Habang nagtatagisan ng husay ang magkapatid na sina Prinsipe Zeus at Prinsesa Alora ay marami ang nakapalibot at sumusubaybay sa kanila. Naroroon ang dalawang matipunong mandirigma na
sina Aztec at Arum na halatang kampi kay Prinsipe Zeus ngunit hindi maitatangging mas marami ang tagasuporta ng sikat na si Prinsesa Alora at isa na roon ang amasonang si Talina na kanang kamay ni Duke Flavio.Halos lahat ng kawal ay nanonood at nasisiyahan sa nasasaksihang duwelo
ng magkapatid na maharlika. Nagduduwelo ang magkapatid gamit ang espada. Sa umpisa ay dikitna dikit ang laban. Pawang parehong mahusay at walang gustong magpatibag. Nakakabilib ang lakas ng prinsipe at kahanga-hanga naman ang bilis ng prinsesa ngunit bawat atake ng prinsipe aynasasalag ng prinsesa.“Tapusin mo na ang laban mahal na prinsipe!” sigaw ni Aztec sa di kalayuan. Malaki kasi ang tiwala niya kay Prinsipe Zeus na matalik niya ring kaibigan.
“H'wag kang mainip Aztec! Nagsisimula pa lang ako.” mayabang na sambit naman ni Prinsipe Zeus habang buong lakas na iwinawasiwas ang kaniyang hawak na espada. Gusto talaga niyang talunin ang kaniyang pangalawang kapatid dahil hindi naman niya nais na mapahiya sa harap ng mga kawal at mandirigmang nakasubaybay sa kanila.
Umiinit na ang bakbakan bagamat sa ngayon ay tabla pa rin ang laban hanggang sa magsimula nang magseryoso si Prinsesa Alora. Kakaiba ang kaniyang mala kidlat na bilis na hindi masabayan ng prinsipe.
Hanggang sa ang prinsesa naman ang nagsimulang umatake at hindi ito nailagan ng prinsipe. Nasugatan sa braso si Prinsipe Zeus at napasigaw ang mga manonood. Agad namang nagpalitan ng kuro-kuro ang mga kawal.
“Kakaiba talaga ang husay ni Prinsesa Alora!"
"Kahanga-hanga talaga siya.”
“Tama ka at siguradong matatalo na naman niya ang kapatid niyang prinsipe.”
“Ngayon niyo lang ba iyan napagtanto? Hindi nakapagtatakang mas magaling siya sa kaniyang kapatid na prinsipe.” biglang sabat naman ng amasonang si Talina na isa sa mga tagasuporta ni Prinsesa Alora. Mabilis namang sinalungat ni Aztec ang kaniyang narinig mula sa amasona.
“Maghintay ka lang Talina…hindi pa tapos ang laban at sigurado akong mananaig si Prinsipe
Zeus.”“Para sa iyong kaalaman ay wala pang nakakatalo kay Prinsesa Alora dahil sanay siya sa
mga ganitong klase ng labanan.”“Pero mas sanay si Prinsipe Zeus sa pakikipaglaban sa dami na ng digmaan na kaniyang
pinamunuan.” sambit naman ng kapatid ni Aztec na si Arum.“Kung sa bagay, may punto ka naman Arum. Marami na siyang digmaang naipanalo ngunit bakit ang sarili niyang kapatid ay hindi man lang niya matalo-talo sa isang pagsasanay.”
“Ayusin mo ang pananalita mo Talina, kung ayaw mong tagpasin ng prinsipe ang iyong dila.” pagbabanta ni Aztec lalo pa at para sa mandirigmang kagaya niya ay mahalaga ang salitang
paggalang.“Tingin mo ba ay dapat ko siyang katakutan kung nasa panig ko naman si Prinsesa Alora?”
“Mawalang-galang na po mga mandirigma, pero panoorin niyo na lang po ang laban upang
matapos na ang inyong pagtatalo.” pakikialam naman ng isang tagapagsilbi. Nangangamba kasi siya sapagkat tila mas nagkakainitan pa ang mga nanonood kaysa sa magkapatid na nagtutunggali.Nagpapatuloy pa rin ang laban ng magkapatid. Hindi magkamayaw ang mga manonood ngunit nang dahil naman sa natamong sugat ay medyo bumagal ang galaw ng prinsipe.
“H'wag mong sabihing magagapi na naman kita kapatid! Palagi na lang kitang natatalo!" ani ni Prinsesa Alora habang patuloy sa pag-atake. Masyadong mataas ang tingin niya sa kaniyang sarili
kaya minamaliit niya ang kakayahan ng nakatatanda niyang kapatid na prinsipe.“Tama na ang satsat Alora!” pikon na tugon ni Prinsipe Zeus na sinabayan niya ng gigil na pagsugod kaya napaatras ng bahagya ang katunggaling prinsesa. Muntik na siyang tamaan ng matalim na espada ng prinsipe, mabuti na lang at nailagan agad ito ng prinsesa, ngunit makalipas ang ilang minuto ay napunta kay Prinsipe Zeus ang swerte nang napatalsik niya ang espada ng kapatid na tumilapon sa kinaroroonan ng mga manonood.
Gayun pa man ay patuloy na lumaban kahit walang armas ang prinsesa. Kahit walang gamit na espada ay nagawa pa ring dominahin ni Prinsesa Alora ang takbo ng laban subalit likas na malakas ang prinsipe kaya napatumba niya ang
prinsesa. Bago pa makabangon ang prinsesa ay tinutukan na siya ng espada ng kaniyang kapatid na prinsipe. Tuwang tuwa naman ang mga tagahanga ni Prinsipe Zeus dahil naaamoy na nila angtagumpay.“Sa wakas at nakabawi na rin ako sayo Alora!”
“Tama ang aking hinala. Nanalo nga si Prinsipe Zeus!” bulalas ni Aztec.
“Sigurado ka bang tapos na ang laban?” kampanteng tanong ni Prinsesa Alora. Kahit kailan talaga ay hindi siya kakikitaan ng takot sa mukha. Kung sa bagay, wala namang dapat ikabahala ang isang kagaya niyang hindi pa nakararanas ng kabiguan. Matapang naman ang naging sagot ng
panganay na prinsipe.“Sa tingin mo ba ay may magagawa ka pa? Sa sandaling gumalaw ka ay hindi ako magdadalawang isip na laslasin ang leeg mo gamit ang aking espada!”
Sandaling tumahimik ang lugar. Nakatutok pa rin ang espada ng prinsipe sa leeg ng prinsesa. Maya-maya ay nakialam ang amasonang si Talina. Kinuha niya ng tumalsik na espada ni Prinsesa Alora at ibinigay niya ito sa pamamagitan ng paghagis na agad namang nasalo ng prinsesa.
Masyadong mabilis ang pangyayari at umatake ulit si Prinsesa Alora. Nasugatan muli ang prinsipe sa binti kaya siya naman ang nawalan ng balanse at natumba. Sa puntong iyon ay ang mga tagasuporta naman ni Prinsesa Alora ang nagbunyi.
Labis na nagalit ang prinsipe sa pakikialam ni Talina gayun pa man
ay nahirapan na siyang tumayo sa lalim ng sugat na kaniyang natamo. Hindi pa siya sumusuko at may balak pa sana siyang sumugod nang dumating ang mensaherong si Lancelot na may dalang tagubilin.“Mayroon akong mensahe mula sa mahal na reyna. Prinsipe Zeus, Prinsesa Alora, Aztec, Arum at Talina…ipinapatawag na kayo dahil magsisimula na ang pagpupulong ano mang
oras, ang mga kawal at mga tagasilbi naman ay maaari nang bumalik sa kanilang mga posisyong nakatalaga dahil tapos na ang pagsasanay na ito.”“Gaano ba kahalaga ang pagpupulong na iyan para abalahin mo ang aming pagsasanay?” napipikong tanong ni Prinsipe Zeus habang dahan-dahang sinusubukang makatayo mula sa pagkakatumba kanina.
“Paumanhin mahal na prinsipe subalit labis daw po itong mahalaga ayon sa mahal na reyna.” walang emosyong pahayag ni Lancelot. Isa talaga siyang mahusay na tagapaghatid ng mensahe at balita.
“Tapos na ang pagsasanay kapatid. Mukhang hindi ka na naman makababawi sa akin. Lancelot, pakisabi kay ina na susunod agad ako sa silid-pulungan pagkatapos kong itabi ang
aking espada na wala pang bahid ng pagkatalo.” pagyayabang ni Prinsesa Alora upang lalong mainis ang kapatid niyang prinsipe.“Sa susunod nating paghaharap, hindi na uubra sa akin ang pandaraya mo.” sagot ni Prinsipe Zeus bago paika-ikang humakbang palayo. Agad naman siyang sinundan ni Aztec at Arum upang alalayan.
“Kung ganon ay aasahan ko iyan, talunan!” palabang sagot ni Prinsesa Alora. Umalis na rin si Prinsesa Alora at agad namang sumunod si Talina. Unti-unti nang nagsi-alisan ang mga manonood sa bahagi ng palasyo kung saan sila nagduwelo.
“Ikinalulungkot kong natalo ka na naman kamahalan.” malungkot na sabi ni Aztec.
“Hindi bale mahal na prinsipe, may susunod pa naman at makakabawi ka rin sa kaniya.” dagdag naman ni Arum.
“Ihatid niyo na ako sa aking silid at sabihin niyo sa reyna na hindi ako makakadalo sa pagpupulong dahil masama ang aking kalagayan. Huwag niyo ring kalilimutang papuntahin ang manggagamot sa aking silid.”
“Masusunod mahal na prinsipe!”
Samantala, sa kabayanang malayo sa kahit na anong kaharian ay naninirahan ang mga ordinaryong tao na bagamat simple ay may hindi pangkaraniwang pamumuhay.Mga tauhan sa mundo ng mga tao:Zuko - 20 taong gulang na lider ng isang grupo.Marcus - 15 taong gulang at pinakabata sa grupo pero eksperto sa paggamit ng iba’t-ibang klase ng patalim.Cindy - 20 taong gulang. Mahusay siya sa paggamit ng lahat ng klase ng baril.Sara - 18 taong gulang. Magaling sa paggamit ng pana.Isang araw habang pabalik na si Zuko sa kanilang hide out ay may sumigaw na babae matapos hablutin ng isang lalaki ang dala niyang supot na may lamang mga pilak.“Magnanakaw! Magnanakaw! Tulong! Tulungan niyo ako!” aligagang sigaw ng isang matandang babae.
Sa kabilang dako naman, sa Kaharian ng Vireo ay may isang sikretong silid sa kaharian na tanging ang mga traydor lamang ang nakakaalam. Tuwing hatinggabi ay nagkikita-kita sila roon upang magpulong. Isa lang ang kanilang layunin at iyon ay ang kunin ang trono sa reyna at alisin ang mga balakid sa kanilang plano.“Sigurado ba kayong walang nakahalata sa mga ikinikilos niyo?” alingawngaw ng boses ni Duke Flavio. Sinundan naman ito ng sagot ng kapatid ni Reyna Verina na si Centina.“At sino naman ang makakahalata? Ang aking kapatid na reyna? Masyado siyang abala sa pamumuno sa kaharian na dapat ay sa akin! Kaya siguradong hindi siya maghihinala.”“Baka ang ibig mong sabihin ay, na dapat ay sa atin!”“Kailan ba natin sasabihin kay Prinsesa Alora ang plano?&rdq
Kinabukasan ay abala na ulit ang lahat. Ipinatawag naman ng reyna ang pangatlo niyang anak na si Prinsesa Manorah para sa isang misyon.“Ipinatawag mo raw ako ina, anong maipaglilingkod ko?”“Pumasok ka anak at maupo ka muna. Ngayong araw ay bibigyan kita ng misyon at naniniwala akong magagawa mo ito.”“Ano po iyon ina?”“Nais kong magtungo ka sa Cariones na mas kilala sa tawag na kulungan ng mga kriminal. Nais kong siguruhin mong maayos ang seguridad at pagbabantay ng mga nakatalagang kawal doon. Magsama ka ng iyong mga tauhan at ilang kawal ng kaharian. Isama mo na rin si Althea dahil lubhang mapanganib ang inyong pupuntahan.” mahinahong usal ni Reyna Verina na agad namang tinanguhan ni Prinsesa Manorah.“Masusunod po ina.”
"Kamahalan, saan pa kayo tutungo?" tanong ni Tamara nang mapansing humiwalay ng direksiyon si Prinsesa Aleyah."Mauna na kayo sa Vireo, may pupuntahan lamang ako.""Kung iyon po ang inyong nais, mag-iingat ka prinsesa."Ang totoo ay napukaw ang atensiyon ng prinsesa ng isang malaking usok na bumabalot sa kalangitan sa di-kalayuan. Agad siyang nagtungo sa pinanggagalingan ng maitim na usok hanggang sa makarating siya sa isang kabayanan. Ngayon lang siya napadpad sa lugar na iyon. Lubha itong malayo sa kaniyang pinagmulang palasyo. Doon ay napagtanto niya na napadpad na pala siya sa lugar ng mga ordinaryong tao kaya agad niyang inalis ang isang makinang na balabal na kaniyang suot upang maitago ang kaniyang pagiging maharlika at prinsesa.Ang usok na kaniyang nakita ay nagmumula pala sa isang nasusunog na bahay kung kaya't nagkakagulo ang mga tao. Kani-kaniy
Samantala, nagkakagulo sa Palasyo ng Vireo dahil ang ilan sa mga tauhan ni Prinsipe Zeus ay nasawi sa pag-atakeng ginawa ng mga tauhan ni Prinsesa Alora. Sa ngayon ay hinihintay ng konseho ang pagdating ni Prinsesa Alora upang mapag-usapan ang gulong nangyari. Labis na nagwawala ang panganay na prinsipe sa mga kaganapan."Hindi ko mapalalagpas ang kalapastanganang ito. Paano niya nagawang ipag-utos na ipapatay ang ilan sa aking mga tauhan!""Mahal na prinsipe, mukhang labis talaga ang pagnanais ng iyong kapatid na mapabagsak ka!" dugtong ni Aztec."Ngunit kamahalan, sigurado ka na ba na ang mga tauhan nga ni Prinsesa Alora ang may kagagawan ng pag-atake?" tanong naman ni Arum, nais muna kasi niyang makasigurado bago magbigay ng konklusyon."Hindi na siya maaaring tumanggi dahil may mga saksi sa nangyaring pag-atak
Sa labas ng kaharian, kung saan naninirahan ang mga mamamayan ng Vireo ay laganap ang mga usap-usapan."Nagkakagulo na sa loob ng palasyo at may hidwaan pa sa pagitan ng mga anak niyang prinsipe at mga prinsesa. Paano na ang ating lungsod kapag inatake na naman tayo ng mga bandido at mga kalabang kaharian?" nag-aalalang sambit ng isang matandang babae na malungkot namang dinugtungan ng kaniyang anak na lalaki."Malaking dagok ang kinakaharap ng ating kaharian magmula ng mamatay ang ating hari.""Sana lang ay huwag hayaan ng mahal na reyna na mismong ang kaniya pang mga anak ang magsimula ng digmaan, kumakalat at lumalaki na rin ang hidwaan sa pagitan ng apat niyang anak na maharlika." nadidismayang tugon ng isa pang lalaki. Hanggang sa dumami na ang mga nag-uumpukan."May isa pa akong nasagap na balita,
Kasalukuyang naglalakbay si Prinsipe Zeus at ang kaniyang pangkat kasama ang hukbo ni Duke Flavio. Ang kanilang misyon ay hanapin ang isang asul na diyamante na nagtataglay ng isang malakas na kapangyarihan. Marami ang nagsasabing kathang isip lamang ang diyamanteng ito, pero ang nagpatotoo ay ang namatay na si Haring Vireo. Naniwala si Prinsipe Zeus na nakita ito ng kaniyang ama noong ito ay nabubuhay pa. Kaya naman, kasama niya ngayon ang duke upang ito ay hanapin. Nagsama lang sila ng tig-dalawampung mahuhusay na mandirigma dahil ang totoo ay lubhang mapanganib ang kanilang misyon."Mahal na prinsipe, paano kung mahanap na natin ang diyamante, sino sa ating dalawa ang magmamay-ari nito?" tanong ni Duke Flavio sa prinsipe."Maaari tayong magkaroon ng kasunduan na kung sino ang unang makakita ang siyang mangangalaga at mag-aangkin sa diyamante.""Bwahahaha! Magandang ideya,
Samantala, sa Kaharian ng Vireo ay nagkaroon ng pag-uusap ang dalawang miyembro ng konseho.Ang mensaherong si Lancelot at ang kanang kamay ng reyna na si Luna."Ang ibig mo bang sabihin ay may mga taksil dito sa kaharian?"hindi makapaniwalang sambit ni Luna."Mukhang ganoon na nga. Hindi mo ba napapansin ang maraming pagbabago nang mamatayang ating hari?""Maraming nagbago, Lancelot at inaamin ko na humina ang ating kaharian, pero wala namanakong napapansin na kakaiba bukod roon.""Hindi mo ba napansin ang hindi patas na paghahatol sa hukuman noong mga nakalipas naaraw?""Sinasabi mo bang may mga taksil sa konseho na ating kinabibilangan?"nababahalang tanong ni Luna. Pabulong naman itong sinagot ni Lancelot.
Samantala, habang nakikipagsapalaran pa sa loob ng kuweba si Prinsesa Aleyah, sa labas ng kweba naman ay naiwan ang kaniyang pangkat. Madilim na sa paligid kaya doon na rin mismo sa labas sila nag-ayos ng mga matutulugan at mapagpapahingahan. Tahimik silang lahat at halatang nag-aalala sila sa kanilang pinunong prinsesa. Lahat sila ay hindi maalis ang tingin sa bukana ng kweba at tila ba inaabangan ang paglabas ng prinsesa.“Nakakatawa nga naman oh, isang araw pa lang siyang nasa loob pero hindi na tayo makapaghintay na makita ulit siya.”
Kinabukasan sa Kaharian ng Nemitiko ay nagkaroon ng salu-salo kasabay ng magaganap na pagpupulong. Naroroon na ang Punong konsehong si Carlile at kanang kamay ng reyna na si Luna mula sa kaharian ng Vireo. Pati na rin si Heneral Lumid na kinatawan ng Arcansas, si Opelia na isang dakilang manghuhula, manggagamot at kanang kamay ng hari ng Ethero, gayundin ang dalawang mandirigma na sina Yozke at Ximuel mula naman sa Kaharian ng Moriones at ang iba pang mga kinatawan mula naman sa natitira pang 26 na kaharian. Isang Palasyo na lang ang hindi pa nagpapadala ng kinatawan para sa mahalagang pulong na gaganapin at iyon ay ang Palasyo ng Floresiana. Gayunpaman, ay sinalubong ng pamilya ni Haring Nemias ang kanilang mga panauhin na kinabibilangan ni Reyna Juliana kasama ang 3 nilang anak na diwata na sina Prinsesa Natalia, Prinsipe Juro, at Prinsesa Arabella na pa
Habang makalipas naman ang 30 minuto ay nakalabas na sa gubat ang pangkat ni Prinsesa Aleyah at tumambad sa kanila ang isang napakalaking kweba. Kung titingnan sa labas ay lubhang napakadilim sa loob nito. Kakaiba ang kwebang ito na naging dahilan upang mag-alangan silang pumasok. Napahinto sila habang pinagmamasdan ang labas ng kweba na tila ba korteng ulo ng dragon.“Mukhang hindi nagkataon na hugis ulo ng dragon ang kwebang iyan.” pabulong na usal ni Tamara na para bang sinasabi niyang ang lahat ng mga bagay sa paligid ay may dahilan at hindi nagkataon lamang.
Sa Emperyo ng Zaparya ay matunog naman ang pangalan ng mala-higanteng mandirigma na si Agor. Nakakatakot ang kaniyang itsura, hindi rin siya basta-basta masusugatan dahil ang kaniyang balat ay tila ba bakal sa sobrang tibay. Siya lang naman ang tinaguriang pinakamalakas na mandirigma sa lahat ng mga kaharian buhat ng kaniyang taglay na kalakihan, sa kasamaang palad ay mas pinili niyang umanib sa masamang emperyo ng Zaparya. Madalas siyang nasa tuktok ng Kaharian ng Zaparya upang magmasid. Pinaniniwalaang alam niya ang lahat ng nangyayari sa paligid sapagkat taglay rin niya ang pambihirang matatalas na mga mata.Isang araw, ipinatawag siya ng kaniyang haring si Clavar
Samantala, madaling araw sa malayong kaharian ng Vireo ay humahangos na pumasok ang mensahero ng kaharian na si Lancelot. Agad napansin ng lahat ng mga nasa kaharian ang kaniyang balisang pagdating.“Lancelot, ayos ka lang ba? Tila hindi ka yata mapakali.” tanong ng kanang-kamay ng reyna na si Luna.“Hu-huwag kayong mabibigla sa aking sasabihin.” hinihingal na tugon ng mensahero.
Sa Kaharian ng Zaparya naman ay nilapitan ng manghuhulang si Nisan ang prinsipeng si Roman.“Mukhang masaya ka ngayon mahal na prinsipe.”“Paanong hindi ako masisiyahan kung nang dahil sa ginawa kong pagpatay kay Heneral Wuhan ng Floresiana ay magiging magkaalitan ang kanilang kaharian at ang Moriones. Hahahaha!”
Sa Kabundukan ng Romanes naman ay patuloy ang paglalakbay ng pangkat ni Prinsesa Aleyah. Makalipas ang 3 araw ay nasunod ang plano ng prinsesa na sa loob dapat ng 3 araw ay naakyat na nila ang bundok na ito.Kasalukuyan na nilang kailangang malampasan ang Kagubatan ng Mariveles kung saan pinaniniwalaang ito ang tirahan ng matitinik na mga bandido. Sa ngayon, naglalakad ang pangkat ni Prinsesa Aleyah nang bigla na lamang siyang huminto sa paglalakad kaya napahinto rin ang kaniyang mga kasama.
Samantala, ang masayahing Palasyo ng Moriones ay nabalot ng pangamba. Ang kanilang mga kawal ay nasa labas ng kaharian at pinaghahandaan ang pag-atake mula sa kaharian ng Floresiana. Habang sa loob ay nagpupulong ang mga maharlika at may matataas na katungkulan sa pangunguna ng kanilang pinuno na si Haring Marino.“Hindi ko nais na sapitin ito ng ating kaharian. Patawad ngunit ang nagbabadyang digmaan ay hindi ko na mapipigilan.”
Habang sa malayong kaharian naman ng Floresiana ay nagkaroon nang malaking kaguluhan matapos umanong matagpuang patay sa kaniyang silid ang isa nilang matikas na heneral na si Heneral Wuhan.Nang siyasatin ito ng mga manggagamot at kawal ng Floresiana ay mayroon silang espadang natagpuan na may simbolo ng Palasyo ng Moriones. Agad nagpatawag ng pulong ang kanilang hari na si Haring Hernan.“Malinaw na may gustong iparating sa atin ang kaharian ng Moriones sa ginawa nilang pagpatay