Home / All / Prinsesa Aleyah / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Prinsesa Aleyah: Chapter 1 - Chapter 10

53 Chapters

Mga Tauhan sa Kaharian ng Vireo

Haring Vireo – Siya ang namatay na hari ng Kaharian ng Vireo kung saan hango mismo sa kaniyang pangalan ang katawagan sa kaharian. Siya ang tinaguriang pinakamagiting sa lahat ng mga hari subalit siya ay napaslang sa isang digmaan ng isang nilalang na inakala niyang kaibigan. Simula nang siya ay mawala, ang kaniyang reyna ang namuno sa kaharian bagamat marami pa rin ang nangungulila sa kaniyang mahusay na pamumuno.Reyna Verina – Siya ang butihing reyna ni Haring Vireo na siyang namumuno ngayon sa kaharian. Isa rin siyang mapagmahal na ina sa kaniyang apat na maharlikang anak subalit walang dudang ang kaniyang tungkulin ang pinakamatimbang para sa kaniya. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng tubig.Prinsipe Zeus – Siya ang kaisa-isang prinsipe at panganay sa apat na magkakapatid. Isa siyang malupit na pinuno at mahusay na mandirigma. Matapang siya
last updateLast Updated : 2020-09-06
Read more

Kabanata I : ANG PAGSASANAY

Habang nagtatagisan ng husay ang magkapatid na sina Prinsipe Zeus at Prinsesa Alora ay marami ang nakapalibot at sumusubaybay sa kanila. Naroroon ang dalawang matipunong mandirigma na sina Aztec at Arum na halatang kampi kay Prinsipe Zeus ngunit hindi maitatangging mas marami ang tagasuporta ng sikat na si Prinsesa Alora at isa na roon ang amasonang si Talina na kanang kamay ni Duke Flavio.Halos lahat ng kawal ay nanonood at nasisiyahan sa nasasaksihang duwelo ng magkapatid na maharlika. Nagduduwelo ang magkapatid gamit ang espada. Sa umpisa ay dikit na dikit ang laban. Pawang parehong mahusay at walang gustong magpatibag. Nakakabilib ang lakas ng prinsipe at kahanga-hanga naman ang bilis ng prinsesa ngunit bawat atake ng prinsipe ay nasasalag ng prinsesa.“Tapusin mo na ang laban mahal na prinsipe!” sigaw ni Aztec sa di kalayuan. Malaki kasi ang tiwala niya kay Prinsipe Zeus na matalik
last updateLast Updated : 2020-09-06
Read more

Kabanata II : ANG MGA TAGAPAGTANGGOL

Samantala, sa kabayanang malayo sa kahit na anong kaharian ay naninirahan ang mga ordinaryong tao na bagamat simple ay may hindi pangkaraniwang pamumuhay.Mga tauhan sa mundo ng mga tao: Zuko - 20 taong gulang na lider ng isang grupo.Marcus - 15 taong gulang at pinakabata sa grupo pero eksperto sa paggamit ng iba’t-ibang klase ng patalim. Cindy - 20 taong gulang. Mahusay siya sa paggamit ng lahat ng klase ng baril. Sara - 18 taong gulang. Magaling sa paggamit ng pana.Isang araw habang pabalik na si Zuko sa kanilang hide out ay may sumigaw na babae matapos hablutin ng isang lalaki ang dala niyang supot na may lamang mga pilak.“Magnanakaw! Magnanakaw! Tulong! Tulungan niyo ako!” aligagang sigaw ng isang matandang babae.
last updateLast Updated : 2020-09-06
Read more

Kabanata III : ANG MGA TAKSIL

Sa kabilang dako naman, sa Kaharian ng Vireo ay may isang sikretong silid sa kaharian na tanging ang mga traydor lamang ang nakakaalam. Tuwing hatinggabi ay nagkikita-kita sila roon upang magpulong. Isa lang ang kanilang layunin at iyon ay ang kunin ang trono sa reyna at alisin ang mga balakid sa kanilang plano.“Sigurado ba kayong walang nakahalata sa mga ikinikilos niyo?” alingawngaw ng boses ni Duke Flavio. Sinundan naman ito ng sagot ng kapatid ni Reyna Verina na si Centina.“At sino naman ang makakahalata? Ang aking kapatid na reyna? Masyado siyang abala sa pamumuno sa kaharian na dapat ay sa akin! Kaya siguradong hindi siya maghihinala.”“Baka ang ibig mong sabihin ay, na dapat ay sa atin!”“Kailan ba natin sasabihin kay Prinsesa Alora ang plano?&rdq
last updateLast Updated : 2020-09-06
Read more

Kabanata IV: SA LUGAR NG MGA KRIMINAL

Kinabukasan ay abala na ulit ang lahat. Ipinatawag naman ng reyna ang pangatlo niyang anak na si Prinsesa Manorah para sa isang misyon.“Ipinatawag mo raw ako ina, anong maipaglilingkod ko?”“Pumasok ka anak at maupo ka muna. Ngayong araw ay bibigyan kita ng misyon at naniniwala akong magagawa mo ito.”“Ano po iyon ina?”“Nais kong magtungo ka sa Cariones na mas kilala sa tawag na kulungan ng mga kriminal. Nais kong siguruhin mong maayos ang seguridad at pagbabantay ng mga nakatalagang kawal doon. Magsama ka ng iyong mga tauhan at ilang kawal ng kaharian. Isama mo na rin si Althea dahil lubhang mapanganib ang inyong pupuntahan.” mahinahong usal ni Reyna Verina na agad namang tinanguhan ni Prinsesa Manorah.“Masusunod po ina.”
last updateLast Updated : 2020-09-06
Read more

Kabanata V : ANG PAGTATAGPO

"Kamahalan, saan pa kayo tutungo?" tanong ni Tamara nang mapansing humiwalay ng direksiyon si Prinsesa Aleyah."Mauna na kayo sa Vireo, may pupuntahan lamang ako.""Kung iyon po ang inyong nais, mag-iingat ka prinsesa."Ang totoo ay napukaw ang atensiyon ng prinsesa ng isang malaking usok na bumabalot sa kalangitan sa di-kalayuan. Agad siyang nagtungo sa pinanggagalingan ng maitim na usok hanggang sa makarating siya sa isang kabayanan. Ngayon lang siya napadpad sa lugar na iyon. Lubha itong malayo sa kaniyang pinagmulang palasyo. Doon ay napagtanto niya na napadpad na pala siya sa lugar ng mga ordinaryong tao kaya agad niyang inalis ang isang makinang na balabal na kaniyang suot upang maitago ang kaniyang pagiging maharlika at prinsesa.Ang usok na kaniyang nakita ay nagmumula pala sa isang nasusunog na bahay kung kaya't nagkakagulo ang mga tao. Kani-kaniy
last updateLast Updated : 2020-09-06
Read more

Kabanata VI : PANANABOTAHE

Samantala, nagkakagulo sa Palasyo ng Vireo dahil ang ilan sa mga tauhan ni Prinsipe Zeus ay nasawi sa pag-atakeng ginawa ng mga tauhan ni Prinsesa Alora. Sa ngayon ay hinihintay ng konseho ang pagdating ni Prinsesa Alora upang mapag-usapan ang gulong nangyari. Labis na nagwawala ang panganay na prinsipe sa mga kaganapan."Hindi ko mapalalagpas ang kalapastanganang ito. Paano niya nagawang ipag-utos na ipapatay ang ilan sa aking mga tauhan!""Mahal na prinsipe, mukhang labis talaga ang pagnanais ng iyong kapatid na mapabagsak ka!" dugtong ni Aztec."Ngunit kamahalan, sigurado ka na ba na ang mga tauhan nga ni Prinsesa Alora ang may kagagawan ng pag-atake?" tanong naman ni Arum, nais muna kasi niyang makasigurado bago magbigay ng konklusyon."Hindi na siya maaaring tumanggi dahil may mga saksi sa nangyaring pag-atak
last updateLast Updated : 2020-09-06
Read more

Kabanata VII : MGA USAP-USAPAN

Sa labas ng kaharian, kung saan naninirahan ang mga mamamayan ng Vireo ay laganap ang mga usap-usapan. "Nagkakagulo na sa loob ng palasyo at may hidwaan pa sa pagitan ng mga anak niyang prinsipe at mga prinsesa. Paano na ang ating lungsod kapag inatake na naman tayo ng mga bandido at mga kalabang kaharian?" nag-aalalang sambit ng isang matandang babae na malungkot namang dinugtungan ng kaniyang anak na lalaki."Malaking dagok ang kinakaharap ng ating kaharian magmula ng mamatay ang ating hari.""Sana lang ay huwag hayaan ng mahal na reyna na mismong ang kaniya pang mga anak ang magsimula ng digmaan, kumakalat at lumalaki na rin ang hidwaan sa pagitan ng apat niyang anak na maharlika." nadidismayang tugon ng isa pang lalaki. Hanggang sa dumami na ang mga nag-uumpukan."May isa pa akong nasagap na balita,
last updateLast Updated : 2020-09-06
Read more

Kabanata VIII : ANG MAGITING NA PRINSIPE NG VIREO

Kasalukuyang naglalakbay si Prinsipe Zeus at ang kaniyang pangkat kasama ang hukbo ni Duke Flavio. Ang kanilang misyon ay hanapin ang isang asul na diyamante na nagtataglay ng isang malakas na kapangyarihan. Marami ang nagsasabing kathang isip lamang ang diyamanteng ito, pero ang nagpatotoo ay ang namatay na si Haring Vireo. Naniwala si Prinsipe Zeus na nakita ito ng kaniyang ama noong ito ay nabubuhay pa. Kaya naman, kasama niya ngayon ang duke upang ito ay hanapin. Nagsama lang sila ng tig-dalawampung mahuhusay na mandirigma dahil ang totoo ay lubhang mapanganib ang kanilang misyon."Mahal na prinsipe, paano kung mahanap na natin ang diyamante, sino sa ating dalawa ang magmamay-ari nito?" tanong ni Duke Flavio sa prinsipe."Maaari tayong magkaroon ng kasunduan na kung sino ang unang makakita ang siyang mangangalaga at mag-aangkin sa diyamante.""Bwahahaha! Magandang ideya,
last updateLast Updated : 2020-09-06
Read more

Kabanata IX : HINALA

Samantala, sa Kaharian ng Vireo ay nagkaroon ng pag-uusap ang dalawang miyembro ng konseho. Ang mensaherong si Lancelot at ang kanang kamay ng reyna na si Luna."Ang ibig mo bang sabihin ay may mga taksil dito sa kaharian?" hindi makapaniwalang sambit ni Luna."Mukhang ganoon na nga. Hindi mo ba napapansin ang maraming pagbabago nang mamatay ang ating hari?""Maraming nagbago, Lancelot at inaamin ko na humina ang ating kaharian, pero wala naman akong napapansin na kakaiba bukod roon.""Hindi mo ba napansin ang hindi patas na paghahatol sa hukuman noong mga nakalipas na araw?""Sinasabi mo bang may mga taksil sa konseho na ating kinabibilangan?" nababahalang tanong ni Luna. Pabulong naman itong sinagot ni Lancelot.
last updateLast Updated : 2020-09-07
Read more
PREV
123456
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status