Kinabukasan ay maaliwalas ang araw na ito para kay Prinsesa Aleyah. Ito kasi ang unang araw na wala muna siyang kahit anong misyong gagawin.
Naisipan niyang magtungo sa silid-aklatan ng kaharian upang magbasa ng mga libro kagaya ng dati niyang ginagawa sa tuwing may libre siyang oras. Nang papasok na siya sa silid ay laking gulat niya sa kaniyang nakita. Sapagkat ang silid na dati ay punong-puno ng mga aklat ay halos wala na bagkus ay napalitan ng iba’t-ibang klase ng mga armas.
Halos hindi siya makagalaw sa inis habang pinagmamasdan ang buong silid nang sumulpot
sa tabi niya ang kapatid niyang si Prinsesa Alora.“Maganda ba ang bagong disenyo ng silid, kapatid?”
“Anong ginawa mo rito?” nanggigigil ngunit pabulong na sambit ni Prinsesa Aleyah.
“Di mo ba nagustuhan? Naisipan ko kasing alisin na ang mga libro
Sa kabilang ibayo naman, malayo sa Kaharian ng Vireo subalit malapit sa Kaharian ng Arcansas aymatatag na nakatayo ang isang kaharian na tinatawag na Zaparya. Ang kahariang ito ang pinakamarahas sa lahat ng kaharian kung kaya’t walang anumang palasyo ang nakikipag-alyansa rito.Marami nang nasakop na bayan ang emperyong ito at katunayan, ang Kaharian ng Zaparia ay binubuo ng tatlong pinagsama-samang palasyo na tinatawag na Zamora, Pardano at Yasuko. Ang kahariang ito ay pinamumunuan ng pinakamalupit na hari sa kasaysayan na si Haring Clavar. Siya rin ang haring nakapatay kay Haring Vireo ng Kaharian ng Vireo. 10 kaharian na ang kaniyang napabagsa
Kinabukasan ay nagkaroon ng biglaang pagpupulong na ang mismong duke ang nagpatawag. Naroroon ang lahat upang makiisa.“Anong problema Duke Flavio, bakit biglaan ang pulong na ito?”“Mahal na reyna, nagpadala ako ng hukbo sa Arcansas upang makipag-usap dahil may inialok ang hari ng Arcansas subalit hanggang ngayon ay hindi p
Samantala, sa kaharian ng Vireo ay nagulat ang lahat sa pagpasok ni Aztec dala ang isang balita.“Mahal na reyna, nakahuli ng magnanakaw ang mga kawal na nagbabantay sa kanluran ng kaharian.”“Magnanakaw? Papasukin niyo at aking kakausapin!”napatayo sa trono si Reyna Verina.
Samantala, sa paglalakad ng hukbo nina Duke Flavio at Prinsipe Zeus ay may nakadaupang-palad sila. Lingid sa kanilang kaalaman na nakarating na pala sila sa teritoryong mga amasona. Sa kanila kasing pagbaik ay pinili nilang dumaan sa ibang ruta. Gayun pa man, hindi sila masyadong nababahala dahil kasama nila si Talina na isa ring amasona. Subalit hinarang pa rin sila ng mga ito sa pangunguna ng tatlong babaeng amasona na sina Krishna, Sanya at Aryan.Krishna –Siya ang pinuno ng mga amasona. Wala siyang kinatatakutan at magaling siyang magpasunod.
Habang sa kaharian naman, kinagabihan ay hindi makatulog si Prinsesa Manorah kaya naisipan niya munang puntahan ang batang magnanakaw na nakakulong.Sa kaniyang paglalakad ay nakasalubong niya ang mandirigmang may gusto sa kaniya na si Aztec. Agad itong nagbigay-galang sa kaniya sa pamamagitan ng paglalagay niya ng kaniyang kamao sa dibdib sabay tungo."Ikaw pala Prinsesa Manorah. Saan ka patungo?"magalang na tanong ni Aztec.
Kinaumagahan ay muling nagtungo sa bilangguan si Prinsesa Alora at agad niyang napansin na mabilis na naghilom ang sugat ng batang si Bruno."Sino ang tumulong sa 'yo?""Ha? Wa-wala po.""Palagi mo na lang akong iniini
Pagkagaling sa presinto ay agad nagmaneho si Sheriff Luigi patungo sa isang abandonadong gusali upang tagpuin ang pangkat ni Lazaro. Bago nagmaneho ay sinigurado niyang walang sinuman ang nakasunod sa kaniya.Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na siya at agad pumasok. Sumalubong sa kaniya si Lazaro at ang mga tauhan nito.“Para kayong mga daga na tago nang tago pagkatapos gumawa ng krimen!”
Ang Emperyo ng Zaparya naman ay nababalot ng katahimikan hindi dahil isa itong mapayapang kaharian, kundi dahil ang palasyong ito ay nababalot ng kadiliman.Hindi literal na madilim ang kapaligiran nito kundi dahil sa pinaninirahan ito ng masasamang nilalang.Sa ngayon ay may nilulutong masamang plano ang mga taga-Zaparya. Gamit ang isang mahiwagang tubig at ang mahika ng mangkukulam na si Adelina ay nakikita nila ang mga pangyayari sa loob ng kaharian ng Vireo.
Samantala, habang nakikipagsapalaran pa sa loob ng kuweba si Prinsesa Aleyah, sa labas ng kweba naman ay naiwan ang kaniyang pangkat. Madilim na sa paligid kaya doon na rin mismo sa labas sila nag-ayos ng mga matutulugan at mapagpapahingahan. Tahimik silang lahat at halatang nag-aalala sila sa kanilang pinunong prinsesa. Lahat sila ay hindi maalis ang tingin sa bukana ng kweba at tila ba inaabangan ang paglabas ng prinsesa.“Nakakatawa nga naman oh, isang araw pa lang siyang nasa loob pero hindi na tayo makapaghintay na makita ulit siya.”
Kinabukasan sa Kaharian ng Nemitiko ay nagkaroon ng salu-salo kasabay ng magaganap na pagpupulong. Naroroon na ang Punong konsehong si Carlile at kanang kamay ng reyna na si Luna mula sa kaharian ng Vireo. Pati na rin si Heneral Lumid na kinatawan ng Arcansas, si Opelia na isang dakilang manghuhula, manggagamot at kanang kamay ng hari ng Ethero, gayundin ang dalawang mandirigma na sina Yozke at Ximuel mula naman sa Kaharian ng Moriones at ang iba pang mga kinatawan mula naman sa natitira pang 26 na kaharian. Isang Palasyo na lang ang hindi pa nagpapadala ng kinatawan para sa mahalagang pulong na gaganapin at iyon ay ang Palasyo ng Floresiana. Gayunpaman, ay sinalubong ng pamilya ni Haring Nemias ang kanilang mga panauhin na kinabibilangan ni Reyna Juliana kasama ang 3 nilang anak na diwata na sina Prinsesa Natalia, Prinsipe Juro, at Prinsesa Arabella na pa
Habang makalipas naman ang 30 minuto ay nakalabas na sa gubat ang pangkat ni Prinsesa Aleyah at tumambad sa kanila ang isang napakalaking kweba. Kung titingnan sa labas ay lubhang napakadilim sa loob nito. Kakaiba ang kwebang ito na naging dahilan upang mag-alangan silang pumasok. Napahinto sila habang pinagmamasdan ang labas ng kweba na tila ba korteng ulo ng dragon.“Mukhang hindi nagkataon na hugis ulo ng dragon ang kwebang iyan.” pabulong na usal ni Tamara na para bang sinasabi niyang ang lahat ng mga bagay sa paligid ay may dahilan at hindi nagkataon lamang.
Sa Emperyo ng Zaparya ay matunog naman ang pangalan ng mala-higanteng mandirigma na si Agor. Nakakatakot ang kaniyang itsura, hindi rin siya basta-basta masusugatan dahil ang kaniyang balat ay tila ba bakal sa sobrang tibay. Siya lang naman ang tinaguriang pinakamalakas na mandirigma sa lahat ng mga kaharian buhat ng kaniyang taglay na kalakihan, sa kasamaang palad ay mas pinili niyang umanib sa masamang emperyo ng Zaparya. Madalas siyang nasa tuktok ng Kaharian ng Zaparya upang magmasid. Pinaniniwalaang alam niya ang lahat ng nangyayari sa paligid sapagkat taglay rin niya ang pambihirang matatalas na mga mata.Isang araw, ipinatawag siya ng kaniyang haring si Clavar
Samantala, madaling araw sa malayong kaharian ng Vireo ay humahangos na pumasok ang mensahero ng kaharian na si Lancelot. Agad napansin ng lahat ng mga nasa kaharian ang kaniyang balisang pagdating.“Lancelot, ayos ka lang ba? Tila hindi ka yata mapakali.” tanong ng kanang-kamay ng reyna na si Luna.“Hu-huwag kayong mabibigla sa aking sasabihin.” hinihingal na tugon ng mensahero.
Sa Kaharian ng Zaparya naman ay nilapitan ng manghuhulang si Nisan ang prinsipeng si Roman.“Mukhang masaya ka ngayon mahal na prinsipe.”“Paanong hindi ako masisiyahan kung nang dahil sa ginawa kong pagpatay kay Heneral Wuhan ng Floresiana ay magiging magkaalitan ang kanilang kaharian at ang Moriones. Hahahaha!”
Sa Kabundukan ng Romanes naman ay patuloy ang paglalakbay ng pangkat ni Prinsesa Aleyah. Makalipas ang 3 araw ay nasunod ang plano ng prinsesa na sa loob dapat ng 3 araw ay naakyat na nila ang bundok na ito.Kasalukuyan na nilang kailangang malampasan ang Kagubatan ng Mariveles kung saan pinaniniwalaang ito ang tirahan ng matitinik na mga bandido. Sa ngayon, naglalakad ang pangkat ni Prinsesa Aleyah nang bigla na lamang siyang huminto sa paglalakad kaya napahinto rin ang kaniyang mga kasama.
Samantala, ang masayahing Palasyo ng Moriones ay nabalot ng pangamba. Ang kanilang mga kawal ay nasa labas ng kaharian at pinaghahandaan ang pag-atake mula sa kaharian ng Floresiana. Habang sa loob ay nagpupulong ang mga maharlika at may matataas na katungkulan sa pangunguna ng kanilang pinuno na si Haring Marino.“Hindi ko nais na sapitin ito ng ating kaharian. Patawad ngunit ang nagbabadyang digmaan ay hindi ko na mapipigilan.”
Habang sa malayong kaharian naman ng Floresiana ay nagkaroon nang malaking kaguluhan matapos umanong matagpuang patay sa kaniyang silid ang isa nilang matikas na heneral na si Heneral Wuhan.Nang siyasatin ito ng mga manggagamot at kawal ng Floresiana ay mayroon silang espadang natagpuan na may simbolo ng Palasyo ng Moriones. Agad nagpatawag ng pulong ang kanilang hari na si Haring Hernan.“Malinaw na may gustong iparating sa atin ang kaharian ng Moriones sa ginawa nilang pagpatay