SA ILALIM NG GABING MADILIM, may nakatirik na maliit na bahay na gawa sa tabla at kahoy. Nakapuwesto ito malapit sa kakahoyan sapagkat ang lugar ay probinsiya. Tahimik. Napakalayo ng distansya ng bawat kabahayan kaya malabo ang iyong maririnig na kahit na anong tunog galing sa kapitbahay. Subalit, sa loob ng bahay na iyon, mauulinigan ang mga palahaw ng isang batang babae, kung saan sumasalungat ang ingay na nagawa nito, sa kapayapaan ng gabi. Ang batang babaeng iyon ay may napakapait na buhay."'Nay tama na po. Pakiusap—"Hindi na nito nagawang tapusin ang kaniyang sinasabi dahil pinalo ulit ng sariling ina ang kaniyang likod, gamit ang kahoy.
Read more