Samantala, sa kabayanang malayo sa kahit na anong kaharian ay naninirahan ang mga ordinaryong tao na bagamat simple ay may hindi pangkaraniwang pamumuhay.
Mga tauhan sa mundo ng mga tao:
Zuko - 20 taong gulang na lider ng isang grupo.
Marcus - 15 taong gulang at pinakabata sa grupo pero eksperto sa paggamit ng iba’t-ibang klase ng patalim.
Cindy - 20 taong gulang. Mahusay siya sa paggamit ng lahat ng klase ng baril.
Sara - 18 taong gulang. Magaling sa paggamit ng pana.
Isang araw habang pabalik na si Zuko sa kanilang hide out ay may sumigaw na babae matapos hablutin ng isang lalaki ang dala niyang supot na may lamang mga pilak.
“Magnanakaw! Magnanakaw! Tulong! Tulungan niyo ako!” aligagang sigaw ng isang matandang babae.
“Sandali lang manang, huwag ka munang mataranta! Saang dako ba pumunta 'yong magnanakaw?” tanong ng binatang si Zuko nang marinig niya ang paghingi ng tulong ng babae.
“Doon!" (sabay turo sa kanluran) "Bilisan mo habulin mo!”
“Paumanhin pero tinatamad pa ako manang. Mamaya na lang siguro kapag marunong ka nang makiusap.”
“Ano? Paano ako hihinahon nito? Tulong! Tulungan niyo ako, nanakawan ako!” lingap sa kanan at kaliwa habang patuloy sa pagsigaw ang matanda. Lingid sa kaniyang kaalaman na ang taong makakatulong sa kaniya ay nasa harapan na niya.
“Biro lang manang! O, sige ako na ang bahala.”
Mabilis na nagtungo si Zuko sa direksiyong itinuro ng ale. Lumiko siya sa dalawang kanto at doon niya naabutan ang isang batang lalaki. Mabilis niya itong naabutan.
Pagkatapos niyang makuha ang supot na may lamang pilak ay agad niyang tinalian ang mga kamay ng lalaki.
“Ang bilis mong tumakbo! Pinahirapan mo pa ako.” hinihingal na bulalas ni Zuko.
“Sino ka ba? Ibigay mo na sa 'kin ang mga pilak na iyan!”
“Bata, sa susunod na maiisipan mong magnakaw, huwag dito sa lugar ko pwede?”
“Sino ka ba sa inaakala mo!” matapang na tanong ng bata.
“Hindi na mahalaga kung sino ako. Basta kapag nakita ulit kitang nanggugulo rito, buong grupo ko na ang makakaharap mo.” pagbabanta ni Zuko.
“Bitiwan mo na lang ako!”
“Madali naman akong kausap. Pakakawalan kita kung mangangako kang hindi ka na ulit magnanakaw.”
“Oo na!”
“O sige bata, pagbilang kong tatlo wala ka na dapat sa harapan ko. Isa... dalawa…
(Bigla na ngang kumaripas ng takbo ang magnanakaw na para bang bula na bigla na lamang naglaho. Binalikan na ni Zuko ang ale na nanakawan at ibinigay ang nabawing supot ng pilak.)Samantala, sa kaharian ng Vireo ay maingay sa loob ng silid-pulungan. Bawat isa'y may kani-kaniyang kuro-kuro hindi pa man nagsisimula ang pulong.
Maya-maya'y dumating na si Reyna Verina kasama ang kaniyang kanang kamay na si Luna. Nagsitayuan ang lahat upang magbigay-galang.
“Naririto na ba ang lahat?”
“Marami pa ang kulang mahal na reyna. Wala pa ang inyong bunsong anak na si Prinsesa Aleyah at ang dalawa niyang mahuhusay na tauhan na palagi niyang kasa-kasama. Wala pa rin ang inyong panganay na anak na si Prinsipe Zeus at ang dalawangmandirigma ng palasyo na sina Aztec at Arum.” magalang na sagot naman ng mensaherong si Lancelot.
“Kung gayon, maghintay pa tayo ng kaunting oras." ani ni Reyna Verina kasabay ng pagpunta niya sa unahan.
“Ina, hindi ba't parang nakaiinsulto naman yata ang pagiging huli ni Aleyah! Hindi pa siya dumating sa tamang oras ng pagpupulong." naiinis namang
pahayag ni Prinsesa Alora.“Pagpasensiyahan mo na ang iyong bunsong kapatid Prinsesa Alora. Batid naman nating labis siyang abala.” pagtatanggol ng Punong konseho ng palasyo na si Carlile kay Prinsesa Aleyah.
“Marami siyang tauhan kaya bakit hindi na lang niya utusan ang kaniyang mga tauhang pinamumunuan. Napakalayas niya talaga!” saad muli ni Prinsesa Alora. Ang totoo ay hindi kasi talaga niya kasundo ang bunso niyang kapatid na si Prinsesa Aleyah.
“Huwag mo nang igaya pa sa 'yo si Aleyah, kapatid. Alam naman natin ang kakaiba niyang istilo ng pamununo.” kalmadong paliwanag naman ng ikatlong anak ng reyna na si Prinsesa Manorah.
Makalipas ang ilang minuto, dumating na sina Aztec at Arum.
“Mawalang-galang na kung nahuli kami ng dating mahal na reyna.” paumanhin na bungad ng matipunong si Aztec.
“Hindi na bale. Nasaan na nga pala si Zeus? Hindi siya maaaring mawala sa pagpupulong na ito.”
“Pinasasabi po ng mahal na prinsipe na hindi siya makararating sa pagpupulong sa kadahilanang masama po ang kaniyang kalagayan.” paliwanag naman ni Arum.
“At bakit? May nangyari ba sa aking anak?”
“Nagtamo po siya ng mga sugat mula sa naging pagsasanay nila ni Prinsesa Alora kanina.”
“Pagsasanay? Puntahan niyo siya sa kaniyang silid at sabihin niyong magtungo siya rito ngayon din kung ayaw niyang ako pa mismo ang
sumundo sa kaniya!”“Masusunod po kamahalan.”
Mabilis na lumabas ng silid-pulungan sina Aztec at Arum.
“Alora, hindi ba at pinagsabihan na kita na huwag mong tototohanin ang mga pagsasanay?”
“Pero ina, hindi ko naman alam na wala pa lang binatbat ang aking kapatid na prinsipe."
“Masyado kang mapagmalaki Alora pero kung hindi ka nga lang talaga mahusay ay ibababa ko ang ranggo mo.”
“Paanong ibababa ina? Mula ba sa pagiging prinsesa ay gagawin mo na lamang akong alipin o tagasilbi?” natatawang tugon ni Prinsesa Alora dahil mukhang hindi niya sineseryoso ang sinabi ng kaniyang inang reyna.
“Kung kinakailangan Alora, kaya h'wag mo akong susubukan.”
Hindi na sumagot si Prinsesa Alora dahil alam niyang may posibilidad na gawin nga ito ng kaniyang ina. Maya-maya'y may pumasok sa silid-pulungan… at iyon ay si Prinsesa Aleyah, kasama ang dalawa niyang mahuhusay na tauhan na sina Olrick at Tamara.
Nagbigay-galang sila sa reyna, pagkatapos ay naupo na agad sila sa kanilang
mga nakatalagang posisyon.“Aleyah, wala bang nakapagsabi sa 'yo na ngayong araw ay mayroon tayong pagpupulong?”
“Patawad ina subalit marami lang talaga akong inasikaso ngayong araw.”
“Bakit ba palagi ka na lang abala kapatid?” sabat ni Prinsesa Alora.
“Sapagkat maraming misyon ang iniatas sa 'kin ni ina.” tugon naman ni Prinsesa Aleyah.
“Gaano ba iyan karami at halos hindi ka na nakakapamalagi rito sa kaharian, Aleyah?”
“Hindi ba at iyon naman ang nais mo, Alora? Ang hindi tayo nagkikita. H'wag kang mag-alala at isasama kita sa mga susunod kong misyon para malaman mo kung gaano ako kaabala.”
“H’wag na lang dahil may sarili akong iniintindi.”
“Ganoon naman pala. Pwes! H'wag mong pakialaman ang sa akin!”
“Tama na ‘yan! Nandito tayo upang magpulong hindi upang magtalo.” pag-awat ng reyna sapagkat tila ba apoy na nagliliyab ang pangalawa at bunso niyang anak sa tuwing sila’y nagkakaharap.
Makalipas ang ilang segundo ay dumating na ang prinsipe kasunod si Aztec at Arum. Napansin ng lahat na iika-ikang maglakad ang prinsipe.
“Punong konseho Carlile, maaari mo nang pangunahan ang pulong.”
“Ngayon din kamahalan”
Nakaupo na ang lahat at nakatakda nang mag-umpisa ang pulong.
“Nang dahil sa pagkamatay ni Haring Vireo, magkakaroon tayo ng mga pagbabago alinsunod sa kautusan ng reyna. Bagamat namatay na ang pinakamagiting na hari ng ating kaharian ay hindi nangangahulugang hindi na tayo muling makababangon mula sa pagkakalugmok na ating nararanasan. Narito pa rin ang reyna upang pamunuan ang ating kaharian.” pasimulang sambit ng Punong konseho na si Carlile.
“Katulong ng mga konseho na kinabibilangan nina Carlile, Luna, Lancelot at Shanaya, naisipan naming magkaroon ng mga bagong patakaran tungo sa ikasasaayos muli ng ating
kaharian." dagdag naman ni Reyna Verina.“Lingid sa kaalaman ng lahat na magmula nang mamatay ang hari ay marami na ang mga kaharian na nag-asam na masakop ang ating teritoryo kaya’t napagkasunduan ng mga
konseho na ibaba sa edad na 15 ang mga mandirigmang maaaring makipaglaban." paliwanag muli ni Carlile at kita sa mukha ng iba ang pagkadismaya.“Mawalang-galang na punong konseho pero sigurado na ba kayo na sa edad na 15 ay kailangan na nilang matutong makipaglaban?” tanong ng ikatlong anak ng reyna na si Prinsesa Manorah.
“Sang-ayon ako sa alituntuning iyan. Wala namang masama kung matututo na silang makipaglaban sa murang edad.” seryoso namang bulalas ng bunsong si Prinsesa Aleyah.
Malinaw na taliwas ang kaniyang pahayag sa nais ng kapatid niyang si Prinsesa Manorah.“Subalit alam nating masyadong mabigat ang responsibilidad na nakaatang sa kanila sa oras na magsimula na silang magsanay.”
“Salamat sa iyong pag-aalala Prinsesa Manorah subalit ang alituntuning ito ay naipatupad na kaya wala nang maaari pang tumutol.” mahinahon namang sabi ni Carlile.
“Naiintindihan ko punong-konseho.”
“Ang pangalawang alituntunin ay may kinalaman sa paggamit ng kapangyarihan. Napagkasunduan na upang mabawasan ang malalang mga pinsala'y ipinagbabawal ang paggamit ng kapangyarihan sa loob ng kaharian kung hindi naman kinakailangan." karagdagang pahayag naman ng kanang kamay ng reyna na si Luna.
“Ano? Tumututol ako!” napatayo si Prinsesa Alora sa narinig.
“Hindi rin ako makapapayag!” ani naman ni Prinsipe Zeus.
“Ako naman ay sumasang-ayon!” naiibang sambit ni Prinsesa Aleyah.
Naiinis na napatingin si Prinsesa Alora kay Prinsesa Aleyah.
“Tumigil ka nga Aleyah! Alam mo ba ang mga magiging problema sa oras na ipinagbawal ang paggamit ng kapangyarihan?”
“Problema? Wala namang magiging problema, Alora. Ang hirap kasi sa inyo, mahina kayo kapag hindi niyo ginamit ang inyong mga kapangyarihan.”
“Kagaya ng nabanggit kanina mga prinsipe at prinsesa, naipatupad na ang alituntuning ito kaya hindi na maaaring baguhin pa."
“Nais ng reyna at ng konseho na maipaalam agad ang mga karagdagang batas nang sa gayon, wala nang magtangka pang lumabag.” pagsasaad ni Luna.
“Paumanhin subalit, hindi ba dapat munang tanungin ang tagapagsanay ng kaharian na si Pinunong Althea kung sang-ayon ba siyang hindi siya gagamit ng kapangyarihan sa pagsasanay ng mga mandirigma? Tiyak na maraming magiging pagbabago sa istilo ng
kaniyang pagtuturo kaya nararapat na isaalang-alang ang kaniyang pananaw.” mungkahi ng isa pang mandirigma na si Olrick.“Gaya ng sinabi ni Prinsesa Aleyah kanina, wala namang prolema kung mga sandata lamang
ang gagamitin sa pagsasanay. Mas makabubuti pa nga ito para masanay silang makipaglaban nang hindi umaasa sa kanilang kapangyarihan.” pagbibigay-diin ni Pinunong Althea.“Hindi ako makapaniwala! Isang malaking kalokohan.” bulalas muli ni Prinsesa Alora na sa tono ng pananalita'y para bang gusto na niyang maghimagsik.
“Tama! Isa talagang malaking kalokohan! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana pala ay ginamitan na kita ng elemento ng lupa kanina sa pagsasanay, Alora.”
“Gamitin mo man o hindi ang kapangyarihan mo kapatid kong Zeus, pareho lang naman ang
resulta.”“Kung hindi ka lang talaga nandaya Alora! Ako sana ang panalo.”
“Itigil niyo na ang pagtatalo hinggil sa walang kabuluhang mga bagay.” muling pagsabat ni Reyna Verina.
Gayun pa man, si Lancelot naman ang nagsaad ng sunod na patakaran.
“Ang kasunod na alituntunin ay bawal nang mahuli sa mga pagpupulong. Marami ang nasasayang na oras sa paghihintay pa lamang na makumpleto tayo kaya simula sa susunod nating pagpupulong ay mag uumpisa na ang patakarang ito.”
“Hahaha! Mukhang para sa 'yo pala Aleyah ang patakarang iyon.”
“Hays, mukhang ganon na nga Alora, pero 'wag kang mag-alala dahil hindi na ako mahuhuli sa susunod para naman masira ko ang araw mo.”
Habang nagtatalo at nag-aasaran si Prinsesa Alora at Prinsesa Aleyah ay tahimik lang at ayaw makisali ni Prinsesa Manorah dahil sa kanilang apat na magkakapatid ay siya ang pinaka mapagpasensiya.
“Nawa'y wala nang lumabag sa mga batas na naipatupad ngayong araw dahil ang bawat paglabag ay may
kaparusahan depende sa bigat ng nagawang kasalanan. Asahan niyong magiging patas ako sa pagbibigay ng parusa." wika ng tagapaghatol na si Shanaya.Habang sa kabayanan naman, sa lugar ng mga tao ay nakabalik na si Zuko sa kanilang hide out.
Nang biglang nagulantang ang lahat nang humahangos na pumasok sa pinto ang pinakabata nilang miyembro na si Marcus.
“M-mga ka-hha-kasama! Nandiyan na naman si-hhh-la.”
“Ano? Sinong sila?” napatayo si Cindy.
“Sh-sino pa ba, edi yung grupong pa-hh-laging nanggugulo rito.”
(Agad sumilip sa bintana si Zuko at nakita niya ang grupo ni Lazaro na palaging nanggugulo sa kanilang lugar, kasabay ng paglipad ng mga bote at malalaking tipak ng bato na tumama sa gusaling
kanilang kinaroroonan.)“Humanda na kayo! Pinapaulanan na nila tayo.” sigaw ng lider ng ZAMORA na si Zuko.
“Ah talaga? Edi paulanan din natin sila ng bala!” agad kumuha ng baril si Sara.
“Sara, bitawan mo muna ‘yang baril na hawak mo. Ayokong dumanak ang dugo sa sarili nating teritoryo.”
“Palagi ka na lang nakatutol, Zuko! Sige bahala kayo sa gusto niyong gawin! Hihintayin niyo pa bang pasukin tayo ng mga siraulong ‘yan!” galit na tugon ni
Sara.(Lumapit naman si Cindy kay Sara at agad hinablot ang baril na nasa kamay nito).
“Ako dapat ang humahawak ng baril sa 'tin dahil ako ang mas bihasa.”
“Talaga lang ha? Patunayan mo nga.” mapang-asar na hamon ni Sara kay Cindy.
(Lumapit naman sa may bintana si Cindy at tinutukan ang mga lalaking nasa labas ng hide out nila habang may sinisipat.)
“Cindy pati ba naman ikaw? Hays ang hirap talagang pigilan ng mga babae.” padabog na
reklamo ni Zuko.Umalingawngaw ang limang sunod-sunod na putok ng baril na pinakawalan ni Cindy na ikinabulahaw ng mga lalaking nag-aabang sa kanila. Kaya agad na napaatras ang mga kalalakihan.
“Iyon na 'yon Cindy? Wala ka namang tinamaan? Nag-aksaya ka lang ng bala.” pagmamaliit ni Sara.
“Huwag kang hangal! Sinadya ko iyon. Ayoko namang paglinisin na naman si Zuko kapag dumanak na naman ang dugo dito.”
“Kalokohan. Kung nangyari man iyon, si Marcus ang paglilinisin ko dahil siya ang nagdala rito ng mga lalaking iyan.” sagot naman ni Zuko subalit sa labis na pagkatuwa ni Marcus
dahil umalis na ang grupo ni Lazaro ay hindi niya narinig ang sinabi ni Zuko.“Eh duwag naman pala ‘yung mga 'yon hahaha!”
“Babalikan ka nila Marcus, sigurado ako! Ano ba kasing atraso mo sa kanila?”
“Anong klaseng tanong ‘yan Kuya Zuko? Wala akong atraso sa kanila pero sa mga
mamamayan dito sa lugar natin, mayroon!"“At ano na naman bang ginawa nila?”
“Nanggulo na naman sila sa bayan. Nanira sila ng mga panindang gulay sa pamilihan. Hinahanap tayo ng mga ka-nayon natin para sana may magtatanggol sa kanila, pero gaya ng inaasahan, ako lang ulit ang dumating.” pagmamalaki ni
Marcus na tinapatan naman ni Zuko.“Abala rin ako kanina, ewan ko lang doon sa dalawa nating kasamang babae.”
“Nagpaparinig ba kayo?” nakapamewang na angal ni Sara.
“Kuya Zuko mukhang may tinamaan yata hahaha!”
“Oo nga e. Baka isa siya roon sa tinutukoy natin hahaha!”
“Tama na nga iyan. Ang mabuti pa Zuko at Marcus ay bumalik kayo sa pamilihan at tulungan niyo ang mga tao roon.” seryosong utos ni Cindy na hindi naging kaaya-aya sa pandinig ni Zuko.
“Teka, ako ang lider 'di ba? Ako dapat ang nag-uutos. Kaya ngayon Cindy at Sara, magtungo kayo sa pamilihan upang tulungan ang mga mamamayan sa pagliligpit ng kalat na ginawa ng
mga dayo kanina.”“Dali na! Kumilos na lang kayo. Aapat na nga lang tayo kaya huwag na tayong magturuan.”
“At ano namang gagawin niyo kung kami na naman ni Marcus ang kikilos?”
“Kami na ni Sara ang mag-iimpake ng mga gamit natin. Lilipat agad tayo sa lalong madaling panahon."
“Iyon lang?”
“O sige na. Kami na rin ni Sara ang maghahanda ng hapunan natin."
"Sige na nga! Lutuin niyo 'yong paborito ko hah. Marcus tara na!” ganadong bigkas ni Zuko.
Sa kabilang dako naman, sa Kaharian ng Vireo ay may isang sikretong silid sa kaharian na tanging ang mga traydor lamang ang nakakaalam. Tuwing hatinggabi ay nagkikita-kita sila roon upang magpulong. Isa lang ang kanilang layunin at iyon ay ang kunin ang trono sa reyna at alisin ang mga balakid sa kanilang plano.“Sigurado ba kayong walang nakahalata sa mga ikinikilos niyo?” alingawngaw ng boses ni Duke Flavio. Sinundan naman ito ng sagot ng kapatid ni Reyna Verina na si Centina.“At sino naman ang makakahalata? Ang aking kapatid na reyna? Masyado siyang abala sa pamumuno sa kaharian na dapat ay sa akin! Kaya siguradong hindi siya maghihinala.”“Baka ang ibig mong sabihin ay, na dapat ay sa atin!”“Kailan ba natin sasabihin kay Prinsesa Alora ang plano?&rdq
Kinabukasan ay abala na ulit ang lahat. Ipinatawag naman ng reyna ang pangatlo niyang anak na si Prinsesa Manorah para sa isang misyon.“Ipinatawag mo raw ako ina, anong maipaglilingkod ko?”“Pumasok ka anak at maupo ka muna. Ngayong araw ay bibigyan kita ng misyon at naniniwala akong magagawa mo ito.”“Ano po iyon ina?”“Nais kong magtungo ka sa Cariones na mas kilala sa tawag na kulungan ng mga kriminal. Nais kong siguruhin mong maayos ang seguridad at pagbabantay ng mga nakatalagang kawal doon. Magsama ka ng iyong mga tauhan at ilang kawal ng kaharian. Isama mo na rin si Althea dahil lubhang mapanganib ang inyong pupuntahan.” mahinahong usal ni Reyna Verina na agad namang tinanguhan ni Prinsesa Manorah.“Masusunod po ina.”
"Kamahalan, saan pa kayo tutungo?" tanong ni Tamara nang mapansing humiwalay ng direksiyon si Prinsesa Aleyah."Mauna na kayo sa Vireo, may pupuntahan lamang ako.""Kung iyon po ang inyong nais, mag-iingat ka prinsesa."Ang totoo ay napukaw ang atensiyon ng prinsesa ng isang malaking usok na bumabalot sa kalangitan sa di-kalayuan. Agad siyang nagtungo sa pinanggagalingan ng maitim na usok hanggang sa makarating siya sa isang kabayanan. Ngayon lang siya napadpad sa lugar na iyon. Lubha itong malayo sa kaniyang pinagmulang palasyo. Doon ay napagtanto niya na napadpad na pala siya sa lugar ng mga ordinaryong tao kaya agad niyang inalis ang isang makinang na balabal na kaniyang suot upang maitago ang kaniyang pagiging maharlika at prinsesa.Ang usok na kaniyang nakita ay nagmumula pala sa isang nasusunog na bahay kung kaya't nagkakagulo ang mga tao. Kani-kaniy
Samantala, nagkakagulo sa Palasyo ng Vireo dahil ang ilan sa mga tauhan ni Prinsipe Zeus ay nasawi sa pag-atakeng ginawa ng mga tauhan ni Prinsesa Alora. Sa ngayon ay hinihintay ng konseho ang pagdating ni Prinsesa Alora upang mapag-usapan ang gulong nangyari. Labis na nagwawala ang panganay na prinsipe sa mga kaganapan."Hindi ko mapalalagpas ang kalapastanganang ito. Paano niya nagawang ipag-utos na ipapatay ang ilan sa aking mga tauhan!""Mahal na prinsipe, mukhang labis talaga ang pagnanais ng iyong kapatid na mapabagsak ka!" dugtong ni Aztec."Ngunit kamahalan, sigurado ka na ba na ang mga tauhan nga ni Prinsesa Alora ang may kagagawan ng pag-atake?" tanong naman ni Arum, nais muna kasi niyang makasigurado bago magbigay ng konklusyon."Hindi na siya maaaring tumanggi dahil may mga saksi sa nangyaring pag-atak
Sa labas ng kaharian, kung saan naninirahan ang mga mamamayan ng Vireo ay laganap ang mga usap-usapan."Nagkakagulo na sa loob ng palasyo at may hidwaan pa sa pagitan ng mga anak niyang prinsipe at mga prinsesa. Paano na ang ating lungsod kapag inatake na naman tayo ng mga bandido at mga kalabang kaharian?" nag-aalalang sambit ng isang matandang babae na malungkot namang dinugtungan ng kaniyang anak na lalaki."Malaking dagok ang kinakaharap ng ating kaharian magmula ng mamatay ang ating hari.""Sana lang ay huwag hayaan ng mahal na reyna na mismong ang kaniya pang mga anak ang magsimula ng digmaan, kumakalat at lumalaki na rin ang hidwaan sa pagitan ng apat niyang anak na maharlika." nadidismayang tugon ng isa pang lalaki. Hanggang sa dumami na ang mga nag-uumpukan."May isa pa akong nasagap na balita,
Kasalukuyang naglalakbay si Prinsipe Zeus at ang kaniyang pangkat kasama ang hukbo ni Duke Flavio. Ang kanilang misyon ay hanapin ang isang asul na diyamante na nagtataglay ng isang malakas na kapangyarihan. Marami ang nagsasabing kathang isip lamang ang diyamanteng ito, pero ang nagpatotoo ay ang namatay na si Haring Vireo. Naniwala si Prinsipe Zeus na nakita ito ng kaniyang ama noong ito ay nabubuhay pa. Kaya naman, kasama niya ngayon ang duke upang ito ay hanapin. Nagsama lang sila ng tig-dalawampung mahuhusay na mandirigma dahil ang totoo ay lubhang mapanganib ang kanilang misyon."Mahal na prinsipe, paano kung mahanap na natin ang diyamante, sino sa ating dalawa ang magmamay-ari nito?" tanong ni Duke Flavio sa prinsipe."Maaari tayong magkaroon ng kasunduan na kung sino ang unang makakita ang siyang mangangalaga at mag-aangkin sa diyamante.""Bwahahaha! Magandang ideya,
Samantala, sa Kaharian ng Vireo ay nagkaroon ng pag-uusap ang dalawang miyembro ng konseho.Ang mensaherong si Lancelot at ang kanang kamay ng reyna na si Luna."Ang ibig mo bang sabihin ay may mga taksil dito sa kaharian?"hindi makapaniwalang sambit ni Luna."Mukhang ganoon na nga. Hindi mo ba napapansin ang maraming pagbabago nang mamatayang ating hari?""Maraming nagbago, Lancelot at inaamin ko na humina ang ating kaharian, pero wala namanakong napapansin na kakaiba bukod roon.""Hindi mo ba napansin ang hindi patas na paghahatol sa hukuman noong mga nakalipas naaraw?""Sinasabi mo bang may mga taksil sa konseho na ating kinabibilangan?"nababahalang tanong ni Luna. Pabulong naman itong sinagot ni Lancelot.
Samantala sa Vireo ay payapa ang kalangitan. Nagpapahinga na ang lahat dahil gabi na maliban kay Prinsesa Aleyah na may malalim na iniisip. Kasalukuyan siyang nasa silid ng kaniyang namatayna ama. Sa pagdaan ni Carlile ay napansin niyang nakabukas ang pinto ng silid at nakita niya roon ang prinsesa."Mahal na prinsesa. Hindi ka pa ba magpapahinga?""Maya-maya ay magpapahinga na rin ako. Kayo po, bakit gising pa kayo?"malumanay na tanong ng bunsong prinsesa."Sapagkat nalaman kong wala ka pa sa iyong silid, alam mo namang ako ay nababagabag sa tuwing nakikita kong hindi ka pa natutulog ng ganitong oras.""Ganun po ba? Maaari mo ba muna akong samahan.""Oo naman anak. Ano ba ang iyong ginagawa sa silid ng iyong ama?""Wala lang, inaalala ko lang ang m
Samantala, habang nakikipagsapalaran pa sa loob ng kuweba si Prinsesa Aleyah, sa labas ng kweba naman ay naiwan ang kaniyang pangkat. Madilim na sa paligid kaya doon na rin mismo sa labas sila nag-ayos ng mga matutulugan at mapagpapahingahan. Tahimik silang lahat at halatang nag-aalala sila sa kanilang pinunong prinsesa. Lahat sila ay hindi maalis ang tingin sa bukana ng kweba at tila ba inaabangan ang paglabas ng prinsesa.“Nakakatawa nga naman oh, isang araw pa lang siyang nasa loob pero hindi na tayo makapaghintay na makita ulit siya.”
Kinabukasan sa Kaharian ng Nemitiko ay nagkaroon ng salu-salo kasabay ng magaganap na pagpupulong. Naroroon na ang Punong konsehong si Carlile at kanang kamay ng reyna na si Luna mula sa kaharian ng Vireo. Pati na rin si Heneral Lumid na kinatawan ng Arcansas, si Opelia na isang dakilang manghuhula, manggagamot at kanang kamay ng hari ng Ethero, gayundin ang dalawang mandirigma na sina Yozke at Ximuel mula naman sa Kaharian ng Moriones at ang iba pang mga kinatawan mula naman sa natitira pang 26 na kaharian. Isang Palasyo na lang ang hindi pa nagpapadala ng kinatawan para sa mahalagang pulong na gaganapin at iyon ay ang Palasyo ng Floresiana. Gayunpaman, ay sinalubong ng pamilya ni Haring Nemias ang kanilang mga panauhin na kinabibilangan ni Reyna Juliana kasama ang 3 nilang anak na diwata na sina Prinsesa Natalia, Prinsipe Juro, at Prinsesa Arabella na pa
Habang makalipas naman ang 30 minuto ay nakalabas na sa gubat ang pangkat ni Prinsesa Aleyah at tumambad sa kanila ang isang napakalaking kweba. Kung titingnan sa labas ay lubhang napakadilim sa loob nito. Kakaiba ang kwebang ito na naging dahilan upang mag-alangan silang pumasok. Napahinto sila habang pinagmamasdan ang labas ng kweba na tila ba korteng ulo ng dragon.“Mukhang hindi nagkataon na hugis ulo ng dragon ang kwebang iyan.” pabulong na usal ni Tamara na para bang sinasabi niyang ang lahat ng mga bagay sa paligid ay may dahilan at hindi nagkataon lamang.
Sa Emperyo ng Zaparya ay matunog naman ang pangalan ng mala-higanteng mandirigma na si Agor. Nakakatakot ang kaniyang itsura, hindi rin siya basta-basta masusugatan dahil ang kaniyang balat ay tila ba bakal sa sobrang tibay. Siya lang naman ang tinaguriang pinakamalakas na mandirigma sa lahat ng mga kaharian buhat ng kaniyang taglay na kalakihan, sa kasamaang palad ay mas pinili niyang umanib sa masamang emperyo ng Zaparya. Madalas siyang nasa tuktok ng Kaharian ng Zaparya upang magmasid. Pinaniniwalaang alam niya ang lahat ng nangyayari sa paligid sapagkat taglay rin niya ang pambihirang matatalas na mga mata.Isang araw, ipinatawag siya ng kaniyang haring si Clavar
Samantala, madaling araw sa malayong kaharian ng Vireo ay humahangos na pumasok ang mensahero ng kaharian na si Lancelot. Agad napansin ng lahat ng mga nasa kaharian ang kaniyang balisang pagdating.“Lancelot, ayos ka lang ba? Tila hindi ka yata mapakali.” tanong ng kanang-kamay ng reyna na si Luna.“Hu-huwag kayong mabibigla sa aking sasabihin.” hinihingal na tugon ng mensahero.
Sa Kaharian ng Zaparya naman ay nilapitan ng manghuhulang si Nisan ang prinsipeng si Roman.“Mukhang masaya ka ngayon mahal na prinsipe.”“Paanong hindi ako masisiyahan kung nang dahil sa ginawa kong pagpatay kay Heneral Wuhan ng Floresiana ay magiging magkaalitan ang kanilang kaharian at ang Moriones. Hahahaha!”
Sa Kabundukan ng Romanes naman ay patuloy ang paglalakbay ng pangkat ni Prinsesa Aleyah. Makalipas ang 3 araw ay nasunod ang plano ng prinsesa na sa loob dapat ng 3 araw ay naakyat na nila ang bundok na ito.Kasalukuyan na nilang kailangang malampasan ang Kagubatan ng Mariveles kung saan pinaniniwalaang ito ang tirahan ng matitinik na mga bandido. Sa ngayon, naglalakad ang pangkat ni Prinsesa Aleyah nang bigla na lamang siyang huminto sa paglalakad kaya napahinto rin ang kaniyang mga kasama.
Samantala, ang masayahing Palasyo ng Moriones ay nabalot ng pangamba. Ang kanilang mga kawal ay nasa labas ng kaharian at pinaghahandaan ang pag-atake mula sa kaharian ng Floresiana. Habang sa loob ay nagpupulong ang mga maharlika at may matataas na katungkulan sa pangunguna ng kanilang pinuno na si Haring Marino.“Hindi ko nais na sapitin ito ng ating kaharian. Patawad ngunit ang nagbabadyang digmaan ay hindi ko na mapipigilan.”
Habang sa malayong kaharian naman ng Floresiana ay nagkaroon nang malaking kaguluhan matapos umanong matagpuang patay sa kaniyang silid ang isa nilang matikas na heneral na si Heneral Wuhan.Nang siyasatin ito ng mga manggagamot at kawal ng Floresiana ay mayroon silang espadang natagpuan na may simbolo ng Palasyo ng Moriones. Agad nagpatawag ng pulong ang kanilang hari na si Haring Hernan.“Malinaw na may gustong iparating sa atin ang kaharian ng Moriones sa ginawa nilang pagpatay