Home / Urban/Realistic / Prinsesa Aleyah / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Prinsesa Aleyah: Chapter 11 - Chapter 20

53 Chapters

Kabanata X : PAGHIHIGPIT

Samantala sa Vireo ay payapa ang kalangitan. Nagpapahinga na ang lahat dahil gabi na maliban kay Prinsesa Aleyah na may malalim na iniisip. Kasalukuyan siyang nasa silid ng kaniyang namatay na ama. Sa pagdaan ni Carlile ay napansin niyang nakabukas ang pinto ng silid at nakita niya roon ang prinsesa."Mahal na prinsesa. Hindi ka pa ba  magpapahinga?""Maya-maya ay magpapahinga na rin ako. Kayo po, bakit gising pa kayo?" malumanay na tanong ng bunsong prinsesa."Sapagkat nalaman kong wala ka pa sa iyong silid, alam mo namang ako ay nababagabag sa tuwing nakikita kong hindi ka pa natutulog ng ganitong oras.""Ganun po ba? Maaari mo ba muna akong samahan.""Oo naman anak. Ano ba ang iyong ginagawa sa silid ng iyong ama?""Wala lang, inaalala ko lang ang m
Read more

Kabanata XI: SI PRINSESA MANORAH

“Maaari ba akong makinig sa inyong pulong?” mahinahong tanong ng ikatlong prinsesa.“Oo naman anak. Pumasok ka rito.”“Mahal na reyna, nakababahala po ang nakita ni Lancelot. Ayon sa kaniya ay may mga bandido siyang nakita sa labas ng kaharian na wari niya’y nag-eespiya.” sambit ni Punong Carlile na pinatotohahan kaagad ng mensahero at espiyang si Lancelot.“Tama po iyon kamahalan, paano kung may binabalak na naman silang pag-atake? Ang ating pwersa ay hindi pa handa sa anumang uri ng pagsalakay.”“Ang malaking katanungan ay kung ano ang kanilang pakay sa ating kaharian.” usal naman ni Luna na tila ba malalim ang iniisip.“Marahil ay nais na naman nilang magnakaw. Kailangan nating mapaghandaan ang kanilang pagsugod nang hindi tayo na
Read more

Kabanata XII : SAGUPAAN

Sa lugar ng mga ordinaryong tao ay naglalakad-lakad ang grupo ni Zuko upang masigurong maayos ang kanilang bayan. Madalas nila itong ginagawa at gaya ng inaasahan ay may naabutan na naman silang kaguluhan.Isang babae ang binabastos ng mga kawatan na dati na nilang nakasagupa at iyon ay ang grupo ni Lazaro. Mahigit sa dalawampu ang kanilang miyembro at sila ang pinakamabagsik na grupo ng mga kawatan sa lugar.“Bitiwan niyo na ako! Maawa kayo!” umiiyak na sigaw ng isang babae na nasa kamay ngayon ng grupo ng mga kawatan.“Awa? Wahahaha! Wala kaming awa.” bungisngis na sagot naman ni Lazaro na dinugtungan ng isa pa niyang tauhan na si Vito.“Boss ang mabuti pa dalhin na natin iyang babae na ‘yan!”“Huwag! Huwag po. Maawa kayo!” nagpupumiglas ang babae mula sa mahigpit na pagkakakapit sa kaniya ng mga mapagsamantalang grup
Read more

Kabanata XIII : ANG PAG-IIBIGAN NI OLRICK AT ALTHEA

Habang wala si Duke Flavio ay lihim na nakipagkita si Althea sa kasintahan niyang si Olrick. Alam kasi nila na tututol ang duke sa kanilang pag-iibigan.“Althea, bakit hindi pa natin sabihin sa iyong ama ang tungkol sa ating dalawa?” tanong ni Olrick.“Gustuhin ko man Olrick ay hindi maaari! Siguradong tututulan niya ang ating pag-iibigan at paglalayuin tayo.” nag-aalalang pahayag ni Althea.“Pero kahit gawin iyon ng iyong amang duke ay lalapit pa rin ako sa ’yo. Hindi niya tayo mapaghihiwalay.”“Natutuwa akong marinig iyan sa 'yo Olrick, subalit hindi talaga maaari. Handa ka pa rin bang ipaglaban ang ating pagmamahalan kahit buhay mo man ang maging kapalit?”“Oo naman Althea. Ang mahalaga, sinubukan nating magpakatotoo. Ayokong haba
Read more

Kabanata XIV : PLANONG PAGTAKAS

Samantala, dalawang araw nang nakakulong ang grupo ni Zuko matapos silang mahuli ni Sheriff Luigi. Hindi maitago ni Sara ang kaniyang labis na pagkainis sa sitwasyon nila ngayon.“Bwiset talaga ‘yang si Sheriff! Kapag nakita ko talaga siya, ako mismo ang magpapatumba sa kaniya.”“Ssssshhhh. H'wag kayong maingay.” sambit ni Zuko habang komportableng nakahiga at nakatitig sa kandado ng rehas na kulungan.“At anong magagawa ng maghapon mong pagtitig diyan sa kandado?”“Nag-iisip ng plano si Kuya Zuko para makatakas tayo rito.” siya namang pagsagot ni Marcus sa tanong ni Sara para kay Zuko.“Siguruhin mo lang na maganda iyang maiisip mong plano. Gusto ko nang lumabas dito sa kulungang 'to!”
Read more

Kabanata XV : BAGSIK NI PRINSESA ALEYAH

 Maya-maya pa ay pumasok na sa silid-pulungan si Duke Flavio at Talina.Kasunod sina Olrick, Althea, Prinsesa Manorah at Luna.“Paumanhin kamahalan sa nangyari kanina. Hindi na iyon mauulit pa.” sambit ni Duke Flavio na hindi bukal sa loob ang pagsisisi.“Mahal na reyna, inaasahan kong maparurusahan ang aking ama!” nagtitimping bulalas ni Althea na ikinagulat naman ni Talina.“Sigurado ka Althea sa sinasabi mo! Mag-isip ka muna bago magdesisyon!”“H’wag kang makialam Talina, hindi ikaw ang aking ina! Palagi ka na lang nakikisali sa alitan naming mag-ama. Tandaan mo na kanang kamay ka lang ni ama at mananatili ka sa ganitong posisyon.”“Huminahon muna k
Read more

Kabanata XVI : ANG ANAK NG DUKE

Samantala, pagsapit ng hapon ay naisipan ni Althea na puntahan ang mga ordinaryong mamamayan ng Vireo.Nagsama siya ng dalawampung tauhan. Sakay ng kabayo ay agad na silang nagtungo. Nais lang sana niyang kumustahin ang mga pamilya ng mga batang sinasanay niya na kasalukuyang nasa pangangalaga ng palasyo.Pagdating niya sa lungsod ay labis siyang nagtaka sa ikinikilos ng mga mamamayan. Sa kabilang dako ay may mga nagbubulungan.“Dumating na ang isa pang magpapahirap sa atin!”“Mukhang inutusan muna ng duke ang kaniyang anak na mangolekta ng buwis. Hindi na sila naawa!”“Inay ano na pong gagawin natin? Masyado siyang maraming kasamang kawal. Baka mayroon na namang magbuwis ng buhay sa atin!”&ldq
Read more

Kabanata XVII : SI PRINSESA ALORA

Si Prinsesa Alora ang pangalawa sa magkakapatid na anak ng reyna. May taglay siyang kagandahan pero mas hinahangaan ang kaniyang galing sa pakikipaglaban.Wala pang kahit isa ang nakatatalo sa kaniya sa paligsahan na isinasagawa taun-taon. Layunin ng paligsahan na ito na alamin kung sino ang pinakamahusay na mandirigma at kasalukuyang hawak ni Prinsesa Alora ang titulo. Sampung taon nang isinasagawa ang paligsahan na ito magmula noong isa pa lang ding prinsipe ang namatay na haring si Vireo. Ang dalawang titulo ng panalo ay nakamit ni Prinsipe Zeus noong mga unang taon at ang mga kasunod pang anim na paligsahan ay nakamit ni Prinsesa Alora ang titulo.Siya ang pinakasikat na maharlika sa lahat. Usap-usapan siya kahit ng ibang kaharian. Bagamat angat sa lahat ay itinuturing niya pa ring karibal ang bunso niyang kapatid na si Prinsesa Aleyah.Kilala si Prinsesa Alora sa dami na ng kaniyang napagtagumpayan kaya na
Read more

Kabanata XVIII : ANG TAGAPAGLIGTAS

Kinabukasan ay nagtungo si Prinsesa Aleyah sa lungsod ng mga mamamayan ng Vireo. Palagi niya talaga iyong ginagawa upang masiguro na walang mga sibilyan ang makapapasok sa teritoryo ng Vireo.Batid ni Prinsesa Aleyah na hindi na masyadong napagtutuunan ng pansin ng kaniyang ina ang kalagayan ng mga mamamayan dito kaya siya na ang nagkukusa. Sa tuwing siya ay dadalaw sa lungsod na ito ay palagi niyang naaabutan ang mga bata na naglalaro pero kapag nakita na siya ng mga ito ay biglang nagtatago ang mga bata pero nananatiling nasa labas ng bahay ang mga nakatatanda. Gayun pa man ay hindi ito pinapakialaman ng prinsesa dahil nakapokus lang siya sa kaniyang pakay. Naglibot siya sa buong lungsod upang magmasid.Noong araw na iyon ay kasama niya si Olrick at Tamara. Sa dami ng kaniyang tauhan ay si Olrick at Tamara ang madalas niyang isama.“Prinsesa, ganito ba talaga katahimik sa
Read more

Kabanata XIX: ANG SUSUNOD NA HARI

Ayon sa paniniwala ng mga taga-Vireo, ang susunod na pinuno ng kaharian ay nagpapakita ng mga palatandaan. Ngunit may isa silang pinaniniwalaan na tumutugma sa lahat ng mga naging hari at reyna na ng kaharian.Sinasabi na ang sinumang makakahuli ng isang Barameda ay ang siyang susunod na magiging pinuno ng kaharian. Ang Barameda ay isang uri ng hayop na kahalintulad ng usa, subalit ang ikinaiba lamang nito ay mayroon itong pakpak at kulay gintong kulay.Bagamat marami ang lahi ng hayop na ito sa kagubatan ay mailap ang mga ito at noong nabubuhay pa si Haring Vireo ay nagawa niyang makahuli ng dalawa nito noong siya'y binata pa at isa pa lamang prinsipe.Ang paghuli sa ganitong uri ng hayop ay kinakailangan ng pambihirang talino. Isang araw ay naisipang mangaso ni Prinsipe Zeus. Kasama niya ang magigiting na pinuno ng mga kawal na sina Aztec at Arum. Pero ang totoo ay nais lamang niyang umiwas sa pangalawa niyang kapa
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status