Agad ko namang pinunasan ng basang towel ang mukha ko at saka hinarap si Xalent na nakatayo sa may counter at naghihintay. Pisti! Nasa'n ba 'yong tatlo at walang tao sa counter?"A-ah... What is your order, Sir?" Tanong ko at pinilit na ngumiti, pero dama ko na ang panginginig ng labi ko. Kaya hindi ko magawang ngumiti ng maayos."Two boxes of cookies, and two cappuccino frappés," maikli niyang tugon at nag-iwas na nang tingin."Okay. Just wait, Sir. Maupo po muna kayo," sabi ko at inayos na ang order niya."Dienvel! Two cappuccino frappés, please..."Sumaludo naman siya, kaya medyo natawa ako. "Aye! Aye!" Nalagay ko na sa paper bag ang dalawang box ng cookies at hinihintay ko na lang ang frappé na ginagawa ni Dienvel. Medyo matagal si Dienvel kaya nilapitan ko na siya at tinulungan sa paggawa ng frappés. "Tagal mo," sambit ko at inumpisahan na ang paggawa."Sorry naman, boss. Baguhan lang." Natawa na lamang
Read more