"Theon!"
"Jacky!" Natigilan si Theon sa pagpasok sa loob ng plane nang makitang nakaumang ang improvised baston-gun sa kaniya ni Don Jukka. Sa kabilang kamay nito ay ang cigarette pipe at kampante itong humithit ng usok at binuga sa hangin.
Natalo rin niya ang dalawang lalaking nakaharang sa kaniyang daraanan kanina. Sa pagmamadali niyang makuha ang babae, ginamitan niya ang mga ito ng nakakamatay na technique at 'yon ay hilain ng mapwersa ang lalamunan ng isa saka malakas na siniko ang puso. Habang ang isa ay pinuntarya niya ang leeg nito at pinaghahampas ang ulo sa bakal na hagdanan.
Napahugot siya ng malalim na hininga. May apat na lalaking nakatayo at lahat ng mga 'to ay nakapamulsa habang naghihintay sa utos ng Don. Mula sa labas, dinig na dinig niya ang patuloy na pagpapatayan ng mga kasamahan niya at ito siya ngayon, naghahabol ng hiningang nakatayo sa harapan ng mga 'to.
"Don't ever thi
Tatlong buwan ang nakalipas, kung nakakangalay lang ang ngumuti baka kanina pa nangalay ang mukha ni Theon sa kakangiti habang pinagmamasdan si Jackylyn na lumabas ng silid. Ito 'yung araw na pupuntahan nila ang lolo nitong nakakulong panghabang buhay sa Finland. Naging tahimik lang ang kaso ng matandang Don, hindi rin pinalabas sa kahit anuman News ang nangyaring patayan. Lahat ng mga leak footage sa nangyaring patayan ay binubura ng babaeng mahal niya at pinatiling tahimik ang lahat."Laway mo," biro sa kaniya ni Jackylyn."Napunasan ko na." ngumisi siya at irap naman ang nakuha niya sa dalaga.Doon lang din niya napansin na suot nito ang kwentas na binigay niya matagal na. Naglaho ang kaniyang ngiti at lumapit dito. "That necklace..."Napatingin naman ito sa suot nito at namumulang napangiti. "Oo, tinago ko. Maraming beses na gusto ko 'to itapon para kalimutan ka kaso hindi ko ma
"Theon!"Hindi na kailangan lumingon ni Theon oara alamin kung sino ang tumawag sa kaniyang pangalan, alam niyang ang ex-wife niya ito."Theon!" Masayang tumakbo si Amara papalapit sa kaniya para yakapin siya nang biglang humarang si Azael na asawa nito na nakasimangot ang mukha."Back off, asshole." Humarang ito sa gitna at ito mismo ang yumakap babae ng mahigpit at bigla siyang binelatan.Ngumisi siya at mas lalong inasar ang lalaki. "Ang damot mo, ah! She's my wife way back then." nakakalokong saad niya.Jackylyn his wife was on her way to church. Nasa isang sikat na Recording Station pa ito. Ang pangarap nito na gustong maging singer, tinupad nila pareho basta sa gabi, magkasama silang dalawa sa kama. Ngayon sikat na sa industriya ang kaniyang asawa, paminsan-minsan ay nagdu-duet sila sa mga concert nito at maraming tao na pinakilig. 
Napatingin si Farhistt sa apat na lalaking papasok sa loob ng kaniyang pribadong opisina. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi nang makitang duguan ang isa sa kasama ng mga 'to. Sandali siyang tumigil sa pagsusulat at binaba ang lapis. “What happened?” kahit alam naman niya ang sagot.“Napaaway lang sa kanto.” ngumisi si Magnar at sinulyapan si Gallagher na pinipilit ampatin ang dumudugong noo. “Why won't you two admit it?” seryusong tanong niya. Umupo agad sa mahabang sofa si Maccabi at Tiverius na nakangisi. Alam niyang nag-away na naman ang mga ito sa labas. “Pinag-awayan nila ang isang babae, Yx.” natatawang singit ni Maccabi. Tama nga ang nasa isip niya. Babae na naman ang pinag-aawayan ng dalawang magkakaibigan na 'to. Hindi na siya nagtaka, nakahiligan na yata ng dalawa na laging iisang babae ang laging nagugustuhan at ang ending, parehong hindi ito napipili. “Kung hindi kasi maepal 'tong si Magnar, sasagutin na sana ako ng nililigawan ko.” inis na pakli ni Gallagher sabay di
May binigay na tao sa kaniya si Maccabi na pwedeng tumulong sa kaniya pagdating sa nasabing probinsya ng Zamboanga. Ang eksaktong address na pupuntahan niya ay baryong Bayog. Isang may katandaang lalaki ang sumundo sa kaniya sa terminal at nagpakilalang kaibigan ng ama ni Maccabi ito. Ito na rin mismo ang magiging guide niya papuntang baryo ng Bayog.“Ilang araw o linggo kayo mananatili sa baryong iyon, Sir?”“Depende pero pinakamataas na ho'yang 2 weeks,” ganting sagot niya sa lalaking nagngangalang Domenggo.Mabilis itong tumango. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin mo sa lugar na 'yon, Sir basta mag-iingat ka lang.”Tumango siya at tiningnan ang dinaanan nila. Sakay sila sa isang bus papuntang Baryo ng Buug saka sila tuluyan sasakay ng isang habal-habal para makapasok ng tuluyan sa nasabing lokasyon.“Nasabi na rin sa'kin ni Maccabi, Sir, na ako na bahala sa in
Maaga pa lang, nagising na si Farhistt sa tilaok ng manok sa labas. Nag-push up muna siya at nag-sit ups bago tuluyang bumangon. Niligpit niya rin ang kinahihigaan at inayos ang pagkaka-file ng mga 'to sa isang tabi. Una niyang nabungaran ang dalagang nagngangalang Odessa sa kusina at nagluluto ng umagahan.Nung makita siya ng dalaga, biglang naging asiwa ito at hindi agad mapakali sa ginagawa kaya nagpasya siyang lumabas at tumambay sa bakuran. Lalanghap lang siya ng hanging probinsya. Mamaya lang ay magsisimula siya sa assignment niya na walang magsususpitsya sa kaniyang galaw at kilos bilang bagong salta sa lugar na ito.“B-baka gusto mo ng kape...”Napalingon siya sa babae, may dala itong isang tasang may black coffee at nahihiyang inabot sa kaniya. Walang kangiti-ngiting tinanggap niya iyon at tinikman.“Thanks.” Masarap ang kape at purong puro iyon, walang halong kemikal.
Napilitan si Farhistt na magpasama kay Odessa sa bayan ayon na rin sa pangungulit ni Mang Bartolome. Isang kupasing tshirt at pantalong maong ang kaniyang suot para hindi siya halata nung umalis sila. Nakasuot din siya ng kupasing sumbrero at nakatsinelas na parang isang ordinaryong mamayan. Ang gusto niya sana, siya ang umalis mag-isa para hindi siya mahirapan pero wala siyang choice.“F-frahisto,” untag sa kaniya ni Odessa.Nakasakay sila ngayon ng motorsiklo papuntang bayan at magkatabi sa upuan. Nararamdaman niyang naiilang ang dalaga sa kaniyang tabi pero hindi niya pinansin iyon, siguro hindi lang sanay ito sa kaniyang presinsya.“Yes?”“Bisaya language ang gamit ng mga tao rito baka——”“It's okay, nakakaintindi ako ng lenggwaheng 'yan.”Tumango ito at hindi na muling nagsalita pa hanggang sa dumating sila sa bayan. Tulad ng kaniyang inaasah
Lihim na pinagmamasdan ni Odessa si Frahisto na nag-iigib ng tubig. Ewan ba, sa tuwing napapatingin siya sa mga mata ng lalaki, para siyang napapahipotismo at hindi niya mapigilan kiligin. Pinipilit lang niyang umarteng kaswal sa harap nito pero hindi niya mapigilan mabulol sa tuwing kausap ang lalaki. Sayang nga lang, may asawa na ito.Nalungkot siya sa bahaging 'yon pero binalewala rin niya agad. Aaminin niyang may gusto siya sa lalaki nung una pa lang niyang kita rito. Siguro dahil first time niya makakita ng ganito kakgwapong nilalang na bumaba sa lupa. Sa sobrang kagwapuhan nito, parang ayaw niya na yatang mawala sa paningin niya ang lalaki.“Odessa?”Bahagya siyang nagulat nang tinawag siya nito. Naramdaman niyang namula ang kaniyang pisngi na tumingin sa lalaki. “B-bakit?”“Mauna ka na sa bahay. Kaya ko na sarili ko rito.”Napakagat siya ng labi. Pati boses ng la
SIMULA nung magkahawak kamay sila ni Frahisto nang gabing iyon, halos 'di siya dalawin ng antok nung matutulog na siya. Ang lakas ng impact ng lalaki sa kaniya at kinilig ang kaniyang puso. Kung 'di lang sana ito kasal sa iba, baka nagpapa-cute na siya sa lalaki. Mabuti na lang talaga at hindi ito namaligno, kundi iiyak talaga siya. Sayang kamo ang kagwapuhan nito kung maligno lang ang makikinabang at hindi siya. Sandali siyang napahagikhik sa naisip.Tanghali na nang magising siya kinabukasan. Gahol siyang napatakbo papuntang kusina! Jusko naman kasi. Madaling araw na siyang nakatulog sa kaiisip ng gwapong mukha ni Frahisto isama pa ang hawak kamay chuchu nilang dalawa. Sinong 'di kikiligin niyan?Pero nung maalala niyang hindi pa siya nakapulbo at lipstick, habang ang buhok niya ay sabog... Mabilis siyang bumalik sa kaniyang kwarto at nagsuklay ng mabilisan. Naglagay ng maraming-maraming pulbo at pulang lipstick sa labi. Napangiti siya
“Ano? Okay na ba kayong dalawa? Mabuti naman at makakatulog na ako ng mahimbing nito. Hindi na ako susundutin ng konsensya ko.” nakahingang saad ni Magnar. Nakaharap sa mga ito ang phone niya at naka-live pa rin ang mga ito gamit sa Facebook niyang kagagawa lang kanina. Gamit niya ang pangalang 'Magnesiumʼ. “Mga ka-viewers, 'yan pala ang dalawang lovebirds. Nagkasakitan muna bago nagbalikan. Kita niyo ang dalawang 'yan? Parang mga tanga lang. Ayawan bago balikan. Kaya ayuko magmahal kasi ganiyan mangyayari sa'kin—— awts! Tangina mo nambato pa!” inis na lumayo siya sa mga ito. Vlogger siya ngayon. “Kilala niyo ang lalaking 'yan? Kaibigan ko 'yan na pinagselusan ako. Hahah. Bobo amputa! Anyways, maganda kasi ang Mariebabes pancakes honey loves so sweet niya kaya ganiyan siya kabaliw.”“Umalis ka nga rito!” asik sa kaniya ni Gallagher.“Masaya ka lang, eh. Taena mo ito na, aalis na!” mabilis niyang saad nang akmang batuhin siya nito ng prutas.Lumayo siya sa mga ito at nagtungo sa sala.
Sabay silang nagtawanan dalawa ng babaeng mahal niya at para mas lalong mapapasana all ang kaibigan, walang sabing tinawid niya ang pagitan ng labi nila ni Marie. Kung alam lang pala niya na sa ganitong paraan siya papatawarin ng dalaga, nag-live na siya sa facebook at nagkunwaring tumalon mula sa roof top ng building noon."Don't be mad at me Gal, Marie. Ang totoo niyan, buong mundo ang nakapanood sa inyo ngayon.""The hell?!""Ano!""Isang buong gabi lang ito." Humalakhak ito. "I'll delete it by morning, swear." Nagtaas ito ng kamayna parang nangangako.Hindi na sila umimik dalawa. Muli niyang hinarap ang dalaga at tinawid ulit ang pagitan ng kanilang labi at mariin itong hinalikan. Parang may fireworks ang kaniyang puso nang tugunin nito ang halik na binigay niya at mas marubdob na paraan. Halik na kay tagal nilang tinitimpi ang isa't isa at wala silang pakialam kung nasa live video sila ni Magnar. Maiinggit ito.Natigil lang sila nang tumunog ang kaniyan tiyan. Natawa siya nang du
Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Gallagher nang maiahon siya ni Magnar sa ilalim ng tubig. Galit itong nagsisigaw sa mukha niya habang sinuntok ulit ang kaniyang mukha at niyugyog ang kaniyang balikat."Stupid! Are you trying to kill yourself?! Gago ka na ba talaga, ha, Gal? Tangina mo! Tangina mo talaga!"Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Magnar na galit na galit. Nakaupo na ito sa kaniyang tabi at basang-basa. Dahan-dahan siyang bumangon at napahawak sa kaniyang panga. Ngayon siya ulit nakatikim ng suntok mula sa kaibigan."Masakit," usal niya.Napasinghot naman ito at binatukan siya. "Tangina mo Gallagher!""Nasaan ang pinapakuha ko sa'yong beer?""Wala ka ng stock ng beer sa ref mo. May magdadala rito maya-maya lang at darating."Nagkibit siya ng balikat at pinunasan ang gilid ng labi. Nalasahan niya ang kaniyang sariling dugo na nagmula roon. Sa suntok marahil na binigay sa kaniya ni Magnar."Ano ba ang nasa isip mo?""I just wanna rest. Kahit isang gabi lang.
Limang buwan nagdaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Marie. Mas lalo itong naging malamig sa kaniya nung lumipat na ang mga ito sa Manila at sunod pa rin siya nang sunod. Nagmukha siyang aso sa kakasunod sa dalaga. Pinayuhan na rin siya ni YX pero hindi siya nakinig.Binigyan siya nito ng bakasyon at pinakiusapan ayusin niya ang kaniyang sarili pero mahirap yata gawin ang sinabi nito. Mabilis lang sabihin pero sa bawat gabing nagdaan, dahan-dahan siyang tinutupok ng sarili niyang kalungkutan.Tulad ngayon, nasa sariling penthouse siya sa Manila at mag-isang umiinom habang nakatingin sa kalawakan sa gabing iyon. Pang-ilang bote niya na ito ng beer at malakas-lakas na ang tama niya.Natatawa siya habang paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang magandang mukha ni Marie. Natatawa siya pero ang sakit na kaniyang naramdaman ay hindi kayang pawiin sa ilang bote ng beer na kaniyang ininom."Marie!!!" malakas siyang napasigaw. Nasa terasa siya at walang makakarinig kahit magwala
Ang lawak ng ngiti ni Gallagher nang maihanda niya ang adobo at dalawa pang niluto. Mabango pero ingat si Magnar, dahil may nilagay siyang pagsisihan nito ng buong buhay. Nagpipigil siyang humalakhak. Umarte siyang kalmado nang umakyat siya sa hagdanan. Susunduin niya lang ang kaibigan at ihatid ito sa kamatayan.Sinadya niya munang daanan ang silid ni Marie at nakita niyang nando'n pa rin ang pagkain sa labas kung saan niya iniwan. Napabuntunghinga siya. inuna niyang kunin ito at bumaba papuntang kusina. Naawa siya sa lutong pagkain niyang hindi man lang nagawang tikman.Nilagay niya sa hugasan ang tray nang magsalita na sa likuran niya si Magnar. Kasunod nito si Marie at mukhang giinawa nitong proteksyon ang babae laban sa kaniya. Ngumisi siya sa isip. Gano'n nga, hangga't nasa paligid ang dalaga hindi niya ito dadapuan ng daliri."Luto na ba Gal?"Huminga muna siya ng sama ng loob bago tumango. "Yeah.""Good! Kasi gutom na ako.""Kumain ka na bago ko ihampas lahat 'yan sa'yo."Ning
Mabilis pa sa kidlat ang naging pagtakbo ni Gallagher sa bintana ng sala para totoong silipin kung nandito nga ba ang walang hiyang kaibigan niya. napamura siya ng malakas nang makita itong nakangiti, umakyat sa bakod at nagwagayway ng puting bandila. May suot itong puting damit na may nakatatak na pangalan niya at peace sign. Nagdilim ang kaniyang mukha. May gana pa talagang umarteng kaibigan sila ngayon. Kung alam lang ni Magnar na nung nakaraan araw pa siya gigil na gigil na pilipitin ang leeg nito hanggang sa mangisay ng tuluyan at layuan ang babaeng mahal niya!"Tanginang gagong 'to! Nagpakita pa talaga—" Hindi niya natuloy ang iba pa na sasabihin nang marinig niya ang mga yapak na nagmula sa hagdanan.Paglingon ni Gallagher, ang walang emosyong mukha ni Marie ang kaniyang nakita. Deri-deritso itong nagtungo sa pintuan na hindi siya nakikita o sadyang ayaw lang siyang tingnan.Gusto niyang harangan ang pintuan para huwag itong lumabas at baka makita nito si Magnar pero hindi niya
Blangko ang mukha ni Marie nang tingnan siya nito at tanggap ni Gheron iyon. Siya ang gumawa ng bagay na ikakamuhi sa kaniya ng dalaga kaya hindi siya pwedeng magreklamo kung pahihirapan siya nito. Babalik siya sa una kung saan at kung paano siya nito kinausap pero mahihirapan siya ngayon."Fidel...""Oh?" mabilis na lumapit si Fidel kay Marie nang tawagin ito ng dalaga. Kakapasok lang nito sa pintuan at may dalang mga prutas na pinamili."Paalisin mo ang taong 'yan." Tumingin ito sa kaniyang gawi at tinuro siya."Marie..." Napatingin sa kaniya si Fidel."Ang pagkakaalam ko, ikaw lang ang tunay kong kapatid. Kung gano'n, anong ginagawa ng taong 'yan dito? Paalisin mo," muling sambit ng dalaga at blangkong tumingin sa kesame."Gheron?"Ngumiti siya sa lalaki. "Yeah, I understand. Sige, alis muna ako." Sandali siyang sumulyap sa dalaga at lihim na nabuntunghinga kahit ang totoo ayaw na ayaw niyang umalis.Mabigat ang balikat nang lumabas siya at nagpasyang sa loob ng kotse na lamang siy
"Putangina ka! Paano ka nakarating d'yan sa probinsya ni Marie?"Tiningnan lang ng masama ni Gheron si Magnar. Akala nito hindi siya babawi sa ginawa nito? Maghintay lang ito."Kung hindi ka panay sulpot at pangingialam sa buhay pag-ibig ko, Magnar, hindi ako magkakaganito!" napakuyom ang kaniyang kamao. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng hologram watch niya."Bakit ako?"Nag-dirty sign siya sa lalaki. Hindi sila kaibigan ngayon. Magkaaway sila ng lalaki at tama na ang tatlong araw na parusa nito sa kaniya. Pinagbibigyan lang niya ang ginawa nito para sa kasalanan ginawa niya kay Marie. Pero nangangako siyang babawi. Babawi siya para kay Marie."Huwag mong ipakita sa'kin ang mukha mo Magnar kapag nagmahal ka rin! Dahil gagawin ko rin miserable ang buhay mo. Hayop ka! Alam mong ikaw ang pinagseselusan ko, panay ka pa rin lapit sa babaeng gustong-gusto ko. Hindi ka talaga totoong kaibigan!"Isang malakas na tawa naman ang ginawa nito na parang hindi siya nito binugbog at kinulong ng tatlo
Mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa kaniya ng lalaking tinakasan niya sa Japan. Ayaw niyang makita ang mukha nito kaya anong ginagawa nito sa harapan niya? mabilis niyang iniwas ang sarili sa lalaki. Wala siyang pakialam sa walang ampat na paglabasan ng mga dugo sa kaniyang noo."Tangina! Anong ginawa niyo kay Marie?" boses iyon ni Fidel pero nanlalabo ang kaniyang mata dahil na rin siguro sa luha kaya hindi niya makita ito.Pilit siyang tinulungan ni Gheron pero pinapaalis niya ang kamay nito. Kahit ang paghawak lang sa kaniya ay hindi niya ito pahihintulutan."Marie...""Umalis ka na Gheron! Bakit ka pa nandito?!" Tinulak niya ang lalaki pero hindi ito natinag. "Bumalik ka na sa kung saan impyerno ka galing!" Binangga niya ito para padaanin lang siya at hindi naman siya nabigo, binigyan siya nito ng daan.Ang puso niya, tuluyang nawala. Nagkawasak-wasak. Hindi lang ang lalaki ang nanakit sa kaniya, pati na rin ang inakala niyang pamilya. Pamilya pero wala siyang halaga.Mabilis siy