Habang sa kaharian naman, kinagabihan ay hindi makatulog si Prinsesa Manorah kaya naisipan niya munang puntahan ang batang magnanakaw na nakakulong.
Sa kaniyang paglalakad ay nakasalubong niya ang mandirigmang may gusto sa kaniya na si Aztec. Agad itong nagbigay-galang sa kaniya sa pamamagitan ng paglalagay niya ng kaniyang kamao sa dibdib sabay tungo.
"Ikaw pala Prinsesa Manorah. Saan ka patungo?" magalang na tanong ni Aztec.
Kinaumagahan ay muling nagtungo sa bilangguan si Prinsesa Alora at agad niyang napansin na mabilis na naghilom ang sugat ng batang si Bruno."Sino ang tumulong sa 'yo?""Ha? Wa-wala po.""Palagi mo na lang akong iniini
Pagkagaling sa presinto ay agad nagmaneho si Sheriff Luigi patungo sa isang abandonadong gusali upang tagpuin ang pangkat ni Lazaro. Bago nagmaneho ay sinigurado niyang walang sinuman ang nakasunod sa kaniya.Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na siya at agad pumasok. Sumalubong sa kaniya si Lazaro at ang mga tauhan nito.“Para kayong mga daga na tago nang tago pagkatapos gumawa ng krimen!”
Ang Emperyo ng Zaparya naman ay nababalot ng katahimikan hindi dahil isa itong mapayapang kaharian, kundi dahil ang palasyong ito ay nababalot ng kadiliman.Hindi literal na madilim ang kapaligiran nito kundi dahil sa pinaninirahan ito ng masasamang nilalang.Sa ngayon ay may nilulutong masamang plano ang mga taga-Zaparya. Gamit ang isang mahiwagang tubig at ang mahika ng mangkukulam na si Adelina ay nakikita nila ang mga pangyayari sa loob ng kaharian ng Vireo.
Kinabukasan ay magaganap na ang paglilitis. Si Prinsesa Manorah ay nasa kaniyang silid at inihahanda ang kaniyang mga sasabihin. Kampante naman siya na kahit malapit si Prinsesa Alora sa mga konseho ay siya pa rin ang papanigan ng mga ito at ng kaniyang ina.Maya-maya ay may kumatok sa kaniyang silid na agad naman niyang pinagbuksan."Althea, ikaw pala."
Lumabas na ang lahat sa silid-hukuman at tanging ang reyna at ang apat na konseho na lang ang natitira."Malinaw na mismo kay Prinsesa Alora ang ginawa niyang pag-amin. Walang duda na siya ang dapat parusahan."wika ni Carlile na sinalungat naman ni Shanaya."Pero mali ang ginawa ni Prinsesa Aleyah na nag-imbento siya ng kuwento upang ma
Kinabukasan, pumasok sa isip ni Prinsesa Manorah na kailangan niyang pasalamatan ang mandirigmang tinutukoy ni Prinsesa Aleyah.Naisip niya na kung hindi si Althea ay wala nang ibang gagawa noon kundi ang mandirigang si Aztec na noon pa man ay alam na niyang may pagtingin sa kaniya.Lalapitan niya sana ito subalit bigla niyang nakitang parating ang kapatid niyang si Prinsesa Alora kaya minabuti niya munang umiwas.
Ngayong araw ay ang huling sandali ng paghahanda sapagkat bukas ay magaganap na ang isang kaabang-abang na pagdiriwang. Ang kanang-kamay ng reyna na si Luna at ang kapatid ng reyna na si Centina ang naatasan sa pag-oorganisa ng nasabing pagdiriwang.“Tingnan mo nga naman, tayo pang dalawa ang pinagsama ng kapatid kong reyna. Hindi siguro niya batid na hindi tayo magkasundo.” bulalas ni Centina.
Samantala, sa kaharian ng Zaparya ay nasa iisang silid ang magkapatid na si Prinsesa Nevira at Prinsesa Azulla na kapwa nagbabasa ng aklat ng mahika.“Nabalitaan mo ba ang malaking pagdiriwang na gaganapin sa Vireo bukas?” tanong ng nakatatandang si Prinsesa Nevira.
Samantala, habang nakikipagsapalaran pa sa loob ng kuweba si Prinsesa Aleyah, sa labas ng kweba naman ay naiwan ang kaniyang pangkat. Madilim na sa paligid kaya doon na rin mismo sa labas sila nag-ayos ng mga matutulugan at mapagpapahingahan. Tahimik silang lahat at halatang nag-aalala sila sa kanilang pinunong prinsesa. Lahat sila ay hindi maalis ang tingin sa bukana ng kweba at tila ba inaabangan ang paglabas ng prinsesa.“Nakakatawa nga naman oh, isang araw pa lang siyang nasa loob pero hindi na tayo makapaghintay na makita ulit siya.”
Kinabukasan sa Kaharian ng Nemitiko ay nagkaroon ng salu-salo kasabay ng magaganap na pagpupulong. Naroroon na ang Punong konsehong si Carlile at kanang kamay ng reyna na si Luna mula sa kaharian ng Vireo. Pati na rin si Heneral Lumid na kinatawan ng Arcansas, si Opelia na isang dakilang manghuhula, manggagamot at kanang kamay ng hari ng Ethero, gayundin ang dalawang mandirigma na sina Yozke at Ximuel mula naman sa Kaharian ng Moriones at ang iba pang mga kinatawan mula naman sa natitira pang 26 na kaharian. Isang Palasyo na lang ang hindi pa nagpapadala ng kinatawan para sa mahalagang pulong na gaganapin at iyon ay ang Palasyo ng Floresiana. Gayunpaman, ay sinalubong ng pamilya ni Haring Nemias ang kanilang mga panauhin na kinabibilangan ni Reyna Juliana kasama ang 3 nilang anak na diwata na sina Prinsesa Natalia, Prinsipe Juro, at Prinsesa Arabella na pa
Habang makalipas naman ang 30 minuto ay nakalabas na sa gubat ang pangkat ni Prinsesa Aleyah at tumambad sa kanila ang isang napakalaking kweba. Kung titingnan sa labas ay lubhang napakadilim sa loob nito. Kakaiba ang kwebang ito na naging dahilan upang mag-alangan silang pumasok. Napahinto sila habang pinagmamasdan ang labas ng kweba na tila ba korteng ulo ng dragon.“Mukhang hindi nagkataon na hugis ulo ng dragon ang kwebang iyan.” pabulong na usal ni Tamara na para bang sinasabi niyang ang lahat ng mga bagay sa paligid ay may dahilan at hindi nagkataon lamang.
Sa Emperyo ng Zaparya ay matunog naman ang pangalan ng mala-higanteng mandirigma na si Agor. Nakakatakot ang kaniyang itsura, hindi rin siya basta-basta masusugatan dahil ang kaniyang balat ay tila ba bakal sa sobrang tibay. Siya lang naman ang tinaguriang pinakamalakas na mandirigma sa lahat ng mga kaharian buhat ng kaniyang taglay na kalakihan, sa kasamaang palad ay mas pinili niyang umanib sa masamang emperyo ng Zaparya. Madalas siyang nasa tuktok ng Kaharian ng Zaparya upang magmasid. Pinaniniwalaang alam niya ang lahat ng nangyayari sa paligid sapagkat taglay rin niya ang pambihirang matatalas na mga mata.Isang araw, ipinatawag siya ng kaniyang haring si Clavar
Samantala, madaling araw sa malayong kaharian ng Vireo ay humahangos na pumasok ang mensahero ng kaharian na si Lancelot. Agad napansin ng lahat ng mga nasa kaharian ang kaniyang balisang pagdating.“Lancelot, ayos ka lang ba? Tila hindi ka yata mapakali.” tanong ng kanang-kamay ng reyna na si Luna.“Hu-huwag kayong mabibigla sa aking sasabihin.” hinihingal na tugon ng mensahero.
Sa Kaharian ng Zaparya naman ay nilapitan ng manghuhulang si Nisan ang prinsipeng si Roman.“Mukhang masaya ka ngayon mahal na prinsipe.”“Paanong hindi ako masisiyahan kung nang dahil sa ginawa kong pagpatay kay Heneral Wuhan ng Floresiana ay magiging magkaalitan ang kanilang kaharian at ang Moriones. Hahahaha!”
Sa Kabundukan ng Romanes naman ay patuloy ang paglalakbay ng pangkat ni Prinsesa Aleyah. Makalipas ang 3 araw ay nasunod ang plano ng prinsesa na sa loob dapat ng 3 araw ay naakyat na nila ang bundok na ito.Kasalukuyan na nilang kailangang malampasan ang Kagubatan ng Mariveles kung saan pinaniniwalaang ito ang tirahan ng matitinik na mga bandido. Sa ngayon, naglalakad ang pangkat ni Prinsesa Aleyah nang bigla na lamang siyang huminto sa paglalakad kaya napahinto rin ang kaniyang mga kasama.
Samantala, ang masayahing Palasyo ng Moriones ay nabalot ng pangamba. Ang kanilang mga kawal ay nasa labas ng kaharian at pinaghahandaan ang pag-atake mula sa kaharian ng Floresiana. Habang sa loob ay nagpupulong ang mga maharlika at may matataas na katungkulan sa pangunguna ng kanilang pinuno na si Haring Marino.“Hindi ko nais na sapitin ito ng ating kaharian. Patawad ngunit ang nagbabadyang digmaan ay hindi ko na mapipigilan.”
Habang sa malayong kaharian naman ng Floresiana ay nagkaroon nang malaking kaguluhan matapos umanong matagpuang patay sa kaniyang silid ang isa nilang matikas na heneral na si Heneral Wuhan.Nang siyasatin ito ng mga manggagamot at kawal ng Floresiana ay mayroon silang espadang natagpuan na may simbolo ng Palasyo ng Moriones. Agad nagpatawag ng pulong ang kanilang hari na si Haring Hernan.“Malinaw na may gustong iparating sa atin ang kaharian ng Moriones sa ginawa nilang pagpatay