Mabilis na nagdaan ang ilang buwan. Natatawa na lang si Odessa sa katangahan ng kaniyang puso nung makilala niya si Frahisto. Mabuti talaga at hindi siya tuluyang nahulog. Nakahanda na siyang bumalik sa Mindanao. Nung tumawag siya sa kaniyang Itang Bartolome, nasa maayos lang ang kalagayan nito. Limang buwan na rin ang lumipas at nami-miss niya na ang batis. Pinayagan na rin siya ng kaniyang magulang na sa Baryo ng Bayog siya magturo kahit ayaw na ayaw sana ng mga ito.May lima siyang kapatid at pangatlo siya. Ang kaniyang kuya, hindi nakatapagtapos at mas piniling mag-asawa na lang at may dalawang anak na. Ang sumunod, nahuli sa pag-aaral kaya namamasukan sa Maynila bilang working student at tinatapos ang kursong kinuha. Habang siya, mas piniling sa Mindanao magtuturo. "Heto, baonin mo ito. Tatlong araw ka sa barko, aba ay baka gutumin ka." Inabutan siya ng kaniyang napakabait na Itay ng kakanin na binalot pa sa dahon ng saging. Panigurado, n
Last Updated : 2021-03-15 Read more