Sa kabilang dako naman, sa Kaharian ng Vireo ay may isang sikretong silid sa kaharian na tanging
ang mga traydor lamang ang nakakaalam. Tuwing hatinggabi ay nagkikita-kita sila roon upangmagpulong. Isa lang ang kanilang layunin at iyon ay ang kunin ang trono sa reyna at alisin ang mgabalakid sa kanilang plano.“Sigurado ba kayong walang nakahalata sa mga ikinikilos niyo?” alingawngaw ng boses ni Duke Flavio. Sinundan naman ito ng sagot ng kapatid ni Reyna Verina na si Centina.
“At sino naman ang makakahalata? Ang aking kapatid na reyna? Masyado siyang abala sa pamumuno sa kaharian na dapat ay sa akin! Kaya siguradong hindi siya maghihinala.”
“Baka ang ibig mong sabihin ay, na dapat ay sa atin!”
“Kailan ba natin sasabihin kay Prinsesa Alora ang plano?” tanong ng amasonang si Talina.
“Wala munang kikilos sa inyo nang hindi ko sinasabi. Hindi pa tayo nakasisiguro kung talagang kakampi siya sa atin.”
“Ngunit Duke Flavio, base sa aking napapansin ay ayaw niya rin sa pamumuno ng kaniyang inang reyna.”
“H’wag kang mainip Talina. Huwag kayong magpadalos-dalos. Sa ngayon ay hindi dapat malaman ng iba ang ating balak na pagpapatalsik kay Reyna Verina. Ngunit kung totoo man na may dugong taksil din si Prinsesa Alora ay magiging malaking tulong siya sa atin sa pag-angkin sa kaharian.”
“Hahahahaha! Hahahahahaha!” bungisngis na tawa ni Centina na ikinainis ni Duke Flavio.
“At bakit ka tumatawa Centina?”
“Hahaha! Hindi mo ba naisip na kagaya mo ay sakim din sa kapangyarihan si Prinsesa Alora at ano sa tingin mo ang mangyayari kapag nagsama at nagtulungan ang dalawang sakim?”
“Siguradong mag-aagawan kami sa kapangyarihan sa bandang huli!”
“Alam mo naman pala duke! Kaya bakit ka pa umaasang magiging kaanib natin siya?”
“Bwahahahaha! Sa tingin mo ba ay hindi ko naisip iyan Centina? Kapag nagawa na ni Prinsesa Alora ang trabaho niya, uunahin ko na siyang patayin para hindi na siya makasagabal pa!”
“At sa palagay mo ba ay magiging madali iyon? Wala pang nakakatalo sa kaniya hindi ba? Kahit ang mga kapatid niyang maharlika ay hindi siya magawang talunin!”
“At paano mo nalamang hindi siya kayang talunin ng mga kapatid niya?”
“Hindi mo ba pinapanood ang mga laban niya, duqke? Natalo na niya ang lahat ng
mahuhusay na mandirigma ng Kaharian ng Vireo. Maging si Aztec at si Arum. Pati na rin ang iyong anak na tagapagsanay pa mismo ng mga mandirigma na si Althea. Maging ang dalawa niyang kapatid na sina Prinsipe Zeus at Prinsesa Manorah!”“Pero hindi naman sila ang tinutukoy ko na tatalo kay Alora!”
“At sino naman sa tingin mo ang iba pang makagagawa?”
“Sino pa ba kung 'di ang bunsong si Prinsesa Aleyah.”
“Si Prinsesa Aleyah? Pwede nga siguro. Pero masyado pa siyang bata para tapatan at matalo ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Prinsesa Alora.”
“Bagamat naiinis ako sa kaniya, inaamin kong mayroon siyang potensiyal. Marami ang nakaaalam na mahusay si Prinsesa Aleyah pero siya nalang ang hindi pa nakakaharap ni Prinsesa Alora sa mga tunggalian at paligsahan na isinasagawa sa kaharian tuwing ikaapat
na buwan, taun-taon.” paliwanag ni Talina.“Mukhang maganda nga na magtapat sila… tamang tama dahil hindi sila magkasundo at pareho rin silang pasaway na prinsesa.” dagdag muli ni Centina.
Maya-maya ay dumating pa ang isa nilang kasabwat, ang tagapaghatol na si Shanaya.
“Kumusta ang pagpaplano?”
“Maganda ang tinatakbo ng plano Shanaya kaya maghanda na kayo dahil malapit na nating maagaw ang kaharian sa reyna. Bwahahahhaha!”
“Magaling! Pero wag muna kayong magpakasaya dahil marami ang hadlang sa plano.” babala ni Shanaya sa mga kagaya niyang taksil na tinapatan kaagad ng tanong ni Centina.
“At sino ba sa tingin mo ang mga hadlang sa tagumpay natin?”
“Sa tingin niyo ba ay makukuha natin ang trono ng ganoon kabilis kung naririto pa ang apat na maharlikang anak ng reyna. Alam naman natin kung gaano sila kahuhusay at kagagaling kaya hindi natin sila maaaring maliitin.” paliwanag ni Shanaya na matibay namang sinang-ayunan ni Talina.
“Oo tama ka magagaling sila! Pero hindi sila magkakasundo hindi ba? At maaari nating gamitin iyon upang sila mismo ang magpatalsik sa isat-isa.”
“May punto ka Talina subalit baliktarin man natin ang mundo, magkakapatid pa rin sila at kahit gaano kalalim ang galit nila sa isat-isa, kapag usapang kaharian na, tatalikuran nila ang lahat maipagtanggol lamang ito.” ani ni Shanaya.
“Kaya nga ang plano ay isa-isa natin silang papatalsikin sa kaharian para hindi na sila makasagabal pa. Bwahahahahahah!”
Samantala, hindi pa natutulog ang espiya at mensaherong si Lancelot. Naisip niya munang magpahangin at lumabas. Subalit paglabas niya ng kaniyang silid ay nagtaka siya dahil sabay-sabay na lumabas sa isa pang silid sina Duke Flavio, Talina, Centina at Shanaya. Nagtaka siya nang makitang magkakasama ang apat sa ganoong oras kaya naisipan niyang sundan ang isa sa mga ito.
Napili niyang subaybayan si Centina na pawang pabalik na sa kaniyang silid. Ngunit nag-alangan siya noong una dahil ang silid ni Centina ay malapit sa silid ng reyna. Gayun pa man ay itinuloy niya pa rin ang pagsunod dito. Subalit sa kalagitnaan ng paglalakad ay bumalik si Centina na pawang may nakalimutan kaya ipinagpatuloy niya ang pagsunod sa kapatid ng reyna. Laking gulat niya nang makitang pumasok si Centina sa isang lihim na silid malapit sa pasilyo ng palasyo.
Samantala ay nasa silid naman ang reyna. Kasama niya ang kaniyang kanang kamay na si Luna.
“Luna”
“Ano po iyon kamahalan?”
“Maaari mo bang silipin ang aking mga anak? Nais ko lang masigurong sila ay nagpapahinga na.”
“Ngayon din po.”
Mabilis na sinunod ni Luna ang mahal na reyna pero laking gulat niya nang makabangga niya sa pasilyo ng palasyo ang mensaherong si Lancelot.
“Mabuti at nakita kita Luna. Mayroon akong natuklasan na hindi mo paniniwalaan!” pabulong at pinagpapawisang pahiwatig ni Lancelot.
“Maaari bang mamaya mo na iyan sabihin sa akin? Mayroon lang akong importanteng
gagawin na ipinag-utos ng reyna.”Umalis muna si Luna at sinunod agad ang utos ng reyna. Una niyang pinuntahan ang silid ni Prinsipe Zeus, kasunod ang kay Prinsesa Alora, sumunod ang kay Prinsesa Manorah at ang panghuli ay kay Prinsesa Aleyah. Pagkatapos ay binalikan niya si Lancelot kung saan niya ito huling
nakita subalit wala na ito roon kaya naman binalikan na niya ang reyna.“Mahal na reyna, si Prinsipe Zeus po ay nagpapahinga na dahil mukhang pagod na pagod po siya dahil gabi na rin siya dumating galing sa isang paglalakbay.”
“Ganun ba? Kumusta naman si Alora?”
“Si Prinsesa Alora po ay gising pa at inaayos niya ang kaniyang mga sandata.”
“Talaga iyang si Alora! Palagi na lang pakikipaglaban ang nasa isip.”
“Ang mayuming si Prinsesa Manorah naman po ay nagsusulat kagaya ng dati niyang paboritong gawin. Mukhang hindi rin po siya makatulog.”
“Mukang malalim ang iniisip ng aking pangatlong anak. Si Aleyah naman kumusta?”
“Wala po siya sa kaniyang silid mahal na reyna.”
“Hindi pa ba siya umuuwi mula kanina?” nag-aalalang tanong ni Reyna Verina.
“Nakita ko po siya kaninang nagtungo sa silid niya upang kumuha ng mga palaso pero umalis din po siya agad kasama ang kaniyang mga tauhan.”
“Talaga iyang si Aleyah! Misyon na lang palagi ang binibigyang-pansin!”
“H’wag po kayong mag-alala mahal na reyna. Kaya na po niya ang sarili niya. Napalaki niyo po ang inyong mga anak na marunong lumaban. Tiyak kong kaya nilang protektahan ang
kanilang mga sarili.”“Sana nga Luna…sana nga.”
“Maiwan ko na po kayo mahal na reyna upang makapagpahinga na po kayo.”
“Oh sige, maraming salamat Luna.”
Kinabukasan ay abala na ulit ang lahat. Ipinatawag naman ng reyna ang pangatlo niyang anak na si Prinsesa Manorah para sa isang misyon.“Ipinatawag mo raw ako ina, anong maipaglilingkod ko?”“Pumasok ka anak at maupo ka muna. Ngayong araw ay bibigyan kita ng misyon at naniniwala akong magagawa mo ito.”“Ano po iyon ina?”“Nais kong magtungo ka sa Cariones na mas kilala sa tawag na kulungan ng mga kriminal. Nais kong siguruhin mong maayos ang seguridad at pagbabantay ng mga nakatalagang kawal doon. Magsama ka ng iyong mga tauhan at ilang kawal ng kaharian. Isama mo na rin si Althea dahil lubhang mapanganib ang inyong pupuntahan.” mahinahong usal ni Reyna Verina na agad namang tinanguhan ni Prinsesa Manorah.“Masusunod po ina.”
"Kamahalan, saan pa kayo tutungo?" tanong ni Tamara nang mapansing humiwalay ng direksiyon si Prinsesa Aleyah."Mauna na kayo sa Vireo, may pupuntahan lamang ako.""Kung iyon po ang inyong nais, mag-iingat ka prinsesa."Ang totoo ay napukaw ang atensiyon ng prinsesa ng isang malaking usok na bumabalot sa kalangitan sa di-kalayuan. Agad siyang nagtungo sa pinanggagalingan ng maitim na usok hanggang sa makarating siya sa isang kabayanan. Ngayon lang siya napadpad sa lugar na iyon. Lubha itong malayo sa kaniyang pinagmulang palasyo. Doon ay napagtanto niya na napadpad na pala siya sa lugar ng mga ordinaryong tao kaya agad niyang inalis ang isang makinang na balabal na kaniyang suot upang maitago ang kaniyang pagiging maharlika at prinsesa.Ang usok na kaniyang nakita ay nagmumula pala sa isang nasusunog na bahay kung kaya't nagkakagulo ang mga tao. Kani-kaniy
Samantala, nagkakagulo sa Palasyo ng Vireo dahil ang ilan sa mga tauhan ni Prinsipe Zeus ay nasawi sa pag-atakeng ginawa ng mga tauhan ni Prinsesa Alora. Sa ngayon ay hinihintay ng konseho ang pagdating ni Prinsesa Alora upang mapag-usapan ang gulong nangyari. Labis na nagwawala ang panganay na prinsipe sa mga kaganapan."Hindi ko mapalalagpas ang kalapastanganang ito. Paano niya nagawang ipag-utos na ipapatay ang ilan sa aking mga tauhan!""Mahal na prinsipe, mukhang labis talaga ang pagnanais ng iyong kapatid na mapabagsak ka!" dugtong ni Aztec."Ngunit kamahalan, sigurado ka na ba na ang mga tauhan nga ni Prinsesa Alora ang may kagagawan ng pag-atake?" tanong naman ni Arum, nais muna kasi niyang makasigurado bago magbigay ng konklusyon."Hindi na siya maaaring tumanggi dahil may mga saksi sa nangyaring pag-atak
Sa labas ng kaharian, kung saan naninirahan ang mga mamamayan ng Vireo ay laganap ang mga usap-usapan."Nagkakagulo na sa loob ng palasyo at may hidwaan pa sa pagitan ng mga anak niyang prinsipe at mga prinsesa. Paano na ang ating lungsod kapag inatake na naman tayo ng mga bandido at mga kalabang kaharian?" nag-aalalang sambit ng isang matandang babae na malungkot namang dinugtungan ng kaniyang anak na lalaki."Malaking dagok ang kinakaharap ng ating kaharian magmula ng mamatay ang ating hari.""Sana lang ay huwag hayaan ng mahal na reyna na mismong ang kaniya pang mga anak ang magsimula ng digmaan, kumakalat at lumalaki na rin ang hidwaan sa pagitan ng apat niyang anak na maharlika." nadidismayang tugon ng isa pang lalaki. Hanggang sa dumami na ang mga nag-uumpukan."May isa pa akong nasagap na balita,
Kasalukuyang naglalakbay si Prinsipe Zeus at ang kaniyang pangkat kasama ang hukbo ni Duke Flavio. Ang kanilang misyon ay hanapin ang isang asul na diyamante na nagtataglay ng isang malakas na kapangyarihan. Marami ang nagsasabing kathang isip lamang ang diyamanteng ito, pero ang nagpatotoo ay ang namatay na si Haring Vireo. Naniwala si Prinsipe Zeus na nakita ito ng kaniyang ama noong ito ay nabubuhay pa. Kaya naman, kasama niya ngayon ang duke upang ito ay hanapin. Nagsama lang sila ng tig-dalawampung mahuhusay na mandirigma dahil ang totoo ay lubhang mapanganib ang kanilang misyon."Mahal na prinsipe, paano kung mahanap na natin ang diyamante, sino sa ating dalawa ang magmamay-ari nito?" tanong ni Duke Flavio sa prinsipe."Maaari tayong magkaroon ng kasunduan na kung sino ang unang makakita ang siyang mangangalaga at mag-aangkin sa diyamante.""Bwahahaha! Magandang ideya,
Samantala, sa Kaharian ng Vireo ay nagkaroon ng pag-uusap ang dalawang miyembro ng konseho.Ang mensaherong si Lancelot at ang kanang kamay ng reyna na si Luna."Ang ibig mo bang sabihin ay may mga taksil dito sa kaharian?"hindi makapaniwalang sambit ni Luna."Mukhang ganoon na nga. Hindi mo ba napapansin ang maraming pagbabago nang mamatayang ating hari?""Maraming nagbago, Lancelot at inaamin ko na humina ang ating kaharian, pero wala namanakong napapansin na kakaiba bukod roon.""Hindi mo ba napansin ang hindi patas na paghahatol sa hukuman noong mga nakalipas naaraw?""Sinasabi mo bang may mga taksil sa konseho na ating kinabibilangan?"nababahalang tanong ni Luna. Pabulong naman itong sinagot ni Lancelot.
Samantala sa Vireo ay payapa ang kalangitan. Nagpapahinga na ang lahat dahil gabi na maliban kay Prinsesa Aleyah na may malalim na iniisip. Kasalukuyan siyang nasa silid ng kaniyang namatayna ama. Sa pagdaan ni Carlile ay napansin niyang nakabukas ang pinto ng silid at nakita niya roon ang prinsesa."Mahal na prinsesa. Hindi ka pa ba magpapahinga?""Maya-maya ay magpapahinga na rin ako. Kayo po, bakit gising pa kayo?"malumanay na tanong ng bunsong prinsesa."Sapagkat nalaman kong wala ka pa sa iyong silid, alam mo namang ako ay nababagabag sa tuwing nakikita kong hindi ka pa natutulog ng ganitong oras.""Ganun po ba? Maaari mo ba muna akong samahan.""Oo naman anak. Ano ba ang iyong ginagawa sa silid ng iyong ama?""Wala lang, inaalala ko lang ang m
“Maaari ba akong makinig sa inyong pulong?” mahinahong tanong ng ikatlong prinsesa.“Oo naman anak. Pumasok ka rito.”“Mahal na reyna, nakababahala po ang nakita ni Lancelot. Ayon sa kaniya ay may mga bandido siyang nakita sa labas ng kaharian na wari niya’y nag-eespiya.” sambit ni Punong Carlile na pinatotohahan kaagad ng mensahero at espiyang si Lancelot.“Tama po iyon kamahalan, paano kung may binabalak na naman silang pag-atake? Ang ating pwersa ay hindi pa handa sa anumang uri ng pagsalakay.”“Ang malaking katanungan ay kung ano ang kanilang pakay sa ating kaharian.” usal naman ni Luna na tila ba malalim ang iniisip.“Marahil ay nais na naman nilang magnakaw. Kailangan nating mapaghandaan ang kanilang pagsugod nang hindi tayo na
Samantala, habang nakikipagsapalaran pa sa loob ng kuweba si Prinsesa Aleyah, sa labas ng kweba naman ay naiwan ang kaniyang pangkat. Madilim na sa paligid kaya doon na rin mismo sa labas sila nag-ayos ng mga matutulugan at mapagpapahingahan. Tahimik silang lahat at halatang nag-aalala sila sa kanilang pinunong prinsesa. Lahat sila ay hindi maalis ang tingin sa bukana ng kweba at tila ba inaabangan ang paglabas ng prinsesa.“Nakakatawa nga naman oh, isang araw pa lang siyang nasa loob pero hindi na tayo makapaghintay na makita ulit siya.”
Kinabukasan sa Kaharian ng Nemitiko ay nagkaroon ng salu-salo kasabay ng magaganap na pagpupulong. Naroroon na ang Punong konsehong si Carlile at kanang kamay ng reyna na si Luna mula sa kaharian ng Vireo. Pati na rin si Heneral Lumid na kinatawan ng Arcansas, si Opelia na isang dakilang manghuhula, manggagamot at kanang kamay ng hari ng Ethero, gayundin ang dalawang mandirigma na sina Yozke at Ximuel mula naman sa Kaharian ng Moriones at ang iba pang mga kinatawan mula naman sa natitira pang 26 na kaharian. Isang Palasyo na lang ang hindi pa nagpapadala ng kinatawan para sa mahalagang pulong na gaganapin at iyon ay ang Palasyo ng Floresiana. Gayunpaman, ay sinalubong ng pamilya ni Haring Nemias ang kanilang mga panauhin na kinabibilangan ni Reyna Juliana kasama ang 3 nilang anak na diwata na sina Prinsesa Natalia, Prinsipe Juro, at Prinsesa Arabella na pa
Habang makalipas naman ang 30 minuto ay nakalabas na sa gubat ang pangkat ni Prinsesa Aleyah at tumambad sa kanila ang isang napakalaking kweba. Kung titingnan sa labas ay lubhang napakadilim sa loob nito. Kakaiba ang kwebang ito na naging dahilan upang mag-alangan silang pumasok. Napahinto sila habang pinagmamasdan ang labas ng kweba na tila ba korteng ulo ng dragon.“Mukhang hindi nagkataon na hugis ulo ng dragon ang kwebang iyan.” pabulong na usal ni Tamara na para bang sinasabi niyang ang lahat ng mga bagay sa paligid ay may dahilan at hindi nagkataon lamang.
Sa Emperyo ng Zaparya ay matunog naman ang pangalan ng mala-higanteng mandirigma na si Agor. Nakakatakot ang kaniyang itsura, hindi rin siya basta-basta masusugatan dahil ang kaniyang balat ay tila ba bakal sa sobrang tibay. Siya lang naman ang tinaguriang pinakamalakas na mandirigma sa lahat ng mga kaharian buhat ng kaniyang taglay na kalakihan, sa kasamaang palad ay mas pinili niyang umanib sa masamang emperyo ng Zaparya. Madalas siyang nasa tuktok ng Kaharian ng Zaparya upang magmasid. Pinaniniwalaang alam niya ang lahat ng nangyayari sa paligid sapagkat taglay rin niya ang pambihirang matatalas na mga mata.Isang araw, ipinatawag siya ng kaniyang haring si Clavar
Samantala, madaling araw sa malayong kaharian ng Vireo ay humahangos na pumasok ang mensahero ng kaharian na si Lancelot. Agad napansin ng lahat ng mga nasa kaharian ang kaniyang balisang pagdating.“Lancelot, ayos ka lang ba? Tila hindi ka yata mapakali.” tanong ng kanang-kamay ng reyna na si Luna.“Hu-huwag kayong mabibigla sa aking sasabihin.” hinihingal na tugon ng mensahero.
Sa Kaharian ng Zaparya naman ay nilapitan ng manghuhulang si Nisan ang prinsipeng si Roman.“Mukhang masaya ka ngayon mahal na prinsipe.”“Paanong hindi ako masisiyahan kung nang dahil sa ginawa kong pagpatay kay Heneral Wuhan ng Floresiana ay magiging magkaalitan ang kanilang kaharian at ang Moriones. Hahahaha!”
Sa Kabundukan ng Romanes naman ay patuloy ang paglalakbay ng pangkat ni Prinsesa Aleyah. Makalipas ang 3 araw ay nasunod ang plano ng prinsesa na sa loob dapat ng 3 araw ay naakyat na nila ang bundok na ito.Kasalukuyan na nilang kailangang malampasan ang Kagubatan ng Mariveles kung saan pinaniniwalaang ito ang tirahan ng matitinik na mga bandido. Sa ngayon, naglalakad ang pangkat ni Prinsesa Aleyah nang bigla na lamang siyang huminto sa paglalakad kaya napahinto rin ang kaniyang mga kasama.
Samantala, ang masayahing Palasyo ng Moriones ay nabalot ng pangamba. Ang kanilang mga kawal ay nasa labas ng kaharian at pinaghahandaan ang pag-atake mula sa kaharian ng Floresiana. Habang sa loob ay nagpupulong ang mga maharlika at may matataas na katungkulan sa pangunguna ng kanilang pinuno na si Haring Marino.“Hindi ko nais na sapitin ito ng ating kaharian. Patawad ngunit ang nagbabadyang digmaan ay hindi ko na mapipigilan.”
Habang sa malayong kaharian naman ng Floresiana ay nagkaroon nang malaking kaguluhan matapos umanong matagpuang patay sa kaniyang silid ang isa nilang matikas na heneral na si Heneral Wuhan.Nang siyasatin ito ng mga manggagamot at kawal ng Floresiana ay mayroon silang espadang natagpuan na may simbolo ng Palasyo ng Moriones. Agad nagpatawag ng pulong ang kanilang hari na si Haring Hernan.“Malinaw na may gustong iparating sa atin ang kaharian ng Moriones sa ginawa nilang pagpatay