Sa kabilang ibayo naman, malayo sa Kaharian ng Vireo subalit malapit sa Kaharian ng Arcansas ay matatag na nakatayo ang isang kaharian na tinatawag na Zaparya. Ang kahariang ito ang pinakamarahas sa lahat ng kaharian kung kaya’t walang anumang palasyo ang nakikipag-alyansa rito.Marami nang nasakop na bayan ang emperyong ito at katunayan, ang Kaharian ng Zaparia ay binubuo ng tatlong pinagsama-samang palasyo na tinatawag na Zamora, Pardano at Yasuko. Ang kahariang ito ay pinamumunuan ng pinakamalupit na hari sa kasaysayan na si Haring Clavar. Siya rin ang haring nakapatay kay Haring Vireo ng Kaharian ng Vireo. 10 kaharian na ang kaniyang napabagsa
Read more