rin ang kaibigan niya.“Peste ka dzaii! Ikaw na malaki ang cabbage. Na sa'yo na ang korona ng kagandahan. Ikaw na ang pinagpala sa lahat! Ikaw ang nakasungkit kay Frahisto. Peste ka dzaii, anong tilapyang meron ka d'yan at kabog na kabog siya sa ganda mo?”Ningitian lang niya ang kaibigan at hindi na pi
“Itang!” Mabilis napabangon si Odessa, Nag-ikot siya ng tingin at agad napababa sa kama. Akmang tatakbuhin niya na ang kurtinang nakaharang para magsilbing pintuan nang biglang pumasok do'n si Tina. Matagal siyang napatitig sa kaibigan at do'n lang tuluyang nag-sink in sa kaniyang isip, na wala na ang matanda. “I-itang...” nagsimulang gumaralgal ang kaniyang boses. Kasunod ang panay bagsak ng luha sa mata niya...Agad siyang tinakbo ng yakap ni Tina at hinayaan siyang umiyak nang umiyak sa balikat nito. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap na wala na ang matanda. Na wala na ito... Na iyon na ang huling pag-uusap nila sa araw na iyon. Hindi man lang siya nakapagpaalam. Ni hindi man lang siya nakayakap ng mahigpit dito. Namatay ito sa mapait na paraan at walang kasalanan. Pinatay ng mga taong walang kaluluwa ang taong nandiyan lagi sa kaniya.“Odessa...”“Tina h-hindi ko pa rin matanggap! Hi-hindi ko ma
“Ano? Mamili ka...”Napakagat siya ng labi at dahan-dahang bumagsak ang luha sa kaniyang mata. Masakit ang sampal na binigay ng lalaki at namanhid yata ang kaniyang pisngi.“Take her!”Wala siyang magawa kundi ang mapasunod sa lalaking marahas na humila sa kaniyang braso. Mahigpit ang pagkakahawak at mababali yata ang maliit niyang braso sa malaking kamay nito. Tuluyan siyang kinaladkad ng mga ito at walang nag lakas-loob na tulungan siya.“A-ano ba ang kailangan niyo sa'kin?! P-pinatay niyo na ang Itang ko! Wala kayong puso! Wala kaming kasalanan sa iny——” Napaigik siya sa sakit nang mariing pinisil ng lalaking may bigote ang kaniyang braso.“Tahimik!”Tuluyan siya nitong naipasok sa loob ng van. Nasa gitna siya ng dalawang lalaking konting galaw lang niya, kamatayan ang kaniyang aabutin. Mukhang hindi madadala ang mga 'to sa pasimpleng awa na gagawin
Hinawakan lang ni Farhistt ang kamay ni Odessa habang malaya itong pinagmamasdan na mahimbing natutulog. Marahan niyang pinisil ang namumutlang kamay nito at masuyong hinalikan iyon. If he could turn back the time, he'll fucking do it. Kung may masamang nangyari kay Odessa, fuck, baka tuluyan siyang mabaliw.Ang pangako niya, babalik siya agad pero hindi niya natupad nang magakaro'n ng problema si Tiverius. Sumabit ito sa naging assignment na kaniyang binigay, at 'yon ang patayin ang big boss ng Blood Diamond. Kung wala ang dalagang anak ni Mr. Genovese, alam niyang 'di papalpak si Tiverius. Masyadong dinaan ng lalaki sa personal na bagay ang binigay niyang assignment dito kaya nagkandaletse-letse. Muntikan itong mapatay at kung 'di siya dumating, baka bangkay na lang ang aabutan niya.Kinailangan niyang lumipad papuntang Indonesia, kung saan nando'n si Mr. Genovese kasama ang mga tauhan at anak nitong babae sa isang mamahaling restaurant at k
Isang dipa lang ang layo ni Farhistt kay Odessa. Nakaupo ang dalaga sa ibabaw ng kama habang malamig ang matang nakatingin sa labas ng bintana. Wala ng swerong nakakabit dito at pwede na itong iuwi ayon sa Doctor.“Iuwi mo na ako.”Mabilis siyang tumango at nilapitan ito para alalayang tumayo pero pinigilan siya ng kamay nito.“Kaya kong tumayo. Huwag kang lumapit, please?”Napaurong siya at ilang segundo muna ang nagdaan bago siya tumango. Naiintindihan niyang galit ito. Hinintay niya si Odessa ang tumayo at bahagya itong nawalan ng balanse. Akmang lalapitan niya ito pero sumenyas ang kamay ng dalaga na huwag na huwag siyang lumapit dito. Napabuntunghinga na lang siyang tumango at walang magawa kundi ang sundin ang gusto nito.Nakasunod lang sa kaniya si Odessa habang naglalakad sila. Sinigurado nitong may space sa pagitan nilang dalawa at hindi ito kumikibo. Panay ang sulyap ang kaniya
“Ano? Okay na ba kayong dalawa? Mabuti naman at makakatulog na ako ng mahimbing nito. Hindi na ako susundutin ng konsensya ko.” nakahingang saad ni Magnar. Nakaharap sa mga ito ang phone niya at naka-live pa rin ang mga ito gamit sa Facebook niyang kagagawa lang kanina. Gamit niya ang pangalang 'Magnesiumʼ. “Mga ka-viewers, 'yan pala ang dalawang lovebirds. Nagkasakitan muna bago nagbalikan. Kita niyo ang dalawang 'yan? Parang mga tanga lang. Ayawan bago balikan. Kaya ayuko magmahal kasi ganiyan mangyayari sa'kin—— awts! Tangina mo nambato pa!” inis na lumayo siya sa mga ito. Vlogger siya ngayon. “Kilala niyo ang lalaking 'yan? Kaibigan ko 'yan na pinagselusan ako. Hahah. Bobo amputa! Anyways, maganda kasi ang Mariebabes pancakes honey loves so sweet niya kaya ganiyan siya kabaliw.”“Umalis ka nga rito!” asik sa kaniya ni Gallagher.“Masaya ka lang, eh. Taena mo ito na, aalis na!” mabilis niyang saad nang akmang batuhin siya nito ng prutas.Lumayo siya sa mga ito at nagtungo sa sala.
Sabay silang nagtawanan dalawa ng babaeng mahal niya at para mas lalong mapapasana all ang kaibigan, walang sabing tinawid niya ang pagitan ng labi nila ni Marie. Kung alam lang pala niya na sa ganitong paraan siya papatawarin ng dalaga, nag-live na siya sa facebook at nagkunwaring tumalon mula sa roof top ng building noon."Don't be mad at me Gal, Marie. Ang totoo niyan, buong mundo ang nakapanood sa inyo ngayon.""The hell?!""Ano!""Isang buong gabi lang ito." Humalakhak ito. "I'll delete it by morning, swear." Nagtaas ito ng kamayna parang nangangako.Hindi na sila umimik dalawa. Muli niyang hinarap ang dalaga at tinawid ulit ang pagitan ng kanilang labi at mariin itong hinalikan. Parang may fireworks ang kaniyang puso nang tugunin nito ang halik na binigay niya at mas marubdob na paraan. Halik na kay tagal nilang tinitimpi ang isa't isa at wala silang pakialam kung nasa live video sila ni Magnar. Maiinggit ito.Natigil lang sila nang tumunog ang kaniyan tiyan. Natawa siya nang du
Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Gallagher nang maiahon siya ni Magnar sa ilalim ng tubig. Galit itong nagsisigaw sa mukha niya habang sinuntok ulit ang kaniyang mukha at niyugyog ang kaniyang balikat."Stupid! Are you trying to kill yourself?! Gago ka na ba talaga, ha, Gal? Tangina mo! Tangina mo talaga!"Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Magnar na galit na galit. Nakaupo na ito sa kaniyang tabi at basang-basa. Dahan-dahan siyang bumangon at napahawak sa kaniyang panga. Ngayon siya ulit nakatikim ng suntok mula sa kaibigan."Masakit," usal niya.Napasinghot naman ito at binatukan siya. "Tangina mo Gallagher!""Nasaan ang pinapakuha ko sa'yong beer?""Wala ka ng stock ng beer sa ref mo. May magdadala rito maya-maya lang at darating."Nagkibit siya ng balikat at pinunasan ang gilid ng labi. Nalasahan niya ang kaniyang sariling dugo na nagmula roon. Sa suntok marahil na binigay sa kaniya ni Magnar."Ano ba ang nasa isip mo?""I just wanna rest. Kahit isang gabi lang.
Limang buwan nagdaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Marie. Mas lalo itong naging malamig sa kaniya nung lumipat na ang mga ito sa Manila at sunod pa rin siya nang sunod. Nagmukha siyang aso sa kakasunod sa dalaga. Pinayuhan na rin siya ni YX pero hindi siya nakinig.Binigyan siya nito ng bakasyon at pinakiusapan ayusin niya ang kaniyang sarili pero mahirap yata gawin ang sinabi nito. Mabilis lang sabihin pero sa bawat gabing nagdaan, dahan-dahan siyang tinutupok ng sarili niyang kalungkutan.Tulad ngayon, nasa sariling penthouse siya sa Manila at mag-isang umiinom habang nakatingin sa kalawakan sa gabing iyon. Pang-ilang bote niya na ito ng beer at malakas-lakas na ang tama niya.Natatawa siya habang paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang magandang mukha ni Marie. Natatawa siya pero ang sakit na kaniyang naramdaman ay hindi kayang pawiin sa ilang bote ng beer na kaniyang ininom."Marie!!!" malakas siyang napasigaw. Nasa terasa siya at walang makakarinig kahit magwala
Ang lawak ng ngiti ni Gallagher nang maihanda niya ang adobo at dalawa pang niluto. Mabango pero ingat si Magnar, dahil may nilagay siyang pagsisihan nito ng buong buhay. Nagpipigil siyang humalakhak. Umarte siyang kalmado nang umakyat siya sa hagdanan. Susunduin niya lang ang kaibigan at ihatid ito sa kamatayan.Sinadya niya munang daanan ang silid ni Marie at nakita niyang nando'n pa rin ang pagkain sa labas kung saan niya iniwan. Napabuntunghinga siya. inuna niyang kunin ito at bumaba papuntang kusina. Naawa siya sa lutong pagkain niyang hindi man lang nagawang tikman.Nilagay niya sa hugasan ang tray nang magsalita na sa likuran niya si Magnar. Kasunod nito si Marie at mukhang giinawa nitong proteksyon ang babae laban sa kaniya. Ngumisi siya sa isip. Gano'n nga, hangga't nasa paligid ang dalaga hindi niya ito dadapuan ng daliri."Luto na ba Gal?"Huminga muna siya ng sama ng loob bago tumango. "Yeah.""Good! Kasi gutom na ako.""Kumain ka na bago ko ihampas lahat 'yan sa'yo."Ning
Mabilis pa sa kidlat ang naging pagtakbo ni Gallagher sa bintana ng sala para totoong silipin kung nandito nga ba ang walang hiyang kaibigan niya. napamura siya ng malakas nang makita itong nakangiti, umakyat sa bakod at nagwagayway ng puting bandila. May suot itong puting damit na may nakatatak na pangalan niya at peace sign. Nagdilim ang kaniyang mukha. May gana pa talagang umarteng kaibigan sila ngayon. Kung alam lang ni Magnar na nung nakaraan araw pa siya gigil na gigil na pilipitin ang leeg nito hanggang sa mangisay ng tuluyan at layuan ang babaeng mahal niya!"Tanginang gagong 'to! Nagpakita pa talaga—" Hindi niya natuloy ang iba pa na sasabihin nang marinig niya ang mga yapak na nagmula sa hagdanan.Paglingon ni Gallagher, ang walang emosyong mukha ni Marie ang kaniyang nakita. Deri-deritso itong nagtungo sa pintuan na hindi siya nakikita o sadyang ayaw lang siyang tingnan.Gusto niyang harangan ang pintuan para huwag itong lumabas at baka makita nito si Magnar pero hindi niya
Blangko ang mukha ni Marie nang tingnan siya nito at tanggap ni Gheron iyon. Siya ang gumawa ng bagay na ikakamuhi sa kaniya ng dalaga kaya hindi siya pwedeng magreklamo kung pahihirapan siya nito. Babalik siya sa una kung saan at kung paano siya nito kinausap pero mahihirapan siya ngayon."Fidel...""Oh?" mabilis na lumapit si Fidel kay Marie nang tawagin ito ng dalaga. Kakapasok lang nito sa pintuan at may dalang mga prutas na pinamili."Paalisin mo ang taong 'yan." Tumingin ito sa kaniyang gawi at tinuro siya."Marie..." Napatingin sa kaniya si Fidel."Ang pagkakaalam ko, ikaw lang ang tunay kong kapatid. Kung gano'n, anong ginagawa ng taong 'yan dito? Paalisin mo," muling sambit ng dalaga at blangkong tumingin sa kesame."Gheron?"Ngumiti siya sa lalaki. "Yeah, I understand. Sige, alis muna ako." Sandali siyang sumulyap sa dalaga at lihim na nabuntunghinga kahit ang totoo ayaw na ayaw niyang umalis.Mabigat ang balikat nang lumabas siya at nagpasyang sa loob ng kotse na lamang siy
"Putangina ka! Paano ka nakarating d'yan sa probinsya ni Marie?"Tiningnan lang ng masama ni Gheron si Magnar. Akala nito hindi siya babawi sa ginawa nito? Maghintay lang ito."Kung hindi ka panay sulpot at pangingialam sa buhay pag-ibig ko, Magnar, hindi ako magkakaganito!" napakuyom ang kaniyang kamao. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng hologram watch niya."Bakit ako?"Nag-dirty sign siya sa lalaki. Hindi sila kaibigan ngayon. Magkaaway sila ng lalaki at tama na ang tatlong araw na parusa nito sa kaniya. Pinagbibigyan lang niya ang ginawa nito para sa kasalanan ginawa niya kay Marie. Pero nangangako siyang babawi. Babawi siya para kay Marie."Huwag mong ipakita sa'kin ang mukha mo Magnar kapag nagmahal ka rin! Dahil gagawin ko rin miserable ang buhay mo. Hayop ka! Alam mong ikaw ang pinagseselusan ko, panay ka pa rin lapit sa babaeng gustong-gusto ko. Hindi ka talaga totoong kaibigan!"Isang malakas na tawa naman ang ginawa nito na parang hindi siya nito binugbog at kinulong ng tatlo
Mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa kaniya ng lalaking tinakasan niya sa Japan. Ayaw niyang makita ang mukha nito kaya anong ginagawa nito sa harapan niya? mabilis niyang iniwas ang sarili sa lalaki. Wala siyang pakialam sa walang ampat na paglabasan ng mga dugo sa kaniyang noo."Tangina! Anong ginawa niyo kay Marie?" boses iyon ni Fidel pero nanlalabo ang kaniyang mata dahil na rin siguro sa luha kaya hindi niya makita ito.Pilit siyang tinulungan ni Gheron pero pinapaalis niya ang kamay nito. Kahit ang paghawak lang sa kaniya ay hindi niya ito pahihintulutan."Marie...""Umalis ka na Gheron! Bakit ka pa nandito?!" Tinulak niya ang lalaki pero hindi ito natinag. "Bumalik ka na sa kung saan impyerno ka galing!" Binangga niya ito para padaanin lang siya at hindi naman siya nabigo, binigyan siya nito ng daan.Ang puso niya, tuluyang nawala. Nagkawasak-wasak. Hindi lang ang lalaki ang nanakit sa kaniya, pati na rin ang inakala niyang pamilya. Pamilya pero wala siyang halaga.Mabilis siy