Share

CHAPTER 28

last update Terakhir Diperbarui: 2020-09-14 12:00:49

Agad ko namang pinunasan ng basang towel ang mukha ko at saka hinarap si Xalent na nakatayo sa may counter at naghihintay. Pisti! Nasa'n ba 'yong tatlo at walang tao sa counter?

"A-ah... What is your order, Sir?" Tanong ko at pinilit na ngumiti, pero dama ko na ang panginginig ng labi ko. Kaya hindi ko magawang ngumiti ng maayos.

"Two boxes of cookies, and two cappuccino frappés," maikli niyang tugon at nag-iwas na nang tingin.

"Okay. Just wait, Sir. Maupo po muna kayo," sabi ko at inayos na ang order niya.

"Dienvel! Two cappuccino frappés, please..."

Sumaludo naman siya, kaya medyo natawa ako. "Aye! Aye!" 

Nalagay ko na sa paper bag ang dalawang box ng cookies at hinihintay ko na lang ang frappé na ginagawa ni Dienvel. Medyo matagal si Dienvel kaya nilapitan ko na siya at tinulungan sa paggawa ng frappés. 

"Tagal mo," sambit ko at inumpisahan na ang paggawa.

"Sorry naman, boss. Baguhan lang."

Natawa na lamang
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 29

    "Oh my goodness! I'm so excited na talaga sa wedding niyo, Aisie." Today is Wednesday at nandito kami ngayon, kasama ang ibang mga bridesmaid, sa pasukatan para sa susuotin namin sa kasal ni Aisie.Nakauwi na si Aisie kahapon at in-plano niya na ngayon na lang kami magpasukat ng gowns dahil next week na nga ang kasal nila, bale Huwebes gaganapin. Ako ang napili ni Aisie na maid of honor at si Deylia ay isa sa mga bridesmaid. Gusto sana ni Deyl na siya ang maid of honor, pero ayaw ni Aisie at ako ang gusto. Tinawanan ko pa nga ang pinsan ko."Let's go sa bistro mamaya," sabi ko at nakitang nanlaki ang mga mata ng pinsan ko."Woah! Meron?" Tumango na lamabg ako sa kaniya at nagulat pa nang hampasin niya ako. May Mali ba akong sinabi? Hindi ba at matuwa pa siya dahil iyon ang hinahanap-hanap niya. Kaloka rin talaga 'tong pinsan ko, eh. "Bakit ngayon mo lang sinabi?"Nag-kibit balikat ako. "Eh hindi ka naman nagtatanong."

    Terakhir Diperbarui : 2020-09-14
  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 30

    "Gosh! It fucking hurts!" Sigaw ko at napahawak sa ulo."Sino ba kasi 'tong naka-tatlong bote ng beer?" Napangisi pa siya. "In all fairness naman, ang cool mo kagabi, insan. Diri-diretso mong nainom 'yon? Really?"Sinamaan ko naman siya ng tingin at saka inirapan. "Shut up!"Bumaba na lang ako para magtimpla ng kape at nang kahit papaano ay mawala ang pisting hangover na 'to. Naabutan ko namang naghaharutan si Aisie at Dienvel, kaya napairap ako. Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso na sa kusina at nagtimpla na ng kape."Kumusta naman ang puso natin, teh?" Tanong ni Aisie at saka umupo sa tabi ko."Tumitibok pa, kaya buhay pa ako. Don't worry." Bigla naman niya akong kinotongan at halos mangudngod ko na ang labi ko sa mainit na kape. Kaloka! Muntik nang maluto ang labi ko. "Ano ba? Kitang umiinom ako dito. Kapag ako napaso dito, ibubuhos ko sa'yo 'to lahat."Sarkastiko naman siyang tumawa. "Mas magand

    Terakhir Diperbarui : 2020-09-14
  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 31

    "Here's your order. Thank you for patiently waiting." Iniabot ko naman sa kaniya ang paper bag at iniabot na ang bayad sa'kin na agad ko namang sinuklian."Thanks," sabi niya at umalis na. Napalingon naman ako sa mag-jowa nang mag-ngiting aso. "O, ano?""Teh... Wala, teh. Excited na akong ikasal." Napairap na lamang ako at bumalik na sa kusina para gumawa ng cupcakes. Lumabas na rin naman si Dey nang matapos na niya ang brownies.Tinawag ko naman si Madie at inutusan na bantayan ang cupcakes na nilagay ko sa oven at saka gumawa ng apat na frappés. Kumuha na rin ako ng brownies at inilagay sa babasaging pinggan. Lumabas na ako ng kusina at padabog na inilagay sa lamesa ang tray."Woah! Thank you, boss! Libre 'to 'di ba?" Napairap na lang ako sa sinabi ni Dienvel at saka naghila ng upuan sa tabi ni Deyl. Nangalumbaba ako habang pinanonood sila. At saka napabuntong-hininga at nakapag-isip-isip na. "Kain na! Gawa ko 'ya

    Terakhir Diperbarui : 2020-09-17
  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 32

    Alas-sinko pa lang ng madaling araw ay nagising na 'ko. Hindi ko alam kung nai-excite akong makita siya or hinahanda ko lang ang sarili ko. Ayaw ko na rin kasing maulit ang nangyari ten years ago. Hindi ko pa kasi matanggap na may iba na talaga at anak niya pa ang taong kinaiinisan ko, at ang taong mahal ng mahal ko.Mabuti nga si Rendein... Ang nanay at ang mahal ko ay kasama niya. Samantalang ako ay nag-iisa na lang at kung hindi pa mabait ang kapatid ni dad na si tita Aldleyie siguro ay nasa kangkungan na ako ngayon. That's why I am so thankful to her and her family. Sila ang naging pamilya ko nang iwan ako ni daddy.Napalingon ako sa tabi ko nang gumalaw si Dey. Inayos ko ang buhok ko't tumitig sa kaniyang nayayamot na. "Sleep ka muna. It's fucking early.""Hindi na ako makatulog." Napaupo naman siya at kinusot ang mga mata."Kahit tulog ako ay pakiramdam ko naririnig ko ang mga iniisip mo. Nagising tuloy ako." Natawa naman

    Terakhir Diperbarui : 2020-09-17
  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 33

    "Let's take a picture!" Masayang sabi ni Dey at tinawag ang photographer na in-pipicture-an ang ibang mga abay.Napailing na lamang ako habang pinanonood sila. Hindi naman kasi ako mahilig sa picture takings, kaya kahit na tinatawag—"Come on!" Sigaw ni Dey at hinila na ako palapit sa photographer.Napabuntong-hininga na lamang ako't nakitawa na sa kanila, kahit na medyo hindi ako komportable dahil hindi ko naman kilala ang lahat. Pumwesto kami sa nakasaradong pinto ng simbahan para makuhanan na ng litrato. Mayamaya ay dadating na si Aisie. Nasa loob na rin si Dienvel at kanina ay tinatawanan namin siya dahil hindi niya mapigilan ang mga luha niya. Sino naman kasi ang hindi maiiyak, kung ikakasal ka na sa taong mahal mo?"Vendel!" Sigaw naman ni Dey at agad akong hinila palapit kay Vendel."Woah! What now beautiful ladies? After how many fucking years ay ngayon lang tayo nagkita ulit."Hinampas ko naman siya sa braso. "Bi

    Terakhir Diperbarui : 2020-09-17
  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 34

    Nandito na kami sa venue at kasalukuyan akong nakasimangot habang tinititigan ang wine glass na nasa harapan ko. Paano ba naman kasi... Kasama namin si Xalent sa table. It is supposed to be me, Deylia and Vendel. But I was irritated when Deylia said na kasama namin siya sa table. No choice naman ako kundi ang um-oo or else ay baka magkagulo pa."Why are we so quite guys?" Mapaglarong tanong ni Deylia at saka napatingin sa akin at kay Xalent."Oo nga. Bakit ang tahimik mo, baby Lush?" Napatingin naman ako kay Vendel. Pati si Xalent ay napatingin din sa kaniya, kaya bigla siyang tumikhim. Napainom na lamang ako sa aking wine glass nang medyo makaramdam nang pagkailang at tila ba pamumuo ng tensyon. "I mean... Lushiane," he playfully said while grinning on Xalent. What's wrong with them?I heard my cousin's awkward laugh. "Come on! Huwag nga kayong sumimangot na dalawa diyan." Inirapan ko na lang siya at tuumingin sa emcee na ngayon ay

    Terakhir Diperbarui : 2020-09-17
  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 35

    Tulala lang ako habang hawak ang shot glass. Alas-otso na ng gabi at nanatili kaming magkakaibigan dito at iilang mga bisita para mag-inuman. Even Xalent is still here. Sana ay umuwi na lang siya dahil naaalala ko ang ginawa niya. Kaloka!"Naninibago ako kay baby Lushiane," malungkot na sabi ni Vendel kaya bigla akong napatingin sa kaniya."I'm not talkative person. And you know that.""You're quite serious, baby," sabi niya at napangisi. Napatalon naman ako sa gulat nang biglang hawakan ni Xalent ang baywang ko kahit na nakaupo. Napansin ko pang nagpigil ng tawa si Vendel at 'yong tatlong mga buang naman ay napaubo at napakunot ang noo. Pilit ko namang tinatanggal ang kamay niya sa baywang ko, pero sadyang hinihigpitan niya. Kaya wala akong magawa kundi ang padabog na laklakin ang alak na nasa shot glass ko."Don't drink too much," he whispered at me, kaya labis akong kinilabutanHe's so weird. Bakit ba 'to nagkakaganito? Is this for fun?

    Terakhir Diperbarui : 2020-09-17
  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 36

    Nang makapasok na kami sa bahay ay agad niya akong iniupo sa couch. He removed his black suit and tie, leaving with his white long sleeves. Tinupi niya naman ang sleeves hanggang sa kaniyang siko."What do you want?" Tanong niya habang nakatayo sa harapan ko."You." I smirked and saw his shocked faced and amusement."I mean... What do you want to eat or drink?" I laughed and pointed his lips. Para akong tanga na nakangiti at nagpapa-cute sa kaniya. Pero gustong-gusto ko ang ginagawa ko ngayon sa kaniya. He's adorable. "Shit! You want my lips?" Tumango naman ako."Why?""It's delicious. I want that," Wala sa sarili kong sagot at saka humiga sa couch."Unbelievable! I thought you hate me na?" He asked."I can't move on nga. And I didn't say I hate you! I said I love you." He smirked. "You said what?" Hindi makapaniwalang tanong niya at nilapit ang mukha niya sa mukha ko."I said... I love you," naiin

    Terakhir Diperbarui : 2020-09-17

Bab terbaru

  • Tasteless Price [FILIPINO]   EPILOGUE

    What is the happiest moment of my life? It is when he kneel down in front of me, holding a ring that will make me cry, and feel so much love and happiness in my whole existence. I never thought that crying can be a happy for me. Until that day came. Sa buhay ko ay madalas akong umiyak dahil sa pagkadapa, sa sakit, sa iniwan, at sa kahit ano pang nangyari at naranasan ko sa mga nakalipas na taon ng buhay ko. Lahat ng masasamang bagay na nangyari sa buhay ko ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak, umiyak dahil masakit at hindi ko na kayang harapin at danasin pa ang mga iyon. Pero sa pagkakataong ito? Wala akong ibang masabi kundi masaya ako at ibinuhos ko ang huling luha ko sa kaniya. Sa taong alam kong siya ang bubuo sa buhay ko, ang kokompleto sa'kin. "Will you marry me?" Agad akong napatakip sa aking bibig habang nakatulala sa kaniya. Ang sahig na niluluhuran niya ay p

  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 45

    Xalent Planze Nang banggitin ng doktor ang mga katagang 'yon ay halos manlumo ako. Tita is a soft hearted woman. She's very kind and of course, a loving mother. Kaya napakahirap sa'min ang masaksihan ang kalagayan niya't ang nais ko lamang ay sana may pag-asa pa, pero tila ba tadhana na ang nagsasabi na wala na. "H-hindi..." I heard my love and I hugged her so tight, at saka hinimas ang kaniyang likod para tumahan. Hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan. Masakit na nga sa'kin ang malaman na namatay si tita kahit na hindi niya ako kadugo. Kaya alam kong mas masakit sa kaniya ito dahil anak siya ni tita. Ilang taon silang hindi nagkaroon ng kahit anong komunikasyon. Masyadong naging matigas ang puso ni Lushhiane, at ginawa niya ang lahat para lamang hindi na sila mag-usap ulit. Pero sino ba naman ako para husgahan siya? Sisihin siya? Tao lang din naman siya at nasasaktan.

  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 44

    Nakaupo kaming tatlo at ang nasa gitna namin ay si Xalent habang hinihintay na lumabas ang doktor. Tumahan na rin ako, pero hindi pa rin ako mapakali. "Rendein." Napaangat kami ng tingin nang may magsalita. Lalaki siya, na sa tingin ko ay nasa edad lang ni daddy. Siya ata ang daddy ni Rendein at ang mahal ni mommy. Napatingin naman siya sa'kin na naging dahilan ng pagyuko ko. May kasama pa siyang batang babae na namumugto ang mga mata. Naramdaman ko naman siyang naglakad palapit sa'kin at umupo sa tabi ko. "Are you ate Lushiane?" Nagulat ako nang tanungin niya ako, kaya napalingon ako sa kaniya. Ang cute niyang bata. Sa tingin ko ay nasa five or seven years old na siya. Maputi rin siya at may pagka-brown ang bagsak niyang buhok. Medyo singkit ang mga mata niya at nakasuot ng pink na dress habang may hawak na teddy bear. Sumisinghot-singhot pa siya at tintigan ang mukha ko.

  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 43

    My lips started to tremble as I looked at him with so much questions in my eyes. I felt my heart hurt a little bit, at sobrang kaba na ang nadarama ko ngayon pa lang dahil sa kaniyang sinabi. "W-what happened?" Napatayo na ako at tuluyan nang nawala ang tama ng alak sa'kin. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari at bakit ako kinakabahan na tila ba masama ito. "Your mom... Sinugod siya sa hospital ngayon. Umiiyak si Rendein nang tumawag siya." "Puntahan natin siya... Puntahan natin, Xalent!" Nanginginig kong bulyaw sa kaniya at niyugyog ang braso niya. "Yes, baby. Huwag kang mag-alala, magiging maayos din si tita. Let's go to her," sabi niya't patakbo na kaming lumabas at sumakay ng sasakyan. Habang nasa loob ng sasakyan ay punong-puno ako ng katanungan sa aking utak. Nanginginig na rin ang mga kamay ko at unti-unti na rin

  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 42

    Nang humiwalay na sa'kin ang lalaking nanghalik ay agad ko siyang tinitigan. Kahit nahihilo na ako ay kita ko pa rin ang mukha niya kaya agad akong bumungisngis at nilapit ang bibig sa kaniyang tainga."Xalent," bulong ko at tatayo na sana ng mapaupo ulit. Damn this alcohol!"Let's go home," bulong niya.Tinulungan niya naman akong tumayo at hindi pa kami tuluyang nakakaalis ng biglang magsalita ang lalaki na kausap ko kanina."Saan mo siya dadalhin, bro?""Uuwi na kami ng grilfriend ko," Mariin na sabi ni Xalent kaya agad natameme ang lalaki."Woah?" 'Yun lang at iniwan na namin siya.Natatawa ko namang hinawakan sa pisnge si Xalent habang inaalalayan niya ako palabas. "Girlfriend?""Ayaw mo?" Agad naman akong umiling at kumapit sa braso niya."Gusto. Boyfriend na kita, ha! Doon tayo sa bahay natin." Natawa naman s

  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 41

    Dalawang linggo na ang lumipas at bigla na lang akong bumait kay Xalent. Parang biglang naglaho ang lahat ng hinanakit ko sa nakaraan at bumigay na sa kaniya. Pumayag na rin ako na ligawan niya ako.Gosh! I'm so marupok pala?After ng happenings sa café at sa site ay napagdesisyunan kong 'wag nang magpabebe pa. Naisip ko rin na wala namang mangyayari kung papayagan ko siyang manligaw. Pero na-bad trip ako no'ng pauwi na kami, pagkatapos ng lunch, dahil ang h*******k na 'yon ay nilagyan na naman ako ng hickey dahil naka-spaghetti straps daw ako. Todo tabon tuloy ako ng buhok ko sa leeg ko para hindi makita ni tita.Napakurap-kurap ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko, kaya agad ko namang sinagot ito dahil si Deylia ang tumatawag."Where are you?""Café.""Pupunta ako diyan at nasa eroplano na ako. Samahan mo ako sa bistro at maglasing tayo."Napakunot naman ang noo ko. Anong nakain nito't talagang gumastos para makapunta lang sa

  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 40

    Pagdating ko sa café ay agad kong sinuot ang apron ko't dumiretso ng kusina. Nasa counter naman si Xannie habang nagsi-serve naman si Madie.Inumpisahan ko nang magmasa para sa gagawin kong tinapay. Nang matapos ay inilagay ko na ito sa oven. Kumuha naman ako ng baso at gumawa ng kape. Medyo inaantok na rin kasi ako, kaya kailangan kong magising dahil marami pa ang dapat gawin."You're making me jealous."Inis ko namang nailapag ang kutsara na hawak ko at sinabunutan ang sarili. The hell! Why can't I forget that words from his mouth? Shit!"Ate? Bakit mo sinasabunutan ang sarili mo? Nga pala, may naghahanap po sa'yo. Nandiyan na naman ang love of your life mo, your jowa," mapagbirong sabi ni Xannie."Di ko nga sabi jowa 'yon. Sabihin mo wala ako." Napangisi na lamang siya at agad bumalik sa counter. Pasimple naman akong sumunod at itinago ang sarili sa pader para mapakinggan ang usapan nila."Wala raw po siya dito," inosenteng sabi n

  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 39

    Huwebes na ngayon at laking pasalamat ko na walang Xalent ang nanggulo ng dalawang araw. Naging busy na rin ata siya. Tsk! Buti naman. Inaayos ko ang aking sarili ngayon dahil may meeting about sa renovation. And bukas ay bibisitahin namin ni tita ang winery para tingnan kung may progress ba. Ayaw ko nga sanang pumunta pero kailangan dahil ako ang nagmamay-ari. Kaloka!I just wear my corporate attire at umalis na papuntang building. Pagdating ko ay dumiretso muna ako sa office at tinawag ang aking sekretarya."Can you send me a copy of the important events that I'm going to join this coming week?""Yes, Ma'am. I'm going to send it to your email, later." Tumango naman ako at hinayaan na siyang lumabas ng office.Nang ako na lamang ang mag-isa dito sa loob ay wala sa sarili akong sumandal sa swivel chair at pinaglaruan ang ballpen sa aking daliri. Nilagay ko naman ang isa kong kamay sa aking baba at nag-isip ng malalim.I opened m

  • Tasteless Price [FILIPINO]   CHAPTER 38

    Isang linggo na ang nakalipas, pero ang h*******k na si Xalent ay hindi pa rin ako tinatantanan. Kapag alam niyang mainit ang ulo ko ay sasadyain niyang bigyan ako ng halo-halo and leaving me with that damn hickey on my neck. Nasanay na rin ang magkapatid sa kaniya at natatawa sila sa tuwing pinapanood nila kami.Bakit ang landi ng isang 'yon? Si Deylia naman ay bumalik na sa Maynila for her work. Ang mag-asawa naman ay pumunta sa Singapore para sa honeymoon nila. Sana magka-anak na sila para may alagaan at pagkatuwaan naman ako at saka para mawala ang stress ko nang dahil sa pisting Xalent na 'to.Kaunti na lang talaga ay sisipain ko na siya papunta sa Mars. Ginugulo niya ang tahimik at payapa kong buhay, eh. "Two boxes of cookies please," sabi ni Xalent nang makarating siya ngayon."And please give me my babe," dagdag niya pa na naging dahilan nang pagkunot ng noo ko habang nilalagay sa paper bag ang order niya.I heard him chuckled when h

DMCA.com Protection Status